Seventeen

1987 Words
Napamaang siya sa sinabi nito, muli umahon ang malakas na kabog sa dibdib niya, hindi niya tuloy magawang makaimik umurong na naman ang dila nila. Nagulat naman siya ng hawakan nito ang magkabilaan niyang braso "Naintindihan mo ba ko Clara? malinaw naba sayo ngayon kung bakit ako nagkakaganito?", tila nahihirapang saad nito "Ah?? hah?? O-Oo Sir", kinakapos ang hiningang sagot niya, napatango naman ito saka siya binitawan, "Hindi mo na kailangang humarap sa lalaking yun pagbalik niya dahil ako na ang magbabalik nito sa kanya", "Hah? p-pero?", "Simula ngayon hindi na kita Personal Assistant o katulong", "Tatanggalin niyo nako Sir?", "Oo, dahil liligawan kita para maging Girlfriend ko", sabay ngiti nito saka humakbang palabas ng kwarto, siya naman ang naiwang tulala, hindi mag sink in sa utak niya ang huling sinabi nito. Ano raw? Liligawan siya nito?? Naguguluhan na sinundan niya ito sa kusina habang sumasandok ito ng sopas. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo Sir, wag naman kayong magbiro sakin ng ganyan", kinakabahang wika niya, nang mapatingin ito sa kanya ay parang gusto niya nalang lumubog sa kinatatayuan "Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina, akala ko ba naiintindihan mo na ang nararamdaman ko?", "Pano mo nagagawang sabihin yan diba may kasintahan na kayo??" Sandaling inilapag nito ang mangkok sa lamesa saka tumingin sa kanya "Hindi ko kasintahan si Nads, matagal na kaming wala. Kung hindi kapa rin naniniwala kaya kong patunayan sayo na totoo ang lahat ng sinasabi ko", seryosong sabi nito, hindi naman agad siya nakaimik binubundol parin siya ng kaba, lumapit naman ito at hinawakan ang magkabilaan niyang kamay. "You make me fall in love with you Clara na halos hindi ko na maintindihan ang sarili ko, please let me court you", Napabitaw naman siya dito at muli hinawakan ang noo nito "Baka nagdedeliryo ka lang Sir", "Tsk, sabayan mo nalang akong kumain", wika nalang nito at muli kumuha ng isa pang mangkok, imbes na siya ang mag asikaso dito ay siya pa tuloy ang inasikaso nito, binigyan siya ng pagkaen kutsara at tubig. Hindi parin siya makapaniwala kung seryoso ba talaga ito. Matapos nilang kumain ay nagyaya naman itong manuod ng movie, magkatabi silang nakaupo sa sofa at tahimik na nanunuod. Pero wala sa pinapanuod ang atensyon niya, palihim niyang pinapakiramdaman ito sa tabi niya, nagulat pa siya ng kunin nito ang isang kamay niya, magkadaop palad na tuloy ang kamay nila habang nakatuon ang tingin nito sa pinapanuod. Seryoso na ba ito??? Kanina pa ito umamin ng nararamdaman sa kanya samantalang siya ay nanatiling tikom sa tunay na pagtingin niya dito. Nahihiya siyang umamin dito na ganon din ang nararamdaman niya, ilang sandali ang lumipas Sabay nilang nakatulugan ang panunuod habang magkasandal ang ulo nila sa isa't isa. *** Sikat na ang araw sa labas ng magdilat siya ng mata, doon na pala sila nakatulog ng binata. Magkadaop parin ang kamay nila ng magising siya at mahimbing parin itong natutulog habang nakasandal sa kanya. Akala niya nananaginip lang siya pero ngayon gising na gising na siya. Totoo ang lahat, ang pag amin ng binata sa kanya. Nang magising ito ay agad siyang napatayo at nag uunat. "Napasarap pala ang tulog ko hindi ko tuloy natapos yung movie kagabi", aniya napangiti naman ito na nakatingin sa kanya "Halata nga eh, may panis kapang laway oh", "Hahh???", nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at agad pinunasan ang bibig, lumakas naman ang tawa nito "Biro lang, sa tingin ko magaling nako. Ang galing talaga ng Nurse ko", napasimangot lang siya dito, aga siyang lokohin nito, nakakahiya kung totoong may panis na laway nga talaga siya. "Ngayong magaling kana Sir, makakauwi narin po ako", "Ahh", sabay hawak nito sa ulo kaya napakunot noo siya "Parang bigla yata akong nahilo, hindi pa pala ako tuluyang magaling", "Wag kayong magloko Sir at baka bigla yan magkatotoo, alam niyong mahirap magkasakit ngayon lalo't walang ibang mag aalaga senyo", wika niya, bigla naman ngumisi ito "Alam kong meron ng mag aalaga ngayon sakin, ang aking future girl friend", "Hah?", bigla nag init ang pisngi niya sa sinabi nito "Alam kong aalagaan niya hindi lang ang pagkatao ko kundi maging ang puso ko", "Luuhhh???",,, "Hahaha you're blushing Clara", agad naman siyang napaiwas dito ng tingin "Magtitimpla nalang ako ng kape Sir! masyado na kayong natutuwa", aniya sabay martsa papuntang kusina. Hindi lang nagagawa nitong pabilisin ang t***k ng puso niya kundi magaling din itong mang-asar. Palihim naman siyang napangiti at humigop ng kape, naparami ang lagay niya ng asukal dahil masyadong matamis. Matapos nilang makapag almusal ay niligpit niya muna ang ilang kalat nagtaka pa siya ng pigilan siya nito sa ginagawa. "Hindi mo na trabaho ang magligpit dito Clara, ako ng gagawa niyan mamaya", "Hah? baka mabinat kayo Sir?", "No. magaling na ko at salamat sayo", "Eh? yung gamot po kaya nagpagaling senyo". =,= "Biro lang, ligpitin ko na toh Sir para makapagpahinga na po kayo. Kailangan ko narin pong umuwi", wika niya, tumango naman ito kaya ng maligpit niya ay kinuha na niya ang bag pack niya. Bago umalis ay hinawakan ulit nito ang isang kamay niya, "Nag book nako ng Grab para diretso na ang byahe mo pauwi at mas mabilis", "Hah? pero mag babus nalang-", "Nabook ko na okay??", Napatango nalang siya. "Magkita tayo sa lunes,", Muli siyang napatango pero nagulat siya ng hagkan siya nito sa noo. "Mag iingat ka okay? tawagan mo ko pag nakauwi kana." sabi pa nito "O-Okay", nauutal niyang saad bago tuluyang humakbang paalis, "Ah Clara", habol pa nito kaya napalingon siya. "Thank you", sabay ngiti nito, Napatango siya at ngumiti nalang din dito saka humakbang paalis. Agad niya isinara ang pinto, hanggang sa makababa siya ay hindi mawala ang ngiti niya sa labi, gumaan din ang pakiramdam niya. Walang laman ang isip niya ngayon kundi ang mukha ng binata na nakangiti. *** Excited siyang pumasok ng Lunes, isang araw palang silang hindi nagkikita pero sabik na siyang makita ang binata. Sa sobrang pagka excited niya nasiraan tuloy ang sinasakyan niyang bus kaya late siyang nakarating ng opisina. Pero nadismaya naman siya ng mapag-alaman na wala ito doon . Akala niya pa naman magkikita sila nito? Hanggang sa nagtungo nalang siyang bangko ay wala parin ang imahe nito. Wala din siyang natatanggap na mensahe galing dito. Malapit na mag tanghalian ng makabalik siya galing bangko, nagtaka pa siya ng mapansin ang tatlong rosas sa lagayan ng ballpen niya. Nagtatakang kinuha niya ito, wala naman ito kanina saan kaya galing toh? bigla naman nag vibrate ang cellphone niya. Nagustuhan mo ba? Pag angat niya ng tingin ay nakita niyang lumampas sa gilid niya ang binata, lumingon pa ito para ngumiti sa kanya, bigla tuloy nag init ang pisngi niya at di niya mapigilang hindi mapangiti. Magrereply sana siya dito ng biglang sumulpot sa tabi niya ang among babae. "Ano yan Clara??", Nagulat siya kaya agad niyang nabitawan ang cellphone. Bigla tuloy siyang nataranta "Ahh, f-flowers Mam bigay po ng bangko para sainyo", aniya sabay abot dito "Hah? para sakin? bakit ??anong meron?" nagtatakang saad nito sabay kuha ng bulaklak "Ahm Happy birthday daw po???", "Huh?? e hindi ko pa naman birthday", natatawang wika nito, "Ahm akala ko ata nila birthday niyo na hehehe", "Omg, by the way sabihin mo thank you. malayo pa kamo ang birthday ko", ani ng ginang at inamoy amoy pa ang bulaklak bago umalis, nakahinga naman siya ng maluwag ng makaalis na ito. Nanghinayang siya sa bulaklak pero wala naman siyang ibang idadahilan sa amo, alangan namang sabihin niya dito na galing sa pamangkin nito. Baka tuluyan na siyang lumubog oras na mangyari yun, hindi siya handa sa magiging reaksyon nito pag nalamang nililigawan siya ng binata. Agad siyang napatingin sa cellphone ng magvibrate ito, mensahe galing sa binata. Let's have lunch Pagtingin niya sa wall clock 5 mins palang bago mag 12, 5mins pa Sir. Reply niya I'll wait you in lobby. Napaangat ang tingin niya ng lumabas ito sa Opisina ng Ama nito, sandali pang nagtama ang tingin nila, umangat lang ang kilay nito bago humakbang paalis. Na excite naman siya habang hinihintay ang pagtapat ng orasan sa 12. "Sa labas ka kakain diday?" ani Mam Bebs niya ng mapadaan siya sa pwesto nito. "O-Opo Mam", Ngumiti lang ito kaya nagpaalam na siya, hindi naman siguro makakahalata ang mga ito dahil madalas naman siyang kumakaen sa labas lalo pag naaabutan na siya ng tanghalian. Nasa lobby na siya ng may humila sa kamay niya, "Huh?" nagulat pa siyang napatingin dito at nakangiting mukha ng binata ang nakita niya "Nakakagulat ka naman Sir!", "Ang tagal mo kase eh", "Sakto lang kaya", napangiti lang ito, saka niya napansin na parang kakaiba ang saya nito, "San mo ba gusto kumaen?" "Kahit saan Sir basta nakakabusog", "Hmm, Locavore?" "Hah? mahal dun Sir, di kaya ng budget. Pang jolli jeep lang", "My treat" "Hah? ayoko nakakahiya", "Anong nakakahiya dun? normal lang na sagutin ko bawat date natin", "Dateeee??" gulat na saad niya, "Yeah, Lunch Date,, nakalimutan mo na yata na nililigawan kita", Lalo nag init ang pisngi niya sa sinabi nito, dinadaga na naman siya at parang may kung ano na naman sa tyan niya na nakakapagtaranta sa kanya, "Ahh, ahhh, ano", "Hahaha,", Sinamaan niya lang ito ng tingin habang papunta sila sa sinasabi nitong Restaurant. Nahihiya na nga siya pinagtatawanan pa siya nito. "Hindi mo kailangang mahiya sakin Clara,, okay?" "Hmm, sabi mo eh", mahinang saad niya "By the way nagustuhan mo ba yung mga rosas kanina?", "Ah,, ahh o-oo Sir, t-thank you pero ano kase", "Huh? bakit?" "Ah eh, naibigay ko kay Mam Sha", "What?, binigay mo kay tita?" "N-Nakita niya kase, nagulat ako pagsulpot niya sa tabi ko kaya binigay ko nalang sa kanya para hindi siya magtaka", "Why?, anong masama kung malaman niya na sakin yun galing? eh nililigawan naman kita", "Ahhh!!, hindi niya pwede malaman!!!!", taranta niyang sabi dito, nagtaka naman ito sa sinabi niya "P-Pero bakit hindi??" "Hi-Hindi pwede Sir,, baka kung anong isipin nila,," "I don't care sa iisipin nila", "Ehhhhh, basta Sir bawal may makaalam", giit niya, "Hmm okay pansamantala", "Hah?" "Yeah, hindi naman natin yun malilihim sa kanila", nakangiti pang wika nito, hindi na gutom ang nararamdaman niya ng mga oras na yun kundi kakaibang kaba. Basta ang nasa isip niya hindi yun pwedeng malaman ng kahit sino. "Nalate pa naman ako ng dahil sa mga Rosas na yun tapos ibibigay mo lang kay tita", maya maya'y wika nito "Ehh?,bakit?? san mo paba kinuha yun?", "Sa garden ni Lola Vicky", nakangising sagot nito "Hah?? sa Garden ni Mam Vicky?????", gulat na gulat niyang saad "Yeah, ang ganda ng mga Roses niya diba?", proud na sabi pa nito, napailing nalang siya pano pala kung mamukhaan ng Amo niya ung mga Rosas na yun? edi nalintikan siya ng maaga. "Wag mo ng uulitin ulit yun Sir hah? okay nako kahit wala, o kahit damo nga lang eh o kaya makahiya", "What? seryoso kaba???", natatawa at di makapaniwalang saad naman nito "Oo naman, kung pipitasin mo ulet ung tanim ni Mam Vicky naku ako kinakabahan senyo. Masyado ring magastos kung bibili kayo. Alam nyo ba na presyo na ng isang sakong bigas ung punpon ng bulaklak", "Really?  I don't mind naman sa presyo Clara", "Ehhh basta Sirrr,,, wag matigas ang ulooo", giit niya dito, "Hmm ikaw lang ata ang babae na ayaw sa mga bulaklak", "Hindi naman Sir, kailangan lang maging praktikal sa panahon ngayon", Napangiti lang ito at pinisil ang kamay niyang hawak hawak nito. Sana lang ay makatagal sila ng ganong relasyon na walang nakakahalata o nakakaalam, hindi niya alam ang gagawin kung sakaling may makaalam na iba. Tiyak na agad yun kakalat sa opisina, anong iisipin sa kanya? Napabuntong hininga nalang siya, iba na ang nararamdaman niya para sa binata napatunayan niya sa sarili na gusto niya narin ito. Pero may bahagi ng kalooban niya na natatakot, natatakot siyang oras na may makaalam ng sinisimulang relasyon nila ay may mangyaring iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD