Pagdating ng alas singko ay nakita niyang nakaabang na ito sa kabilang building akala niya kanina ay nauna na itong umuwi.
"Let's go,?", salubong nito sa kanya
"Akala ko Sir nakauwi na kayo?",
"Kung aabangan kase kita sa labas baka maghinala sila kung sino hinihintay ko e diba ayaw mo pang malaman nila?",
Marahan naman siyang napatango, medyo nahiya tuloy siya dito.
"Kaya dito nalang kita inabangan, tara na?", muli siyang tumango at ngumiti dito, kinuha naman nito ang kamay niya at sabay na silang naglakad.
"Clara nakikita mo ba yung mga bulaklak na yon?",
"Saan Sir?",
"Ayun oh", sabay nguso nito, napasunod naman siya ng tingin sa tinutukoy nito, kung san may mga tanim na sun flower at may sign na
Do not pick flowers
"Ah yung mga bulaklak?", aniya ng makalapit sila, pero nagulat pa siya ng biglang pitasin nito ang isang piraso, nanlaki ang mata niya na napatingin dito
"Sir? bat niyo pinitas?",
"Kaya kong suwayin ang sign na yan para sayo", nakangiting sabi pa nito, saka sila sabay na napalingon ng makarinig ng isang malakas na pagpito galing sa guard.
"Hoy! bawal pitasin yan!!" sigaw nito, lalo siya nataranta.
"Pag bilang ko ng tatlo sabay tayong tatakbo ng mabilis Clara",
"Hah??",
Hanggang sa palapit na sa kanila yung guard
"Isa.. Dalawa.. Tatlo takbo!!!"
Sabay silang napatakbo ng mabilis habang naririnig ang sunod sunod na pagpito ng guardiya, habang ang binata naman ay tila tuwang tuwa pa sa ginagawa, hindi man lang niya nakitaan ito ng pag aalala na baka mahuli sila dahil sa ginawa nito.
Nang makalayo sila ay parehas silang hapong hapo habang diparin tumitigil ito sa pagtawa.
"Grabe! ang saya non! hahaha ang bilis nating tumakbo Clara!",
Nahampas niya naman ito sa braso pero tiniyak niya na mahina lang
"Ano kaba Sir mapapahamak tayo sa ginagawa mo eh", hinahapo paring wika niya,
"Pinakita ko lang sayo kung ano ang kaya kong gawin", nakangiti paring sabi nito sabay bigay sa kanya nung isang piraso ng sunflower,
"Hah??",
"Kahit bawal o kahit mahirap kaya kong gawin para sayo. Tandaan mo okay?",
"Basta wag mo ng uulitin yon Sir, ibang bagay yun pano kung nahuli tayo at makulong?",
"Okay lang sakin, basta ikaw ang kasama",
"Hala siya??",
"Wag mo ng ipamimigay yan ah? sinakripisyo ko ang dangal ko dyan hahaha",
Natawa nalang siya dito at tinitigan ang bulaklak, pinakilig na naman siya nito.
"Oo Sir, S-Salamat", nahihiyang saad niya, ngumiti lang naman ito at inayos ang ilang hibla ng buhok niya.
"Ayun na yung Bus, wag mong kakalimutan yung bilin ko",
Tumango naman siya at nagpaalam na dito, nang lingunin niya ulit ito ay nakangiti itong kumaway sa kanya.
Habang nasa byahe ay hindi mawala ang ngiti niya sa labi. Hanggang ngayon ay bumibilis ang t***k ng puso niya sa tuwing naaalala ang binata. Tuluyan na talagang nahuhulog ang loob niya dito, at hindi na niya un mapipigilan.
***
Hindi nga tumigil sa panliligaw ang binata sa kanya, tuwing umaga bago siya makaupo sa table niya ay may nakalapag na doon na pagkain, minsan naman ay chocolates at pasimpleng lagay nito ng isang rosas. Sabay rin sila nitong magtanghalian, habang katagalan ay nasasanay na siya sa presensya nito. Pagdating naman ng uwian ay hindi rin ito napalya na hindi siya ihatid sa sakayan.
Ayaw na niyang paghintayin pa ito ng matagal, deserve nito ang kanyang OO na sagot at isa pa mahal niya narin ito.
"Clara friday ngayon diba?", wika nito habang naglalakad sila papuntang sakayan,
"Oo Sir",
"Hmm, Let's watch fireworks. Every friday may fireworks display sa Moa",
"Huh? talaga Sir?",
Napatango naman ito,
"Kaso gagabihin ka ng uwi",
"Okay lang Sir, friday naman ngayon eh. Gusto ko rin manuod nun", nakangiting saad niya,
"Sige, mas masaya yun kung sasakay tayo sa ferris wheel",
"Hah? hindi ba nakakatakot un? masyadong mataas ung nasa Moa eh",
"Hindi, mabagal lang ang usad nun at tiyak parehas natin maeenjoy ang view",
"Talaga Sir??, Sige sige tara na!!" excited niyang saad, napangiti naman ito at nag abang na sila ng taxi para raw mas mabilis.
Pagdating sa Moa ay ilang sandali pa silang naghintay para sa pagbukas ng ferris wheel. Pasado alas siete rin ng magsimula ng tumunog ang live band. Kasalukuyan na sila nung nakapila sa ferris wheel, nagsisimula na siyang kabahan habang pausad ang pila.
"Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan kaba?", wika sa kanya ng binata habang hawak ang isa niyang kamay
"Oo Sir, first time ko dito sumakay eh. sobrang taas at ang laki", napangiti naman ito at inakbayan siya
"Wag kang matakot, mamaya maeenjoy mo dyan sa taas",
"Pang perya lang yung nasasakyan ko eh, yung mabilis umikot"
"Ah eh mas nakakatakot yun",
"Hindi naman, mamamaos kalang kakasigaw",
Natawa lang ito sa sinabi niya, napabitaw ito sa kamay niya ng sila na ang sasakay doon sa loob. Nakahinga siya ng maluwag ng nasa loob narin ang binata at nagsimula na ulit siyang kabahan ng isara na ang pinto nito at magsimula itong gumalaw paitaas.
Unti unti itong umangat at kitang kita na niya ang naglalakihang building di kalayuan.
"Wow, ang ganda ng view", nangingiting saad niya,
"Nagstart na", sabi naman ng binata,
Mas lalo siyang napamaang ng magsimula ang fireworks display, sobrang daming ilaw ang nagpuputukan sa kalangitan na tila mga bituin na sumasabog.
"Best part", narinig niyang wika ng binata habang nakangiti itong nakatingin sa makulay na langit. Saka niya naisip na sabihin dito ang sagot niya,
"Sir Diego??"
"Hmm?", napatingin naman ito sa kanya ng nakangiti
"Ano ahm",
"Look Clara" sabay turo nito sa labas kaya napatingin naman siya, nagliliwanag na fountain na may sinasabog na bituin ang nakita niya. Sobrang gaganda.
"Sir sinasagot na kita!" biglang wika niya dito, nawala naman ang ngiti nito at napatitig sa kanya,
"Anong sabi mo?",
Napakamot naman siya ng ulo, hindi na niya ata kaya pang ulitin yung sinabi niya, nauunahan na siya ng hiya
"Ahm ano, ayun oh ang ganda pa Sir!" sabay turo at tingin niya sa labas, natawa naman ito,
"Parang hindi yan ang sinabi mo eh"
"Hah hindi ah",maang-maangan niya, naisip niyang saka nalang siguro ulit sasabihin, dang binge ba naman nito.
Nagulat naman siya ng kunin nito ang magkabilaan niyang kamay at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.
"Sabi nga ni President Marcos, Love me now and I will court you forever," sabay ngiti nito,
"Yes Sir, sinasagot na kita Sir ",, biglang sagot niya dito,
"Yes?? as in Yes??" di makapaniwalang saad nito kaya sunod sunod ang tango niya, lalong lumawak ang pagkakangiti nito at agad siyang niyakap.
"Hindi mo alam kung gano mo ko pinasaya Clara,, " mahinang wika nito habang nakayakap sa kanya, gumanti rin siya ng yakap dito at tiningal ito.
"Maniwala kana Sir dahil sinasagot na talaga kita",
"Mahal mo narin ako??",
Nag init naman ang dalawang pisngi niya kaya marahan nalang siyang tumango.
"Hindi ko marinig",
"Mahal na kita Sir Okay??",
Napangiti naman ito at hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi.
"I love you more Clara",
Wika nito sabay gawad ng halik sa kanyang noo.
***
Tanghali na siya nagising kinabukasan, malamig na ang kape niya sa lamesa pero nakulala parin siya. Hindi parin siya makapaniwala na sinagot na niya ang binata at boyfriend na niya ito for real!. Ganito pala yung pakiramdam pag nagmamahal ang puso, pero kailangan niya parin magawa ang goal niya sa buhay, kailangan niya pang matulungan ang pamilya.
"Huy te, kanina mo pa tinititigan yang kape", wika ng pangalawa niyang kapatid na bigla sumulpot sa tabi niya
"Ah,, inaantok pa kase ko", sabay hikab niya kunyare, ang totoo hindi talaga siya nakatulog masyado. Magdamag yata silang magkausap ng binata, kung ano ano ng napag usapan nila na mga bagay bagay.
Sinabi pa nito na wag na siyang tawagin na Sir, nagtanong pa ito kung anong gusto niyang call sign, malay niya ba ron kaya sabi niya kahit ano nalang. Nangilabot pa siya ng tawagin siya nitong Hon, hindi talaga siya sanay sa ganon, unang beses niya ba naman magkaroon ng karelasyon kaya naninibago siya. Mahal niya ito at hindi na mahalaga sa kanya ang tawag tawagan na ganon. Natawa nalang ang binata kaya napag usapan nila na pangalan lang nila ang magiging tawagan. Importante naman sa kanya ung nararamdaman niya dito.
"Nasan pala ang mama?", muling baling niya sa kapatid habang nagliligpit sa kusina
"Umextra maglaba dun sa looban, hahatiran ko nalang siya mamaya doon ng tanghalian",
"Uhm ganon ba,",, natutuwa na sinulyapan niya ang nakababatang kapatid, nagpapasalamat siya na maaruga ito sa kanilang mga magulang.
Inubos na niya ang kape niya at naligo na, ngayong wala na siyang extra income mababawasan na ang mabibigay niya sa magulang, kaya kailangan niyang humanap ng ibang pagkakakitaan.
"Nagpapabenta paba ng mga gulay si Aling Rosa?",
"Siguro?"
Napatango nalang siya at nagtungo na sa tindahan ng Matanda, ilang mga gulay ang pinalako neto sa kanya, mauubos niya naman siguro benta ito sa maghapon at ang kita na yun maibibigay niya sa Ina.
Bitbit ang dalawang bayong ay nagsimula na siyang mag ikot sa lugar nila,
"Gulay!, gulay po kayo dyan,, mura at sariwa pa!", malakas na saad niya habang naglalakad,
"Oy Clara!, ano yang benebenta mo?", wika ng isa sa kababata niyang si Carlos
"Ah mga gulay ito, bili kana murang mura lang",
"Patingin nga, ngayon nalang ulit kita nakita dito ah? akala ko sa Manila kana talaga nag istay",
"Ah hindi, umuuwi parin ako dito pag day off,, ayang kalabasa matamis yan bagong pitas",
"Osige kunin ko na ito, pati itong sitaw at talong,",
"Masarap ipakbet yan tapos bumili kana lang ng bagoong at isda",
"Buti nalang pala nakita kita nakahanap ako ng mauulam", napangiti lang siya dito, ilang mga nanay naman ang lumapit sa mga paninda niya. May iilan na bumili ng okra, talong at kangkong niya.
"Napakasipag mo talaga Clara, magtungo kapa dun sa looban mauubos din yang paninda mo", wika ng isang Ginang,
"Opo Salamat po", aniya ng makuha ang mga bayad ng mga ito, paalis na siya ng habulin siya ng binata
"Clara sandali",
"Huh?"
"Samahan na kitang magpunta sa looban, marami kaseng mga tambay don na hindi mo kilala",
Akmang kukunin na nitong ang bayong na dala niya ng makarinig sila ng busina ng sasakyan, sabay silang napalingon, isang pamilyar na pulang sasakyan ang nakita niya. Napamaang pa siya ng bumukas ang pinto nun at iluwa ang lalaki na kagabi niya lang kausap.
"S-Sir Diego?"
"Clara!,", nagawi ang tingin nito sa katabi niyang binata at sa bayong na nasa tabi niya
"Anong ginagawa mo?"
"Ah!, naglalako ako ng mga gulay Sir!",
"Sir??", takang saad naman ng kababata niya, nginitian niya lang ito at agad kinuha ang bitbit niyang dalawang bayong,, napalapit naman siya sa gawin ng kasintahan
"Ano palang ginagawa mo dito?"
"Magpapasama sana ko sayo sa pupuntahan ko", seryosong sabi nito sabay sulyap dun sa kababata niya,
"Ah g-ganun ba, tatapusin ko lang ito Sir tapos sasamahan ko na kayo, hintayin niyo nalang ako sa bahay?",
"No, sasamahan nalang kitang ilako yan",
"Hah?, seryoso kaba dyan Sir?"
"I Told you, wag mo na ko i-Sir", mahinang bulong nito sa kanya, saka niya naalala ang napag usapan nila kagabi. Napakamot ulo naman siya habang natatawa
"Ay oo nga pala haha",
"Wait me here, magpapark lang ako", napatango lang siya, sinundan niya lang ito ng tingin habang pabalik ito sa loob ng sasakyan,
"Boss mo yun?" saad naman sa kanya ng kababata ng makalapit sa kanya
"Ah ano, parang ganon na nga",
"Anong ginagawa niya dito?",
"Ah napadaan lang, magpapasama kase siya sakin ngayon kaso" aniya at napatingin sa mga paninda niya, napatango naman ito,,
"Nililigawan kaba niya?" nagulat naman siya sa biglang tanong nito, hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito,
"Yes, and girlfriend ko na siya",
Lalo naman siya nagulat sa biglang pagsulpot ng binata sa tabi nila, maging ang kababata niya ay nagulat din sa sinabi nito.
"Ahh, maiwan na kita Clara", sabay lakad nito paalis, naiwan naman siyang nakatulala sa pag alis nito,
"Uhm sino ba yun?", untag sa kanya ng binata
"Ah,, kababata ko yun,, eh?" napatingin siya sa soot ng binata, naka white t-shirt na ito at nakasuot ng tsinelas
"Bakit?, ok naba? maglalako na tayo?"
"Seryoso kaba?"
"Oo naman, tara na nga", wika lang nito sabay bitbit don sa dalawang bayong,
"Gulay gulay kayo dyan!!",
Natawa nalang siya dito habang naglalakad sila, naagaw tuloy nila ang atensyon ng mga nasa kalsada, agad silang napagkaguluhan ng ilang mga nanay maging ng mga dalagita na gusto bumili ng paninda nilang gulay.
"Kaguwapo mo naman iho para maging tindero, abay kunin ko na itong mga okra", wika ng isang ginang sa binata
"Sige po Nay, marami pa po kaming Okra pag gusto niyo eh magsabi lang kayo", magiliw na sagot ng binata
"Magkano itong talong mo hijo?"
"Ay murang mura lang po iyan, bente isa",
Nilakihan niya naman ito ng mata at pasimpleng siniko
"Bente po isang tali" aniya,,
"Abay kagwapo nering kasama mo hija, boypren mo ba ito?", sabat naman ng isang matanda sa gilid, nag init naman ang pisngi niya habang ang binata ay tuwang tuwa sa naririnig na papuri sa kanya.
"Ah eh hehe,"
"Opo La, magkasintahan po kami,, kailangan po namin kumita para sa kinabukasan namin pareho", sagot naman ng binata kaya napamaang siya
"Abay kababata niyo pa pareho, wag muna kayo mag-aasawa sa hirap ng buhay ngayon",,
=_=
"Hahaha,, matagal pa po yun La pero dun din ang tuloy namin",
"Oh siya kunin ko na lahat ito ng makauwi na kayo at sobrang init na", sagot naman ng matanda, natuwa naman siya ng maubos ang laman ng dalawang bayong niya. Mukhang swerte ang dating ng binata at nakatulong ang kagwapuhan nito para maubos ang mga paninda niya.
"Ang galing makakauwi na tayo", masayang saad niya habang binibilang ang pera na ireremitt niya sa kinuhanan niya ng gulay, naglalakad na sila pauwi
"Hindi man lang ako pinagpawisan dun", nangingiting saad nito
"Pano ang lakas mo magpahangin",
"Gagawin ba ulit natin toh sa sabado?"
"Eh?, hindi kaba nahiya magtinda?"
"Hindi?? wala namang nakakahiya dun Clara, marangal na trabaho yun", wika nito, napangiti nalang siya dito, mas lalo siya nitong pinahanga.
"Okay sabi mo eh",
"Sasabihan mo ko ng maaga pag magtitinda tayo hah? masyadong mabigat itong dalawang bayong na bitbit mo kaya hindi ka nalaki eh",
"Hah?? ang gaan gaan nga lang niyan eh",
"Kaya pala gusto ng buhatin nung lalaki kanina yan, buti dumating ako", nakaungos na sabi nito
"Ah si Carlos? kababata ko yun, minsan tinutulungan niya talaga ako magtinda",
"Hindi na ngayon Okay?, mas mabilis mauubos ang paninda mo pag ako ang kasama mo", mayabang pang sabi nito,
"Ang hangin naman!", natatawang saad nalang niya.