Twenty

2022 Words
Natapos ang maghapon niya na hindi nakita ang binata, ilang message lang ang natatanggap niya galing dito marahil ay abala ito. Ayaw niya namang makadistorbo sa pag aaral nito kaya panay nalang ang tingin niya sa kanyang cellphone at inaabangan ang message o tawag nito. Pangatlong araw na nilang hindi nagkikita at inaamin niya sa sarili na namimiss na niya ito. Minsan gusto niya nalang ito puntahan sa unit nito pero hanggat wala itong sinasabi na pupunta siya ay yun ang susundin niya. Siguro naman pagdating ng sabado ay magkikita na ulit sila nito. Papunta na siya sa terminal ng bus ng biglang may bumusina mula sa likuran niya, agad naman siyang napatabi sa daan sa pag aakalang baka mahagip siya. Pero isang itim na van ang tumigil sa harapan niya, natulala pa siya ng bigla nagbukas ang pinto nito at bumaba roon ang nakaitim na lalaki. "Clara!", "S-Sir Harry???" Napangiti ang binata ng makilala niya ito pero bakas ang kakaibang kalungkutan sa mga mata nito, "Sir Harry kayo nga!!!", masayang wika niya "Nagkita tayong muli Clara, akala ko hindi na kita matetyempuhan dito. Hindi kita macontact sa number mo kaya nagbakasakali ako ilang beses dito", "Huh? hindi niyo ko makontak? pero matagal ko narin hinihintay ang tawag niyo Sir. Kamusta napo pala ang Lola?", aniya, "Mabuti pa siguro kung sa loob nalang tayo ng sasakyan mag usap ihahatid kana rin namin pauwi", "Hah? ahm", Hindi na siya nakatanggi pa ng pagbuksan siya nito ng pinto. Bigla niyang naalala ang pinangako niya sa kasintahan pero nahihiya naman siya kung tatanggihan niya. Magpapaliwanag nalang siya dito. Sa kabilang banda isang mapanuring mata ang nakasubaybay sa kanya habang pasakay siya sa loob ng Van. Napangiti ito ng may laman at nakaisip ng paraan upang masira siya. "Kamusta napo ang Lola Sir? magaling naba siya? kailan kami pwedeng magkita?", simula niya ng makaupo ito sa tabi niya, nagsimula narin umandar ang sinasakyan nila "Nagpaalam na ang lola Clara", mahinang saad nito, bigla bumilos ang t***k ng dibdib niya na tila may libo libong krayom na tumutusok "Ano Sir???" "Hindi na siya pumayag na magpagamot pa, nang araw na yun pinasya niyang magpahinga sa dagat at doon nagpaalam na iidlip lang. Pero wala na, yun na ang huli naming pag uusap", Hindi niya namalayan ang pag agos ng kanyang mga luha, sandali siyang hindi nakaimik hindi matanggap ng kalooban niya ang narinig. "Two weeks nakong nandito sa Manila at dito ko inuwi ang kanyang Abo. Maaari mo siyang dalawin ano mang oras Clara", "Akala ko magkikita pa kami," lumuluha niya paring saad ngunit agad din niyang pinunasan ang luha. Hanggang sa maihatid siya sa kanila ay hindi parin mawala sa isip niya na wala na ang matanda. Hindi parin siya makapaniwala, hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na makita at makausap ito. Kagaya rin ng nangyari sa totoo niyang lola, ng mamatay rin ito ay wala rin siya sa tabi nito, namaalam ito na nangungulila sa kanila. Nang tingnan niya ang cellphone at hinanap ang number ng binata ay nagulat siya na nasa blocked listed ito. Kaya siguro hindi siya nito makontak, nang icheck niya ang mga messages nito ay naroon din sa blocked messages. Marahil ang kasintahan ang gumawa nito upang hindi na sila magkita pa ng binata. Kaya marahil siguro iba ang naging kinilos nito nung mga nakaraang araw. Napabuntong hininga na lang siya, hindi niya akalain na magiging ganito ito ka protektado sa kanya, wala naman siyang nakikitang mali sa pagkakaibigan nila ng binatang si Harry. Pero sa bandang huli nanaig parin sa kanya na sundin na lamang ito. Pagkatapos niyang madalaw sa puntod ng dalaga ay ito na siguro ang huling pakikipagkita niya sa binata. Nalulungkot man siya pero kailangan niyang sundin ang nais ng kasintahan. Kinabukasan ay pinasya niyang bisitahin ang puntod ng matanda sa binigay na address nito. Isang puting rosas ang bitbit niya habang papasok sa gate ng Memorial Park, natigilan pa siya ng isang sasakyan ang tumigil di kalayuan. Pamilyar sa kanya ang sasakyan na yun at iniluwa nga non ang binata. Nakasuot parin ito ng itim na polo. "Clara,", "Sir Harry kayo pala", "Sabay na tayong pumasok sa loob, bandang dulo pa ang museum ng Lola malayo kung lalakarin", wika nito, napatango nalang siya at sumunod dito. Parehas silang tahimik habang lulan ng sasakyan, hindi niya alam ang pwedeng sabihin, alam niyang nagluluksa parin ito sa pagkawala ng matanda. Mas higit ang sakit na nararamdaman nito kesa sa nararamdaman niya. Ilang sandali ay tumigil narin ang sasakyan nila, pagbaba ng binata ay inalalayan pa siya nito makababa. Isang museo ang nakita niya na sapat lang ang laki, malayo palang ay tanaw na niya ang larawan ng matanda. Tila nanigas siya sa kinatatayuan hindi niya akalain na ito nalang ang madadatnan niya dito, "Let's go? alam kong hinihintay niya ang pagbisita mo", untag sa kanya ng binata, namuo na naman ang luha sa mga mata niya, hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nag unahan na sa pag agos ang luha niya sa pisngi. Tahimik siyang umiiyak habang marahan na nilalatag sa tabi ng Urn nito. "Bago magpaalam ang lola isa ang hiniling niya sakin, ang balikan ka Clara", simula ng binata, nagtatakang napatingin naman siya dito "Hiniling niyang wag kitang pabayaan dahil alam niyang malulungkot ka, gusto niyang tulungan kita", Lalong nadagdagan ang emosyon na naramdaman niya sa pagkawala ng matanda, hindi niya akalain na sa huling sandali ng buhay nito ay naalala parin siya nito. Wala ng boses ang lumabas sa kanyang bibig hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin pero nagpapasalamat siya na sa konteng panahon nilang pagkakakilala ay nagkaroon siya ng puwang dito. "Kaya naman nangako ako sa kanya na hindi ko bibiguin ang huling kahilingan niya", "Maraming Salamat Sir Harry, natutuwa ako na naalala parin ako ni Lola sa huling sandali ng buhay niya. Hindi ko siya makakalimutan", "Meron akong gustong i-offer sayo Clara, siguro mas maganda kung pag usapan natin toh sa malapit na Cafe", Napatango naman siya sa sinabi nito, sandali silamh nagtungo sa malapit na Star bucks. Ilang documento rin ang dala dala nito at wala siyang ideya kung ano yun. "Kagaya ng sinabi ko kanina Clara, gusto kong i-offer sayo ang isang scholarship abroad", simula nito, napakurap naman siya "P-Po??", "Doon ay libre kang makakapag aral under my guidance, maaari mong kunin kahit na anong naisin mong kurso. Susuportahan kita sa pangarap mo", "P-Pero Sir Harry?", "Wag ka mag alala, may ilang Scholar Student na hawak ang company kaya hindi ka mangangamba sa makakasama mo roon. At isa pa nandoon din ako sa tabi mo", nakangiti pang saad nito, pero bigla niya naalala ang kasintahan, Maganda ang inooffer sa kanya ng binata pero makakaya niya kayang iwan ang kasintahan para sa kanyang pangarap? Nangako siya dito na hindi siya aalis sa tabi nito hanggat hindi pa nito naaaabot ang pangarap na maging isang doctor dahil pagkatapos nun ay siya naman ang tutulungan nito. "Hindi ko pa alam Sir, sobrang na appreciate ko ang offer mo pero hindi ko pa po alam ang isasagot", "Isipin mong gagawin mo ito para sa sarili mo Clara,ang pangarap mo at maging ang pamilya mo", "Pag iisipan kong maigi Sir, salamat po sa magandang offer", "If ever na nakapag decide kana, pwede mo kong puntahan sa address na toh hihintayin ko ang kasagutan mo", Napatango naman siya dito "Huwag mo isipin Clara na ginagawa ko lang ito dahil sa kahilingan ni Lola, bukal sa loob ko ang tulungan ka, at nais ko pang makita na aangat ka", "Maraming Salamat Sir, pag iisipan kong maigi", Napangiti naman ito habang tumatango, ilang sandali pa ay nagpaalam na siya dito. Hindi na siya nagpahatid pa dahil may nakuha na agad siyang taxi pabalik ng kanilang opisina. Hindi mawala sa isip niya ang offer nito na makapag aral siya Abroad. Excited siya, may bahagi ng isip niya na gustong igrab ito pero ang puso niya ay pinapaalala ang pangako nila ng kasintahan. Napahinga siya ng malalim, maaari naman siguro nilang abutin ng sabay ang pangarap nila diba? kung talagang nagmamahalan sila ay susuportahan nila ang isa't isa. Pero ng maalala niya na mainit ang dugo ng kasintahan sa binata ay bigla siya nawalan ng pag asa. Mahal niya ito pero nais niya ring makuha ang pangarap na makapag aral. Kailangan mong mamili Clara, ang pagsugal mo sa pag ibig o ang iyong pangarap sa buhay??? Sumakit na ang ulo niya kakaisip, may ilang araw pa naman siguro para makapag isip isip siya ng tama. Muli niyang tiningnan ang address na binigay ng binata. Kung sakin nakatakda ay siyang uugma. bulong niya sa sarili. *** Naikuyom niya ang palad ng makita di kalayuan ang pag uusap ng kasintahan at ng lalaki na ayaw niyang makita. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya, hindi ito tumupad sa kanilang usapan na hindi ito makikipagkita sa binata. Hindi rin nagtagal ang pag uusap ng dalawa, nakita niya agad na nauna ng nagpaalam umalis ang dalaga, sumakay na agad ito ng taxi. Susundan niya sana ito pero kinuha na niya ang pagkakataon para makausap ng personal ang lalaki at ng maibalik na niya dito ang diamond na pinag aalala ng dalaga. Kailangan niya itong makausap na lubayan ang dalaga. Napaangat ang tingin nito ng ilapag niya sa harapan ng mesa nito ang kahon ng Diamond. "Oh? Diego Villafuerte right?", "Hindi nako magpapaligoy ligoy pa, tantanan mo si Clara. Binabalik ko na ang Diamond na iniwan mo sa kanya kaya wala ng dahilan para makipagkita kapa sa kanya", diretsang wika niya, sinalubong naman nito ang tingin niya saka binuksan ang laman ng kahon. "Ang Diamond na toh ay personal kong binigay kay Clara", "At binabalik ko na ito saiyo", "Si Clara ang may karapatan na magbalik niyan sakin at hindi ikaw", mariing saad nito saka inurong pabalik sa kanya ang kahon "Ano bang kailangan mo? bakit ba ayaw mo siyang tigilan??" "Ano ba ang kinagagalit mo sa paglapit ko kay Clara? malinis ang intensyon ko sa kanya", "Hindi na siya makikipagkita sayo, siguro ngayon pinagbigyan kalang niya pero wala na yung kasunod", "How sure are you, na hindi na??", paghamon nito, sandali naman siyang natigilan kasabay ng pag ahon ng kaba sa dibdib niya, "Nangako siya sakin at may usapan kami", "Alam mo ba kung ano ang inoffer ko sa kanya??", simula nito, nakakunot ang noo na hinintay niya ang sunod na sasabihin nito "Scholarship Abroad para matupad ang nais niyang makapag aral ng sa ganon hindi lang pagiging Personal Assistant o katulong  ang magiging papel niya pagdating ng araw", "Hindi niya tatanggapin ang offer mo", mariin niyang sagot dito habang nakakuyom ang mga palad. "At bakit hindi? pipigilan mo ba siya na tanggapin iyon? hahadlangan mo ang pangarap niya hindi lang sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang pamilya??", Nanatiling nakakuyom ang kamao habang nakatuon ang tingin dito, iiwan ba siya ng dalaga para sa pangarap nito? Pero may usapan sila, mananatili ito sa tabi niya, "Huwag kang maging selfish Mr. Villafuerte, wala kapang kakayahan para ibigay ang nararapat na pangangailangan ni Clara," "Oo wala pakong kakayahan ngayon, pero ako papayag na tatanggapin niya ang offer lalo kung galing sayo" Napangisi naman ito sa sinabi niya. "Si Clara parin ang makakapagdecide niyan Mr. Villafuerte. And sa tingin ko pinag iisipan na niyang mabuti ang magiging desisyon niya. And isa pa, mabibigay ko ang lahat ng kakailanganin niya,, hindi na niya kailangan pang maghintay ng matagal para sa isang pangarap na walang kasiguraduhan", Sa galit ay naihampas niya ang palad sa lamesa, sandali silang nagkasukatan ng tingin, hindi niya akalain na ganito ito katigas makipagsukatan sa kanya. Muki niyang dinampot ang kahon sa harapan nito at mabilis na lumakad palabas ng cafe, sobrang sikip ng dibdib niya na parang gusto niyang manuntok. Iniwan niya ang exam niya ng may natanggap siyang larawan ng kasintahan na kasama ang binata. Mula sa pagpunta nito sa puntod ay sinundan niya ang mga ito hanggang sa cafe, hinihingal na siya sa paninikip ng dibdib. Sandali siyang naupo sa gilid ng kalsada upang ikalma ang sarili, kailangan niyang makausap ang dalaga. Kailangan niyang malaman dito ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD