"Tinirhan kita ng ulam Clara, tignan mo nalang dyan", wika sa kanya ng boss niya na Purchaser mabait naman ito at kasundo niya sa department nila,tuwing late siya dumarating ng lunch ay may tira lagi itong ulam para sa kanya. ito ang nagsisilbing nanay niya sa office. Tumango lang siya at nag asikaso na ng kakainin, nagulat pa siya ng bigla pumasok ang Apo ng President nila na may bitbit na pagkain siya na naman? isip isip niya. Agad ito naupo at pumuwesto kumaen, ngumiti pa ito sa kanya.
Di niya naman alam ang gagawin, sasabay ba siya dito oh ano? nakakaramdam na naman siya ng hiya
"Makikiupo hah?, ngayon pa lang din kase ako magla lunch", wika pa nito at nagsimula ng kumaen, normal lang kumilos ito at mukang gutom na gutom narin gaya niya.
Naupo nalang din siya sa harapan nito at tahimik na kumain, bahala na nga wala naman siyang choice dahil gutom na gutom narin siya. Mahaba kase ang pila sa bangko at inabot na siya ng ala una
"Ano nga ulit pangalan mo, nagkausap na tayo kahapon di ko natanong haha?"
"Clara po",
"I told you were same age Clara, drop that "po" ", sabay ngiti nito
"Ay, sorry"
"Admin karin dito diba? tapos Personal Assistant din ni tita?" sunod sunod na tanong nito na pinagtataka niya ulit,
"Pwede pala kitang irequest kay Daddy na maging assistant ko" tila nagningning pa ang dalawang mata nito
Muntik pa siyang masamid sa narinig , dali dali siyang uminom ng tubig ng bigla bumara ang kanin sa lalamunan niya,,
"Okay kalang?"
Napaubo siya at muli uminom ng tubig, ano ba naman pinagsasabi neto,,,sa ama pa nga lang nito ang hirap ng maging staff, maging assistant pa kaya ng isang toh?
"Ikaw din diba yung minsang kasama ng pinsan ko nung inaasikaso niya ang Driver's License niya?"
"Ah, o- oo ako nga",
Pinasamahan ng boss niya nun sa kanya ang panganay na anak nito para pumunta sa LTO Makati, buong akala niya ay alam nito ang papunta doon hanggang sa nagkanda ligaw ligaw sila. Siya na ang gumawa ng paraan at nagtanong tanong para mahanap nila ang LTO pagkatapos ay basta nalang siyang iniwanan nito matapos makapag rehistro.wala pa man din siyang dalang pamasahe ng araw na yon kaya wala siyang choice kundi maglakad pabalik ng opisina.
"Great, ikaw nalang ang sasabihin ko kay Daddy", nangingising saad pa nito, nakaramdam tuloy siya ng pagkadismaya paano kung utusan din siya nito sa mas malayo at hindi niya alam na lugar??
"Pero si Mam Sharon ang boss ko, nasa kanya parin kung papayagan niya ko sa gusto mo Sir”, di na nakatiis na sabi niya dito,
"Tita can't say No to me, and kailangan ko ngayon ng assistant sa mga projects ko sa school,, and I want you"
"Eh??"
Bigla naman tumayo ito at nakangisi na nagpaalam sa kanya, naiwan siya na nawalan ng gana kumaen, parang mas lalong mahirap ang magiging trabaho niya sa apo ng Presidente,
Siya lang naman si Diego Villafuerte, ang 19 years old na anak ng boss niyang Attorney na isa sa stock holder ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Napabuga nalang siya ng hangin at muli pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Mabigat ang kanyang mga paa na bumalik sa pwesto niya matapos niyang kumaen, inayos niya muna ang mga Docs niyang hawak bago inilapag sa table ng boss niya.
Si Mam Sharon Villafuerte Pascual, ang Treasury ng kumpanya nila at panganay na anak ng Presidente. Under siya ng department nito bilang Admin/Personal Assistant, mabait naman ang ginang sa kabila ng maraming utos na pinapagawa nito sa kanya. Paghatid sa anak nito na nag aaral sa la salle at pagbili ng pagkain.
"Ok na tayo Clara?" anito ng mailapag niya ang mga Deposit Slip na trinansact niya sa bangko
"Yes Mam",
"Paki update nalang ng Pdc Monitoring natin, then email to me",
"Okay po",
Paalis na sana siya ng muli siya ng tawagin nito
"Ahm Clara?, one more",
pumihit naman siya paharap dito,mukang alam na niya ang sasabihin nito
"Nakiusap sakin si Diego, gusto ka niyang maging assistant for One Day,"
"P-Po?"
"sabi ko sa kanya if ever na hindi busy ang schedule mo," sabay ngiti nito at wala na siyang nagawa kundi ang mapatango
"Ah sige po mam", aniya at tumalikod na, hindi naman siya makakatanggi dito eh
Agad siya naupo sa upuan niya, maigi nalang at hindi kita ng boss niya ang itchura niya na nakabusangot ngayon,
"Bakit ka nakanguso Diday?, hindi kaba nabusog?" ani naman ng Purchaser nila na si Mam Bebs,
"Eh kase,, ate bebs ako pa pinili ni Sir Diego maging Assistant niya"
"Kelan? bakit ikaw?? dimo sinabi madami ka ginagawa?"- ito habang nagpiprint sa printer niya,
"Hindi ko alam kung kailan, pero sabi ni Mam pag hindi nadaw busy schedule ko",
"Naku goodluck diday, mabait naman ang batang yon, ikaen mo nalang din ng madami yan pag uwi", natatawang saad nalang nito, ano pa nga ba magagawa niya. Kulang nalang lumubog siya sa inuupuan niya sa dami ng eneencode niya, dagdag pa mga tambak na vouchers niya for payment. Pumupunta pa siyang bangko para sa mga dated checks, siya lang kase ang authorize na humawak sa mga ito. pano nalang ang trabaho niya kung dadagdag pang serbisyo ang lalaki na yun?
Napabuntong hininga na lang ulit siya at lumabas ng office, kailangan niyang ipaphotocopy ng marami ang financial statement na hinihingi sa kanya ng bangko.
"San ka? bababa ka?"
Tumango lang siya at binitbit na ang dalawang makapal na folder, mabigat man sa loob wala na siyang magagawa, wala naman siyang schedule na hindi busy eh kaya goodluck nalang sa lalaki na yun.
Muntik pa siyang mapasigaw ng bigla itong sumulpot sa gilid niya,
"Hey, did tita tell you?" nangingising saad nito,
"Yes sir" aniya at nag abang na sa parating na elevator, nakabuntot naman agad ito,,
"Great, I need you on the other day,, maglilipat kase ako ng gamit sa Condo ko"
"Hah?" agad agad na naman? isip niya
"That was saturday," muling ngisi nito,
"Pero Restday ko po ang saturday",
"Great, hindi busy ang schedule mo nun right? Don't worry it's double pay", sabay kindat pa nito at nauna pa sa kanyang sumakay sa loob ng elevator, natigilan nalang siya habang sinusundan ito ng tingin, gusto na niyang bitawan ang dalang mga folder
"Hindi kaba sasakay?"
Wala sa loob na napasakay nalang siya sa loob ng elevator, dismayado na talaga siya sa mga nangyayari, pero wala naman siyang magagawa hindi siya makakatanggi dahil Apo ito ng President nila..
"Naman!!, bakit ba napakaswerte mo ngayong araw na toh Clara? ?" ngitngit ng isip niya, palihim na sinulyapan niya ang binata na tahimik lang sa isang tabi, di kaya pinagtitripan din siya nito kagaya ng pinsan nito? agad siya umiwas ng tingin ng mapatingin din ito,
Muli nakabusangot ang mukha niya matapos magpa photocopy, maging ang araw ng pahinga niya wala na, pero sabi naman daw nito ay double pay, okay narin pampalubag loob may extra income siya lalo na ngayon at mahigpit ang pangangailangan niya. Kailangan kase ng laptop ng kapatid niya para sa online class nito.
Nawala na ang bigat na nararamdaman niya ng maisip niya ang kikitain sa pagserbisyo nito, dapat lang talaga kundi magreresigned nalang siya. Pero biro niya lang yun, hindi siya pwedeng mag resigned dahil mahihirapan na siyang makapag applay ulit ng panibago lalo pa at undergraduate siya. Isang taon narin naman siyang nagtatrabaho sa kumpanyang ito at napalapit na siya sa kanyang mga katrabaho lalo sa Ate Bebs niya na lagi niyang nalalapitan sa kanyang kagipitan, bukod sa para na niya itong pangalawang ina at mabuti rin naman ang pinapakita sa kanya ng Ginang. Mabait rin naman ang Amo niyang si Mrs. Sharon, bukod sa kapatid nitong Attorney , Si Attorney Marius Villafuerte ang suplado/diktador nilang amo.
Hawak nito ang Sales Department, strikto sa trabaho at isa sa mga signatory ng cheke na ginagawa at pinapapirmahan niya. Marami itong issue sa katawan at lahat ay pinaghihinalaan kaya lahat silang staff at ilag dito. Ilan na yatang sales sa staff ang nagresign dahil sa pagka terror nito. Pero kadalasan ay siya ang nadadali sa mga cheke na hinahanda niya, kaya kahit naaasiwa ay kailangan niyang pagtyagaan ang ugali nito.
Napabuntong hininga nalang siya, nagsimula na ulit siyang mag type ng mga eneencode niya sa Quickbooks, natatambakan narin siya ng trabaho kaya kailangan niyang paspasan ito, hindi niya pa alam kung anong gagawin niyang trabaho sa apo ng amo niya.
***
"Sabado ngayon anak may pasok ka?" nagtatakang saad ng Mama niya habang nag-aasikaso siya ng susuotin, alas otso naman ang usapan nila ng bago niyang amo kaya ayos lang na umalis siya ng alas sais.
"May extra job ako ma eh, sa anak ng amo ko. sayang din",
"Oh siya mag-iingat ka. Magtext ka agad kung anong oras ka makakauwi para masundo ka ng papa mo",
"Opo Ma",
Matapos makapag asikaso ay lumakad na siya paalis, muli pa siyang lumingon sa munti nilang barong barong kailangan niyang magsikap para maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. May tatlo pa siyang nakababatang kapatid na umaasa sa kanya.
Limang minuto ay naroon na siya sa kanilang kanto at nag aabang ng bus, isang sakay lang naman siya papuntan sa kaniyang trabaho ngunit aabutin din ng dalawang oras ang kaniyang byahe. Doon naman na sila magkikita ng Amo niya sa building na pinapasukan niya, nakaidlip naman siya sa byahe dahil din sa lakas ng aircon, sakto lang pag gising niya dahil nasa lrt na siya, ilang minuto nalang din at malapit na siya sa babaan.
Mag aalas otso ng makarating siya sa loob ng building, sa likod ng ground floor na siya nag abang gaya ng usapan nila. Ilang sandali pa, isang itim na subaru ang tumigil sa may gilid niya, pagbaba ng salamin nito ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng binata.
"Exact at a time", bungad nito, napakurap siya, marunong palang magmaneho ang isang toh?,
"hey Clara common, get inside the car", saad pa nito at binuksan ang pinto sa unahan, napamaang naman siya
"P-Po?",
"Antok kapa ba?, kako sakay na para makapunta na tayo sa unit ko",
Naalarma naman siya at agad ng sumakay, napansin niya pa ang pagngiti nito na lalong nagpa ilang sa kanya. Ngayon palang kase siya nakasakay sa sasakyan nito, hindi niya tuloy alam kung san igagawi ang tingin,
"Nag breakfast kana?, late na kase ko nagising and diretso nako naligo so hindi nako nakapag breakfast",
"Kumaen napo ko eh, bago po umalis kumaen nako", naiilang niyang sagot
"Told you, drop that po. Siguro mag drive thru nalang tayo", saad nito at ng may makita silang Mcdo ay lumiko ito doon, omorder ito doon ng burger at coffee, tumanggi siya ng kanya dahil busog pa naman siya.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang building ng unit nito, sa ground floor siya nito ibinaba bago ito nagparking sa basement. Napansin niya ang dalawang lalaki dun sa L300 na sasakayan at abalang nagbubuhat ng ilang mga gamit papunta sa tapat ng elevator.
"Mga Kuya?, yan ba yung mga gamit ni Sir Diego?", aniya, napatingin naman ang isa sa kanya,
"Ay Opo Mam, kakarating lang po namin ng kasama ko dito",
"Sige po, nandito rin po talaga ako para tumulong maghakot",
Napatingin lang ang lalaki sa kanya ng lumapit siya sa likod ng sasakyan at kinuha ang mga bagay na kaya niyang bitbitin.
"Sigurado kayo Mam? masyadong madami po ito at mabibigat",
"Naku kuya wag mo ko tatawaging Mam kase assistant din ako ni Sir", nakangiting saad niya dito habang bitbit ang may kalakihang karton pababa ng hagdan,
"Tulungan ko napo kayo",
"Wag na kuya, kunin mo nalang ang ibang gamit dun para maibaba na natin lahat",
Napakamot ulo lang ito sa kanya at sinunod din naman ang nais niya, ilang beses siyang nag akyat baba ng hagdan, mukang mapapagod siya ngayong araw pero iniisip niya nalang ang kikitain. Ang ilang gamit ay naipasok na nila sa elevator, siya ang umaalalay sa dalawa, gaya niya ay pawisan narin ang mga ito pero keri lang naman.
"Clara?",
Nawala ang ngiti niya ng makita ang binata mula sa pasilyo, nagkakatuwaan kase sila ng kanyang mga kasama at bigla ito sumulpot sa gawi nila, tuloy padin ang hakot ng dalawang lalaki at siya ang nakaharang sa elevator para hindi ito agad magsara,
"Ah Sir, malapit napo kami matapos", naramdaman niya pa ang pagtulo ng pawis sa mukha niya, muka na ata siyang basahan sa paningin nito ngayon,
"Let them do that, tayo na sa taas",
"Hah?", takang saad niya, nagbukas ang kabilang elevator at lumakad naman ito papasok doon habang hinihintay siya nito
"Sige na Clara hinihintay kana ni Sir, kaya na namin toh para makapagpahinga kana din", sabi sa kanya ni Toto, nakilala niya kase ito kanina habang naghahakot sila. Ayaw niya pa sana iwan ang mga ito pero narinig niya ang pagtawag ulit sa kanya ng Amo niya
"Clara?"
Napatakbo na siya papasok sa elevator, saka lang nito pinindot ang 18floor, ang taas naman pala ng Unit nito. Wala silang imikan habang nasa loob, tuloy tuloy naman ang elevator hanggang sa makarating ng floor area nito. Nakita niya doon ang ilang gamit na nasa tapat ng isang pinto, pagkabukas nito ng pinto ay inisa isa na niya hakot papasok ang mga gamit. Nagulat pa siya ng tumulong nadin ito maghakot.