Twelve

2355 Words
Nakagawian na niyang bisitahin sa Hospital ang matanda bago umuwi. Lalong napalapit ang loob nila sa isa't isa, turing niya dito ay para niya ng tunay na Lola, magiliw naman lagi ito sa kanya, minsan naaalala nito sakanya ang Apo, minsan naman nabalik sa ala-ala nito na siya ay ibang Clara. Dalawang linggo narin silang hindi nagkikita ni Harry dahil may business trip ito sa Canada, walang ibang nag asikaso sa Matanda kundi ang personal nurse nito, minsan nadadatnan niyang nag iiyak at nagwawala ito at tanging siya lang ang nakapag pakalma dito. Labis siyang naawa sa sitwasyon nito, hindi pa ito makalabas ng Hospital dahil bukod sa alzheimers nito ay may iba pa itong sakit na komplekado. "Clara wag mong kakalimutan bukas ah, may laro kami ng basketball sa School and gusto ko nandun ka", wika sa kanya ng binata "Huh? diba day off ko na ang Sabado Sir??", "Pero nakapangako kana sakin diba? next saturday kana lang mag day off", giiit pa nito "Wala naman akong gagawin sa School mo Sir eh, pwede ba outsider dun?" "Pwede un dahil utos ko at gusto ko", "Grabe naman un", "Ayaw mo ba?", tila nagtatampong saad naman nito "Hindi Sir, pupunta napo  ako", saad nalang niya baka kase toyoin pa ito mahirap na. "One more thing Clara, after nun sasama ka sakin sa Party ng tropa", "Huh? Party? hindi ako napunta sa ganon Sir", "Pwes ngayon makakapunta kana", "Naku ayoko Sir, baka mapahiya lang po kayo pag sinama niyo pako. Hindi pa naman ako sana'y sa mga Party Party", "Don't you trust me? ako ang kasama mo kaya hindi ka mapapahamak", wika pa nito, napasimangot lang siya, pinakaayaw niya sa lahat ang umattend ng ganon.  "You like it or not sasama ka sakin, okay???" nakangisi pang saad nito sabay pisil at hila sa pisngi niya. "Aray ko! oo na Sir,", "Ang cute mo talaga hahaha", Napailing nalang siya at sinundan ito ng tingin. Ano pabang magagawa niya diba? Malaking bagay rin ang paninilbihan niya dito, sa ilang buwan niya ay nakaipon na siya ng malaking halaga kaya nabilhan niya ng laptop at bagong cellphone ang kapatid niya. Natutulungan niya narin sa gastusin ang Mama niya at nakakabayad na sila paunti unti ng kanilang utang. Konte pa at pag iipunan naman niya sa susunod ang pag aaral niya. At pag nakatapos na siya makakahanap pa siya ng mas magandang trabaho at matutulungan niya lalo maiahon sa hirap ang pamilya niya. Yun lang naman ang tanging pangarap niya. "Nga pala Clara nasan na yung Mistisong Hilaw na lalaki?", biglang sulpot na saad nito sa tabi niya "Hah? Mistisong Hilaw?", "Ou ano ngang pangalan nun?" Sandali naman siyang natigilan at inisip kung sino ang tinutukoy nito, "Ah si Sir Harry???" "Sir?? Amo mo ba yun", nakalapit ang mukhang saad pa nito, napaatras naman siya ng konte "Uhm edi si Harry", "Close kayo?", patuya pang saad nito "Si Harry nga Sir," "Nasan na siya? mabuti naman at wala na siya sa landas mo", "Eh? nasa out of country siya, business trip daw", "Bat mo naman alam?", "Sabi ng Staff niya?", patay malisya niyang sagot sabay iwas ng tingin dito, baka kase pag sinabi niyang nagmessage sa kanya ang binata ay magalit na naman ito sa kanya.  "You lying", Nagulat pa siya sa sinabi nito kaya agad siyang napatingin dito "See, that look,, you know Clara,, I know you when you're lying to me", "Hah??", "Hindi ka nakakatingin ng diretso sakin pag sasagot. That's it", saad pa nito, napaiwas uli siya ng tingin. Nahuli na naman siya neto. Napayuko nalang siya "Nag message sakin si Sir Harry na mawawala siya sandali, bukod sa Nurse walang ibang titingin sa lola niya", aniya na nagpakunot noo dito "Wala ka namang napapala sa matandang yun ah? sinasahuran kaba ng lalaking yun sa pang aabala niya?",  Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses nito, hindi niya akalain na magbibitaw ito ng ganong salita. "Kusang loob ang pag aalaga ko sa matanda Sir at hindi po ako nahingi ng ibang kapalit. Nasasabi niyo yan kase hindi niyo naiintindihan ang nararamdaman ko", may tampong saad niya, saka humakbang paalis sa harapan nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon ito manalita sa matanda. Kung bakit mainit ang dugo nito sa mag lola. Saktong alas singko pag out nilang mga empleyado ay dumiretso na siya sa Hospital para bisitahin ang matanda. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog parin ito. "Andyan po pala kayo Ms. Clara", Napangiti siya ng makita ang pagdating ng Personal Nurse nito. "Magandang hapon po. Kamusta napo ang lagay ng Lola?", "Nagising siya kanina na umiiyak at hinahanap niya si Sir Harry may kailangan raw siyang sabihin. Binalak niya ring umalis kaya ininjectionan namin siya ng pampakalma kaya nakatulog agad siya", "Ganon po ba", Naawa na binalingan niya ng tingin ang matanda. "Nakakaawa na ang sitwasyon ni Madam, kinailangan na namin siyang idextrose dahil ayaw na niyang kumaen, pati gamot ay duon narin pinapadaan. Binabantayan din namin ang hypertension niya dahil minsan inaatake siya ng high blood. Mataas rin ang sugar niya, pag lumala pa ang lagay ni Madam ay baka dalhin na siya sa States ng anak niya", "May anak pa ang Lola?", Napatango naman ito habang inaayos ang dextrose ng matanda "Ang Daddy ni Sir Harry, lagi rin siyang busy sa business nila kaya ng malaman niyang malala na nag lagay ng Mother niya ay nagdecide na siyang dalhin ito sa states pero ayaw lang ni Sir Harry", "Pero bakit?", "Ayaw rin ni Madam doon, dito lang daw siya kung saan naroon ang Apo niyang si Clara", Natahimik siya sa narinig, marami rin silang napagkwentuhan nito hanggang sa inabot na siya ng alas otso. Nagpaalam nalang siya na babalik ulit bukas.  Sobrang nahahabag siya sa kondisyon ng matanda pero wala naman siyang maga. Dagdag pa ng kalungkutan niya ang inasta ng Among binata, hindi kase nito alam ang tunay na kundisyon ng lola kaya ganon nalang mag isip ito.  Nasa labas na siya ng Hospital ng mapaangat ang tingin niya dun sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Matamang nakatuon lang ang tingin nito sa kanya, hindi niya magawang humakbang palapit dito o tatalikod ba siya, hanggang sa ito ang lumapit sa kanya.  "I'm sorry sa mga nabitawan kong salita kanina, siguro nga hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo", mahinang saad nito,  "Wala na yun Sir, ano palang ginagawa niyo dito ng ganitong oras? wag niyong sabihin mag wawalwal na naman kayo", napatawa naman ito sa sinabi niya,  "Na guilty ako sa sinabi ko kanina kaya pinuntahan kita dito",  "Sus, wala na yun Sir, mabuti pa umuwi na kayo. Diretso uwi at hindi kung saan saan",  "Ikaw ang hindi dumidiretso uwi eh. Kung san san kapa nagpupunta",  "Ayan na naman siya," bulong niya.  "Tapos nag iiskip kana naman ng hapunan, anong oras kana makakauwi sainyo kaya ang payat payat mo",  "Blah, blah, blah para na namang tatay kung magsalita",  "Eto kainin mo sa byahe, ihahatid na kita sa sakayan ng bus", sabay abot nito ng isang supot, agad niya namang binuksan ang laman nun  "Wow siopao, hmm mukang masarap,, salamat Sir ah. ang bait niyo talaga",  "Sus, parang siopao lang eh",  "Masarap kaya toh, lalo yung bola bola na may itlog maalat sa loob",  "Bola bola nga yan, alam kong favorite mo yan",  Napangiti nalang siya dito hanggang sa maihatid siya nito sa sakayan ng Bus,  "Wag kang tutulog tulog sa byahe, isafe mo yung gamit at phone mo. Sumagot ka sa tawag ko", habol pa nito ng paakyat na siya,  "Oo Sir, Salamat ulit dito", aniya at humakbang na paakyat,  "Ah Clara",  Habol na tawag nito kaya napalingon pa siya, naghihintay siya ng sasabihin nito pero nakatulala lang ito sa kanya hanggang sa umandar na ang bus "Oh aalis na! aalis na!!,, " yung kondoktor Kumaway lang ito sa kanya kaya tumango lang siya at lumakad na papunta sa bakanteng upuan. Minsan talaga may pagkaweird ang Among binata sa ikinikilos nito,  *** Hanggang sa dumating ang araw ng Sport Fest sa School ng Among Binata. Umaga palang ay panay na ang tawag nito sa kanya ng mga dadalhin niyang gamit nito pagkain at kung ano ano pa. Binigyan din siya nito ng Guest I.d para daw malaya siyang makapag ikot ikot sa loob ng Campus.  Hindi niya ito nadatnan sa Room nito kaya iniwan niya nalang doon ang gamit na dala dala niya. Halos mamangha siya sa paligid, nanabik tuloy siyang makapag-aral ulit habang tinitingnan ang mga estudyante na abala sa kani-kanilang gawain.  Habang papalabas siya ng Meds Building ay nakatanggap siya ng message dito na magtungo siya sa Covered Court dahil magsisimula na ang laro ng mga ito, muli niya binalikan ang dalang mineral at bimpo. Nahanap niya naman kaagad ang Court na tinutukoy nito, marami naring estudyante ang naroon at nag aabang na magsimula ang laro.  Pinagtitinginan man ng ibang estudyante ay ngumiti nalang siya at nagtungo sa kabilang sulok kung saan nandoon ang ibang mga kasama nito.  "Uy andyan na pala si Clara", wika nung isa "Hi Clara, buti dumating ka mag start na ang laro namin", ani nung James, minsan na itong napakilala sa kanya, tumango lang siya, napangiti siya ng makita ang papalapit na binata "You're late",  "Sakto lang naman dating ko Sir",  "Hindi mo kase napanuod yung practice game namin kanina, kung pano niya nilampaso yung kabilang team"- singit naman nung isa na sa pagkakatanda niya ay nag ngangalang Kelvin.  "Tsk",  Hanggang sa pumito na ulit ang referee, magsisimula na ulit ang laro nila. Nagsimula narin umingay ang buong paligid, iba ibang sigawan ang maririnig, mga cheering squad at grupo ng estudyante na ang lalakas kung makatili.  Manuod kang mabuti. Napamaang siya ng makatanggap ng message galing dito, agad niya hinanap kung nasan ito, naroon pala sa dulo at  hawak ang telepono habang nakatuon ang tingin sa kanya, napangiti nalang siya at nireplayan ito.  Goodluck Sir. Galingan mo. Nang tingnan niya ito ay nasa hawak na netong telepono ang atensyon.  Pagnanalo kame pagsisilbihan mo ko habambuhay. Nanlaki ang mata niya matapos mabasa ang mensahe nito, nang sulyapan niya ito ay naroon na ito sa loob ng court at ngumisi lang sa kanya, minsan talaga may pagka abnuy ang isang toh. Pero hanggang kelan niya kaya ito mapagsisilbihan?,  Habambuhay?? napailing nalang siya, hindi niya ata lubos maisip na habambuhay niya itong pagsisilbihan, isipin niya palang ay parang liliyab na sa init ang pisngi niya, pag lumipas pa ang ilang taon ay baka bigla lang itong magbago ng pakikitungo sa kanya, natatakot at malulungkot siya pag dumating ang araw na yun.  Kaya iniingatan niyang hindi mapalapit ng husto dito dahil baka isang araw.  *Pffftttttt*  Tunog ng pito ang nagpabalik sa katinuan niya, isa sa kasamahan nito ang na faul. Hindi na ishoot ng kalaban ang bola kaya muli nagpatuloy ang laban ng laro. Mahigpit ang laban at halos magkadikit lang ang puntos ng mga ito.  Sobrang ingay na ng paligid sa tuwing nakaka puntos ang binata, marami rin palang fans ito at halos maputukan ng ugat sa leeg ang mga babae kakasigaw ng pangalan nito.  "Go!!!,, Go Diego GO!!!!!",  "Go!!!,, Go Diego GO!!!!!",  Halos mabingi na siya kakasigaw ng mga ito na nasa tabi niya lang, nang mapasulyap siya sa gawi ng binata at napangisi lang ito sa kanya.  Matapos ang first quarter ay lamang na ng ilang puntos ang Team nito, pabalik na sila sa gilid ng court dahil breaktime kaya hinanda na niya ang inumin at pamunas nito. Pero ng malapit na ito ay sinalubong ito ng isang sexy na babae at binigyan ng towel at inumin.  Natigilan din ang binata at nabigla sa pagsulpot ng babae, naghiyawan naman ang mga nasa paligid nito. Pagharap nito sa gawi niya ay agad niya itong nakilala. Ito yung babae na nadatnan niyang kahalikan ng binata,  "Ah grabe kakauhaw",  "Eto oh" sabay abot niya ng inumin sa isa sa ka team nito  "Ay salamat, Clara right?"  Tumango lang siya at ngumiti sa lalaki, nang mapasulyap siya sa gawi ng binata ay matalim ang tingin nito sa kanya, habang abala ang babae  na pinupunasan ang mukha nito.  Hindi na ito nakabalik sa pwesto nila dahil naharang na ito ng grupo ng mga babae na nakikipag usap dito, kaya naupo nalang ulit siya sa isang tabi habang panay ang daldal sa kanya nung lalaki na inabutan niya ng tubig.  "Kaano ano ka pala ni Diego?" muling tanong nito,  "Ah, P.A niya po ako",  "Ano kaba wag mo na ko i-po Clara, magkasing edad nga lang tayo eh, hahaha",  "Ah si-sige",  "Alam mo ba maraming program sa school ngayon, kung hindi ka busy pwede kabang maanyayahan sa dating booth namin?"  "Ah hah?, dating booth?",  Napatango naman ito "Siguro naman papayagan ka ni Diego dahil after ng game namin magiging busy na ulit sila ng girlfriend niya", sabay sulyap nito sa dalawa,  Girlfriend ni Sir? hindi niya ata alam ang bagay na yun, pero sabagay sino ba siya para ipaalam dito ang tungkol sa private life nito.  "Ano sama kana sakin mamaya Clara?"  "Hah?, uhm hindi ko pa alam eh" aniya at napasulyap sa pag vibrate ng cellphone niya. May natanggap siyang message dito Stay away from him. Napatingin siya sa gawi nito, matalim parin ang tingin nito at ng magtama ang tingin nila ay bigla itong umirap, daig pa talaga nito ang babaeng nireregla pag nagsusungit. Napailing nalang siya at umusod onte palayo sa katabi.  Narinig na nila ang pagpito ng referee at nagstart na ulit ang kanilang laro. Napansin niyang panay sablay ang bawat tira nito kaya madali silang nalamangan ng kalaban. Madilim din ang mukha nito ng titigan niya, ilang sandali bago matapos ang 2nd quarter ay humingi ulit ng 5mins breaktime ang coach nila.  Sa pagkakataong yun ay nakita niyang nagpunta ito sa backstage, nag-alinlangan naman siya kung susundan ba ito doon o hindi. Tatayo na siya ng makita niya naman ang pagpunta doon ni Nads, bumalik nalang ulit siya sa kinauupuan. Matapos ang limang minuto ay sabay na lumabas ang dalawa na magkahawak kamay, mukhang okay na ito dahil nagawa na nitong ngumiti sa kasintahan.  Sinundan niya lang ito ng tingin ngunit ni isang sulyap ay hindi siya nagawang tingnan nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD