Date

1215 Words
~❦~ Aili's Point of View "Hindi po, tita! Hala siya, ako raw iyong nanulak." Dinuro ko si Kryo na may disappointed na mukha. Napanganga ako sapagkat magaling din palang umakto itong yelo na ito. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon habang itinuturo si Kryo. Impit namang napapatawa si tita habang pabalik-balik ang tingin sa amin. "Relax, Aili. Nagbibiro lang si Kryo. Ilalapag ko 'to rito at iiwanan ko na muna kayo. Tatawagin na lang kita kapag dumating na ang sundo mo," salaysay ni tita na may pahabol ulit na kindat sa akin. Kinuha ko ang unan niya at hinampas siya sa batok. "What the heck is wrong with you?" sigaw ko na inilabas lahat ng sama ng loob sa kanya. "That's my line. You need to respect me. Kuya mo rin ako!" naiiritang bulyaw niya sa akin na napahawak sa batok niyang tinamaan ng unan. "Eh, ayaw kong maging kuya ka!" "I am. Kaedad ko lang si Aevan." "Ano ngayon?" "Labas," nakapikit niyang utos na impit kong ikinatawa. "Labas!" Itinuro niya na ang pintuan kaya umayos ako ng tayo na animo'y tutang napagalitan. Tinakpan ko ang labi niya dahil masyado na siyang nag-iingay. Marahas niya naman itong inalis at nagpipigil na talaga siyang saktan ako. Natahimik ang kanyang silid ng ilang minuto bago ito binasag ni Kryo. "What do you want?" biglaang pag-iiba niya ng tanong at mood. "Ikaw. Hindi ba obvious?" sarkastiko kong sagot dahilan para taasan niya ako ng kilay. "Talaga, tibo?" makahulugan niyang tanong. "Spill it," malamig niyang utos. "Be my date, Kryo," sabi ko na half meant. Tutal naman wala akong date sa darating na event ng school namin, siya na lang ang isasama ko. Hindi siya nagsalita at hindi niya rin ako binalingan. Isinarado niya ang kanyang laptop at kinuha ang katabi nitong aklat na tungkol sa business. "Sino ba namang papayag makipag-partner sa tibo 'di ba?" dagdag ko na nagkibit pa ng balikat. "Give me another valid reason for that, tibo." Tinaasan niya ulit ako ng kilay at ngayon ay abala na siya sa paglilipat ng pahina. Anong rason ba ang kailangan niya? "Bakit ako, hmm?" he wondered. Animo'y may nahinuha sa mga pinaggagagawa ko. Gagi, bakit bumalik siya sa pang-aakit mode na iyan? Naknampucha, gising! Sinampal ko ng pagkalakas-lakas ang aking pisngi na ikinagulat ni Kryo. Kahit ako nagulat at napainda rin sa sakit ng pagtama ng aking palad sa aking pisngi. "What the? Why did you do that?" usisa niya na mabilis na sinuri ang aking pisngi. "Alanganin ka na nga sa p********e pati ba naman sa tamang pag-iisip?" salaysay niya na kalaunan ay napahilot sa kanyang sentido. "Kryo, please. Isang buwan lang," pakiusap ko na kulang na lamang ay lumuhod sa harapan niya na hindi ko rin naman naisipang ituloy. "Isang linggo." "Dalawang linggo." "Fine!" naibulalas niya na ikinangiti ko pero kaagad ding naglaho sa idinugtong niya. "In one condition." Napakamot ako sa aking ulo at tagpong kilay siyang tinignan. "Ano?" "Turuan mo ako ng basketball," mahinang sagot niya. "Deal!" masigla kong sagot. Napahagikhik ako sa saya na kalauna'y ibinalik ko rin sa pagseseryoso dahil sa naasar na si Kryo. Natapos ang gabing iyon na kapwa nasolusyunan ko ang dalawang problemang aking kinakaharap. "Dalawang linggo, Aili." Gaie's Point of View "Aili, gising na riyan! Kababae mong tao ang kalat-kalat ng kwarto mo!" sigaw ko na kasalukuyang namumulot ng iilang mga gamit na nagkalat sa sahig. "Kung alam ko lang na mas magmumukha kang joker at clown sana Penny na lang ang ipinangalan ko sa'yo sa halip na Queen. Kadalasan din sa may pangalang Princess at Queen tibo kaya lesson learned talaga. Gumising ka na sabi!" mahabang sermon ko sa tulog tuko kong anak. "Mommy, naman. Ang aga nag-iingay. Sabado po ngayon kaya hayaan niyo po muna akong matulog," reklamo niya na aktong magtatalukbong muli pero pinigilan ko na siya. "Ilang minuto ng naghihintay ang kuya Kryo mo sa baba. Gumising ka na!" Pinalo ko siya ulit ngunit kusa rin siyang gumising at umupo sa kama. "Sino, mommy?" Napapikit-pikit siya habang hinihintay ang sagot ko. "Si kuya Kryo mo nga. Gigisingin na dapat kita kanina pero pinigilan niya ako. Maghihintay daw siya. Pero aabalahin mo pa ba 'yong kuya mo? Ha?" Binatukan ko siya para tuluyan ng magising. Kanino ba ito nagmana at laging lutang? Aili's Point of View "Bakit kaya siya nandito?" tanong ko na napakamot sa aking ulo. Napahikab din ako habang inililibot ang tingin pababa ng hagdan. Naabutan ko sila sa sala at inuulanan ng tanong si Kryo. Naroon din si daddy na papaalis na papuntang trabaho. "Bakit ka napadpad dito?" kaswal na tanong ko kay Kryo na napahikab muli sapagkat inaantok pa ako. Tinitigan nila akong lahat. Nagpipigil ng tawa sila kuya Aevan habang seryoso naman si daddy at Eldritch. Si Kryo ay naka-poker face pa rin. "What?" Nagkibit-balikat ako sa kanila na animo'y wala namang nakikitang problema sa sarili ko. "Aili, masyado ka ng nagiging pabaya. Look at yourself in the mirror, honey. Maraming reporters na nakaabang sa pamilya natin," paalala ni daddy na nagpaalam na para umalis. "Aray!" Nakatanggap ulit ako ng pagbatok mula kay mommy dahilan para mapuno ng tawanan ang buong sala. Hinila ako ni mommy papunta sa aking kwarto at iniharap sa salamin. "Kung ako iyon, tumakbo na ako at naligo sa sobrang kahihiyan pero dahil ikaw iyon, siyempre wala kang pakialam," pangaral ni mommy sa akin na ikinanguso ko. "Araw-araw naman na akong nakikita nila kuya na ganito. Bakit pa ako mag-aayos?" "Jusmeyo, Aili. Kahit titibo-tibo ka pa, babae ka pa rin. I bought you a lot of dresses but you never wear them. May bago na namang headline tungkol sa'yo sa susunod na araw. Hindi ka ba napapagod?" naaasar at sunod-sunod na salaysay ni mommy. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata sa mga pangaral niya. "Maligo ka na at bumaba para makapag-almusal. Aalis daw kayo ni Kryo. Bilisan mo. Masyado mo ng inaabala ang kuya Kryo mo," bilin ni mommy na nagpawala ng aking gana. Kuya Kryo? Mas bet ko na wala. Parang ang sagwa pakinggan. Ilang minuto lang ay tapos na ako. Nakatanggap ulit ako ng pambabatok mula kay mommy. Kahit kailan hindi ko talaga siya maintindihan. Ginawa ko na ang gusto niya pero binabatukan niya pa rin ako. "Ang bilis mong natapos. Uso ba hilod sa'yong bata ka?" Napangiti na lamang ako kay mommy para tumigil na siya. Pagkababa na pagkababa ay napansin ko ang kakaibang tensyon na nabubuo sa pagitan nina kuya Keir at Kryo. Pumagitna ako sa kanila at inagaw ang atensyon ni Kryo. "Bakit ka napadpad dito?" tanong ko na palaisipan talaga ang pagsulpot ni Kryo sa aming sala. Yumuko siya at hinuli ang aking titig habang pinagtitinginan kami ng mga kuya ko. "Mali ba ang mapadpad sa bahay ng aking manliligaw?" tanong niya na ikinagulat naming lahat. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila kuya at bakas ang pagtataka sa kanilang mga nakataas na nilang mga kilay. Para bang handa na silang sumabak sa gyera. "Ano ba'ng pinagsasabi mo riyan, kuya Kryo?" mahina ko siyang tinapik sa braso subalit pinagsisihan ko lang ito. Hinuli niya ang aking palapulsuan at matamis na ngumiti. "I'll take Aili on a date," anunsiyo niya na for the first time ay hindi ko nagustuhan. Kuhang-kuha mo talaga ang inis ko, Kryo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD