~❦~
Ciany's Point of View
Kinakabahan kong tinahak ang daan papunta sa venue ng Graduation Ball. Ginamit ko ang sasakyan ni daddy upang mapuntahan lamang si Kryo. Napapasulyap ako sa aking side mirror kung may sumusunod pa rin ba sa akin at tama nga ako sa hinala ko.
He's at it again!
I called Kryo over the phone at sinabi ko ang mga nangyayari ngayon. Ang pagkakaroon ko ng stalker ang isa sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito. My family is not aware of my situation because it's a secret between us, Kryo.
"What happened?" tanong niya na nilingon pa ang aking likuran.
Hindi ako kaagad nakasagot dahil kinakapos pa ako ng hininga kakatakbo papasok sa venue. "K-Kryo, I'm scared," nanginginig kong sinabi.
Kaagad kong niyakap si Kryo ng mahigpit dahil pinanghihinaan na ako ng tuhod. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil sa pagyakap ni Kryo pabalik sa akin. Siya lang ang meron ako ngayon.
I know, Kryo still cares.
Ilang minuto ang nakaraan ay niyaya niya na akong umuwi. Gusto ko pa man sanang makasama siya ng matagal pero ayokong galitin siya. Upang mapanatag ang kalooban ay hinawakan ko ang kanyang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit nang mapansin ang patuloy kong panginginig ay hinayaan niya lamang ako.
Kryo, when will you see me as a woman? Not as a pitiful girl or a childhood friend.
Aili's Point of View
Kahit gustong-gusto ng sumigaw at ilabas ang mga hinanakit, mas pinili kong magpunta sa basketball court malapit sa Auborne High.
Nakabukas ang ilaw at namataan ko rin ang bola ng basketball. Walang alinlangan ko itong pinulot at buong lakas na itinira. Hindi ko ito naipasok dahilan ng pagpatong-patong ng aking inis. Muli ko itong pinulot at nasa half court pa lamang ay itinira ko na ang bola.
Hindi ito pumasok kaya napasigaw na ako. Naiirita kong tinungo ang purse kong naitapon ko pala sa 'di kalayuan. Naghalungkat ako ng kung anong matulis na bagay ngunit wala akong nahanap.
Umupo ako sa maalikabok na lumang upuan at mabilis na binuksan ang mineral bottle na bitbit ko kanina. Ibinuhos ko ito sa aking mukha at ginamit ang laylayan ng aking gown upang alisin ang nakakairitang make up.
May biglang humapdi sa aking pisngi na binalewala ko lamang sa kagustuhang tanggalin ang pagkakatali ng aking buhok. Matapos ito ay sinubukan kong punitin ang aking gown na hindi ko nagawa dahil masyado itong makapal.
"You look frustrated, Ms. Tañedo. Mind if I join—"
Isang lalaki ang umagaw ng aking pansin. Ngayon ko lamang siya nakita at sigurado akong hindi pa kami nagkakilala kailanman. Pero bakit niya ako kilala?
"Umupo ka kung gusto mo. 'Di naman akin ang court na 'to," pagsusungit ko. Hindi ko na siya pinigilan nang umupo siya sa tabi ko.
"Do you need any help? I'm sorry but you look like sh*t right now," pag-amin niya. Napahawak siya sa kanyang batok at nag-aalinlangang tinitimbang ang magiging reaksyon ko.
"Gunting. Bigyan mo ako ng gunting." Inilahad ko sa harapan niya ang aking palad at tinaasan siya ng kilay.
"Hmm, interesting," he chuckled.
Umirap ako sa kanya at pagkatapos makuha ang kailangan ay wala ako sa sariling tumayo. Marahas kong pinutol ang aking gown na ikinatagpo ng kilay ng estranghero sa aking harapan. Kalauna'y nasulyapan ko ang pag-iling at ang pagkagat niya sa kanyang labi upang pigilan ang pagngiti.
"Wow, I didn't know you're this aggressive!" aniya na napapahalakhak na.
Sino ba ang lalaking 'to?
"Be careful you might hurt yourself. Akin na, ako na ang gagawa." Tumayo na rin siya pero hindi ko siya pinayagan.
"Ba't nakikialam ka? Sino ka ba at bakit mo ako kilala?" tanong ko na pansamantalang tinigilan ang paggupit.
"Oh, you can call me Shin and I saw your issues online. They're kinda popular, you know." Nagkibit siya ng balikat at tila nahiya nang masulyapan ang asar kong ekspresyon. "Being an aggressive daughter is not that bad," pambawi niya.
"Whatever," sabi ko sabay umirap sa ere.
Wala akong nagawa nang mapagtantong hindi ko nga abot ang nasa likurang parte ng gown. Hinayaan ko si Shin na tulungan ako and the thought of having someone right now, makes me calm down. Kahit papaano ay nakakahinga na ako ng maluwag.
"Umupo ka, Ms. Tañedo," nakangiting salaysay ni Shin. His smile is warm and the way he took care of me is overwhelming.
Kahit papaano, ramdam kong babae ako na kailangang pahalagahan.
Pagod na akong makipagsagutan kung kaya'y pinayagan ko siyang muli. Isa pa, masakit na rin ang paa ko para itaboy siya.
"You're a woman, and seeing you treat yourself like this pains me," ani Shin na abala na sa paglalagay ng bandaid sa aking pisngi. Ni hindi ko man lang napansin na nasugatan ako.
Inilahad niya rin sa harapan ko ang panyo niya upang mapunasan ko ng maayos ang madungis kong mukha. Kalaunan ay naghiwalay kami ng landas ng kapwa may ngiti na sa labi.
"Thank you, Shin," naibulong ko sa pagitan ng sunod-sunod na paghinga ng malalim.
I hope Kryo is as gentleman as you.
Mula sa gabing iyon at hanggang sa unang araw ng pasukan, hindi na nagparamdam ang nakakainis na si Kryo. Ni hindi man lang humingi ng tawad sa pag-iwan niya sa akin. Mas pinili niya kasing makasama ang Ciany na mahilig sa plastikan.
Nahagip ng mga mata ko ang tila naglalakad na yelong si Kryo. Tagpong-tagpo ang makapal niyang kilay na hindi mo gugustuhing lapitan. He's busy looking at his designs and sketches and seems so distant with everyone.
Tatawagin ko sana siya subalit hinila ako ni Ciany. Tinignan niya rin ang tinitignan ko at basang-basa ko sa ekspresyon niya ngayon ang pagkainis. Why? Wala na ba ang karapatang tumingin kay Kryo ngayon?
"Do you like him?" she confronted me at the hallway. Nawala na si Kryo sa paningin ko kaya siya naman ang aking hinarap.
"Ate Ciany, ano ba'ng klaseng tanong 'yan?" naiirita kong tanong na inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid. Nagbabakasakaling makawala ako sa mapang-akusang titig niya.
"Kryo mentioned that he can't be with me because of you. Pwede ba, Aili, tigilan mo na si Kryo? Nakakahiya ka alam mo ba 'yon?" she casually said it, like it's not upsetting to hear.
So, nagkakasama at nagkikita nga sila? Naiinis ako sa ideyang, hindi man lang nagpaparamdam si Kryo para humingi man lang tawad. Mas lalo pang dumagdag sa inis ko ang pekeng ngiti ngayon ni Ciany.
"Balak ko na nga sana siyang lubayan but seeing you so pathetic right now? You look frustrated... jealous, that's the word," panunuya ko sa plastic na si Ciany.
“Want a challenge?” N'ong una, gusto ko lang siyang galitin ngunit nang makita ang nakakaimbyerna niyang ngisi, sigurado na akong talunin siya. "Kung sino ang matalo, titigilan na si Kryo," I mumbled out of nowhere, kinda unsure of winning. Don't have any idea why I'm doing this for him.
Dahan-dahang napalitan ng galit ang kanyang mga ngiti. Kita ko ang pagdiin ng pagkakahawak niya sa kanyang bag. "What? You're challenging me? Are you kidding? Eh, halata namang mangungulilat ka at ayoko ring nagpapaiyak ng bata, Aili," banat niya na kahit papaano'y nanuot ng kaunti sa akin.
Yes, Ciany is right but I’m not a kid and...
"It's too early to tell," I smirked and left her pissed with my words.