Thirteen

2072 Words
Malapit ng matapos ang 2nd quarter, simula ng magstart uli ang laro ay nahabol naman agad nila ang puntos ng kalaban, ilang minuto nalang at patindi na ng patindi ang labanan, lalong nagsisilakas ang hiyawan at tilihan ng mga estudyante.  Tatlong minuto nalang ang natitira ng mag tie pa ang score ng dalawang team, sandaling itinigil at nagsimula ulit. Habang nakatuon ang atensyon niya dito ay biglang nagvibrate ang cellphone niya,  Nurse Jhen Calling..... Agad niyang sinagot ang tawag nito,,  "Hello Nurse Jhen?"  "C-llara,, -----"  "hello??"  Sa sobrang ingay ng paligid ay hindi niya marinig kaya nagmadali siyang lumabas ng covered court. Hindi na niya napanuod ang nangyari sa laro ng binata, minabuti niya munang tawagan ulit ang Nurse ng matanda.   Sinubukan niya ulit tawagan ito pero hindi na niya makontak pa. Ilang sandali ang lumipas ng marinig niya ang malakas na tunog sa loob, tapos na ang laban at hindi niya alam kung sino ang nanalo sa dalawang grupo. Pabalik na sana siya ng maraming estudyante narin ang papalabas, hindi niya makita ang binata maging ang ibang mga kasama nito.  Nang makalabas ang maraming estudyante sa covered court ay saka siya nakapasok sa loob, nagpalinga linga siya kung nasan ang grupo nito  pero wala na siyang nakita ni isa sa mga ito. Napabuntong hininga na lang siya,  San na siya ngayon pupunta?  Kinuha niya nalang ang towel sa upuan at umalis narin ng covered court, agad na siyang nagtungo sa Meds Building baka sakaling naroon na ito pero ng marating niya ang third floor ay wala rin ito doon.  Nakasalubong niya pa pababa ng hagdan si James at Kelvin habang masayang nagtatawanan.  "Oh Clara, nandito ka lang pala, bat bigla kang nawala kanina?"- James "Lumabas kase ko sandali" "Hindi mo na naman napanuod ang three points shot ko, ayun ang nagpanalo sa grupo hahaha", -Kelvin "Siraulo! kapal mo talaga" -James "Nanalo kayo?"  "Ganon na nga haha, hinahanap mo ba si Diego?" - Kelvin "Ah oo eh, nakita niyo ba siya?"  "Naku ewan ko kung mahanap mo pa ang isang yun, binitbit na ni Nads eh. Huling kita ko kakalabas lang nila ng Campus",  "Ah ganon ba, babalik pa kaya sila?"  "Hindi ko lang alam Clara, gago talaga yung amo mo iniwan iwan ka lang", wika naman ni James, napangiti naman siya "Hindi okay lang, magpapaalam narin naman ako sa kanya eh",  "Ang mabuti pa Clara sumama kana lang samin, gusto namin subukan pumasok dun sa Horror House na pakulo ng IT Freshmen hahaha", - James "Onga Clara sumama kana lang, marami daw magagandang multo dun eh",  "Hah ano kase-" Hindi na siya nakatanggi ng hilahin na siya sa braso ng mga ito "Tara na Clara! hahaha, tiyak masaya yun",  Hila hila siya ng mga ito papunta dun sa isang building kung saan may ilang estudyante din ang nakapila sa Horror House.  "Walang aatras ah, keltok ka sakin James pag umayaw ka sa loob",  "Wag mo ko igaya sayo, mas matapang itlog ko", -Kelvin  "Ang bastos ng bibig mo! Mahiya ka naman kay Clara",  "Ay sorry naman hahaha",  Napangiwi lang siya sa dalawang makulit hanggang sa sila na ang papasok sa loob,  "Bawal po manakit ng multo hah Mam/Sir" saad nung nasa entrance  "Manghalik pwede??" -Kelvin "Ay nako mas bawal po Sir", natatawang sagot naman nito "Manyak mo talaga!", sabay keltok nito sa kasama,  "Biro lang naman!",  "Pasok napo kayo Mam/Sir",  Ngumiti lang siya dito matapos tatakan ang braso niya, pagpasok palang nila ay bumungad agad sa kanila ang isang demonyo na may mahabang sungay "Ahhhhh!!!!, Ahhhhh!!!",  Sigaw nung dalawa na napasiksik pa sa kanya,  "Ang bakla mo pota!!" - Kelvin  "Bitawan mo nga ko gag*"- James,  Natawa nalang siya sa dalawang kasama habang dahan dahan silang naglalakad papunta sa pasilyo,  "Maamaaaahhh!!!!",  Malakas na sigaw nung dalawa ng biglang sumulpot sa harapan nila ang isang white lady, maging siya ay nagulat rin, pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso di dahil sa white lady kundi sa sigaw ng dalawa niyang kasama.  "Pambihira kalalaki niyong tao!!",  "Hahaha p*ta Nice try Miss"- ani Kelvin sa white lady,  "Tumalsik ata itlog ko pare"  "Kadiri ka talaga" Nagpatuloy ulit sila sa paglalakad, iba't ibang klase ng multo ang nagpapakita at nang gugulat sa kanila na halos ikapaos ng dalawa niyang kasama kakasigaw na siya namang  ikinabingi ng tenga niya. Hanggang sa narating nila ang exit, nakaabang duon ang tila isang kabaong at ng nagpatuloy sila ay bigla itong gumalaw at humabol sa kanila.  "Ahhhhh!!! ahhhahaha p*ta!!!",  Tawanan sila ng marating ang exit, hinahapo narin siya katatawa sa dalawang kasama, ang lakas mag aya sa Horror House pero mga duwag naman pala. "Nakakahiya ka Pare, laki mong duwag hahaha",  "Paky* ikaw lang yun bwahaha, si Clara lang ata ang hindi natakot eh",  "Nabingi ako kakasigaw niyo", natatawang sagot niya at sandaling naupo sa tabi Tumabi rin sa kanya upo ang dalawa habang pare parehas silang nagtatawanan,  "Akala ko ba may magandang multo prank lang pala yun", "Ewan ko sayo, muntik pa tuloy akong magkasakit sa puso", -Kelvin Patuloy parin sila sa pagtatawanan ng biglang sumulpot sa harapan nila ang seryosong mukha ng Among Binata na nakatitig sa kanya.  "S-Sir Diego", bigla nawala ang ngiti niya  "Oy Master! Andyan kana pala hahaha, sayang dika nakasama dun sa loob ang saya pa naman"- James, agad naman itong siniko ni Kelvin ng mapansin ang kakaibang aura nito "Kanina pa kita hinahanap", seryosong saad nito.  Napatayo naman siya at tumigil naman sa pagpapatawa ang dalawa.  "Akala namin iniwan mo na si Clara kaya inaya namin siya sa loob ng Horror House", - James, hindi naman ito sinulyapan ng binata kundi sa kanya lang nakatuon ang tingin nito,  Nagulat naman sila sa pagsulpot ng ilang mga estudyante sa tabi nila, may bitbit na puting belo at bulaklak ang mga ito.  "Ayun ayun, guest yun dito!", turo sa kanya nung isang estudyante na may dalang belo, agad siyang nilapitan ng mga ito at sinuotan nun sa ulo, binigyan din siya nito ng isang punpon ng bulaklak  "Huh??, T-teka  sandali??"  "Takbo na tayo Par! pakulo yan ngayon ng mga freshmen yung bigla kang makasal sa stranger!" saad ni Kelvin,  Dinumog na siya ng tatlong babae na kung ano ano ang isinabit sa katawan niya, tapos hinila na siya ng mga ito "T-Teka lang,, S-Sir!!", habol niya dun sa binata na nakasunod lang ang tingin sa kanya,  "Sandali lang po ito Mam, pagkatapos niyo pong magsabi ng I do pakakawalan napo namin kayo" nakangiting sabi nung isa,  "Hah? p-pero",  Hindi na niya nalingon ang binata dahil dinala na siya ng mga ito sa isang maliit na garden, kung saan may dalawa pa dun na magkapareha na parehas kinakasal.  Kinakasal???? Halos manlaki ang mata niya ng makita ang nakalagay sa gilid ng garden.  Welcome to Marriage House. "Ahh!! naku naku!! ayoko nyan!!, masyado pa kong bata para ikasal!!!" aniya at akmang aatras ng pigilan siya ng dalawang bakla sa magkabilaang braso.  "Bawal po kayong umatras Mam kundi makukulong kayo sa Jail House ng dalawang araw", nakangising saad nito "Hah??, p-pero wala naman akong kasalanan?"  "Hahaha, wag na po kayo tumanggi Mam katuwaan lang po ito,",  "Hah? P-Pero??" nahihiyang tumingin siya sa mga nakapaligid sa kanya, mga nakangiting mukha ng estudyante,  "Lakad napo kayo papunta dun sa altar, naghihintay napo sainyo ang Groom niyo",  "Hah? G-Groom??"  Hindi parin siya humahakbang kaya marahan na siyang tinulak ng mga ito palakad, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang papalapit dun sa unahan kung saan tanaw niya ang isang matangkad na lalaki, hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito.  Pambihira naman ano ba itong napasok ko? makakasal pako ng wala sa oras,,  isip isip niya,,  Nanlaki naman ang mata niya ng biglang humarap ang lalaking Groom niya. Ilang hakbang nalang ang pagitan niya dito,  "S-Sir Diego?"  Bigla siya nanigas sa kinatatayuan niya, sandaling napayuko naman ito bago muling tumingin sa kanya "Ang panget kase ng napili nilang Groom para sayo eh, kaya pinalitan ko nalang",  "Hah?"  "Matutulala kana lang ba dyan? simula ng kasalan!", nagitla pa siya ng lumapit ito at hilahin siya papunta dun sa harap ng kunyare pare.  Halos mabingi siya sa sobrang lakas ng t***k ng dibdib niya, nakasuot siya ng puting belo at may hawak na punpon ng bulaklak, habang ito naman at nakasuot ng puting tuxedo.  "Welcome, loved ones. We are gathered here today to join Mr. Diego and Ms. Clara in holy matrimony." Simula nung kunwareng Pare sa harapan nila, halos manginig naman siya sa kinatatayuan, habang yung katabi niya ay relax na relax lang.  Do you , take this woman to be your lawfully wedded wife to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?  Patuloy nito na ang tinatanong ay ang binata, halos kapusin siya ng hininga ng sumagot ito I do.  Lalong nanlaki ang mata niya na sumulyap dito, kulang nalang ata ay lumabas ang eyeballs niya.  Do you , take this man to be your lawfully wedded husband to live together in matrimony,  nagitla siya ng malakas na nagring ang cellphone niya, natigilan tuloy ito magsalita at napatingin sa kanya. Taranta na  kinuha niya sa bulsa ang telepono at tiningnan kung sino ang natawag Harry Calling.... Natigilan siya ng makitang natawag ang binata, na agad niya ring sinagot to love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health, in sorrow and in joy,  Paglapat palang niya ng telepono sa kanyang tenga ay isang tinig agad ang narinig niya na umiiyak to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?  Nakatuon na sa kanya ang tingin ng lalaki at hinihintay ang pagsagot niya pero ang atensyon ng pandinig niya ay nasa telepono. "Lola?"  "Clara,, puntahan mo ako,, ilalayo na nila ako pakiusap Clara,,, ayokong sumama sa kanila!!! " umiiyak na saad ng matanda mula sa kabilang linya,,  "Claraaa,,, !!!",  "Lola???"  Nagtataka naman na napatingin sa kanya ang binata maging ang lalaki sa harapan nila. Sigaw nalang ng matanda ang narinig niya at ilang galabog kaya binundol na siya ng kaba. Dali dali niyang binitawan ang hawak na bulaklak at hinubad ang suot na belo maging ang puting tela na nakabalot sa damit niya.  "Clara!", habol sa kanya ng binata na nagtataka rin sa nangyari "Sorry Sir, may nangyari kase kay Lola, pasensya napo", aniya at mabilis ng tumakbo palabas ng garden,  "Claraaa!!!",  Hindi na niya nilingon ang tawag ng binata, mabilis ang mga paa niyang tumakbo palabas ng Campus, nakakuha naman agad siya ng taxi papunta sa hospital.  Pagdating niya doon ay wala na siyang nadatnan sa silid nito, kasalukuyan narin na nililigpit ang mga gamit sa loob,  "S-Sandali po, nasan napo si Lola?" hinihingal niyang tanong sa isang Nurse,  "Inilipat na siya sa ibang Hospital"  "Hah?"  "Clara",  Agad siya napalingon sa biglang pagdating ng binata "S-Sir Harry", lumapit naman ito sa tabi niya,  "Dadalhin na namin next day ang Lola sa States para ipagamot", mahinang saad nito,  "Kamusta po siya Sir?"  "Hindi na maganda ang lagay niya, were hoping na mapagaling pa namin siya pagdating doon,",  "Ganun po ba,," mahinang saad niya habang lulan ng luha ang mga mata, hinawakan naman nito ang balikat niya "Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanya nung mga panahong wala ako sa tabi niya", napailing naman siya at agad pinunasan ang bumagsak niyang luha "Wala po iyon Sir",  "Magpapaalam narin ako sayo Clara,, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, ", anito, lalong nagbagsakan ang luha niya at napatango nalang siya,, sobrang lungkot niya na hindi niya man lang ito naabutan at hindi man lang siya dito nakapagpaalam.  "M-Mag-iingat po kayo don Sir,, ikamusta niyo nalang din po ako kay Lola,, at paki sabi magpagaling siya,, hihintayin ko ang pagbabalik niya",  Tumago naman ito at isang box ang iniabot sa kanya, nagtatakang napatingin naman siya dito.  "Gusto kong ikaw ang magtabi niyan hanggat hindi pa kami bumabalik ni lola,"  Kinuha niya naman ito at ng buksan niya ay ang mamahaling Diamond ng matanda "P-Pero Sir",  "Sa oras na magkita na ulit tayo pwede mo ng ibalik yan sakin",  Marahang napatango nalang siya dito, ngumiti naman ito at niyakap siya. Sandali siyang niyakap nito, sa maikling panahon na pagkakakilala nila ng binata ay nagkaroon na ito ng puwang sa buhay niya. Hindi niya makakalimutan ang kabutihang pinakita nito sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD