Fifteen

2155 Words
Araw ng Day off niya pero nakiusap ito na magpunta siya sa Condo Unit nito para daw maglinis dahil may group study daw ang mga kaklase nito doon, hindi naman siya makatanggi kaya pumayag nalang siya. Pagdating niya doon ay napaikot agad ang tingin niya sa paligid, mukhang marami nga siyang ililigpit habang abala itong nakatutok sa laptop nito.  "Sorry sa abala Clara, can you cook tinola for me?" anito,  "Sige po Sir, ihahanda ko napo bago ako magligpit", tumango lang ito at muling ibinalik ang tuon sa harap ng laptop, lumakad naman siya papunta sa kusina nito. Tambak na hugasin ang bumungad sa kanya at makalat na paligid.  Mabilis siyang kumilos para hugasan ang mga plato at ibalik sa mga lagayan ang nagkalat na utensils. Saka siya nagbukas ng Ref nito, natuwa naman siya at hindi na puro beer ang laman nito, may stock na itong mga frozen foods, itlog at kung ano ano pa. Mukang natuto na ang binata magtipid, pero kailangan pa nitong matuto maghugas ng plato at mag ligpit ng kalat, "Ay tikbalang ka!", nagulat siya ng pagsara niya ng Ref ay nasa harapan na niya ito,  "Ang gwapo ko namang tikbalang," "Nakakagulat ka naman kase Sir, ano pong kailangan niyo?"  "Chinecheck ko  kung okay ka lang dito?" anito at inikot ang tingin sa paligid,  "Okay naman Sir, magluluto na po ako ng request niyo", napangiti naman ito saka kumuha ng malamig na tubig, binabad niya sandali sa tubig yung frozen chicken,  "Hindi na ata ako masasanay na mag isa dito, lagi kong kakailanganin ng tulong" "Huh? edi kukuha napo kayo ng bagong katulong niyo Sir?"  "Bat pako kukuha ng iba e nandyan ka naman?"  "Hah?, hindi ko alam kung kaya pa ng powers ko yun Sir,," "Then mag resigned ka nalang kay Tita and dito kana lang sakin magtrabaho" "Hah?, hi-hindi po pwede,, tsaka sir kailangan niyong masanay mag isa dito lalo na sa mga ligpitin kung ayaw niyo naman palang kumuha ng ibang katulong",  "Bakit pa?, nahihirapan ka naba dito?"  "Uhm hindi naman Sir, pano lang kung wala na ko?" "At bakit ka naman mawawala?" medyo irita ng saad nito,  "Malay niyo balang araw, bigla nalang akong mawala, wala ng magliligpit ng kalat at magluluto para sainyo kaya hahanap na dapat kayo ng ibang katulong", aniya, napakunot noo naman ito.  "Hindi yun mangyayari," "Pag nangyari?"  "Bakit nga mangyayari? bakit pinipilit mo na mangyayari??"  Natigilan naman siya, hindi naman kase imposibleng mangyari ang bagay na yun. Sa tingin niya ay malabo ang gusto nitong pagsilsilbihan niya ito ng habambuhay, ganon nalang ba ang tingin nito sa kanya? katulong habambuhay?, tahimik na nagtungo nalang siya sa lababo at muli hinugasan ang binabad na manok, umalis narin naman ang binata na mukang nabadtrip sa napag usapan nila. Nasasaktan siya sa dahilan na hindi niya alam, sobrang baba na ng tingin niya sa sarili niya na hanggang doon lang ang papel niya sa buhay ng binata. Hindi dapat nagkakagusto ang isang katulong sa kanyang amo at yun ang tingin niyang nangyayari ngayon sa kanya.  "Ahh",  Napaimpit siya ng mahiwa niya maging ang daliri, hinugasan niya muna ang mga hiniwang karne ng manok saka binabad sa naagas na tubig ang sugat, sanay naman na siyang magtiis sa sakit at hirap pero sa pagkakataong ito puso niya ang nasasaktan at nahihirapan. Hindi parin tumitigil ang pag dugo ng sugat niya kaya kumuha nalang siya ng gasa sa medic kit nito, napalalim ata ang hiwa niya.  Pinagpatuloy niya ulit ang pagluluto, nagsalang narin siya ng sinaing sa rice cooker buti nalang marami ang niluto niya dahil narinig na niya mula sa sala ang pagdating ng mga kaklase nito. Mas lalo tuloy siyang nahiya na magpakita sa mga ito.  "Uy nandito ka pala Clara!", napalingon siya ng marinig ang tinig ni James, napangiti lang siya dito, kasunod naman nito ay si Kelvin "Hmm,, ang bango,, talagang pinaghandaan mo ang pagdating namin Clara,, mukang masarap ang luto mo" "Ah Oo, tamang tama toh bago mag twelve makakapag lunch na kayo",  "Hmm amoy palang nakakagutom na. Pwedeng kumaen muna tayo bago gumawa ng Research?" - James "Magpaalam ka kay Master kung ayaw mong mabeltokan", tatawa tawa namang saad ni Kelvin, narinig nila ang pagdating pa ng iba kaya naisipan niyang dagdagan ang hinandang pagkaen.  Mabilis lang naman magluto ng adobo at kumpleto naman ang rekado kaya dinagdag niya nalang din iyon. Gumawa rin siya ng paborito nitong Cucumber salad. Nagtimpla narin siya ng Orange Juice,  "Ow, look who's here", napaangat ang tingin niya sa boses ng pamilyar na babae, si Ms. Nads na kasintahan nito "Huh? bakit sino ba yan?" tanong naman ng kadarating lang na kasama rin nitong babae "Ang yaya ni Diego", sabay bungisngis nito,  "Ah siya ba yun,, anong niluluto mo Ate?",  "Tinola at Adobo po Mam",  "Wow, masarap ba yan?"  "Wala bang gayuma yan?," sabay tawa ulit nito "Grabe ka girl, mukang ang bata mo pa ilang taon kana ba te?" tanong naman sa kanya ng kasama nito "N-Nineteen po", mahinang saad niya "Omg ang bata mo pa pala, ate ako ng ate sayo Hahaha.",  "Nineteen but you look thirty",  "Ang hard mo masyado halika na nga" saad ng kasama nito na nauna ng umalis pero nagpaiwan lang ng nakangisi ito sa kanya, napaiwas naman siya ng tingin.  "Ganyang putahe ba ang pinapakain mo sa boyfriend ko?" nakataas ang kilay na sabi nito, mukang ayaw pa siya nito tantanan "Request lang po ni Sir",  "Ang cheep hah? ginagaya niya sayo masyadong cheep",  Napayuko nalang siya sa sinabi nito,  "Tingin ko naman hindi ang gaya mo ang gugustuhin niyang patulan, masyado kang mababang uri ng babae para sa kagaya niya. Look at you, nakakaawa kang tingnan, hindi porket lagi ka niyang kailangan e gusto ka na niya,, mag sasawa at magsasawa rin siya sayo",  "That's enough!",  Sabay silang napatingin sa biglang pagdating ng binata, masama ang tingin nito sa dalaga na napairap lang sa kanya at matamis naman na ngumiti sa binata.  "Magaling pala magluto ang Yaya mo, chineck ko lang baka may ibang hinahalo", dagdag pa nito bago umalis Nasikip na ang dibdib niya pero pinilit niyang hindi bumagsak ang kanyang mga luha, tumalikod nalang siya sa mga ito at binalikan ang ginagawa. Malapit narin naman siyang matapos at makakaalis na siya dito.  "Luto napo lahat ito Sir, pwede napo ba ko makauwi?"  "Clara,," mahinang saad nito, silang dalawa nalang ang naiwan sa kusina agad niyang hinubad ang Apron niya, kailangan niyang makaalis doon bago pa sumabog ang dibdib niya.  Pahakbang na siya paalis ng hablutin nito ang kamay niya, napadaing siya sa sakit ng mahawakan pa nito ang sugat niya, nagulat naman ito saka napansin ang gasa sa daliri niya,  "Anong nangyari? bakit ka-"  Tinitigan niya lang ito sandali saka muling tumalikod dito, nagdatingan naman ang ibang mga kasama nito papunta sa kusina.  "Yown kainan na!",  "Tara guys kain na mukang masarap magluto yung katulong ni Diego",  Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa pangalan niya, dali dali niyang dinampot ang bagpack niya at tahimik na lumabas ng di namamalayan ng mga ito.  "Hey may naiwan ka!",  Paglingon niya ay naibato nito sa mukha niya ang isang basahan, natawa naman ito sa ginawa.  "Naiwan mo pamunas mo, know your place b***h", nakangisi pang wika nito bago tumalikod, dinampot niya lang yung nalaglag na basahan at binalik sa harap ng pinto. Isang malalim na hininga ang ginawa niya bago lumabas ng pinto.  Nang makasakay siya ng bus ay doon niya ibinuhos ang lahat ng luha niya, habang binabaybay niya ang daan pauwi ay tila gustong sumabog ng dibdib niya. Sa una palang ay hindi dapat siya umasa sa pinapakitang kabutihan ng binata, marahil ay naaawa lang ito sa sitwasyon niya.  Sino nga naman siya para gustuhin nito?  Sobrang layo ng agwat nila, isa lamang siyang hamak na katulong nito kaya walang dahilan para umasta siya ng ganito. Nagtatrabaho siya para kumita ng pera hindi para paasahin ang sarili niya sa pag ibig na malabo sa katotohanan.  Muli niya pinunasan ang luha sa pisngi, hindi niya dapat iyakin ang mga walang kwentang bagay na hindi naman magpapaangat sa kanya. Isa lang ang goal niya diba? ang kumita ng pera para sa pamilya, hindi niya dapat iniisip ang tungkol sa pag ibig na yan.  *** Napatakbo siya sa labas ng mapansing biglang nawala sa silid nito ang matanda. Binundol na siya ng kaba, wala itong ibang mapupuntahan dahil ang paligid ng tinutuluyan nila ay karagatan na.  Nakahinga siya ng maluwag ng makita ito di kalayuan habang nakaupo sa kanyang wheelchair, nakasalubong niya pa ang personal nurse nito  "Kanina pa po kayo hinahanap ni Madam Sir,",  Napatango lang siya at agad nilapitan ang matanda, hinagkan niya ito ng makalapit "Pinakaba mo ako La, akala ko kung san kana nagpunta",  Napangiti naman ito,  "Huwag mo na akong ipagamot Harry,, hinihintay nako ni Clara banda roon"  Natigilan naman siya,  "Sa wakas magkikita na kami ng Apo ko, hindi nako mangungulila sa kanya,, pero patawarin mo sana ako Harry,,, ayoko ng pahirapan ka",  Napaluhod naman siya sa harapan nito kasabay ng pag tulo ng luha niya.  "Pero La,,",  "Meron lang akong gustong hilingin sayo,, sa oras na mawala na ako,, wag mong pababayaan ang batang si Clara,, balikan mo siya Harry,, alam kong nalulungkot ang batang yun ngayon,, tulungan mo siyang abutin ang mga pangarap niya,,  hindi ko na magagawa ang pangako ko sa kanya,, kaya mangako ka na hindi mo siya papabayaan",  Sunod sunod ang ginawa niyang pagtango habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. Hinawakan naman nito ang balikat niya,,  "Paligayahin mo siya,, puno ng lungkot at hirap ang kanyang mga mata,, gusto kong tulungan mo ang batang si Clara",  "Gagawin ko yun La, pangako",  Muling napangiti ito at pinunasan ang mukha niyang basa ng luha "Aalis ako ng maligaya",  Hinagkan niya ang palad ng matanda, kung ito ang nais nito ay gagawin niya. Napangiti lang ito sa kanya at marahan ng ipinikit ang mga mata,  "Wag ka ng umiyak Apo, iidlip lang ako sandali", mahinang saad nito, ilang sandali bago niya napansin na tuluyan ng nawalan ito ng hininga,,  "Lola,,,",,  Kasabay ng paglubog ng araw ay tuluyan ng namaalam ito sa kanya,  "Hindi na maghihirap ang kalooban mo ngayon La,, iyakap mo ako ng mahigpit kay Clara oras na magkita kayo", ,, *** Marahan na binuksan niya ang kahon na iniwan sa kanya ng binata, malungkot na pinagmasdan niya ang kabuuan ng mamahaling bato.  "Kamusta na kaya ang Lola?, kamusta kana rin kaya Sir Harry??, " isip isip niya, nagulat pa siya ng biglang may humablot ng kahon sa kamay niya,  "S-Sir Diego??"  "Akala ko ba naibalik mo na ang Diamond na toh sa matanda?" nakakunot noong wika nito.  "Iniwan po kase sakin yan ni Sir Harry bago siya umalis",  "Bakit mo naman tinanggap? alam mong muntik ka ng mapahamak dahil dito" singhal nito "Ibabalik ko rin sakanya yan Sir, nangako siyang magkikita ulit kami para maibalik ko yan sa kanya",  "Wala na siyang babalikan pa sayo at hindi na kayo magkikita pa!", anito sabay talikod, agad niya naman itong hinabol para bawiin ang kahon  "Sandali lang Sir!," "What?"  "Ibalik niyo po yan sakin,,"  "For what??," "Pero Sir?",  Nanlaki ang mata niya ng buksan nito ang bintana ng opisina at sa isang iglap ay hinagis nito sa labas ang kahon.  "Hindi wag!!!!",  Pero tuluyan ng tumalsik ito sa mula sa kabilang building, agad siyang napatakbo palabas, nagtaka ang mga kasama niya sa mabilis niyang pagtakbo.  Binundol na siya ng kaba na baka mawala ito at iba ang makakuha, nangako siya kay Harry na iingatan niya ito at ibabalik niya pa ito dito,,  "Hindiii!!!!",  Naghintay pa siyang makatawid bago makapunta dun sa kabilang building, pero halos maluha luha siya ng kahon nalang ang nadatnan niya sa may damuhan, wala na yung mamahaling bato. Sa dami ng nagdaraan dito ay tiyak niyang may nakadampot na nun.  Sa katirikan ng araw ay panay ang hanap niya sa paligid, hanggang sa napagod nalang siya kakaikot ikot. Laglag ang balikat na bumalik siya sa loob ng building nila, ayaw niya munang bumalik sa opisina nila kaya tumigil siya sandali sa may hagdan at nanghihina na naupo doon.  Muli siya naiyak, naghalo na ang luha niya at pawis sa mukha., hindi dapat nito ginawa yun.  "Clara",  Napaangat ang tingin niya sa binata na nasa taas ng hagdan, napatayo naman siya at pinunasan ang luha "Hindi mo dapat ginawa ang bagay na yun Sir!, paano ko yun maibabalik?" "Hindi mo kase naiintindihan-" "Wala na Sir!!, Kulang pang kabayaran ang buhay ko sa pagkawala ng Diamond nayun!!", umiiyak niyang saad dito bago ito tinalikuran, naiinis siya sa ginawa nito hindi niya na naman maintindihan kung ano ang tunay na saloobin nito kung bakit pati ang importanteng bagay na yun ay tinapon nito. Hilig na ata nitong paglaruan at saktan ang damdamin niya, hindi paba sapat dito ang natatanggap niyang pang iinsulto galing sa kasintahan nito? Napabuga nalang siya ng hangin at nagtungong C.r para maghilamos. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD