Napangiti siya ng matanaw sa labas ng Building ang dalaga, may bitbit siyang Yellow Cab pizza at nais niyang magmeryenda kasama ito, kaya din dun niya ito pinatuloy sa Unit niya.
"Clara!!!", habol niyang sigaw pero nakasakay na agad ito ng taxi, dali dali niyang dinialled ang number nito pero out of coverage,
"Aissh!!",
Dali dali siyang nag para ng taxi upang mahabol ito, ng makarating siya sa building na pinapasukan nito ay tumakbo siya agad papasok, may sasabihin din kase siya dito at hindi na niya mahintay kung ipapagpabukas pa niya. Masyadong matagal ang pagbaba ng elevator kaya naghagdan nalang siya, hapong hapo siya ng makarating sa Floor Area ng Company nila.
Natigilan pa siya ng makasalubong niya sa hallway ang kanyang Ama na napakunot ang noo ng makita siya,
"Diego? why are you here?",
"D-Dad??",
Hindi agad siya nakaimik, malakas na kabog ng dibdib niya ang naririnig niya, nagawi din ang tingin niya sa ilang kababaihan na parating sa gawi nila, isa doon si Clara na nagulat din ng makita siya, bitbit na nito ang bag at mukhang uuwi na,
"Let's go home, we need to talk", narinig niyang saad ng Daddy niya, sinundan niya lang ng tingin ang dalaga habang papasok ng elevator, yumuko lang ito sa kanya,
"Aissh,,",
Hindi na niya tuloy ito nakausap, tahimik na sumunod nalang siya sa kanyang Ama,
"Are you really sure sa pagbubukod mong yan? you think na kaya mo na mag isa?", simula ng Ama niya habang nasa loob sila ng elevator, maigi at silang dalawa lang ang sakay nun dahil baka pagtalunan na naman nila ang pagbubukod niya, pero mukha naman itong kalmado ngayon
"Yes Dad",
"We're doing this for you're future Dieg, kaya wag sasama ang loob mo samin ng Mom mo. If that's what you want go ahead, financially wala kang poproblemahin but promise me one thing, tatapusin mo ang kurso na nais ko sayo",
Napabuntong hininga nalang siya, kahit naman makipagtalo siya dito ay hindi ito makikinig,, ilang beses na siyang nakiusap na magshishift siya ng course pero ayaw ng mga ito,
"Alright, I guess hindi na muna ko sasama sayo pauwi. Kailangan ko pang magreview dahil may exam ako bukas",
"Ihahatid na kita sa-"
"Mag cocommute nalang ako Dad, keepsafe. Tell mom that I'm fine and I'll miss her", aniya at tumalikod na dito, panong hindi sasama ang loob niya, wala ng inasikaso ang mga ito kundi puro pera at trabaho, pinipilit pa ng mga ito ang kurso na ayaw niya na hanggang ngayon ay pinipilit niyang kinakaya.
Lumaki siyang ang hanap lagi ay atensyon ng kanyang mga magulang pero hanggang ngayon ay hindi niya parin makuha sa mga ito. Umabot na nga siya sa pagbubukod ng tahanan sa mga ito pero parang okay lang naman na malayo siya. Bagsak ang balikat na bumalik siya mag isa sa kanyang unit.
***
Mahigit isang buwan narin ang paninilbihan niya bilang PA nito, hindi naman ito ang tipo ng amo na mahirap ang pinapagawa at inuutos sa kanya, madalas lang ang pagliligpit niya sa loob ng unit nito, minsan pagbili niya dito ng makakain nito habang ito ay abala mag aral, o kaya naman ay nagrerequest ito na lutuan niya.
"Clara marunong kaba mag sopas?" parang bata na bungad nito sa kanya, abala siya sa kusina nito maghugas ng pinggan,
"Marunong Sir, kaso wala naman tayong pang gawa ng sopas eh", aniya pano puro tubig at beer lang ang laman ng ref nito,
"Ganon ba, ang sama ng panahon sa labas oh masarap ngayon magsopas,, wala pang nagluluto nun para sakin",
"Ang lungkot naman nun Sir, pero sige na nga bibili ako ng pang sopas",
Lumapad naman ang pagkakangiti nito sa sinabi niya
"Talaga?, ang bait mo talaga Clara!!!, Thank you", nilahad niya naman ang palad dito,
"A-Ano yan?"
"Pambili ng pang sopas",
Napa ah lang ito at agad nag abot sa kanya ng 1k, agad na siyang bumaba, buti nalang at walking distance lang dito ang hyper market. Agad siyang namili ng kakailanganin niyang panahok sa sopas, dahil may sobra pa siya bumili nalang din siya ng isang kilong manok pang tinola. Hindi naman siguro ito magagalit dahil wala na ata itong matinong pagkain na kinain, puro order at junk food.
"Oh ang dami mo atang pinamili? nagkasya ang 1k mo?"
"Oo naman Sir, may pang tinola pa nga oh", aniya ng makapasok
"Tinola? you mean magluluto karin ng tinola?",
"Sana Sir kung type mo",
"Ou naman, sige ipagluto mo ko", nakangiti pang wika nito, tumango nalang siya , maliit na bagay dahil bihasa yata siya sa pagluluto. Pera naman ang kapalit nito eh,,
"Bagay sayo maging professional cook", maya-maya'y saad nito mula sa kusina,
"Madalas ako ang taga luto sa bahay at favorite ng mga kapatid ko ang Tinola",
"Woah, ang swerte siguro magkaron ng Ate na gaya mo", natawa lang siya dito,
"Ano bang pangarap mo Clara?", napatingin naman siya dito, saka sandaling nag isip
"Marami eh",
"Like what?", interesadong saad nito, nagdalawang isip pa siya kung sasabihin dito pero dahil hindi naman ito iba na sa kanya ay binahagi na niya dito
"Pangarap ko makapagtapos ng pag aaral, pero mas gusto na maiangat sa kahirapan sila Mama at Papa, yung hindi ko na makikita na may hawak na pala si Papa sa ilalim ng mainit na araw at hindi na magsusugat sugat ang mga kamay ni Mama kakalabada", mahinang saad niya at ngumiti dito,
"Kahit siguro hindi nako makapagtapos ng pag-aaral, basta makita ko lang silang maalwan ang buhay",
"Napakabuti ng hangarin mo para sa kanila Clara, ang swerte nilang magkaroon ng kagaya mo", napangiti lang siya dito at tinapos na ang kanyang pag gayat
"Ikaw Sir tiyak na magiging isang magaling na Doktor ka balang araw",
"Tingin mo ba magagawa ko yun?"
"Ou naman, ang sipag mo kaya mag-aral, bigyan mo ko ng discount balang araw hah" natatawang saad niya pa kaya napatawa din ito
"Kahit libre pa, and sana nga matupad ko yun"
"kaso naman ang hilig mo sa mga unhealty foods sir, hindi pa yata kita nakikita na kumakaen ng mga lutong ulam",
"Eh?",
"Bakit hindi ka mag grocery Sir ng stock dito para makatipid ka ng gastos? hindi kaba nagsasawa sa mga pagkaen na puro order?", aniya, sandali namang napaisip ito
"Pansin ko nga din, except kung ipagluluto mo ko", sabay ngisi pa nito
"Pwede naman Sir, malaking bagay naman na ang binabayad mo sakin,",
"Really you can do that for me?", tila amazed pang wika nito, nasa isip na niya na lutuan ito ng adobong kangkong
"Depende din Sir kung hindi ka pihikan sa ihahain kong luto",
"Tingin ko naman masarap ka magluto so it's a deal, another responsibility of Clara",
Napangiti lang siya dito, ilang sandali pa ay natapos na ang niluluto niyang sopas, excited naman na tinikman nito ang luto niya at labis nitong nagustuhan.
"Ito na yata ang pinaka the best na natikman kong sopas",
"Simpleng sopas lang yan Sir wag kang ano", natatawang saad niya
"Seriously, nagluluto ng sopas ang yaya pero hindi ganito kasarap 10/10, I should hire you to be my cook",
Napangiwi lang siya dito habang hinihipan ang mainit niyang sopas, masaya siyang makita na napapasaya ito kahit papano. Habang nag rereview ito ay hinanda niya na rin ang rekado pang gawa ng tinola.
"Wow smells good, ang swerte siguro ng magiging Asawa mo balang araw", biglang saad na naman nito mula sa likuran niya
"Nye? wala sa isip ko ang mag asawa Sir, baka nga mag madre pako eh", ungos niya dito
"Really? magmamadre ka?", tatawa tawa pang saad nito pero biro niya lang naman yun, wala pa talaga sa isip niya ang bagay na iyon,
"Sana, pero mas mahalaga parin sakin ang pera Sir, pera, pera, pera",
Bigla naman nagseryoso ang mukha nito
"Do you really think money can make you happy?",
Natigilan siya at napatitig lang dito, nabalot ng kalungkutan ang kaninang nakangiti nitong mukha.
"Just like my parent's, pera lang din ang iniisip nila na akala nila makakapagbigay kasiyahan, dahil din dyan nakalimutan na nilang may anak sila na nangangailangan ng kalinga",
Naiwan siyang nakatulala ng bigla itong tumalikod, tingin niya ay wala ito sa mood, napayuko nalang siya at niligpit ang ilang mga kalat niya, hinintay niya nalang lumambot ang manok para matimplahan. Marahil ay iniisip nito na mukha siyang pera na walang pinag kaiba sa mga magulang nito, pero hindi ba nito naisip na sa kagaya niyang salat sa yaman at tanging pera ang makakapagbigay ng kasiyahan para masolusyunan ang mga problema?
Mayaman kase ito at walang problema sa pera kaya kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ng isang mahirap. Na kailangang kumayod para kumita ng pera.
Napabuntong hininga siya, naging tahimik na kase ito simula ng huling pag uusap nila. Hindi niya naman ito masisi pero magkaiba ang sitwasyon niya sa mga magulang nito. Pinatay na niya ang apoy ng maluto na ang tinola, nailigpit niya narin naman ang mga kalat niya at hugasin.
Bitbit ang back pack niya ay marahan siyang lumapit dito para magpaalam.
"Mauuna nakong umuwi Sir, luto napo ang ulam niyo. Pasensya nadin kung nadismaya kayo sa sinabi ko kanina, pero sa kagaya kong isang kahig isang tuka, walang ibang mahalaga sakin kundi ang Pera,, pasensya napo ulit", aniya at yumuko, humakbang narin siya paalis, narinig niya pa ang pagbuntong hininga nito, binilisan niya nalang ang paghakbang palabas ng pinto.
**
Hindi niya mapigilang hindi mapanguso habang sakay ng elevator pababa ng ground floor, pakiramdam niya tuloy ay ang laki ng kasalanan niya dito, nagsasabi lang naman siya ng totoo. Hangang sa nakalabas na siya ng building, nag aabang na siya ng Jeep papuntang Lrt, next time hindi na niya talaga babanggitin ang tungkol sa pera sa harap nito, nang may humintong sasakyan ay sumakay na siya, kakaupo niya palang ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya,
"Clara!!",
Nakilala niya ang boses na yun kaya agad siyang napadungaw sa labas ng bintana, nakita niya ang humahangos na mukha ng binata
"Sir??",
Pero bigla umandar ang sasakyan, hindi na niya narinig ang sinabi nito habang papalayo kaya kinawayan niya nalang ito. Natanaw niya pa ang malungkot na pag ngiti nito, na tila ang bigat bigat ng dinadala nito. Ang lungkot siguro ng mag-isa, isip isip niya,, wala na nga marahil poproblemahin ito pagdating sa pera ngunit may isang bagay na hindi nito makuha na hindi mahihigitan ng pera. Iyon ang atensyon at pagmamahal.
***
Naisipan niyang umuwi sa kanila dahil may ilang gamit siyang kukunin at dahil gusto niya din makita ang Ina , pero pagdating niya sa loob ng bahay nila ay puro basag na vase ang sumalubong sa kanya, mga nagkalat na gamit at mga damit.
"Bakit hindi nalang tayo maghiwalay kung sa tingin mo eh hindi na pamilya ang inuuwian mo? I'm tired of this!!!, ayoko naa!!!", boses ng ina niya mula sa kanilang silid.
"If that's what you want fine,, ayoko narin naman umuwi sa pamamahay na toh!",
"Ang sabihin mo ay dahil may babae ka!!!, may kinalolokohan kang babae!!!",
"Shut up!, wala kang ebidensya sa binibintang mo Alyssa",
Bigla bumukas ang pinto at iniluwa nun ang ama niya na namumula ang mukha sa galit,
"Oh you're here, bakit kapa umuwi dito?",
"Diego?", naluluha namang bungad sa kanya ng kanyang Ina, napansin niya ang sugat sa may gilid ng labi nito, naikuyom niya ang kanyang palad.
"You should leave," muling saad ng Ama niya,
"Aalis talaga ako Dad, but let me tell you this don't you ever hurt my mom again or else kakalimutan kong Ama kita",
"Anak",, napahagulhol naman sa iyak ang ina niya, gusto niyang lapitan ito para yakapin pero ipinikit niya nalang ang mga mata at nagmadaling linisan ang loob.
"Diego ! Anak!!!",,
Narinig niyang habol sa kanya ng Ina niya pero tumakbo na siya palayo, dapat ay hindi na siya nagpakita pa sa mga ito, walang pinagkaiba sa laging nasasaksihan niya sa mga ito, nag-aaway at nagkakasakitan.
Sobrang bigat ng loob niya na halos gusto niyang sumabog sa galit at lungkot, hindi na niya napigil ang pagbagsakan ng kanyang luha, nadala na siya ng kanyang emosyon kaya walang hampay niyang pinagsusuntok ang poste ng basement, hindi siya tumigil hanggat hindi niya nailalabas lahat ng sama ng loob niya, napaupo nalang siya sa isang tabi ng makaramdam siya ng pagod at kirot sa kanyang mga kamao.