Nag uwian na ang mga katrabaho niya ng magpaiwan siya dahil tambak pa ang encoding at filing niya.
"Hindi kaba natatakot dito mag isa diday? aalis na kame", ani ng Mam Bebs niya, napangiti lang siya
"Hindi po. Magtatakutan nalang kami kung sakali ng multo",
"Baliw ka talga haha. Siya mag-ingat ka nalang paguwi mamaya, muka pa namang uulan",
"Ingat din po kayo", aniya at itinuon na ang atensyon sa Monitor.
"Locked na namin ang pinto hah, bye!", pahabol na saad ng isa niyang kasama kaya napatango lang siya.
Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa ng muling marinig ang pagbukas ng pinto, siguro may nakalimutan ang isa sa mga ito. Sandali niyang sinulyapan ang cellphone, nagpaalam siya sa binata na hindi muna siya makakapunta sa Unit nito para maglinis dahil may kailangan pa siyang tapusin.
Hindi siya nakatanggap ng response galing dito, tatlong araw narin kase silang hindi nagkikita simula nung tinakasan niya ito sa oras ng kasal kasalanan nila. Iniisip niya tuloy kung sumama ba ang loob nito sa kanya, humingi naman siya ng paumanhin pero wala na siyang natanggap na kahit anong message mula dito.
Hihintayin niya nalang siguro na magmessage ito na pwede na siyang pumunta sa Unit nito. Nahihiya talaga siya sa mga nangyari,
Nagulat pa siya ng biglang may naglapag ng mga lantang bulaklak sa tabi ng table niya,
"S-Sir???",
"Nalanta na yung iniwan mong bulaklak", mahinang saad nito saka naupo dun sa bakanteng upuan na nasa gilid niya. Dinampot niya naman ito at tinitigan, nahihiya siyang tumingin sa binata dahil sa ginawa niya.
Kung pwede lang siyang lumubog sa kinauupuan ay ginawa na niya sana.
"Uhm, bakit mo pa dinala toh dito Sir?",
"Para iremind sayo yung masakit na ginawa mo sakin",
"Hah?", kinakabahan na napasulyap siya dito, blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya, muli siyang napayuko
"Tinakbuhan mo lang naman ako sa oras ng kasal kasalan natin, muka akong tangang humabol sayo na hindi ko alam kung anong nangyari ", sabay iwas nito ng tingin, hindi niya alam kung matatawa ba siya dito o maiinis, sa inaaakto nito e akala mo dang laki ng nagawang kasalanan niya.
"Hindi naman totoong kasalan yun eh",
"Eh pano pala kung totoo yun? tatakbuhan mo talaga ako?",
"Hala! sempre hindi!",
"Tsk!",
"Ahm ano, ano bayun!!," tarantang saad niya, hindi na niya alam ang sasabihin pa dito, nabibingi na ang tenga niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya,
"Alam mo bang nakakatrauma ang ginawa mo? kahit pa kunyarian pa yun, nakakainis ka talaga", sabay irap pa nito
"Sorry naman Sir, nag-alala lang kase ko nung oras na yun kay Lola eh",
Muli namang napairap ito sa sinabi niya,
"Wala kanabang ibang idadahilan sakin kundi ang mag Lola na yun??",
"Wala na Sir, kase umalis na sila,, hindi na nila ko maaabala pa", mahinang saad niya. Ito naman ngayon ang natigilan
"Anong sabi mo?",
"Malala na ang lagay ng Lola kaya kinailangan na siyang dalhin sa States para dun ipagamot, kaya hindi napo nila ko maaabala",
Sandaling napuno ng katahimikan ang pagitan nila, tumayo naman siya at binitbit ang ilang folders na natapos niyang i-encode para ibalik sa steel cabinet. Hanggang ngayon ay ito parin ang kinagagalit nito, inabala niya sandali ang sarili na iligpit ang mga nagkalat na folders, makalipas ang ilang minuto pagbalik niya sa kanyang pwesto ay wala na doon ang binata.
Nakahinga siya ng maluwag, mabuti naman at umalis na ito makakapag concentrate na siya sa trabaho. Matitigil narin ung tambol sa dibdib niya. Hanggang alas nuebe lang siya at kailangan niyang matapos lahat toh, nagitla naman siya ng bigla ulit nagbukas ang pinto.
Pag angat niya ng tingin may bitbit itong dalawang supot.
"Samahan mo kong kumain?" parang maamong tupa na saad nito, sakto naman na kumalam na ang sikmura niya kaya tumango nalang siya.
Nauna itong nagpunta sa pantry kaya sumunod nalang din siya doon. Tahimik lang siyang naupo sa katapat na upuan nito,
"Hindi kanaba galit sakin Sir?", aniya habang nagbubukas ito ng pagkain
"Aalukin ba kitang kumaen kung galit parin ako sayo?",
"Uhm," napayuko lang siya, bumalik ulit ang tambol sa dibdib niya
"Kumaen ka ng marami para maging malusog ka. tingnan mo muka ka ng anemic dahil hindi masusustansya ang kinakain mo",
"Hah?",
"Tsk! hindi mo rin alam na panalo ang Team namin?",
"Alam ko po", sagot niya, napasmirk naman ito, dahil dun tingin niya ay hindi na ulit toh mukang badtrip
"Alam mo ng ibig sabihin nun",
"Nang alin po Sir?", mas lalong kinakabahan na saad niya, hindi na niya yata kaya pang ilunok ang kinakain
"Wag mong sabihin na nakalimutan mo?",
"Ahhh???", sandali siyang nag isip kung ano ang tinutukoy nito,
"Bago yung Laro anong usapan natin?",
Pagnanalo kame pagsisilbihan mo ko habambuhay.
Muntik pa siyang mabulunan ng maalala ang huling mensahe nito.
"Naalala mo na??",
"Uhmm, hindi,, ang sarap naman neto,, heto Sir oh kain kapa,," aniya at sunod sunod na sumubo ng kanin at ulam. Maluha luha na siya kakanguya wag lang malaman nito na naalala na niya.
"Tsk,"
Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito umimik pa at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
"Hindi kapa ba uuwi Sir?", maya maya'y tanong niya matapos nilang kumain,
"Hindi pa, hihintayin kitang matapos", napakamot ulo lang siya at bumalik na sa kanyang pwesto, habang abala siyang nag eencode ay naroon lang ito sa kabilang sulok at pinagmamasdan siya.
Hindi niya alam kung guni guni niya lang ba yun o ano, pagsusulyap kase siya dito ay bigla itong iiwas ng tingin.
-_- 7
Di niya nalang pinansin ang presensya nito at itinuon ang pansin sa ginagawa. Isang oras na ang nakalipas ng mapasulyap siya dito ay nakaidlip na ito, palihim na napangiti nalang siya, malapit narin naman siyang matapos. Day off niya naman kinabukasan kaya ok lang, makakapagpahinga siya ng mahaba haba bukas.
Huling voucher nalang at tapos narin siya, sandaling nag inat inat siya dahil sobrang ngalay na ng likod at braso niya. Napahikab pa siya, gusto naring malaglag ng eyeballs niya sa antok. Nagising naman ang binata sa isang tabi,
"Nagising ba kita Sir? malapit napo ko matapos makakauwi narin po kayo", aniya napatingin naman ito sa wrist clock nito
"May masasakyan kapaba ngayong oras na toh?",
tumango tango naman siya
"Oo Sir. 24hrs ang byahe pauwi ng probinsya",
"Hmm tibay mo talaga",
Napangiti lang siya sa sinabi nito, nang matapos mag ginagawa ay nag ayos na siya sandali ng table niya at inoff na ang kanyang computer. Pero pagtingin niya sa labas ng bintana ay sobrang lakas ng ulan.
"Makakauwi kapa ba sa lagay na yan?", salita nito mula sa likuran niya,
"Oo naman Sir, umulan man o bumagyo kailangan kong makauwi",
"Tsk mamaya na, patilain muna natin sandali. Paghumina na saka tayo bumaba",
Napatingin lang siya ulit sa labas ng bintana, sobrang lakas parin ng buhos ng ulan, napatingin siya sa taas ng kisame ng biglang kumurap kurap ang ilaw.
"Hala??"
Ilang beses kumurap kurap ito bago tuluyang nawalan ng kuryente, tanging emergency light lang ang nagbigay liwanag sa loob ng opisina.
"Nagblack out pa", narinig niyang wika nito,
"Hay buti nalang natapos ko yung ginagawa ko bago nawalan ng kuryente kundi lagot ako", aniya,
"Hindi kaba natatakot kung sakaling may magpakitang multo dito Clara?"
"Hah? multo? uhm hindi Sir", nagitla siya ng maramdaman ito sa tabi niya,
"Sigurado ka?"
napatango naman siya, sanay kaya siya sa dilim tuwing mapuputulan sila ng kuryente, ng mapatingin siya dito ay hindi niya masyado makita kung saan nakatuon ang tingin nito pero parang nakatitig ito sa kanya
"Mas natatakot pa ko senyo Sir pag nagagalit kayo",
"Ano??",,
"Yung multo magpapakita lang sakin pero hindi naman ako nun susungitan at sesermonan, ahh", bigla naman pinitik nito ng mahina ang noo niya
"Engot,"
Hinaplos haplos niya nalang ang noo na pinitik nito pakiramdam niya ay naroon parin nakadampi ang daliri nito pero nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya paalis sa noo niya.
"Sa susunod wag mo na ulit akong tatakbuhan, kundi ikukulong na talaga kita", mahinang saad nito, ramdam niya ang mainit at malambot na palad nito na nakahawak sa kamay niya, bigla siyang natameme parang umurong ang dila niya para makapagsalita habang ang tingin niya ay nakatuon dito.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na nakakabingi, pakiramdam niya ay natutunaw siya sa mga titig nito na punong puno ng pagsusumamo. Muling umangat ang kabilang kamay nito at marahang inayos nito ang ilang hibla ng buhok niya sa gilid ng kanyang tenga para tuloy siyang nakuryente,
Nang marahang bumaba ang mukha nito sa kanya ay nagulat siya sa biglang pagliwanag ng paligid.
"May ilaw naa!!!"
Maging ito ay nagulat din at bigla umayos ng tindig, nabitawan narin nito ang kamay niya,
"Ayan, makakauwi na tayo Sir! humina narin ang ulan sa labas", nakangiting saad niya sa kabila ng taranta na nararamdaman
"Uhhm, oo nga. Tara na ihahatid na kita sa Terminal",
Tumango lang siya at kinuha na ang bag niya, nauna itong lumabas ng office bago siya. Sinigurado niya muna na nailocked niya ang pinto bago sumunod dito, nasa may tapat na ito ng elevator ng datnan niya.
Wala silang imikan ng magkatinginan, sabay pa silang nagkaiwasan ng tingin. Pagbukas ng elevator ay pinauna siya nitong sumakay bago ito, bigla tuloy naging awkward ang pagitan nilang dalawa pero nanahimik nalang siya sa isang tabi.
Nasa 7th floor palang sila ng kumurap kurap naman ang ilaw ng elevator, napahawak siya sa bakal ng bigla itong umalog alog bago tuluyang nawalan ng ilaw.
"Clara okay ka lang??", daling lapit nito sa kanya
"Oo Sir, anong nangyari?? bat hindi na gumagana??"
"Nag under maintenance ata ang elevator",
"Hah? hindi tayo makakalabas dito?",
"Hey don't panic, tatawag ako sa admin", anito sabay kuha ng cellphone nito sa bulsa, kinuha niya rin ang cellphone sa bag para may ilaw sila sa loob,
Hindi naman siya nag-aalala dahil kasama niya naman ito, kung mag isa lang siguro siya ay baka nagngangawa na siya sa iyak.
"Tsk ngayon pa walang signal",
Nang tingnan niya ang cellphone niya ay ganon rin, bukod sa palobat na ay No Signal din ang nakalagay
-_-
Bat ang swerte niya ngayon??
Ilang beses nitong sinubukan tumawag pero wala silang napala sa hina ng signal.
"Mukhang mag oovernight tayo dito sa loob ng elevator", maya maya'y saad nito,
Napaupo nalang siya sa isang sulok, kahit mag ngangawa siya wala rin namang magagawa.
"Hey okay kalang??", nag-aalalang tanong naman nito sa kanya.
"Oo Sir okay lang, makakalabas pa naman tayo ng buhay dito diba?",
Natatawang napaupo narin ito sa isang tabi.
"Oo naman, matatagalan nga lang siguro, hanggang sa maayos ulit nila itong elevator",
Napahikab naman siya
"Ngayon ko lang na experience toh sa tagal ko dito", inaantok na saad niya
"Tapos ako pa ang nakasama mo",
Napangiti naman siya
"Atleast may nakasama ako, kahit toyoin siya't masungit hindi naman siya multo",
Napangiti lang din ito ng sulyapan niya, yung flashlight sa cellphone niya ang nagsisilbing liwanag nilang dalawa. Sandaling katahimikan ulit ang namagitan sa kanila, akala niya ay nakaidlip na ito, ipipikit na niya sana ang mga mata niya ng tawagin siya nito
"Clara??"
"Huh?"
"Hindi ka naman magsasawa sa ugali ko diba?",
"Hah? magsasawa? uhm hindi naman siguro Sir, hanggat kailangan niyo ang serbisyo ko nandito lang ako",
"Talaga?"
Napatango naman siya
"Pero hanggang kailan niyo kaya kakailanganin ang serbisyo ko? baka isang araw-"
"Habambuhay", sagot nito kaya napatingin siya dito
"Hah? pwede ba yun?",
"Oo naman bakit hindi ba?",
Napakamot ulo naman siya, hindi niya talaga magets ang sinasabi nito kung seryoso ba o nakikipaglokohan.
"Ang hirap ata nun", saad niya nalang
"Hindi yun mahirap basta dito kalang sa tabi ko, pag naging isang Doctor na ko ikaw naman ang tutulungan kong abutin ang mga pangarap mo",
"Hah talaga Sir? di nga?",
"Oo nga kase, kaya tulungan mo ko sa mga reviewers ko para maipasa ko lahat ng exams ko",
"Ehh? bat ako? hindi naman ako magaling sa inaaral mo Sir",
"Basta nga, wag kang aalis sa tabi ko hanggat hindi ko pa naabot ang mga pangarap ko",
"Seryoso kaba dyan Sir? baka nilalagnat kalang?", aniya at sinapo ang noo nito
"Normal naman, nakakapagtaka lang",
"Tsk napaka slow mo lang talaga",
Natawa nalang siya sa sinabi nito, pero ang sarap sa pandinig ng mga sinabi nito. Sana nga matupad ang pangarap nitong maging isang Doctor, masaya na siya na maging matagumpay ito balang araw. Malabo man ang sitwasyon nila sa hinaharap umaasa parin siya na mangyari ang gusto nito. Napatingin siya dito ng hawakan nito ang isang kamay niya, muli niyang naramdaman ang malambot na palad nito.
Nakapikit ito na may ngiti sa labi habang nakasandal ang ulo sa pader. Palihim narin siyang napangiti, tila nagdidiwang sa saya ngayon ang damdamin niya, hindi niya alam pero napapalapit na siya ng husto sa binata. Wala itong binabanggit na salita pero kakaiba sa mga kinikilos at pinapahiwatig nito.
Ayaw niya lang dumating yung araw na baka biglang magbago ang lahat, Taimtim niyang dinadasal na huwag mangyari ang araw na yun.