~❦~
Aili's Point of View
Nandito ulit ako sa basketball court hindi kalayuan lang sa Zhenvalle University. May naghamon kaya nakipaglaro ako ng three by three. Ako lang ang babae pero hindi na iyon big deal sa mga nakakakilala sa akin.
Tagaktak ang pawis at habol ang aking paghinga sapagkat masyadong magaling ang mga kalaban ko ngayon. Marunong silang bumasa ng mga galawan ko. I see, they've mastered my moves!
"I, ipasa mo rito!" sigaw ng kasamahan ko na patuloy sa pagkumpas ng dalawang kamay sa akin.
Sa halip na pakinggan siya ay patuloy ako sa pagdi-dribble. Ang mga mata ko'y tutok na tutok sa tatlong lalaking handa na akong sugurin.
"Landon, kunin mo!" sambit ko at kalauna'y kumindat na nakuha rin naman niya.
Umakto akong ipapasa ito kay Landon at nang magsitinginan na sa gawi ni Landon ang tatlong kalaban ay saka ako umatras at tumira ng tres. Sapol!
Nawala ang ngiti sa aking labi nang banggain ako ng isa sa kalaban namin dala ng inis. Dumiretso ako ng bagsak sa sementadong sahig dahilan upang mapainda ako sa sakit na natamo mula sa aking pagkakabagsak.
"Ano ba?" naaasar kong bulyaw na kaagad tumayo at pinagpagan ang suot na skirt.
"Nakikipag-away ulit ang tibo."
"Look at her. Nakasuot ng skirt tapos ang pang-ilalim ay jersey short na mas mahaba pa sa saya niya? Ang jejemon."
"True. Idagdag pa ang medyas niyang pang pasko," rinig ko mula sa mga babaeng nanunuod sa gilid. Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin dahilan para irapan nila ako.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa lalaking bumangga sa akin. Tinulak ko siya kaya mas lalo itong nairita. Inawat ako ni Landon ngunit nag-uumapaw talaga ang galit ko.
"Bakit ka galit? Ah! Dahil natalo ka ng babae? Kawawa ka naman." Mapanuya akong ngumisi at inasar pa siya lalo.
"Nagpapatawa ka ba? Asan ang babaeng sinasabi mo? Babae ka ba?" tanong niya sa akin na may halo ring pang-aasar. Hindi ako naiinis dahil sa sinabi niya subalit gusto ko siyang sapakin nang aktong hahawakan niya ang aking pangharap.
"Tignan natin kung babae ka nga."
Sinapak ko siya sa pisngi na ikinagulat niya. Pilit kaming inilalayo ng mga kasamahan namin sa isa't isa upang hindi na kami umabot sa sakitan. Nagkagulo na nga subalit natigil ito dahil sa isang malakas na sigaw.
"Aili!"
Pinanlakihan ako ng mata sapagkat namataan ko ang maitim na tingin ni kuya A. Kasama niya ang mga kaibigan s***h mga kuya ko na rin.
"Aili! Where are you going?" Umalingawngaw ang boses ni kuya sa buong basketball court. Sa halip kasi na salubungin sila ay kumaripas na ako ng takbo paalis. He's going to tell mom! No! I won't quit playing basketball!
Gusto ni mommy na makita akong magpakababae ngunit ayaw ko talaga. Kaya sa tuwing umaalis at umuuwi ako ng bahay, nakasaya ako na required as school uniform sa Auborne High.
"Kaasar, bakit ang aga ata nilang umuwi?" naitanong ko habang patuloy na tumatakbo at naghahanap ng matataguan.
Lumiko ako sa isang eskinitang medyo madilim. Papalubog na ang araw kaya paniguradong uuwi na rin ang mga iyon.
"Lagot ka talaga sa akin, kuya A kapag isinumbong mo ako kay mommy," sabi ko na ngayo'y sinisimulang hubarin ang pang-ilalim na jersey short.
"What are you doing?" A silhouette of a man suddenly caught my attention.
Napasandal ako sa pader sa sobrang gulat. Masyadong madilim kaya ang tanging nakilala ko lamang ay ang suot niyang uniporme. It's from Zhenvalle University.
"Why are you stripping in front of me?" malamig ang tono ng kanyang pananalita ngunit kahit katiting ay hindi ako nagpakita ng takot.
Napatakip ako sa aking mata nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa flashlight ng kanyang cellphone.
"Alisin mo nga 'yan," naiirita kong salaysay na hindi niya man lang pinakinggan. "Ano ba--" Natigil ako sa sigaw ni kuya A. Sinusundan pa rin pala nila ako.
"Aili!"
Natataranta at hindi ko alam kung ano ang gagawin sapagkat paniguradong makikita niya ako any minute now. Wala na akong naisip pa na ibang paraan kaya dali-dali kong inagaw mula sa lalaking nasa harapan ko ang hawak niyang cellphone. Mabilis ko rin itong isiniksik sa suot-suot kong bra.
"What the fu--"
Rinig ko ang reklamo ng estranghero sa harap kung kaya't mabilis kong tinakpan ang kanyang labi ng aking kanang palad. Nagpumiglas siya kaya walang pag-aalinlangan ko siyang itinulak sa pader.
"Fvck!" inda niya na ikinapikit ko.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking mata ay sumalubong sa akin ang nang-iihaw na titig ng lalaki. Kitang-kita ko ang kanyang mukha dahil sa flashlight na nagmumula sa aking bra. Sinulyapan niya ito at biglang nagtaas ng kilay. Kaagad kong naibaba ang aking kamay at napaatras nang itulak niya ako palayo.
"Sorry, par," salaysay ko. Nakuha ko pa siyang tapikin sa balikat subalit hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Hinugot ko ang cellphone mula sa aking brassiere at iniabot ito sa nakatiim ang bagang na lalaki.
"Here's your phone."
Umiling-iling siya sa akin at binangga ako paalis sa daanan niya. Naiwan akong nakatunganga sa cellphone niyang hindi nito kinuha.
"Anong problema n'on?" naisatinig ko habang nakatagilid na ang ulo at sinusundan siya ng tingin. Napatingin tuloy ako sa pangharap ko at napailing-iling.
"Hoy! Naliligo ako araw-araw, par! Walang virus sa bra ko!" Arte mo naman!
Pangiti-ngiti akong naglalakad papunta sa villa namin nang masalubong ko ang nakakunot ang noong si kuya Keir.
"Kuya, tulungan mo ako!" pagpapaawa ko. Lagi niya kasi akong ini-spoil kaya paniguradong hahanapan niya ulit ako ng lusot ngayon.
Hindi niya ako matitiis!
"Kanina pa kami naghahanap sa'yo, I. Nasa loob na sila at hindi ka pa naman siguro isinumbong ng kuya mo. Tigas ng ulo," salaysay niya na ikinaliwanag ng awra ko. Sumugod siya sa akin at binatukan ako. Magsasalita pa sana ulit si kuya Keir subalit may biglang tumawag. Naalerto kaming dalawa dahil dito.
"That's your mom for sure," pananakot niya sa akin na hindi umepekto sapagkat hindi naman ganoon ang ringtone ko.
"That's not mine. Ano ka ba, kuya? Pati ba naman ringtone hindi mo na maalala? Dami mo kasing inaatupag na babae kaya—"
"That's not mine either. Masyadong luma ang ringtone at isa pa hindi ganyan ang music taste ko."
Naramdaman kong may nagba-vibrate mula sa aking bulsa at doon ko lang natantong nagmumula ang tunog sa cellphone ng maarteng lalaking iyon.
"Xylia Paredes? Sasagutin ko ba 'to?" bulong ko na narinig pala ni kuya Keir.
"Bakit nasa iyo ang cellphone ng masungit na iyon? Wait, Xylia is calling him?" sunod-sunod niyang sabi na hindi na mapirmi sa kinatatayuan.
Natigil ang tawag ng babae ngunit isang mensahe ang kasunod nito. Napanganga kami ni kuya Kier sa nabasa mula rito. Natuon ang atensyon ko kay kuya na galit na ang mababakas sa namumula nitong mukha.
'I still love you, Kryo'
"Bakit kuya Keir? May problema ba? Kilala mo ba sila?" sunod-sunod kong tanong na takang-taka talaga sa inaasta niya ngayon.
"Damn! Sa dinami-rami ng lalaki, bakit siya pa?" problemadong tanong niya. Pabalik-balik lamang siya sa kanyang nilalakaran at tila ba naluluha sa kanyang nadiskubre.
Ngayon ko lang nakita si kuya Keir na ganito kaseryoso at nagpupuyos sa galit. Wala rin akong kaide-ideya sa nangyayari sa kanya.
"I need your help, Ai." Nilingon ako ni kuya Keir na tila ba may nahinuha.
Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at seryoso niya akong tinitigan. Naguguluhan ko siyang tinitigan pabalik dahil problemadong-problemado talaga siya.
"Sure, kuya Keir!" sagot ko na naguguluhan man ay walang naramdamang pag-aalinlangan.
I trust kuya Keir. Alam kong hindi niya ako ipapahamak.
"You don't fall for guys that easily, do you?" paninigurado niya na mabilis kong ikinangiwi.
"Tinatanong pa ba iyan, kuya?" medyo napatawa ako habang binubura sa aking utak ang ideyang iyon.
"Aili, I badly need your help right now." Nag-iba bigla ang reaksyon ni kuya. Ngayon ay punong-puno na ito ng pagsusumamo.
"Spill it, kuya. I promise to help you no matter what," pagngiti ko na siguradong-sigurado at buo ang loob na tulungan siya.
I owe him a lot. It's time to return the favor.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at seryoso akong tinitigan; mata sa mata. "I need you to date that jerk."
Sa mga sinabi niya ring iyon ay para akong binuhusan ng tubig. Ni hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Napalunok na lamang nang matanto ang lahat ng tinuran niya.
D-Date? With whom?