Elara Pov
"Elara? Hey?" Malakas na tapik sa aking balikat ang napagbalik sa aking isip sa kasalukuyan. Bigla kasing dumaloy sa aking isip ang alaala kung bakit ako nawalan ng paniniwala sa pag-ibig nang makita ko ang mukha ni Alexander na siya palang groom ko. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka huminto sa paglalakad? Para kang nakakita ng multo."
"Look at the groom," mahina ang boses na sabi ko kay Liam. Hindi pa yata nito napansin ang groom ko kaya.
Tumingin nga si Liam sa groom at hindi nito napigilan ang mapatili ng bahagya nang makita ang seryosong mukha ni Alexander. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa labis na pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa akin.
Akala naman ng mga taong nasa paligid namin na na-guwapuhan lamang si Liam sa groom kaya ito napatili kaya nagtawanan ang mga ito. Hindi nila napapansin ang tension na unti-unting nabubuo sa paligid namin.
"Oh my God, Elara! Is this a joke? Binibiro ka ba ng tadhana?" hindi napigilang komento ni Liam sa mahinang tinig.
"We shared the same thoughts. Iyan din ang naisip ko pagkakita ko sa kanya," sagot ko sa kanya. Malakas naman ang tugtog ng wedding march kaya hindi naririnig ng mga taong nasa paligid namin ang pinag-uusapan namin ni Liam lalo pa at mahina rin ang aming mga boses. Nagkunwari na lamang ito na may inaayos sa gown ko para hindi magtaka sila kung bakit ako biglang huminto sa paglalakad.
"Oh my goodness! How can you face that shameless asshole?" may galit na tanong nito sa akin.
"Mag-backout kaya ako sa kasal namin? Tiyak na mapapahiya siya. Makakaganti na rin ako sa ginawa niyang pananakit at pamamahiya sa akin noon." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa boquet na nasa mga kamay ko. Ang balak kong pagganti sa kanya noon ay hindi nabigyan ng katuparan dahil hindi naman na kami nagkita. Nabalitaan ko na lamang na lumipad siya sa ibang bansa para doon mag-aral ng kolehiyo. Na-busy rin ako sa pagtatrabaho habang nag-aaral para may pantustos ako sa aking pag-aaral at sa pang-araw-araw kong gastusin.
"Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Elar. Isipin mo ang dahilan kung bakit ka pumayag na magpakasal sa kanya," paalala sa akin ng kaibigan ko.
Napahugot ako ng malalim na hininga. "Tama ka, Liam. Dapat kong isipin ang dahilan kung bakit ako pumayag sa kasal na ito," sang-ayon ko sa kanya. Itutuloy ko ang kasal at walang magbabago sa aking plano kahit pa natuklasan kong si Alexander Reed ang aking magiging husband-to-be.
"Shall we?"
Marahang tumango ako sa kanya pagkatapos ay itinuloy ko na ang paglalakad palapit kay Alexander. He is my demon in the past that I need to face. Baka kapag hinarap ko siya ay mawala ang phobia ko sa harapan ng maraming tao dahil siya naman ang may kagagawan kung bakit ako nagkaroon ng social phobia.
Nagkaroon ako ng malaking takot na humarap sa maraming tao dahil natatakot ako na mapahiya, mapuna, at mahusgahan. Kaya nga si Liam lamang ang um-attend sa mga pagtitipon na kailangan ang presence ng aming kompanya. Kahit nga noong nag-graduate ako ng college ay hindi rin ako um-attend. Nakakapasok naman ako ng mall at sa mga restaurant dahil hindi naman nakatingin sa akin ang mga tao. Hindi nakapokus sa aking atensiyon nila kaya hindi nati-trigger ang aking phobia.
Nang nasa tapat na ako sa harapan ni Alexander ay tila nais kong tumakbo palabas ng simbahan. Ang titig niya kasi sa akin ay katulad kung paano niya ako tinititigan noon habang tinatapak-tapakan niya ang boquet ng bulaklak na ibibigay ko sana sa kanya. Bumilis ang t***k ng aking puso at nakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng tiyan ko. Ibig sabihin ay nati-trigger ang aking phobia. Ito pa lang ang unang beses na nangyaring na-trigger ang aking phobia kahit na isang tao lamang ang kaharap ko.
"Relax, Elara. Huminga ka ng malalim at pakalmahin mo ang iyong sarili," mahinang bulong ni Liam sa akin nang mapansin nito na tila nati-trigger ang aking phobia.
Ginawa ko ang sinabi ng kaibigan ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal namin dahil nakasalalay dito ang buhay ng aking ama. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nagawa kong pakalmahin ang aking sarili. Iniwasan ko na lamang salubungin ang nanunuot na titig ni Alexander para hindi magbalik sa aking isip ang pakiramdam ko nang araw na mapahiya ako dahil sa kanya. Pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin ang kaibigan ko at bahagya akong tumango sa kanya para ipaalam sa kanya na okay na ako.
Nang makuha ni Liam ang ibig kong sabihin ay kinuha niya ang kamay ko at iniabot kay Alexander.
"Ingatan mo ang kaibigan ko, Alexander," nakangiting kausap ni Liam dito, pagkatapos ay bahagyang inilapit ng kaibigan ko ang kanyang bibig sa tainga ni Liam at may ibinulong. "Malaki ang kasalanan mo sa kanya kaya huwag mo siyang sasaktan ulit. Mananagot ka sa akin kapag ginawa mo iyon," banta nito kay Alexander.
Kumunot naman ang noo ni Alexander nang marinig ang mga sinabi ng kaibigan ko. Nagtataka yata ito kung anong kasalanan niya sa akin ang tinutukoy ni Liam. Ngunit hindi na lamang nagtanong si Alexander sa kaibigan ko sa halip ay hinawakan ang nanlalamig kong mga kamay. Ngayon ako nagsisi kung bakit hindi ko isinuot ang bridal gloves sa aking mga kamay. Nalaman tuloy ni Alexander na nanlalamig ang mga kamay ko.
Inlalayan ako ni Alexander palapit sa altar at sa harapan ng pari na magkakasal sa amin.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Elara. You're still shameless and gold digger. Ang tagal mo sigurong pinlano ang sandaling ito," mahinang bulong ni Alexander sa gilid ng aking tainga. Ramdam ko ang pinipigilan nitong galit sa bawat katagang binabanggit nito. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala ang tingin niya sa akin. Nakadama ako ng sakit ngunit mabilis ko itong inignora. Matagal nang nawala ang paghangang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi ako dapat na makaramdam ng sakit sa mga sinabi niya. Hindi siya nararapat na hangaan.
"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Alexander. You're still as shameless and asshole as before," nakangiting sagot ko naman. Hindi mahahalata ng mga nanay namin at ninang na nagbabatuhan kami ng mga panget na salita dahil pareho kaming nakangiti sa isa't isa.
Tumalim ang tingin ni Alexander sa akin ngunit inignora ko na lamang ito. Parang gentleman na tinulungan niya ako sa pagluhod sa harapan ng pari. "Pagsisisihan mo ang pagpapakasal mo sa akin, Elara," muli niyang bulong.
Nakangiting tumingala ako sa kanya bago ko siya hinila ng malakas paluhod. Lihim akong nagdiwang dahil alam kong nasaktan ang tuhod niya sa pagluhod sa semento.
"Matagal na akong nagsisi. Pinagsisihan ko kung bakit pa kita nakilala," ganti ko naman sa sinabi niya sa akin.
Muling naningkit ang mga mata ni Alexander at akmang magsasalita ulit siya ngunit naunahan ito sa pagsasalita ng pari para umpisahan ang seremonyas ng kasal. Wala sa sinasabi ng pari ang aking isip. Iniisip ko kasi kung anong klaseng pakikitungo sa isa't isa ang mangyayari pagkatapos ng aming kasal. Paano ko pakikitunguhan ang taong dahilan kung bakit ako nagkaroon ng social anxiety disorder?
Alam ko na hindi magiging madali ang buhay ko bilang asawa ni Alexander lalo pa at iniisip niyang pinlano ko ang lahat ng ito para siya makuha. Iniisip niyang isa akong gold digger. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang tingin niya sa akin noon pa man ngunit wala akong time para tanungin siya. Dahil wala na akong interes pang alamin kung bakit ganoon na lamang ang tingin niya sa akin kahit na hindi naman ako nanghingi sa kanya ng pera o kahit magpalibre sa kanya ng pagkain sa tuwing magkasama kami noon.
Laman din ng aking isipan si Isabela. Nasaan na kaya ang babaeng iyon at hinayaan nitong magpakasal sa ibang babae si Alexander? Sa pagkakakilala ko pa naman sa kanya ay masyado siyang possesive. Wala pa nga silang relasyon ni Alexander ay inaangkin na niya ito noon. Or baka naman may relasyon na ang dalawa at inilihim lang nila sa amin kaya ganoon siya ka-possesive?
Dahil lumilipad ang aking isip ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang seremonyas. Ini-announced na ng pari na mag-asawa na kami ni Alexander at sinabi na rin nito sa groom ang mga salitang "You may kiss the bride now". Kaya nang hilahin ni Alexander ang aking leeg at mariing hinalikan sa mga labi. Sa gulat ko ay bigla ko siyang itinulak at malakas na sinampal sa mukha.