Three

2189 Words
Napamaang siya ng makita ang loob ng Unit nito, mukhang marami talaga silang dapat ayusin at iligpit dito. "Ito ang magiging bagong tahanan ko starting today", narinig niyang wika nito "Ikaw lang mag isang titira dito?", "Yep," "Okay lang kala Mam at Sir na bubukod ka sa kanila?", aniya, napasulyap naman ito sa kanya bigla siya nagsisi na nagtanong siya ng ganon dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, "Yeah, they're always busy naman sa kani-kanilang professions, and I don't feel na may parents ako in our house, kesa marinig ko ang pagtatalo nila every night mabuti pang bumukod nalang ako ng tirahan", sagot nito at malungkot na ngumiti. "Sorry, hindi dapat ako nagtanong", "It's alright, bata palang ako ganon na ang set up namin and I promise to myself na paglaki ko tatayo akong mag isa and hindi gagaya sa kanila", "Pero malaki kana Sir", bahagya naman itong natawa sa sinabi niya, "Yah, I know and nagsisimula palang ako here", napakamot ulo naman siya, nagulat pa siya ng abutan siya nito ng tissue, "Kanina kapa pawis na pawis, hindi ko muna binubuksan ang aircon kase masyado pang maalikabok", Napatango naman siya at kinuha ang inabot nito, humakbang naman ito patungong kusina at kumuha ng malamig na tubig. Saka siya nakaramdam ng uhaw, nagpunas muna siya ng mukha bago lumapit dito para makiinom, ilang sandali pa at dumating naman ang dalawang kasama niya kanina. Inalok niya narin ito ng maiinom bago muli silang naghakot. Unti unti na nilang naipasok sa loob ang mga gamit nito, mula sa ref, microwave, despencer, tv at kung ano ano pa, hindi na niya muna nilapitan ito para mapabilis ang trabaho nila. Hindi niya akalain na makwento pala ang anak ng Amo, at may kalungkutan din ito sa buhay. Lunch time na ng matapos sila sa pag aarrange ng mga gamit nito, konteng linis nalang at lagay ng mga kurtina dahil glass ang pader nito tanaw ang kalapit na mga building. "Kaya na siguro natin tong ayusin kaya pinauna ko na sila umuwi", maya-maya'y wika nito mula sa likuran niya, napatango naman siya habang hinahalungkat ang isang bagahe, naghahanap kase siya ng kurtina na pwedeng ilagay sa bintana nito, Black&brown ang nakuha niya na sasakto sa kurtina ng silid nito, sanay naman siya sa pag aayos ng silid kaya hindi siya masyado nahirapan, kumpleto ang gamit na nandito kasama ang pampalit ng kobre kama at punda. Kailangan niyang makauwi ng maaga para makapag pahinga pa siya. "Clara kumaen na tayo nandito na yung inorder kong, oh wow", Agad siyang bumaba sa tinutungtungan na upuan matapos maikabit ang mga kurtina, napalingon naman siya dito at nakita niya ang pagkamangha nito, maliit na bagay isip isip niya "That's great, I like that", "Tatapusin ko lang palitan ng sapin itong kama Sir susunod nadin po ako" aniya habang tinatanggal ang plastic ng kutson nito, mukang bago eh, hindi naman ito umalis sa kinatatayuan at nakangiti lang habang pinagmamasdan siya. nailang tuloy siya kaya binilisan niya nalang ang pagkilos,, "Thank you for helping me Clara, hindi ako nagkamali sayo,, you're amazing", "Naku Sir, hindi naman toh libre noh, tsaka wala naman akong gagawin sa bahay kaya extra income din ang araw na toh", "Ang sipag mo naman, mabait ka sigurong anak sa magulang mo at tiyak proud sila sayo", napangiti naman siya, "Kailangan kong maging masipag Sir dahil ako lang ang inaasahan ng Mama at Papa, maliliit padin ang mga kapatid ko" "Talaga may mga kapatid ka?", sabik na saad nito, napatango naman siya "Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay at nag iisang babae, puro kase sila lalaki eh,", "Wow, buti kapa may kapatid, siguro ang saya ng pamilya niyo", Ngumiti lang siya at natapos niya rin ang paglagay ng sapin at punda, niligpit niya nalang ang ibang kalat, "Masaya naman kahit may konteng kahirapan", sagot niya na lang dito. Marami pa silang napagkwentuhan nito at hindi niya akalain na magkakapalagayan sila ng loob nito, medyo nawala na ang nararamdaman niyang pagkailang dito. Matapos nilang kumaen ay nagpatuloy na siya sa pagliligpit habang ito naman ay nabuntot lang sa kanya, "Clara sa susunod na kakailanganin ko ang tulong mo makakapunta kaba?" "Hah?", Patapos na siya sa pagvavacuum ng mga sofa ng bigla ito sumulpot sa gilid niya, "I mean, I really need a personal assistant ok lang ba kung ikaw parin irequest ko kay tita?", "Okay lang Sir, wala pong problema pag wala pong problema kay Mam", "You don't have to worry, tita can't say No to me,, and wag kang mag alala tataasan ko ang rate ni tita sa service mo", napataas kilay siya sa sinabi nito, "Weh, di nga Sir?", "Yup, 2500 a day", "2500???" ulit niya, sandali siyang natahimik habang nagkukwenta, 700 a day lang ang rate niya sa Amo niya tiyak makakaalwan na siya kung sakali, nagningning ang mga mata niya na humarap dito. "Deal?," "Okay Great, let's have a contract", "Contract?," ulit niya at sinundan ito ng tingin, naupo ito sa sofa at kumuha ng papel at ballpen. "Dito nakasaad yung mga responsibilities mo sakin as my Personal Assistant, renewal every five months or six or one year", Nagspray muna siya ng alcohol bago lumapit sa harap nito, "5 months nalang Sir para may pagkakataon pa kong mag back out", Natawa naman ito sa sinabi niya "Hindi naman kita papahirapan noh, gusto ko lang may mag aasikaso dito sa unit ko, mag lilinis, ano paba?" nag iisip pang saad nito "Baka katulong kailangan mo sir at hindi Assistant?", "No ayoko ng iba na hindi mapagkakatiwalaan atleast ikaw kilala ko na, at yung iba pag may kailangan akong ipagawa sayo related to school", "Ganun?," "Yes, and here", sabay abot nito ng papel na may nakasulat, parang doctor pala ito kung magsulat hindi niya masyado mabasa eh, "2500 a day, deal?", Kinuha na niya at pinirmahan, aayaw pa ba siya ngayong matindi ang pangangailangan niya sa pera? "Deal, anytime anywhere at your service sir", Muli pa itong natawa sa sinabi niya, muka namang mabait ito at magkakasundo sila, pero ang deal na yun ay sa pagitan lang nilang dalawa, maaliwalas na ang paligid at hindi na masakit sa mata. Binuksan niya narin ang aircon para lumamig na ang paligid, alas sais narin ng hapon at kailangan na niyang bumiyahe pauwi. "Ayan muka ng bahay Sir, maayos ka ng makakagalaw at makakatulog", aniya habang nagliligpit ng gamit niya, nakapagpalit nadin siya ng puting T shirt. "Well siguro nga, all in all mag isa parin ako", "Hindi ka naman nag-iisa Sir, malay mo may mga ligaw ditong-" "What?", "Hehe, joke lang. Wala naman sigurong multo dito diba?", "Crazy, pambata lang yang multo", natawa nalang ulit siya at nagpaalam na dito, "Una na ko Sir, tawagin niyo nalang ako pag may kailangan kayo", "Okay, Thanks again Clara", Yumuko lang siya at humakbang na paalis, "Wait, nakapag book kana ng grab?", habol nito kaya lumingon siya "Hindi po ako nag gaganon, masyadong mahal. May bus naman po dun", "You sure?", Tumango lang siya at kumaway na dito bago isinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang siya, habang nag aabang ng elevator ngayon niya naramdaman ang pagod, para siyang naging wonder woman ng isang araw, pero para sa pera bale wala na ang pagod niya. Napansin niya pag vibrate ng phone niya kaya agad niya iyong tiningnan, unregistered number To: 09xxxxxxxxx I already send the payment, plus 5days in advance, check your account. Nanlaki ang mata niya, muntik pa siyang masaraduhan ng elevator, seryoso ba toh? bigla nawala ang pagod niya at masigla siyang lumabas ng building, kumita lang naman siya ng 15k. Sobrang saya hindi niya akalain na ganito, labis labis ang pasasalamat niya. Kabaliktaran naman pala ang binata sa Ama nito, agad siyang nagreply dito ng pasasalamat. Pero hindi dapat siya magsaya agad dahil hindi niya pa alam kung ano ang susunod na ipapagawa nito sa kanya, sana ay hindi siya pahirapan at mapagsabay niya parin ang trabaho niya at pagtatrabaho dito. *** "Ang laki naman nito anak?, san mo galing ang pera na toh?", takang saad ng mama niya ng inabot niya ang laman ng sobre, "Nag advance bayad yung Amo ko Ma, ang bait niya nga eh. Swerte nadin para may pang malengke ka at bayad utang", "Sigurado kaba anak?, ang laki naman ata ng pinapasahod niya sayo? hindi kaba mapapahamak dyan?", nag-aalalang saad ng Mama niya, natigilan naman siya, hindi naman siguro dahil sinusunod niya lang ang utos ng Anak ng Amo niya, "Hindi Ma, extra job lang naman po ito sa Anak ng boss ko. Hindi rin naman ako makatanggi kase Amo ko narin siya", "Ganun ba, pero salamat Anak. Malaking tulong itong binigay mo," Napangiti lang siya at tumango, masaya siyang nakakatulong sa kanyang magulang nababawasan ang kanyang aalalahanin, masakit din sa kanya na makitang nahihirapan ang mga ito. Construction worker ang papa niya at hindi sapat ang kinikita nito, kaya kailangan niyang magsikap, gusto niyang maiahon sa hirap ang pamilya. "Wow ate sarap nitoo", wika ng bunso kaya napangiti siya "Ang dami nating pagkain, mayaman naba tayo te?" saad naman ng pangatlo niyang kapatid na si Gene, "Mayaman agad?, sinuwerte lang si Ate", "Yung hugasan mo dun, kanina kapa kaya inuutusan", singit naman ng sumunod sa kanya, 15years old na ito at masyadong seryoso sa buhay, pangarap din nitong makapagtapos ng pag aaral, "Nakaen pa ko eh,", "Hayaan mo muna, sa susunod yung laptop mo naman ang pag iipunan natin para sa online class mo", aniya sabay akbay kay Carl "Hindi na, ayos pa naman yung cellphone ko", "Anong ayos? isang bagsakan na nga lang wasak na screen niyan", Napakamot ulo nalang ito, alam niyang ayaw lang nito maging dagdag sa gastusin, kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya para sa kanyang pamilya. *** Habang nasa pantry abala siyang magbilang ng pera niya, nilista niya nadin yung mga gastusin kailangan makapagbudget siya ng maayos , kakasahod niya lang kase kahapon at kanina lang siya nakapag withdraw. Nagulat pa siya ng may kamay na dumampot dun sa pera niya na nakalagay sa lamesa, "Eh?", "Dami nito ah,", "Ikaw pala Sir, may uutos po ba kayo?", aligagang saad niya, ilang araw siyang hindi nakatanggap ng mensahe dito matapos niyang makatanggap ng Advance payment dito "Yeah, may kukunin kaseng akong mga books sa Address na toh kaso may klase pa ko until 5pm, pwede mo bang ma pick up then paki hatid sa unit ko", "Ou naman Sir, bigay niyo nalang po sakin ang Address" "Okay good", anito at binalik na ang pera niya, nakahinga siya ng maluwag, napakamot ulo siya ng may inabot itong maliit na papel address nung kukuhanan niya ng libro kaso hindi niya masyado mabasa, pambihirang hand written naman yan oh!!, Iniwan rin pala nito ang susi ng Unit sa mesa niya, Nang matapos ang trabaho niya sa office at wala ng iuutos ang Mam Sharon niya ay nagpaalam siya sandali dito, pagkakuha niya kase ng libro ay kailangan niya un ihatid sa unit nito. Kailangan niyang magmadali para makabalik pa siya sa office nila dahil naroon ang gamit niya, The Filipinas Heritage Library Bumaba na siya ng taxi, sagot naman daw nito ang expense niya sa pamasahe e kaya nag taxi na siya. Pagpasok niya sa loob ay inassist agad siya nung librarian, nakaready narin pala ang libro na kukunin niya, medyo malalaki nga lang at makakapal. Halos magkandakuba siya sa pagbitbit ng limang malalaki at makakapal na libro. No choice siya kundi ang mag taxi ulit papunta naman sa Condo Unit nito. "Kuya paki baba lang ako sa Address na yan ah", aniya sa taxi driver, Tiningnan niya muli isa isa yung mga libro, puro science at ang kakapal, babasahin niya ang lahat ng toh? naalala niya na medisina nga pala ang kinukuha nitong kurso sa La Salle, kaya siguro ganun din ang hand written nito dahil future doctor ang kinukuhang propesyon, bahagyang natawa pa siya sa kanyang isip, Ilang sandali ay dumating na siya sa Condo Unit nito, nakasakay naman agad siya ng elevator at mabilis na nakarating sa floor nito. Agad niya kinuha ang susi para buksan ang pinto nito, pagpasok niya ay agad niya nilagay sa sofa nito ang mabibigat na mga libro, tumambad sa kanya ang makalat na paligid nito, mula sa mga damit sa lapag, balat ng chichirya, karton ng pizza, bote ng mga beer?, "Hala anyare dito?", Isa isa niyang dinampot ang mga kalat, alas kwatro palang naman at isa nga pala sa mga responsibilidad niya ang maglinis dito. Kaya din pala siya nito pinapunta dito, binilisan niya nalang ang pagliligpit ng mga kalat. Maging ang mga hugasin ay nilinis niya narin, pagbukas niya ng ref puro beer lang naman ang tumambad sa kanya. Nag iinom pala yun?, wala man lang matinong pagkain ang nasa loob ng ref maliban sa malamig na tubig. Mukang hindi rin ito nagluluto dahil halos hindi pa nagagalaw ang rice cooker at microwave. "Kaya niya ba talaga mamuhay mag isa?", naiiling na saad niya, tinapos niya nalang ang nililinis para makaalis agad, napangiti na siya ng maaliwalas na ulit ang kaninang makalat. Agad na siyang lumabas ng unit nito at nag abang ng masasakyan pabalik ng kanilang office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD