~❦~
Lizette's Point of View
"M-My son's girlfriend?"
Nagulantang ako sa sinabi ng nasa kabilang linya. Sa twenty-two years na existence ni Kryo, ni isa wala siyang pinakilala at wala kaming narinig na nagka-girlfriend siya.
Napangiti ako dahil sa magandang balitang ito. "Where are you? I wanna meet you!" I exclaimed.
"Nasa Zhenvalle University ako. Narito ka rin ba? Kasama mo ba ang anak ko?" sunod-sunod kong tanong na kinikilig na sa ideyang magkatabi sila ngayon ng anak ko. Nagkataong manunuod ako ng kaganapan sa festivities ng ZU.
"Uhm, tita kasi ..."
Hindi ko na narinig ang buong sinabi niya dahil namataan ko si Kryo kasabay sa paglalakad ang isang magandang babae.
Is that her? Oh my!
Tinakbo ko ang direksyon nila sa sobrang tuwa at mabilis na niyakap ang babae. Niyakap ko talaga siya ng mahigpit kahit na hindi pa kami pormal na magkakilala.
"I'm so happy!"
"Mom? What are you doing?" tanong ni Kryo na sinuklian ko ng malawak na ngiti.
Finally!
"I'm so excited to finally meet your girlfriend," nakangiti kong sabi na unti-unting nawawala dahil sa naging reaksyon nilang dalawa. Laglag ang panga ng babae habang nakataas naman ang kilay ng aking anak.
"Xylia is not my girlfriend, mom. Magkaklase lang kami," paliwanag ni Kryo na tuluyang bumasag sa akin. Hindi ako nakahanap kaagad ng salita dahil sa panlulumo.
"Xylia, I'm sorry but you need to go alone. Kindly please tell Xian about the camera," bilin niya rito at niyaya na akong umupo sa bench.
Pero tama naman ang narinig ko kanina hindi ba?
"Mom, why did you do that? Aware naman kayo na wala akong planong pumasok ngayon sa-"
"Tita!"
Noong una akala ko ay lalaki ang kumakaway sa akin subalit luminaw kalaunan ang kanyang pagmumukha. Nagsusumigaw ba naman ng Gaie at Hile ang kanyang features.
"Did you invite her?" asar na tanong ni Kryo na ikinailing ko.
"How are you, tita?" Buti naman at nagpang-abot tayo," aniya na ngumiti ng matamis.
"I'm fine. Wala ba kayong activities sa school, hija?" pagtataka ko dahil balita ko ay malapit na ang examination sa Auborne High.
"What are you doing here in the first place? Manggugulo ka na naman?" singit ng anak ko dahilan para magpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Idagdag pang tumabi siya sa aking anak.
"Ganyan ba dapat tratuhin ang girlfriend? Ako na nga ang nagtitiis sa'yo ikaw pa itong nagsusungit," aniya na inirapan si Kryo.
Napapikit-pikit ako sa sinabi ni Ziraili. Lalo na nang makita siyang mapanguso na animo'y nagtatampo.
Siya ba? Si Aili ba ang nakausap ko kanina?
Ibig ba nitong sabihin, may girlfriend nga ang anak ko? Totoo nga!
Aili's Point of View
Patago akong napangisi dahil sa gulat na reaksyon ni tita Lizette at ang priceless na mukha ni Kryo. Ito ang oportunidad ko para makapasok sa buhay niya ng tuluyan. I know how excited tita Lizette when it comes to his son's love life. Napag-uusapan nila ito kapag nagdi-dinner sila ni mommy.
I caught you, Kryo.
"Girlfriend? You?" Kita kong naglaro ang kanyang dila sa kanyang labi na animo'y nagpipigil ng inis. Humalakhak siya kalaunan at diretsahang tumayo.
"Why would you lie like that just to get what you wanted? Ganyan ka ba ka pathetic?" aniya na medyo tumusok sa kaloob-looban ko.
"Pagkatapos mong mangako, gaganyanin mo ako? Okay, I'm out." Pag-akto ko. Inilabas ko ang cellphone niya sa bag at isinauli ito sa kanya sa harap ng tulala niya pa ring ina.
"Next time, huwag mong ibibilin ang cellphone sa girlfriend mong ikinakahiya mo naman pala sa iba. Grow up, mahal," pahabol ko na tinalikuran na siya at tumango na kay tita Lizette para magpaalam.
Okay, mukhang pwede na akong mag-artista! Galing ng acting skills namin ni mommy! Superb!
Lumabas ako ng Zhenvalle University nang may ngiti sa labi. Tapos na ang unang araw ko kay Kryo. "Nice one, Aili," sabi ko na naglakad papunta sa direksyon ng basketball court.
"Aili! Wait!" Rinig ko ang pagtawag ni tita Lizette kung kaya't umakto ulit akong malungkot bago siya nilingon.
"I'm sorry about my son," paumanhin ni tita na kaagad hinawakan ang aking magkabilaang kamay.
"It's okay tita. Sanay na ako sa ugali niya," salaysay ko na ikinailing-iling ni tita.
"Sa totoo lang tita, one sided talaga kami. Pero thankful pa rin ako dahil pumayag siyang maging girlfriend ako," dugtong ko pa na tatamaan na siguro ng kidlat sa mga pinagsasabi.
"Naniniwala ako sa'yo, Aili. Siguro ay nahihiya lang si Kryo na aminin ang totoong nararamdaman niya. I'll help you out," masayang sagot ni tita na nakabalandra na ang kakaibang ngiti.
Hoay, may pa-short cut ang task ko!
"Wanna have some dinner at home?" usisa niya na otomatiko kong ikinangisi.
Good idea!
"Sure po, tita! Sana po hindi magalit si Kryo. Magpapaturo rin po ako sa inyo tungkol sa pagsasayaw," masiglang sabi ko na nag-iwan sa amin ni tita ng kakaibang mga ngisi.
Nakaupo ako sa sala nila kinagabihan habang patuloy na inilibot ang tingin sa paligid. May dala-dala akong bulaklak para kay tita na pinagsisihan ko sapagkat allergic nga pala ako sa pollen. May bitbit din akong chocolates para kay Kryo.
Kung ayaw niyang manligaw pwes ako na! Leave it to me.
"Good evening po, tito Van," bati ko sa kararating lang na si tito. Nagmano ako sa kanya at nakakuha naman ako ng ngiti bilang sagot.
Kahit na nasa 40+ na si tito at tita ay hindi ko pa ring mapigilang purihin ang kanilang features. Ang gwapo ng combination nila. Iyon nga lang ay nag-uumapaw sa kasungitan.
"Good to see you here, Aili. Mabuti at napadpad ka rito. Para naman magbago ang hangin," biro ni tito na inginunguso ang pababang si Kryo.
Suot-suot niya ang pambahay niyang damit at ang iilang hibla ng kanyang buhok ay itinatago ang kanyang mga mata. Magulo ito at medyo basa pa. Halatang kagagaling lamang sa paliligo na siyang ikinangiwi ko.
"Mas lalamig pakikitungo niyan ngayong nalamigan," bulong ko.
Nagtagpo ang aming tingin kung kaya't natigil siya sa pagpupunas ng kanyang basang buhok. Sobrang sama ng kanyang titig na sinuklian ko ng isang masigasig na kaway.
"Hi, Kryo!" bati ko sa kanya na sa halip na matuwa ay sobrang lamig talaga ng titig sa akin. Hindi niya man lang inalintana na nanunuod sa aming dalawa sina tita at tito.
"Mom, what is she doing here? Paano iyan napunta rito?" asar na tanong ni Kryo na nakuha pa akong ituro.
"Quit it, Kryo. Bisita natin si Aili," saway ni tito sa kanya na ikinatahimik niya.
"Stop treating a girl like that. Hindi kita pinalaking bastos. Asikasuhin mo muna ang bisita, Kryo. Magbibihis lang ako at tutulungan ko ang mommy mo sa pagluluto," bilin ni tito na hindi talaga nagustuhan ni Kryo.
Sungit kasi, napagalitan ka tuloy!
"Hanggang dito ba naman, bubwesitin mo ako?" Nakabusangot niyang sabi na umupo sa kaharap na upuan at ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok.
"Gusto mo ba ng chocolates?" I avoided the topic and face him with a sweet smile. Nanginginig ko pang inilahad sa kanya ang chocolate na dala ko.
Tinignan niya muna ang supot bago ako tinaasan ng kilay. "I don't like sweets," malamig niyang sabi na mabilis kong itinipa sa Notes ng aking cellphone.
"Ano pa ba ang mga ayaw mo?" naitanong ko na animo'y nag-iimbestiga. Handa ng itipa ang impormasyong ibibigay niya.
"Ikaw." Sa sinabi niya ring iyon ay tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.
Ang hirap naman makipag-usap sa yelong iyon! Nakakawala ng angas!
Hanggang sa natapos ang dinner ay hindi na niya ako kinausap. Kain lang siya ng kain na animo'y may sarili siyang mundo. Para bang bawat segundo na lumilipas ay kayamanan para sa kanya.
"I'm done. Goodnight po," paalam niya sabay iniligpit ang pinagkainan at iniwan kami.
"Tita, tito, tapos na rin ako. Pwede po bang makipag-usap muna ako kay Kryo? Magpapatulong po sana ako," paalam ko rin na kapwa nagtinginan sa isa't isa at kalauna'y tumango.
"Ako na ang magliligpit niyan, Aili," ani tita at kumindat sa akin.
Inilibot ko ang aking tingin sa pangalawang palapag nila. Nakita ko ang pintuang may pangalang Kryo kaya kumatok ako roon at walang pagdadalawang isip na pumasok.
Namangha ako sa linis at sa bango ng kwarto ni Kryo. Iyong kay kuya Aevan kasi is masyadong panlalaki talaga ang amoy. Ang tapang ba naman ng pabango.
"Kryo?" Hinanap ko siya sapagkat walang anino niya sa kwartong ito ang nagpakita.
Nagbukas bigla ang pintuan sa harapan ko at iniluwa nito ang nakapajama lang na si Kryo. Titig na titig ako sa katawan niya, natutulala sa biglaan niyang pagsulpot. Tinakpan niya naman ang kanyang katawan ng dala-dalang damit pantulog.
"Get out!" sigaw niya at agarang nagbihis.
Sa halip na lumabas ay umupo ako sa may kama niya. "Don't worry par, puso ang habol ko hindi ang katawan mo," walang gana kong salaysay.
Tinignan niya ako na puno ng disgusto at napatingala bigla sa kisame. Huminga siya ng malalim at humakbang palapit.
"Isa pa, araw-araw akong nakakakita ng gan'yan. Napapalibutan ba naman ako ng lalaki sa bahay," pag-amin ko.
"I don't care! Lumabas ka na!" pagpapaalis niya sa akin na hindi talaga umeepekto. Ilang hakbang na lamang ay maglalapit na talaga kami.
"Sanay nga ako. Huwag kang mahiya-"
"Paano kung ako ang hindi sanay?" mahinahon niya biglang tanong na animo'y nang-aakit.
Mamaaa! Bakit nag-evolved siya into pervert?
Itinulak niya ako sa kama kung kaya't napahiga ako. He leaned forward to met my gaze and bit his lower lip. Para siyang hindi ang nagyeyelong si Kryo.
"Sanayin mo kaya ako, Ai?" panunuya niya nang mapansin ang kabang dumadaloy sa akin. Lalo na nang magsimula akong manginig.
His voice is husky and he's trying to tempt me. Mapapa-english ka talaga dahil sa evolution niya ngayon!
"Tibo ka Ai, tibo ka. Dapat 'di ka ma-attract sa kanya. Naknampucha!" pagpapaalala ko sa aking sarili.
"You're too innocent to play with me," he raised a brow again.
Itinulak ko siya ng malakas dahilan upang makalaya ako sa mga bisig niya. Muli siyang lumapit sa akin na tila nagugustuhan ang panunuyang ginagawa.
Habol ang aking paghinga dahil sa kabalbalan ng lalaking ito. Nakuha niya pang ilagay sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok ko. Sinipa ko naman siya sapagkat nakarinig ako ng ingay mula sa pintuan.
"Is anything wrong?" bungad sa amin ni tita Lizette na may dala-dalang smoothie at kape.
Dumadagundong sa kaba ang aking puso dahil sa pinaggagagawa ng lalaking ito. Tinignan ko siya na ngayo'y nakaupo na kaharap ang laptop niya. Animo'y hindi niya ako inakit kanina.
"Itanong niyo sa babaeng nanghihila sa kama," salaysay ni Kryo. Binalingan niya ako at nagtaas ng isang kilay. An expression that says he's more of a player than I am.