"Clara, matanong ko lang?"
Napatingin naman siya dito habang naglalakad sila pabalik ng building
"Ano yun Sir?"
"Sino yung naghatid sayo kaninang umaga?"
"Ah si Sir Harry, este Harry pala ayaw niya kasing magpatawag ng Sir eh", natatawang saad niya
"Harry? sino naman un?"
"Hindi ko pa nakuwento sayo Sir pero siya yung apo ni Lola",
"Lola?"
"Si Lola, yung may ari ng Diamond", nakangiting saad niya
"You mean natagpuan mo na yung matanda?"
"Oo Sir, kahapon akala ko kung sino yung mga humahabol saking mga lalaki, si Harry pala yun,, matagal naraw pala akong hinahanap ng Lola niya"
"Tapos anong nangyari?" interesadong saad nito
"Siya yung pinuntahan ko sa Hospital kahapon pagkatapos kong ihatid yung mga libro niyo, naibalik ko narin sa kanya yung mamahaling bato na yun",
"Maigi naman kung ganon,"
"Pero may alzheimer's disease ang lola, napagkamalan niyang ako ang namayapa niyang Apo. Kaya ganon nalang kalapit ang loob niya sakin",
"Ganon ba,,"
"Kaya naman nangako ako na bago ako umuwi ay dadalawin ko siya sa Hospital"
"Ano? bakit pa? hindi mo naman yun kaano ano",
"Naaawa kase ako sa kanya Sir, tsaka naalala ko rin ang lola ko sa kanya,,mabait naman si Sir Harry sakin",
"May bago kana palang Amo ngayon?"
"Naku wala Sir ah, kayo lang nila Mam Sha ang Boss ko",
"May gaganaping festival sa school gusto kong tulungan mo ko sa pag prepared ng mga kakailanganin ko",
"Usige Sir, wala pong problema",
"Good, uuwi nako sa Unit ikaw ng kumuha ng mga pinalaundry ko. Ime-message ko ang Address", wika pa nito, napatango na lang siya dito
"At isa pa",
"Ano un Sir?"
"Clara??"
Napalingon siya sa biglang tumawag ng pangalan niya,
"Sir Harry?"
"Sabi ko na ikaw yan eh,"
"Ano pong ginagawa niyo dito?"
"Uhm malapit lang dito ang head office ko, anong oras pala ang out mo mamaya?"
"Five oc-"
"Nine oclock pa ang out niya" biglang saad naman ng binata sa gilid niya,
"Hah?"
"Masyado ng gabi yun, well pa tagaytay ang way namin ng driver ko pwede kitang isabay pauwi"
Nabigla naman siya ng lumapit sa kanila ang binata
"No need, ako ng maghahatid kay Clara. She's my personal assistant kaya kargo ko siya. Thanks sa offer", napangiti naman ang binata sa sinabi nito,,
"It's Clara who can decide, I'll call you later Clara" wika lang nito at nagpaalam na sa kanya, napakamot ulo naman siya
"Tsk,, don't tell me sasabay ka talaga sa mayabang na un umuwi Clara", inis na wika naman ng binata sa kanya,
"Hindi ko alam Sir, naguguluhan po ako",
"What???"
Lumakad nalang siya papasok sa lobby ng building, agad naman itong humabol sa kanya.
"Hindi mo pa masyadong kilala ang taong yun bakit magtitiwala ka agad sa kanya?"
"Hindi naman po masamang tao si Sir Harry",
"Paano ka nakakasiguro?, bagong kakilala mo palang siya sama ka agad ng sama", talak nito habang nag hihintay sila ng elevator, daig niya pa ang batang sinesermonan nito,
"Natitiyak ko lang Sir na mabuti siyang tao, wala pong dahilan para magalit kayo sa kanya", mahinang saad niya, nang magbukas ang elevator ay pumasok na siya sa loob, nang tingnan niya ito ay nakatitig lang sa kanya, hindi niya alam pero mukang nabadtrip na naman ito.
Hanggang sa sumara na ang pinto ng elevator ay hindi na ito humabol pa sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya, naweweirduhan na talaga siya sa dito.
Nang makabalik siya sa Office nila ay hindi niya narin napansin na bumalik ito. Siguro ay nabadtrip na ng tuluyan, pagdating ng alas singko ay pinick up na niya sa address na binigay nito ang mga damit na pina laundry nito, agad na siyang dumiretso sa unit nito pero wala siyang Diego na nadatnan doon kundi puro mga kalat.
"Tinoyo na naman siya, napaka isip bata talaga", isip isip niya,
Nagligpit muna siya sa kusina maging sa sala nito saka niya pinagtutupi ng maayos ang mga damit nito na galing sa Laundry. Isang oras na siya doon pero hindi parin ito dumarating, kaya minabuti na niyang umalis na at dadaan pa siya sa hospital.
***
"Mabuti naman at dumating kana Clara, akala ko nakalimutan mo na akong bisitahin", masayang saad sa kanya ng matanda pagkadating niya sa silid nito,
"Sempre hindi ko po yun nakalimutan Lola, may inasikaso pa po kase akong mga trabaho kaya ako natagalan",
"Ganon ba Apo, napaka sipag mo naman kung ganun. Bakit hindi ka ulit mag-aral?" napangiti naman siya at napailing
"Hindi pa po sa ngayon La, may mga inuuna pa po kase akong mas importante", nakangiti niyang sagot, hinawakan naman nito ang mga kamay niya
"Alam mo ba na masipag mag-aral ang Apo kong si Clara, mahilig din siyang magbasa ng libro kaya naman sa bahay meron kaming malaking library kung saan lagi siya doon naglalagi, iyon ang paborito niyang tambayan sa bahay"
"Talaga po?"
"Pero malupit ang tadhana, isang araw bigla niya nalang kinuha samin ang pinakamamahal kong Apo", malungkot na saad nito kasabay ng pagtulo ng mga luha nito
"Lola,"
"Pilit kong kinakalimutan na hindi totoo ang lahat, na buhay pa siya, na nariyan lang siya pero,, pero sa wakas nandito kana Clara,, at hindi mo na iiwan ang lola diba?"
"Lola,," naaawa na pinunasan niya ang luhaang pisngi nito,, mahigpit na kumapit naman ito sa braso niya
"Nasisiguro ko na kung nasan man ngayon si Clara lagi niya kayong ginagabayan La,, "
"Hindi nako iiwan ni Clara, yun sabi niya.. Mamamasyal pa kami at kakain ng paborito niyang Ice cream",
Hanggang sa nakatulog ito ay wala itong bukam bibig kundi ang pangalan ng namayapang Apo.
"Bibisitahin ko nalang ulit siya bukas Sir, hanggang ngayon ay nangungulila parin siya sa kapatid niyo",
"Maraming Salamat Clara, salamat at nabibigyan mo ng atensyon ang Lola ko",
"Walang anuman yun Sir, mas kailangan niya ngayon ang alaga at pagmamahal dahil sa kondisyon niya"
"Ako ng maghahatid pauwi sayo", napatango na lang siya dito, pagdating nung nurse na magbabantay sa matanda ay sabay na silang lumabas ng kwarto.
"Mag cocommute nalang siguro ako Sir, alas otso palang naman po",
"No, hayaan mong ihatid kita bilang pasasalamat ko sa ginagawa mo para kay Lola, kung hindi ka dumating sa buhay niya marahil hanggang ngayon patuloy niya kaming tatakasan para hanapin ang kapatid ko",
"Hah? laging tumatakas si Lola?"
"Kahit saan namin siya dalhin lagi siyang umaalis at tumatakas, dahilan niya ay hahanapin niya si Clara. Lagi niyang bitbit ang Diamond kaya minsan nalalagay sa panganib ang buhay niya", paliwanag nito,
"Kaya simula ng sinabi ko sa kanya na pupuntahan mo siya nangako siyang hindi na tatakas ulit",
"Nakakaawa naman pala kung ganon si Lola Sir,, bakit kailangang mangyari ang bagay na un kay Clara",
"Hindi naman natin masasabi kung hanggang kailan ang buhay natin,"
Hanggang sa nakarating sila ng paradahan ng sasakyan nito.
"Clara, pwede ba kitang mayaya sa susunod na araw?"
"Saan po Sir?"
"Birthday ng Lola sa Sabado, isa lang ang hiling niya ang mamasyal sa tabing dagat"
"Talaga Sir?, oo naman sir basta para kay Lola",
"Great, "
"Claraaaa!!!",
Sabay silang napalingon sa sumigaw ng pangalan niya, nanlaki pa ang mata niya ng makita ang binata na akay akay ng dalawang lalaki.
"S-Sir Diego??"
"Ikaw ba yung Clara?, kanina pa kase to lasing na lasing eh, tapos hindi na namin maawat kaya sinamahan na namin papunta dito",
"Urrggh, bi-bitawan niyo ko... C-Clara... wag kang sasama sa kanya.. magagalit ako sayo pag.. pag sumama ka sa kanya",
"S-Sir,, bakit ba kayo nagpakalasing??",
"Huwag kang,,, urrrggghhhh,,"
Napangiwi sila ng bigla itong sumuka sa harapan nila,
"Patay tayo neto, mabuti pa ihatid nalang natin toh sa Unit niya para makapagpahinga,, apaka kulit kase eh", wika nung isa,, agad niyang inalalayan ito at kinuha niya ang panyo para ipinunas sa pawisang mukha nito,
"Sir kaya mo paba??"
"Uhmm, ",, tanging ungol lang nito,
"Alalayan niyo siya papasok ng sasakyan, ihahatid ko na kayo sa Unit niya" wika naman ng binata sa likuran niya,, agad naman kumilos ung dalawang lalaki para ipasok ito sa loob ng sasakyan.
"Pasensya na sa abala Sir Harry", nahihiyang saad niya dito
"Hindi kita pwedeng pabayaan Clara, lalo't anong oras na ng gabi,, pagkahatid natin sa kanya ikaw naman ang ihahatid ko sainyo",
Napatango nalang siya at sumunod na rito, ilang minuto ang binaybay nila papunta sa Condo nito. Sa basement na sila dumaan para hindi ito makita ng mga guard na may kasama silang lasing. Sinamahan naman siya ng binata hanggang sa makapasok sila sa Unit nito, buti nalang at may dala siyang susi.
Matapos maihiga ito ng dalawang lalaki ay nagpaalam na ito sa kanya
"Ikaw ng bahala sa Amo mo Clara, mauuna na kami",
"Sige, Salamat",
"Mauna narin po kami Sir", paalam din nito sa binata na nakatuon ang tingin sa paligid.
"Nagtatrabaho ka sa kanya bilang Personal Assistant?" narinig niyang tanong nito pagkaalis ng dalawa
"Oo Sir, P.A rin po kase ako ng tita niya na may ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko,"
"I see, hindi kaba nahihirapan sa trabaho mo?"
"Hindi naman Sir, simple lang naman po ang mga inuutos nila, mababait na Amo rin naman po sila, sandali lang po Sir ah", nagpaalam siya dito at , kumuha ng malinis na bimpo para basain iyon at ipunas sa mukha ng binata upang mawala ang kalasingan nito.
Matapos niyang mapunasan ang mukha nito ay kinumutan niya naman ito,
"Bakit ka kase naglalasing Sir, kabata bata mo pa. Pag nahuli ka ng Daddy mo keltok ka talaga", aniya habang nililigpit ang ginamit na bimpo dito, muka namang mahimbing na itong natutulog.
Agad na siyang napatayo ng makita ang binata na nakatingin sa kanila mula sa labas ng pinto,
"Tapos nako Sir Harry, pwede napo tayong umuwi", saad niya ng maisara ng marahan ang pinto ng among binata. Tumango lang ito,, nilocked niyang maayos ang pinto nito ng makalabas sila.
"Hindi ka lang niya Personal Assistant kundi parang baby sitter narin", wika nito habang nag aabang sila ng elevator, napangiti nalang siya
"Ganon lang po yun minsan si Sir, may pinagdadaanan rin kase siya kaya naiintindihan ko siya",
"Bakit sobrang maunawain mo Clara? tingin ko walang mahirap pagdating sayo",
"Inspirasyon ko lagi ang pamilya ko Sir kaya hindi ko na iniisip na mahirap gawin ang isang bagay", nakangiting sagot niya. sabay na silang pumasok sa loob ng bumukas ang elevator.
"Here's my card, pag kailangan mo ng tulong anytime pwede mo kong lapitan", sabay abot nito ng isang piraso ng carbon paper,
"Salamat Sir",
Tahimik lang sila habang nasa byahe, nakaidlip rin siya sandali. Mag aalas dose na ng makarating siya sa may kanto nila kung saan naghihintay ang kanyang Papa.
"Maraming Salamat ulit sa paghatid Sir Harry, mag iingat po kayo pag uwi",
"Always welcome Clara, kontakin mo lang ako pag may kailangan ka",
Tumango lang siya at ngumiti dito, ilang sandali ay nakaalis narin palayo ang sasakyan nito. Lumapit siya sa kanyang Ama at agad nagmano.