Ilang araw ang lumipas simula ng mangyari ang bangayan nila ng binata, problema niya ngayon kung saan hahanapin ang mamahaling bato na yun. Lagi siyang bumabalik sa pinaghagisan nito nagbabakasali siya na baka naroon lang ito, pero bigo siya, kahit anong gawin niyang paghahanap dun ay wala talaga siyang makita.
"Bakit ang tamlay mo ngayon Diday may sakit kaba?" untag sa kanya ng Mam Bebs niya, napailing lang siya
"Wala po Mam bebs,",
"Heto may chocolate ako para ganahan ka" sabay abot nito ng Chocolate sa kanya
"Salamat po",
Napatingin siya sa phone niya ng bigla itong mag ring,,,
Sir D Calling....
Agad niya inoff ito, ilang beses na niyang hindi sinasagot ang tawag nito, pinag iisipan niya naring mag resigned dito. Ayaw na niyang maging dakilang alalay dito.
Muling nag ring ang cellphone niya ngunit muli niya rin itong pinatay, bandang huli ay inoff niya nalang. Hiling niya na sana hindi ito magpuntang opisina dahil ayaw niya pang makaharap ito.
Hanggang sa sumapit ang uwian nila, laking pasalamat niya na hindi ito nagawi doon, nagmadali na siyang nagtungo sa terminal ng bus dahil lumalakas narin ang ulan.
Natigilan pa siya ng humarang sa harapan niya ang binata.
"Clara wait,,"
Napaiwas siya ng tingin dito at nilagpasan lang ito
"Clara sandali,," habol nito sa kanya,, pero binilisan niya lang ang paglakad, mabilis naman itong nakahabol at hinila ang braso niya,,
"Makinig ka muna",
"Ano po ba yun Sir?, ayoko na pong makipaglokohan sainyo",
"I'm sorry sa nagawa ko,, pakinggan mo naman ako",
"Hindi na mababalik ng sorry niyo Sir yung nawalang Diamond",
"Yung Diamond na ba talaga ang mas mahalaga sayo?"
"Hindi ko yun pagmamay-ari Sir at alam niyo ang halaga nun!, kahit pagsilbihan ko kayo ng habang buhay hindi sapat yun para mapalitan ko ang halaga ng bagay na yun", akmang hihilahin niya ang braso ng pigilan nito
"Mas iniisip mo ang halaga ng Diamond na yun kesa sa nararamdaman ko?"
"Ano na naman ba yang pinagsasabi niyo Sir??, pwede po bang wag niyo nakong pagtripan,, wag niyo nakong paglolokohin,, handa naman po akong pagserbisyuhan kayo pero yung paglalaruan niyo lang yung damdamin ko maawa naman po kayo,,," naluluha na niyang saad, nabitawan naman nito ang braso niya kaya napaatras na siya dito,,
"Ganun naba ang tingin mo sakin? ang niloloko ka at pinagtitripan?"
Natameme naman siya, medyo lumalakas narin ang buhos ng ulan at kitang kita niya ang malungkot na mukha nito habang nakatitig sa kanya,, bigla siyang nakonsensya sa mga sinabi dito
"S-Sorry po", mahinang saad niya at muling humakbang na patalikod, mabigat ang mga paa na humahakbang siya palayo rito,, pero kailangan niyang lumayo at tuluyan ng layuan ito,,
"Claraa!!!!, gusto kita Clara!!!! hindi lang kita gusto,, kundi gustong gusto!!!, " sigaw nito, natigilan naman siya at agad napalingon dito,, lalong lumakas ang buhos ng ulan pero malinaw sa pandinig niya ang sinasabi nito,
"Diko namamalayan na yung pagkagusto ko sayo hindi lang gusto kundiii,, Mahal na kita,, Mahal na kita Clara!!!",
Napamaang siya sa sinabi nito parehas na silang basang basa sa ulan pero nakatuon lang ang tingin nila sa isa't isa,, hindi siya makapaniwala sa narinig, para siyang nabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Pero bumalik sa pag iisip niya kung ano ang papel niya sa buhay nito, masyadong imposible. Mababang uri lang ang pagkatao niya samantalang ito,, hindi ang tulad niya ang nababagay dito.
Napayuko siya at muling humakbang paalis, binilisan na niya ang paglakad upang hindi na siya maabutan pa nito. Hindi narin naman ito sumunod pa sa kanya hanggang sa nakarating siya sa terminal ng bus. Basang basa na siya at nanginginig sa lamig,
"Mahal na kita Clara!!!",
paulit ulit na nag eecho sa tenga niya ang huling sinabi ng binata.
Mahirap paniwalaan, may bahagi ng puso niya ang nagdidiwang sa inamin ng binata pero may bahagi din ang tumututol dahil sa layo ng agwat niya dito.
Nang dumaan ang sinasakyan niyang bus sa underpass ay nakita niya pa doon ang binata na nanatiling nakatayo at naliligo sa ulan.
"Sir!!",,
malungkot na hinabol niya nalang ito ng tingin at bumalik ulit sa kinauupuan niya. Gusto niyang bumaba upang balikan ito ngunit para ano? pagkatapos ay ano??,
***
Nakaidlip siya sandali ng makauwi, pero hindi parin mawala sa isip niya ang inamin ng binata. Paano niya ito haharapin pag nagkita na sila?, sobra siyang nahihiya sa nangyari, siya pa tuloy ang nagpamukhang tanga dito.
Bumangon na siya at lumabas ng kwarto, tumila narin ang ulan sa labas, pagtingin niya sa orasan ay pasado alas nuebe palang ng gabi. Nang buksan niya ang telepono ay maraming missed call ang natanggap niya mula dito at sa di niya kilalang number.
Hindi niya alam ang gagawin kung tatawagan ba ito para matiyak na nakauwi na ito o hayaan nalang.
"Sa susunod wag mo na ulit ako tatakbuhan kundi ikukulong na talaga kita",
Naalala niyang sabi nito kamakailan lang pero ginawa niya ulit ngayon, tinalikuran niya ang pag amin ng pagmamahal nito
"Hindi ka naman magsasawa sa ugali ko diba?"
"Hah? magsasawa? uhm hindi naman siguro Sir, hanggat kailangan niyo ang serbisyo ko nandito lang ako",
Makakaya niya pa kayang pagsilbihan ito kung iba na ang nararamdaman nila pareho?
"Pagsisilbihan mo ako habambuhay",
"Ang hirap ata nun??"
"Hindi yun mahirap basta dito ka lang sa tabi ko, pag naging isang Doctor nako ikaw naman ang tutulungan kong abutin ang mga pangarap mo",
Muli siyang napabuntong hininga, masyado nga siguro siyang slow para hindi makuha ang mga pinapahiwatig nito. Napatingin siya ulit sa pag ring ng cellphone niya, hindi naka register ang number kaya sinagot niya nalang.
"Hello?"
"Hello Clara??, si Clara ba toh?"- boses ng lalaki sa kabilang linya
"O-Opo si Clara po ito",
"Takte ang galang mo parin pati sa Cellphone, si James toh kaibigan ni Diego",
"James??, bakit po?"
"Ayaw kase magpadala ng Amo mo sa hospital, inaapoy na ng lagnat. Wala naman kaming ibang alam na matawagan kundi ikaw lang",
"Hah?"
"Ikaw lang din ang kailangan nito, makakapunta kaba? baka matuluyan toh pag hindi mo pinuntahan, kawawa naman ang kaibigan ko", nagdadrama pang saad nito,
"Totoo ba yan? baka niloloko mo lang ako",
"Hindi kita niloloko Clara ano kaba, wala sa tropa namin ang may linyang manloloko",
"P-Pero-"
"Kung hindi ka makakapunta, mapipilitan kaming iwan siya mag isa dahil kailangan narin naming umuwi Clara,, ikaw lang yung pag asa namin alam mo namang nasa out of country ang mga magulang niya diba?"
"Hah?,," saka niya naalala na wala nga pala ang mga magulang nito, napabuntong hininga nalang siya at sandaling natameme
"Ano Clara makakapunta kaba?, naghihingalo na tong kaibigan ko baka hindi mo na siya madatnang buhay",
"Osige pupunta ako", aniya at inoff na ang telepono.
Basang basa ito sa ulan ng iwan niya kaya marahil ay nilagnat na ito. Agad na siyang nagbihis at sandaling nagpaalam sa kanyang Ama, hindi narin naman siya mapalagay kung paaabutin niya pa ng umaga ang pagpunta dito.
Hindi niya rin naman ito pwedeng pabayaan, kung akala nito na mas mahalaga sa kanya yung nawalang diamond ay nagkakamali ito. Higit pa sa diamond ang halaga ng binata sa kanya, mabuti nalang at mabilis ang byahe niya paluwas ng Manila.
Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa Unit nito, halos liparin niya ang papuntang elevator para makaakyat agad, pagdating niya sa floor nito ay nakasalubong niya pa si James
"Clara, salamat dumating ka,, nasa loob siya nagpapahinga,, pilitin mo nalang na uminom ng gamot,,aalis narin kami" , tumango naman siya, at sinundan lang ng tingin ito.
Pagpasok niya sa loob ay napansin niya na nakasabit sa gilid ang basang basa na polo nito, dinampot niya rin isa isa ang mga nagkalat na damit, hanggang sa makarating siya sa silid nito. Inilapag niya muna ang dalang bag pack bago ito nilapitan, payapa na itong natutulog pero may nakalagay na bimpo sa noo nito.
Nang hawakan niya iyon ay para siyang napaso sa init, inaapoy nga ng lagnat ito. Madali naman siyang kumuha ng planggana na may tubig at binanlawan ang bimpo na nasa noo nito, nang mapigaan ay muli niyang ibinalik sa noo nito.
"Uhmm", napailing lang ito at inalis ang nilagay niyang bimpo, kinuha niya naman ulit at muli binalik sa noo nito,
"May sakit ka na nga ang tigas pa ng ulo mo", mahinang saad niya habang inaayos ang bimpo sa noo nito, nagulat naman siya ng magmulat ito ng mata at hawakan ang braso niya,, ramdam niya yung init ng palad nito,,
"C-Clara",
"Ahm, ano,," napayuko naman siya at hindi ito magawang tingnan, pero gumalaw ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya,,
"Naabala na naman kita",
"Hindi Sir!, nag-alala kase ko na baka napano kana,, kasalanan ko kung bakit ka may sakit ngayon", kinakabahang saad niya dito, napangiti naman ito at pilit na bumangon,
"Nag-alala ka sakin?" paos ang boses na saad nito,
"Ah wait lang sir", akmang aalis siya ng pigilan nito ang braso niya at hinila siya paupo sa kama nito,
"Wag ka umalis",
"Kukuha lang ako ng gamot Sir, hindi ka raw kase uminom ng gamot sabi ni James", aniya at muli hinipo ang noo at leeg nito
"Mataas parin ang lagnat niyo tapos ayaw niyo pang magpadala sa Hospital pano kung may-"
"Shhh, sige ikuha mo nako ng gamot" anito habang nakadampi ang daliri sa labi niya, agad naman siyang tumayo at tinungo ang medic kit nito.
Kumuha siya ng isang biogesic at isang basong tubig, agad niya dinala dito para makainom ito ng gamot. Pag-abot niya dito ay mabilis naman nitong ininom ang gamot na bigay niya, saka ipinatong sa side table ang baso.
"Matulog na ulit kayo Sir, babantayan ko nalang kayo"
Sumunod naman ito sa sinabi niya at muling bumalik sa paghiga, mukang masama nga talaga ang pakiramdam nito dahil agad nitong ipinikit ang mata, inayos niya nalang ang kumot nito.
Patuloy lang siya sa pagpalit ng bimpo sa noo nito, ilang sandali rin ay bumaba narin ang lagnat nito, mahimbing narin itong natutulog. Pagtingin niya ng orasan ay ala una na, sandali siyang lumabas at nagtungo ng sala, inaantok narin siya, doon nalang siguro siya iidlip.
Maaga rin siyang gigising para ipagluto ito ng sopas, kaya iidlip na muna siya.
Napadilat siya ng may maramdaman na naupo sa paahan niya, agad siyang napabangon sa gulat.
"S-Sir??",
"Hindi kaba hirap matulog dito?", umiling naman siya at agad niya dinampi ang palad sa noo at leeg nito,
"Bumaba na ang lagnat niyo Sir, nagugutom po ba kayo?", aniya natulala naman ito sa ginawa niya, agad niya binawi ang kamay at napaiwas ng tingin dito,
"Pwede mo ba ko ipagluto ng sopas?",
"O-Oo naman Sir, dyan lang po kayo magluluto lang ako sandali", tumayo na siya at nagtungo sa kusina, mabilis ang kilos niya habang hinahanda ang sangkap sa pagluto.
Habang hinihintay niyang lumambot ang pasta ay sandaling binalikan niya ito sa sala pero wala ito doon kaya humakbang naman siya papasok sa silid nito.
Nadatnan niyang may kinukuha ito sa Cabinet,
"Sir gusto niyo ba ditong kumain o dun nalang sa kusina?",
Napalingon naman ito sa kanya, nagawi ang tingin niya sa kamay nito, napamaang siya ng makita doon ang Diamond.
"Papanong?",
humakbang naman ito palapit sa kanya habang nasa kamay nito ang mamahaling bato.
"Hindi ko naman talaga tinapon toh dahil alam ko ang halaga nito sayo, ang nakita mo na hinagis ko ay ang kahon",
"P-Pero bakit hindi niyo sinabi agad??",
"Nadala ako ng emosyon ko dahil ayokong magkaroon ulit kayo ng ugnayan ng lalaking yun dahil sa Diamond na toh",
"Hah?",
"Hindi mo paba gets? nagseselos ako sa kanya dahil gusto kita!",