Stay

1753 Words
Aili's Point of View "Tss, tara na nga." Inilahad ko sa harap niya ang aking kamay upang alalayan siyang tumayo. Tinitigan niya lang ito kaya nagsisi tuloy ako. Mapapahiya ako sa ginagawa niya. Hindi niya tinanggap ang kamay ko at mag-isang tumayo. Tinalikuran niya ako at nagsimulang humakbang subalit kalaunan ay tumigil din siya. "Your hands is too sweaty," aniya na tuluyang nagpainit ng aking ulo. Arte mo! Pinapahiya mo 'yong tao, hayop ka! "Arte mo eh uminom ka nga sa ininuman kong tubig kanina," nababanas kong bulong na hindi na nakipagtalo dahil sa nararamdamang pagod. Ilang minuto kaming tahimik na naglakad bago niya ito putulin gamit ang isang tanong. "Who's the guest you're talking about?That one from abroad?" he asked, curiously. "Ah, si Ciany Echavia. 'Yong pinsan ni Jairus. Balita ko lilipat na siya sa Zhenvalle University starting next semester," walang gana kong sagot na nagsisimula ng makaramdam ng gutom. "Is Eldritch and his friends going to show up?" tanong niya ulit na hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado siya sa kaganapan mamaya. Matapos siyang tanguan bilang sagot ay hindi na siya umimik pa at pumara na lamang ng taxi. May kakaiba akong napapansin sa ikinikilos niya ngayon ngunit baka pagod din siya tulad ko. "Paano mo pala nalaman na galing siyang abroad?" Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman sinabing galing si Ciany sa abroad, ah? "Dumaan muna tayo sa bahay. I need to change," pag-iiba niya sa usapan na mas lalong pumukaw ng kyuryusidad sa kaloob-looban ko. Pagdating sa bahay, nadatnan namin ni Kryo ang maingay naming garden. Nagkakasiyahan ang lahat at mukhang kumpleto pa ang mga kaibigan ni kuya Ae. Sa unang mesa ay ang parents ko na abalang nakikipag-usap sa parents ni kuya Jairus. Sa kabila naman ay ang nagtatawanang sila kuya Ae kasama ang mga kaibigan at ang napakagandang pinsan ni Jairus, si ate Ciany Echavia. "Aili! Bakit ginabi ka ..." Naiwan sa ere ang tanong ni kuya Aevan dahil sa nahagip ng mga mata niya sa aking likuran. "What is he doing here?" naguguluhan niyang tanong na nagpatahimik sa lahat. "Kryo?" salubong ni mommy kay Kryo na hindi ko talaga alam kung bakit pa sumama. "Good evening po, tita. Hinatid ko lang po pauwi si Aili," he reasoned out. Hinatid? Is that the right word? Sa pagkakaalala ko, gusto niya lang sumama para makikain at makiusyoso. Is he using me as an excuse then? Why and for what reason? Wala ako sa sariling umupo sa tabi ni kuya Keir. Kaharap ko si kuya Aevan na sobrang sama ng tingin kay Kryo. Tumabi siya sa akin at kaharap niya naman ngayon si Ciany na napapayuko. Kalauna'y ngumiti siya at bumaling sa akin pati na rin sa katabi kong titig na titig sa kanya. "How are you, Aili?" Ciany asked. "I'm fine." Hindi ko alam pero kulang na lamang ay makarinig ako ng kulisap sa pananahimik nila. Itong si Kryo rin hindi na natanggal ang tingin kay Ciany. It's kinda awkward. "I need to talk with you. In private," ani kuya Keir. Naguguluhan akong sumama kay kuya Keir. Nang nakalayo na kami ay nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. Wala akong kaide-ideya sa nangyayari. Ang alam ko lang ay crush ni kuya Aevan si Ciany dati pero okay na rin naman sila ngayon. "Why did you invite him here? Can't you see? Galit si Aevan sa kanya at baka mag-away pa ang dalawa." "Bakit naman sila mag-aaway?" "Do you know why their friendship ended? It's because of Ciany," paliwanag ni kuya Keir. "Naging sila ni Kryo kahit na alam niyang nililigawan ito ni Aevan." Nagulantang ako sa isiniwalat ni kuya Keir. I didn't know that Kryo is the one who backstabbed my kuya. "Dapat pala hindi na ako humingi ng pabor sa'yo. Nadala lang ako ng emosyon ko at nakalimutan kong hindi ka na dapat masali sa gulo. Layuan mo na siya, Ai." "Pero paano kayo ni Xylia? At saka hindi pa tapos ang deal namin." "Then end it, Ai. He can't be trusted. He might use you," pangungumbinsi niya sa akin. Napailing-iling ako dahil sa mga nalaman at dahil na rin sa natanto. Kaya ba nagiging maganda ang pakikitungo niya dahil nalaman niyang nakabalik na si Ciany? "I'll leave him alone kuya Keir pero tatapusin ko muna ang deal namin. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawa iyon," I concluded. Kita ko ang disappoinment sa mga mata ni kuya Keir. He tried to stop me but he can't do anything now that I've made up my mind. "I hope you don't fall inside a rabbit's hole," paalala niya. Ginulo niya ang buhok ko at kalauna'y bumalik na kami sa kinaroroonan nila kuya Ae. Why did you backstabbed your friend, Kryo? Is it really because of love? Wala na si Kryo sa kinauupuan niya kanina. I asked Eldritch about it at sabi niya ay hinahanap daw ako nito. Napansin ko ang tahimik at iritado kong kuya at ang pagkawala rin ng presensya ni Ciany sa tabi niya. "Are you looking for Kryo?" Ciany asked when I bumped into her. She looked away as I tried to meet her gaze. "At your sala." She smiled faintly before leaving me in awe. Nagtaka ako sa malungkot niyang ekspresyon at nanunubig na mga mata. Nag-usap kaya sila ni Kryo? Nahanap ko si Kryo hindi sa sala namin kun'di sa likuran ng aming bahay. Dahan-dahan akong lumapit dala-dala pa rin ang mga katanungang siya lamang ang makakasagot. I only have a week to discover it. "What took you so long?" Kryo asked while drinking a can of soda. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nalaman ko kanina. I'm stuck between hating him or hearing his side. "Why? You'll gonna hate me now because of my past?" It sounded bitter yet domineering. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Umupo lamang ako sa dulo ng bench upang hindi kami magkadikit. Nilingon ko siya at tila may kakaiba akong naramdaman nang magtama ang titig naming dalawa. I'm not obliged to listen to what he has to say but I can't help but stare at his soulful eyes. "Why did you lie to me, Kryo?" "I didn't." "Why did you let me court you then and agreed on that sickening deal? I know you're completely aware that I'm your ex bestfriend's sister!" Hindi ko mapigilang mainis dahil hindi man lang siya makikitaan ng pagsisisi sa ginawa niya kay kuya Ae. "You're an asshole for backstabbing my brother!" dagdag ko pa. Nanginig ako nang makitang hindi niya ito nagustuhan. Nakuha niya pang tupiin ang lata gamit ang kanyang kamay. Pinanlakihan ako ng mata dahil sa sugat na natamo niya mula rito. It's not that deep but it's bleeding and I hate it! Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pagngisi niya. He's smirking yet I saw how pain covered his eyes. It's bloodshot. "You're confusing me, Kryo! Sabihin mo sa akin ang totoo! Ano ba talaga ang ginawa mo? Sino ka ba talaga?" I am enraged with the fact na wala akong alam. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya gayong wala naman siyang sinasabi at hindi niya rin pinagtatanggol ang kanyang sarili. Gusto kong layuan siya sa mga oras na ito subalit huli na dahil sa biglaan niyang pagsikop sa akin. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig na siyang ikinatigil ko. His head is leaning on my shoulder to the point that I can feel his breath on my neck. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at nablangko ako bigla sa nangyari. "Yes I know who you are the first time you confronted me," pagsisimula niya. Gumalaw ako upang mailayo siya ngunit mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. "Let me stay like this for a moment. I can't face you," pag-amin niya. Para akong lantang gulay na hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Gustuhin ko mang magmatigas at itulak siya palayo ngunit gusto ko ring marinig ang dahilan niya. I wanted the truth right now. "Despite knowing you and your childish plans, I agreed with the deal. Ikaw lang naman kasi ang naglakas-loob na lumapit sa akin at mangulit ng todo. Everyone hates me or maybe just wanted to catch my attention for fame. Pero iba ka. Nananapak," he chuckled. Kinagat ko ang aking labi dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti. I know I'm letting my guard down but I just can't help it. "I took advantage of your vulnerability because I've found comfort in your innocence," he said, earnestly. Kryo raised his head and suddenly met my gaze. He gave me an ineffable feeling that will haunt me tonight. Pakiramdam ko ay lalayasan ako ng aking kaluluwa para mangibang planeta. Sa tanang buhay ko bilang titibo-tibo, ngayon lamang ako nakaranas ng ganito at sa kinaiinisan ko pa. "If you really want to know the answer to your questions about me and my past..." he breathed heavily before continuing. "Stay by my side until you decode it yourself." Sariwang-sariwa pa rin ang mga sinabi ni Kryo sa akin sa gabing iyon. Hindi ko na napansin na lumipas na ang isang linggo. Ngayon gaganapin ang Graduation Ball namin at ewan ko ba, hindi magkamayaw ang kaloob-looban ko sa isiping isasayaw ako ni Kryo mamaya. This is getting out of hand! I really hate dresses and make up but tonight, I wanna impress him. Nababaliw na nga siguro ako. Bakit ako nagkakaganito? Napangiti ako sa presensya niya sa 'di kalayuan. Nakaitim na tuxedo at tila may hinahanap. Bugnutin pa rin gaya ng dati na mas lalong nagpangiti sa akin. Kumaway ako para makita niya ako ngunit hawak niya na ang kanyang cellphone at sinagot ang kung sino mang tumatawag. Napansin ko ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon. Animo'y may masamang nangyari na nagbigay sa kanya ng iritasyon. Patakbo ko siyang sinundan palabas ng venue sa pag-aalala at natigilan nang makita kung sino ang kausap niya ngayon. Niyakap siya nito na animo'y natatakot. Kryo comforted her and pulled her away from this place. Magkahawak pa talaga sila ng kamay na naglakad palayo. Hindi ko napansin na may luha na palang bumaybay sa aking pisngi. Sa kaloob-looban ko nama'y tila may lamay na nagaganap. Bakit ako nasasaktan? Hindi na ito tama! "He told me to stay, yet Kryo chose to leave with her." Jerk! Nagngitngit ang aking tingin at halos dumugo na ang aking labi sa pagkagat ko rito. Naikuyom ko ang aking kamao sa pagkaasar. For a moment, I wish I was her; Ciany Echavia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD