~❦~
Aili's Point of View
"Few pages to go, mahal."
Para naman akong tangang awkward na tumawa. "Nice joke. 11/10!" sambit ko na natahimik pagkatapos at tumingin ulit sa aking medyas.
"Next time, kindly refrain from wearing those ugly socks. It's hurting my eyes," reklamo ni Kryo na ngayo'y isinasarado na ang aklat.
"Ugly? Ang ganda kaya. Palibhasa wala kang alam sa fashion," pag-irap ko sa kanya. Napangiti ako habang tinitignan ang aking mga medyas.
"Bukod sa maganda, napakamura pa. Akalain mo 'yon, forty pesos 'yong isa tapos buy two for one hundred pesos daw kaya dalawang pares binili ko. Malulugi sila sa katulad kong wais," pagmamayabang ko na nakuha pang taasan ng kilay si Kryo.
Napanganga siya sa sinabi ko at pagkatapos ay harap-harapan akong nilait. "Bobo," aniya sabay pulot ng supot at tumayo. "I can't take your stupidity," he murmured.
"Sinong bobo, ha? Dalawang pares ang nakuha ko. In total, one hundred sixty iyon!" pagtatanggol ko sa aking sarili.
Problemado niya akong dinapuan ng tingin. "Expected na by pair na ang medyas. Kung dalawa ang binili mo, dapat eighty pesos lang. The heck, paano ka nakapagtapos ng elementary sa ganyang utak?" Tinalikuran niya ako pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.
Tumayo ako at itinagilid ang aking ulo. Sinusundan ko lamang ng tingin si Kryo na naglalakad na paalis. Na-stuck ang utak ko sa pagkalkula ng total price ng aking medyas.
Oo nga, tama si Kryo! So, naloko nga ako? Kainis!
Nakakahiya, pinagyabang ko pa naman ang medyas na ito. Pati ba naman medyas, pag-aawayan namin?
Seryoso akong nakaharap sa aking laptop Sabado ng hapon. Nakabusangot kong tinitignan ang maroon na gown na ipinakita ni mommy sa akin kanina. Ang pangit!
"Pwede bang magsuot din ako ng tuxedo? Nakakainis ayaw ko nito!" Napakamot ako sa aking ulo. Problemadong-problemado.
Badtrip na nga ako sa naging date namin ni Kryo. Dinagdagan pa ng Graduation Ball namin next week na kailangan pa talaga akong magsuot ng gown.
Isang linggo na ang nakakalipas pero aso't pusa pa rin ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ni hindi ko rin nasisiguro na hinding-hindi na sila magkikita ni Xylia. 'Yon pa naman ang orihinal na misyon ko; ang paglayuin ang dalawa.
Pagkatapos ng Graduation Ball ay tapos na rin ang deal namin ni Kryo. Makakahinga na rin ako ng maluwag at makakabalik ulit sa pagba-basketball!
Napatingin ako sa aking gilid sapagkat biglang tumunog ang aking cellphone. Nagtataka kong sinagot ang tawag ni Kryo. Himala at siya ang unang tumawag.
"Ano? Bakit ka napatawag?" sunod-sunod kong usisa.
"Basketball," mahina at bakas ang pagsusungit sa tono nito.
"Ha?"
"Teach me."
"Ha?"
"I said, turuan mo akong mag-basketball! Paulit-ulit, Ziraili Queen Tañedo!"
Wala sa sarili kong binabaan siya ng tawag sa sobrang pagkakataranta. Napalunok ako sapagkat ginalit ko na naman si Kryo. Magsusungit ulit 'yon at paniguradong times four na.
Nanginginig kong sinagot muli ang tawag ng mokong at inihanda na ang sarili sa pagsusungit nito. "H-Hello? Napatawag ka?" Ngumiwi ako sa katangahang ginagawa ko ngayon.
"Open your door, mahal," kalmadong utos niya na halatang sarcastic.
Mas nanginig tuloy ako. Nakakatakot siya lalo kapag ganito umasta. Sana pala hindi ko siya tinuruan ng ganyang endearment.
"B-Bakit?"
Sa halip na sagot ang matanggap ko ay sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking pintuan ang aking narinig. Halos lumuwa ang aking mga mata sa natanto.
Sa kagustuhang takasan ang galit niya ay dali-dali akong tumakbo papasok ng banyo at isinarado ito. Sunod-sunod ang naging paghinga ko at pinilit na lamang ang sariling kumalma.
Halos atakehin ako sa puso sapagkat biglang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at si mommy pala ang pumasok. "Aili! Tignan mo 'to!" kinikilig na pagtawag ni mommy sa akin.
Dahan-dahan akong lumabas at dinaluhan si mommy. Nagtagpo ang aking kilay dahil may dala siyang succulent sa paso. Tamad ko siyang tinignan at walang ganang tinanong.
"Anong gagawin ko riyan, mommy?"
"Bigay ni Kryo. Alagaan mo. Acck, I'm so proud of my daughter," bulong ni mommy na kinikilig pa rin. Matapos niyang iabot sa akin ang paso ay lumabas na siya ng aking silid na humahagikhik.
Anong kakilig-kilig dito?
"You're allergic to pollens so I chose that," singit ni Kryo sa kabilang linya. Hindi niya pa rin pala ibinababa ang tawag.
"Mukha bang wild forest 'tong kwarto ko para bigyan mo ako ng ganito?" Naglakad ako patungo sa aking bintana at inilapag ito roon.
"Mas allergic ako sa paganito mo."
"Tss, can't you appreciate the effort behind this?" he said, pissed.
"Thank you," I sarcastically said.
Laking gulat ko nang may biglang tumulak sa akin pabalik sa nakabukas kong bintana. Hindi ako nakahanda para sa paglitaw niya sa aking kwarto.
"K-Kuya Kryo?" Nilayasan ako ng tapang sa aking katawan sapagkat nanunuot ang lamig na dulot ng kanyang mga mata sa akin.
"You're changing your clothes and take me to the basketball court, Aili."
Hindi iyon utos, pangungusap iyon na nangangahulugang wala akong karapatang umangal at galitin pa siya lalo. Wala akong nagawa kun'di ang irapan siya at sundin ang kanyang mga gusto.
Pahihirapan kita, Kryo!
Nasa maliit at lumang court kami malapit sa Zhenvalle University. Marami kasing naglalaro sa Auborne kaya mas maganda rito.
"Bakit dito? This court is too cheap looking," reklamo niya.
Here comes Kryo and his kaartehan!
Tinalikuran niya ako kaya binato ko siya ng bola sa likod. Iritado siyang bumaling sa kinaroroonan ko kaya nagkibit-balikat lang ako.
"Ako ang masusunod. Kung ayaw mo ng magpaturo, talikuran mo ako ulit," panghahamon ko na nag-uumapaw ang confidence.
Isang ngisi ang kumawala sa aking labi sapagkat nagsimulang humakbang si Kryo palapit sa akin. Dala-dala niya ang bolang inihagis ko kanina.
Otomatikong naglaho ang ngisi ko sapagkat bigla ba naman niyang inihagis ang bola pabalik sa akin. Hindi ganoon kalakas ngunit sapol sa mukha ko!
"Play with yourself," aniya na walang pag-aalinlangan akong tinalikuran.
Ang arte niya talaga! Pasalamat ka nga at natatagalan kita!
Hindi ko na siya nagantihan dahil tumawag sa akin si Eldritch. "Eldritch? Ahh, ngayon ba siya dadalaw? Sasama ka ba?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ko na napigilang mapangiti sapagkat may salu-salong magaganap sa bahay mamaya.
Pagkababa na pagkababa ng tawag ni Eldritch ay masaya kong pinulot ang bola at patakbong umalis. Napairap ako sa presensya ni Kryo sa 'di kalayuan.
May hawak siyang tubig at animo'y modelo na ibinabalandra ang sarili sa harap ng mga babaeng kung makatingin ay nanghahalay na.
Eww, papansin.
Pinili kong lagpasan siya ngunit hinila niya ang aking damit pabalik. Napahiyaw ako nang itapat niya ang malamig na bottled water sa aking noo. Ipinagulong-gulong niya ito sa noo ko.
"Ano na naman 'to? Bakit mo ako hinintay? Tinalikuran mo na ako, remember? So wala na ang deal!" mabilis kong salaysay na natigilan lamang dahil sa ginawa niyang malalim na paghinga.
He stared cryptically on my forehead and then shifted into my eyes. Hindi siya nagsasalita at tinititigan niya lang ito.
Luminga-linga ako at napansin ang mga babaeng naguguluhan sa mga nakikita. Kahit ako hindi ko siya maintindihan. Binato niya ako ng bola at ngayon siya mismo ang nagpapalamig ng noo kong tinamaan kanina.
"Kuya Kryo, nakatingin-"
Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na inilahad ang bottled water na hawak niya kanina. Nakaekis na ngayon ang mga braso niya at kalauna'y muling humugot ng malalim na paghinga.
"I won't turn my back again now that I've found a reason to stay," he said, trying to assure me.
"Ha?"
"Bobo ka ba? Sabi ko, turuan mo ako ng basketball," naaasar ngunit may hiyang sambit niya. Nakuha niya pa akong tignan ng masama.
Sa halip na umuwi ay naudlot ang kasiyahang nararamdaman ko. Bumalik kasi kami sa lumang court at tinuruan ko siya ng basketball.
As expected, ang bilis niyang matuto. Pursigedo talaga siyang maging magaling at hindi ko alam kung bakit. Sa nakikita ko kasi ay wala naman ang basketball sa mga nahihiligan niya. Bakit kaya?
Kapwa hinihingal kaming umupo sa sahig. Binuksan ko ang tubig na ibinigay niya sa akin kanina at ininom ito. Laking gulat ko nang pagkatapos uminom ay inagaw niya ito sa akin at walang pagdadalawang-isip na inubos.
"Ang galing mo," saysay ko upang mabura ang awkwardness sa pagitan namin.
Talk to my hand!
"Uwi na tayo. May bisita kasi kami ngayon," yaya ko na nakuha ng tumayo at pagpagan ang jersey short na suot.
"May pagkain ba sa inyo?"
Itinagilid ko ang aking ulo sa naging tanong ni Kryo. Pinalayas ba siya sa kanila? Namulubi na ba sila at itinanong niya 'yan?
"Is it wrong to invite me for dinner?" matapang niyang tanong na nagsusungit na naman.
Inilihis niya ang kanyang paningin at pumikit upang pakiramdaman ang hangin. Nililipad na ngayon ng hangin ang kanyang namamasang buhok. Hindi ko alam pero ang payapa niya tignan kapag nakapikit. Akalain mong hindi siya ang maarte at mayabang na si Kryo.
"You're fond of stealing glances," aniya na kalauna'y dumilat at naniningnit ang mga matang tinignan ako. "Tibo ka ba talaga?" panunuya niya.
Ikaw lalaki ka ba talaga? Pumapatol ka sa babae . . . ta's ang arte pa!