Matapos niyang maibigay sa Ina ang perang kinita ay nagpaalam na siya sandali rito dahil may lakad sila ng binata. Mabilis siyang kumilos para muling maligo at makapag palit ng damit habang naghihintay naman ito sa labas ng bahay nila. Napangiti siya ng makita na kakulitan ito ng bunso niyang kapatid,,
"Kuya kuya ilan toh?" sabay pakita ng daliri nung bata
"Hmm isa?"
"Tama, eh ito",
"Dalawa?"
"Tama tama, ano ang nauna itlog o manok?"
"Hmm manok?"
"San galing ang manok?"
"Sa itlog?"
"Eh ano po nauna?"
"Manok?"
"Hindi kaya itlog?" sabay bungisngis ng kapatid niya, napakamot ulo naman ang binata
"Ang bright mong bata, next time may prize ka sakin", nakangiting saad nito
"Yeyyyy", tuwang tuwa naman na saad nito bago nagtatakbo papunta dun sa mga kalaro, nakangiti na napalapit naman siya sa binata,
"Let's go?"
Napatango lang siya at kinuha na nito ang isang kamay niya, agad silang nagtungo sa parkingan ng sasakyan nito. Pinagbuksan pa siya ng pinto nito bago siya pumasok
"San tayo pupunta Sir?"
"Hmm, gusto kong dumaan ng Church tapos samahan mo akong magreview",
Napatango nalang siya dito at inistart na nito ang makina ng sasakyan, hapon na nga makarating sila sa Quiapo Church.
Sabay silang pumasok ng magkahawak kamay sa loob ng simbahan, wala ng misa at may iilan na naroon at taimtim na nagdarasal. Tahimik silang nagtungo sa bakanteng upuan, sumunod siya dito ng lumuhod ito at tahimik rin na nagdasal.
Isa sa pinapasalamat niya na makilala niya ito, malayo layo narin ang nararating ng relasyon nila mula sa magkakilala, maging amo at ngayon kasintahan na niya ito. Hindi niya alam kung hanggang kailan pero hinihiling niya na sana ay hanggang sa huli may mabuti parin silang ugnayan.
Nang matapos siyang magdasal at mapamulat ay nakangiting nakatunghay na sa kanya ang binata.
"Nagpasalamat karin ba na nakilala mo ko?"
"Hah??," gulat niyang saad dito, nahiya tuloy siya dahil medyo napalakas ang tinig niya, natawa naman ang binata sa kanya at inalalayan siyang makaupo,
"Biro lang, yun kase ang isa sa pinagpasalamat ko sa kanya. Tara na? medyo gutom na ko eh",
Tumango nalang siya at magkahawak kamay na ulit silang lumabas ng simbahan, kung magiging maganda ang kapalaran nilang dalawa, nais niyang makita ang sarili na naglalakad papuntang altar kung saan nakikita niyang naghihintay doon ang binata, nahiya naman siya sa lawak ng pag iisip, masyado pang maaga para don. Kailangan pa nilang maabot parehas ang mga pangarap nila sa buhay.
Marami pa silang maaaring pagdaanan, at alam niyang hindi ganon kadali ang mga naghihintay pa sa kanilang mga pagsubok.
Alas tres ng makabalik sila sa Unit nito, pagpasok palang niya at napansin na niyang malinis at walang kalat ang paligid. Balak niya pa naman na mag ayos dito ngayong nandito siya,
"Hmm? may kinuha ka ng bagong katulong Sir?",
"Nope, wala na akong ibang pinapapasok na babae dito bukod sayo",
"Eh?, himala ata malinis",
"Gaya ng sabi mo dapat matuto akong magligpit at maglinis, tsaka hindi na kita P/A ngayon para mag ligpit dito",
"Eh?",
"Except sa pagluluto, sempre lulutuan mo parin ako ng mga paborito ko", sabay ngiti nito,
"Oo naman Sir,,"
"Itutuloy ko lang ang reviewer ko, here para hindi ka maboring", sabay abot nito sa kanya ng isang novel, mahilig naman siyang magbasa kaya kinuha na niya.
Habang abala ito sa harap ng laptop nito ay naupo naman siya sa dulo ng sofa at nagsimulang magbasa. Parehas silang tahimik sa ginagawa, nagka interes din siya agad sa binabasang novel kaya tuloy tuloy ang pagbabasa niya. Nang sulyapan niya ito ay seryoso parin ito sa ginagawa, mas lalo itong gumwapo sa paningin niya ng nakasuot na ito ng salamin, ng mapatingin ito sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin. Nawala tuloy ang konsentrasyon niya kaya naisipan niya nalang gawan ito ng Orange Juice.
Napasunod lang ang tingin ng binata sa kanya ng magtungo siyang kusina, pero bumalik siya para magpaalam dito.
"Okay lang ba kung gawan kita ng pan cake?" lumingon naman ng nakangiti ito sa kanya
"Sure, love",
Agad na siyang bumalik sa kusina, ano raw Love?, kagabi sabi nito Hon, dina tuloy niya maintindihan, ipinilig niya nalang ang ulo at sandaling itinabi ang librong hawak. Abala siyang hinahalo ang gagawin niyang pan cake para dito. Pero napaangat ang tingin niya ng makita ito na nakatayo dun sa gilid at pinagmamasdan siya, wala na itong suot na salamin
"Huh?, anong ginagawa mo dyan?"
"Ang seryoso kase ng reaksyon mo eh, kailangan mo ba ng tulong ko?" napailing naman siya,
"Okay nako dito Sir, sandali nalang ito",
"10 years from now, gusto kong ikaw parin ang nakikita ko sa pwesto na yan na abalang nagluluto",
"Nyeee?" binilang niya naman kung ilang taon na siya nun
"Trenta na ko non, kayang kaya ko pang paglutuan kayo nun Sir",
Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, sandali naman na tumalikod siya para ihanda ang kawali na paglulutuan niya. Habang abala siya, nagitla siya ng may yumakap sa likuran niya,
"Ngayon lang ako naging sigurado sa mga desisyon ko sa buhay Clara, Oo masyado pa tayong mga bata pero gusto kong hintayin mo ko na matupad ko ang mga pangarap ko at kahit anong mangyari hindi ka aalis sa tabi ko,,", mahinang bulong nito,,
"O-Oo naman Sir,, hihintayin kong mangyari yun at ako ang unang susuporta sa lahat ng pangarap mo.. Hindi rin ako aalis sa tabi mo",,
Napangiti naman ito at hinagkan siya sa noo,
"Kaya bumalik kana dun sa pwesto mo Sir at ako ng bahala dito, mamaya masunog pa tong pancake ko", nakangusong saad niya, natawa naman ito
"Okay, okay,,", Napangiti lang siya ng lumakad na ito paalis at pinagpatuloy na niya ang ginagawa.
***
Magaan ang pakiramdam na bumalik siya sa harap ng laptop niya, ngayon may inspirasyon na siyang tapusin ang nasimulan niyang kurso. Pagbubutihan niya pa lalo para sa dalaga,, habang patuloy siya sa ginagawang research ay napatingin siya sa pag ilaw ng cellphone nito na nasa dulo ng sofa.
Napatayo siya at agad dinampot ang telepono nito, nabasa niya agad sa screen kung sino ang tumatawag dito na nagpakabog sa dibdib niya
Sir Harry Calling....
Sandali siyang natulala, bakit tumatawag ang isang toh? kailan pa?. Nang tumigil ang pag ring nito ay muli siyang nakatanggap ng text message dito.
Sir Harry
Hey Clara it's me Harry. Pwede ba tayong magkita ngayon?
Agad niya dinelete ang message nito maging ang number nito ay hinide niya at blinocked para hindi na tuluyang makontak nito ang dalaga. Ayaw niyang magkita ulit ang dalawa, selfish man pero ayaw niyang magkaroon ulit ng komunikasyon ang dalawa.
Nang masiguro na hindi na ito nagmessage pa ay muli niyang ibinalik ang cellphone nito sa sofa saka bumalik sa kanyang pwesto. Sakto naman ang dating ng dalaga habang bitbit ang ginagawa nitong Pancake at orange juice, ngumiti lang siya dito ng mailpag nito sa table niya ang pagkain.
"Thank you, Clara",
Ngumiti lang ito at naupo na sa pwesto, abala na ulit itong magbasa sa binigay niyang novel. Panay panay pa ang sulyap niya kung ginagalaw ba nito ang cellphone, pero nakahinga siya ng maluwag ng di naman nito pinapansin.
"Clara?", tawag niya rito kaya napasulyap naman ito sa kanya,
"Hmm? bakit sir?",
"Magpalit tayo ng sim card",
"Hah?" bakas sa mukha nito ang pagtataka, wala naman siguro itong ideya na nais niya lang na hindi na ito makontak ng Harry na yun,
"Sabi ko magpalit tayo ng sim card", kinakabahang ulit niya,
"Magpalit? pero kase Sir",
"Huh bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman Sir, kaso iniisip ko lang pano kung tatawagan ako ni Mam Sha at ng ibang staff, edi magtataka sila kung bakit kayo ang makakasagot", paliwanag nito, naisip niya rin naman ang point nito,
"Hmm edi ibigay mo yung number ko?"
"Mas lalo naman Sir, eh alam ni Mam Sha ang number mo", giit pa nito
"Tsk",
Binalik niya nalang ang tingin sa monitor, bakas tuloy sa dalaga ang pagtataka sa kanya. Hindi naman siya nakatiis kaya sandali niyang isinara ang laptop niya, agad siyang lumapit sa tabi nito.
"Clara,,"
"Huh? Bakit Sir?"
"Gusto kong mangako ka sakin",
"Hah? ng ano Sir?", gulat ulit na sabi nito. Napahinga muna siya ng malalim at humugot ng lakas ng loob
"Gusto kong mangako ka sakin na hindi mo ko ipagpapalit sa iba, na hindi ka titingin o sasama sa ibang lalaki bukod sakin",
"Hah?, wala naman akong ibang sasamahan bukod senyo Sir eh",
"Basta mangako ka, kundi magagalit at magseselos ako", seryosong sabi niya
"Hah??, wala kayong dapat na ikagalit Sir,, hi-hindi ko kayang gawin yon", tarantang saad naman nito,
"Talaga? pano kung bigla kang ayain ni Harry na sumama sa kanya?"
"Si Sir Harry???" gulat namang sabi nito,
"Oo, kaya mangako ka na hindi ka makikipagkita o sasama sa kanya", aniya, sandali namang natahimik ito na parang nag isip
"Clara?" tawag niya ulit dito
"Uhm,, pano yung ibabalik kong diamond sa kanya?"
"Ako ng bahala sa bagay na yun basta wag ka ng mag abala pang makipag kita sa kanya, okay??" paniniguro niya,,
"O-Okay",
"Good", sabay ngiti niya at bumalik na ulit sa kanyang pwesto. Kailangan na niyang tapusin ang research niya dahil pasahan na nito nextweek.
Magiging abala narin siya dahil malapit na ang finals nila, kailangan niyang makakuha ng mataas na score kaya marami siyang hahabulin rin na mga research project.
Nang sulyapan niya ang dalaga ay nagpatuloy na ulit ito sa binabasa, hindi naman siguro ito susuway sa napagkasunduan nila. Hindi niya alam pero hindi niya gusto ang lalaki na yun na mapalapit sa kasintahan, pakiramdam niya ay anumang oras maaari nitong paikutin ang dalaga.
Masyado pa naman itong mabilis kausap at malambot din ang puso. Kaya hindi siya papayag na magkalapit ulit ang dalawang ito.
***
Nagtatakang sinulyapan niya lang ang binata habang nakakunot ang noo nito at nakatuon ang atensyon sa harap ng laptop nito. Bakit kaya ganon ang mga sinabi nito? mabuting tao naman ang binatang si Harry, at kung sakaling magkita man ulit sila nito kakamustahin niya lang ang lagay ng lola.
Matagal tagal narin silang hindi nagkikita nito, hindi narin siya nakakatanggap ng tawag o mensahe dito. Baka tuluyan na siya nitong nakalimutan pero imposible dahil may pangako ito sa kanya. Pero kung sakaling magkita sila nito ay baka magalit sa kanya ang kasintahan. Kasasabi lang nito sa kanya kanina at ayaw niyang magalit ito kaya susundin niya nalang.
Nang pumatak ang alas singko ay nagpaalam na siyang umuwi dito.
"Clara here", sabay abot nito ng isang papel na agad niya namang tiningnan,
"Huh?"
"I'm sorry full ang schedule ko ng Monday and Tuesday,",
Nabasa niya nga sa papel na iniabot nito, schedule ng klase pala nito ang iniabot sa kanya.
"Walang problema Sir,," nakangiting sabi niya,
"Iuupdate mo ko lagi okay?, tatawagan din kita kahit hindi tayo magkasama", tumango tango lang ulit siya dito.
"Ihahatid na kita",
"Marami kapang kailangan tapusin Sir, magbobooked nalang ako ng grab para diretso na ang uwi ko",
"Ako ng magbobooked okay?"
Tumango lang siya at sandaling naghintay habang abala ito sa cellphone,,
"Tara na sa baba", maya-maya'y saad nito, sumunod lang siya dito at kinuha agad nito ang kamay niya.