"Clara?"
Napaangat ang tingin niya ng may tumawag sa kanya, nakangiting mukha ng binata ang sumalubong sa kanya habang papasok siya sa entrance ng Hospital
"Sir Harry?",
"Akala ko ay hindi kana darating",
"Ahm, traffic po kase, pasensya napo kung napaghintay ko kayo",
"Hey don't be sorry,, and wag mo na kong tawaging Sir, Harry nalang", sabay ngiting saad nito, sa itsura ng pananamit nito ay para itong boss,
"Ah, s-sige po Harry",
"Better, but drop that po,, nagmumukha tuloy akong matanda hahaha", naalala niya naman ang binata na ayaw rin ng pino po, malungkot na napangiti nalang siya
"So-sorry",
"This way, tiyak matutuwa ang lola na makita ka", nakangiting wika nito habang ginagawi nila ang hallway ng hospital.
Pagbukas nila ng pinto ay nakamasid sa labas ng bintana ang matanda, humuhuni huni pa ito ng makapasok sila.
"Lola?"
Tawag dito ng binata ngunit nanatili ang tuon nito sa bintana na tila hindi nakaramdam ng pagdating nila.
"Hhmm, huhmm, hmm", patuloy sa paghuni nito,
"Lola, look who's here", muling saad ng nakangiting binata saka lang ito marahang lumingon sa kanila, nung una ay mukhang nagtataka pa itong tumingin sa binata bago muling idinako ang tingin sa kanya.
Napalunok naman siya, naalala pa kaya siya nito?
"C-Clara?" tila nanghuhulang wika nito, marahan naman siyang napatango at lumapit dito
"Ako nga po ito Lola", aniya, bigla naman napaluha ang matanda at napahawak sa kanyang braso,
"Akala ko'y dina kita makikita, akala ko hindi na tayo magkikita", magkahalong iyak at saya na saad nito at yumakap pa sa kanya,,
"Matagal ko narin po kayong hinahanap La,, okay napo ba kayo?"
"Oo apo, basta't wag mo na iiwan ang Lola,, magaling na ako,, hindi ba Harry??, ilalabas mo na ako dito dahil nandito na si Clara,, nagbalik na ang Apo ko,, binalik na siya sa akin", tuwang saad nito habang nakayapos sa kanya, nagtataka na napasulyap lang siya sa binata, nagtataka narin kase siya sa sinasabi nito ngunit hindi mawari ang saya ng matanda.
"Oo naman La, basta't makikinig ka kay Doc Raffy lalabas na tayo dito",
Lalo naman lumapad ang pagkakangiti ng matanda
"Saan kaba nanggaling Clara bakit ngayon mo lang ako pinuntahan dito?",
"Pasensya kana La, medyo marami po kase akong inasikaso pero ngayong alam ko napo na nandito kayo lagi ko napo kayong pupuntahan",
"Promise mo ba yan Apo?, wag ka mag-alala wala na sila. Wala na yung gusto manakit satin,, nahuli na sila ni Harry,, diba Harry??"
"Oo La, wala na kayong dapat pang alalahanin ni Clara", - binata
"Narinig mo yun?, makakapamasyal na ulit tayo ng ligtas Clara, gusto kong magpunta sa tabing dagat dalhin mo ako doon", sabik na saad nito, napatango nalang siya ng nakangiti dito
"Sige po La, pupunta po tayo dun pag gumaling napo kayo,, pero meron lang po akong gustong ibalik sa inyo", simula niya, agad niya kinuha sa loob ng kanyang bag ang pinaglalagyan ng Diamond. Nakamasid lang sa kanya ang mata ng dalawa hanggang sa mailabas niya ito
"Alam kong saiyo ang bagay na ito La, nakita ko ito kamakailan lang sa bag ko", aniya at iniabot sa kamay ng matanda ang Diamond. Napamaang naman ito at tinitigan ang hawak niyang mamahaling bato
"Ngunit saiyo ito Apo, hindi bat regalo ko ito saiyo nung 16th birthday mo?"
"P-Po??", nagtatakang napatingin naman siya sa binata na nakatingin lang sakanila,, bigla naman ibinalik ng matanda ang Diamond sa mga kamay niya,
"Saiyo ang bagay na yan, regalo iyan ni Lola saiyo. Diba sabi ko pakaingatan mo yan dahil oras na mawala ako sa mundong ito iyan ang importanteng bagay na maiiwan ko saiyo", nakangiti pang saad nito,
"P-pero La, nagkakamali po-",
Natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto, pumasok ang dalawang Nurse sa loob at lumapit sa kanila, napakapit naman sa braso niya ang matanda
"Nandito na naman ang mga makukulit na toh, sasaktan na naman nila ako Clara",
"Good afternoon Mam, Sir,, check lang po namin ang bp ni Mam" wika ng isa, napatango naman ang binata,
"Hi Mam, bp lang po tayo hah?",
Habang kinukuhanan ito ng Bp ay nakakapit sa kanya ang isang kamay nito, inalalayan niya na lamang ito hanggang sa matapos.
"Mam oras narin po ng gamot niyo", maya-maya'y wika naman nung isa,
"Ako na niyan Miss,," kuha ng binata, napangiti naman ng matamis ang Nurse na halatang kinilig sa binata.
Matapos makainom nito ng gamot ay nagpabalat naman ito ng orange sa kanya, magiliw itong nagkwento sa kanya ng kung ano ano tungkol sa kabataan ng Clara na tinutukoy nio. Sa tingin niya ay napagkamalan siya nitong Apo niya na nagngangalan ring Clara, ilang sandali pa ng makaramdam ito ng antok at nakatulog na.
Pasado alas siyete na ng mapatingin siya sa orasan,
"Pasensya kana sa abala Clara, inabot kana tuloy ng gabi. Hayaan mong ihatid kita sainyo",
"Naku Sir Harry wag na, malayo pa po ang uuwian ko at walang magbabantay dito kay Lola", aniya sabay sulyap sa nahihimbing na matanda,
"Tungkol sa mga nakukwento ni Lola alam ko nagtataka ka, may alzheimer's desease kase siya, nawala sa ala-ala niya na si Clara na aking nakababatang kapatid ay matagal ng namayapa",
"Hah?"
Malungkot na napangiti naman ito,
"5 years ng nakakalipas ng mawala siya samin, nahulog sa bangin ang sasakyan niya na nawalan daw ng preno, matagal bago namin natagpuan ang katawan niya pero hindi na namin ito makilala dahil sa tagal nito sa tubig,," puno ng sakit na hayag nito
"Kinalulungkot ko ang nangyari sa kapatid niyo Sir",
"Hindi matanggap ng Lola ang nangyari hanggang sa magkasakit siya ng malubha. Unti unti rin nagkaron ng pagbabago sa behavior niya hanggang sa mapag-alaman namin ang sakit niya",
Nanatili siyang tahimik at malungkot lang na sumulyap sa matanda,
"Sobrang mahal niya si Clara, kaya ganun na lamang siya ngayon saiyo,, ",
"Naiintindihan ko Sir, hindi ko po yun ipagkakait kay Lola,, kung iyon ang makakabuti sa kalagayan niya",
"Maraming salamat sa pag unawa Clara,, bilang kapalit ng abala namin saiyo pwede mong sabihin sakin lahat ng kailangan mo", saad nito, napailing naman siya dito
"Hindi po ako naghahangad ng ibang kapalit Sir Harry, namimiss ko rin kase yung Lola ko eh, hindi na kami nagkita pa hanggang sa pumanaw siya,, pakiramdam ko ngayon kasama ko narin si Lola,, at gagawin ko po lahat hanggat sa makakaya ko",,
"Clara,,"
"Sainyo ko nalang po ito ibabalik Sir" aniya, sabay abot niya dito ng supot kung saan nakalagay sa loob ang mamahaling bato,
"Pero Clara,"
"Alam ko po ang halaga niyan kay Clara, hindi ko po iyan maiingatan dahil hindi po ako ang totoong nag-mamay ari niyan. Para mapanatag narin po ang kalooban ko",
"Kung yan ang nais mo",
"Marami pong Salamat Sir, magpapaalam narin po ako. Babalik nalang po ako bukas", nakangiting saad niya,
"Ihahatid na kita sa sakayan Clara, masyado ng gabi sigurado kabang okay ka lang umuwi ng mag isa?"
"Ou Sir, sanay naman na po akong bumiyahe mag isa", napangiti naman ito, tumunghay naman siya sa matanda at hinaplos ang kamay nito
"Paalam muna ngayon La, pangako babalik ako bukas", mahinang bulong niya bago dito nagpaalam. Hinatid naman siya ng binata hanggang sa labas, ngunit nagulat siya ng may nakaabang ng sasakyan doon.
"I want to make sure na safe kang makakauwi Clara, please don't say No,, ihahatid ka nila sainyo",
"P-Pero Sir",
"Harry please," anito at inaya na siya papasok sa loob ng Van na itim, alangan naman na napasunod siya dito kung saan dalawang lalaki ang nasa loob ng Van,
"P-Pero Harry"
"Don't worry hindi sila masamang tao, muka lang silang nakakatakot pero mababait ang mga yan", natatawang saad nito ng makuha ang makahulugang tingin niya,
"Uhm, wag po kayong matakot samin Mam Clara, mabait pa po kami sa daga", wika ng isa na may malaking boses
"Eh,?"
"Magkita ulit tayo bukas Clara," wika lang ng binata bago nito isinara ang pinto ng Van, wala na siyang nagawa kundi ang umupo ng maayos sa gilid,,,
"Ahehe, hello po sainyo",
"Wag po kayong mag-alala Mam ihahatid ko po kayo ng ligtas sa inyong tirahan ayon narin sa kabilin bilinan ni Sir Harry", wika naman ng driver,
"Ah salamat po kuya, okay lang po ba kahit malayo yung paghahatiran niyo sakin?"
"Wala pong problema Mam, nasend narin po sakin ni Sir Harry ang Address niyo"
"Hah?? p-panong??"
"Wala pong imposible kay Sir Harry Mam kaya wag napo kayong mag-alala", sabay ngiti pa nito,
"Ah eh, hehe ganun po ba?" wala nga ba siyang dapat ipag-alala? kahit may pagtataka ay hinayaan na niya. Mabilis naman siyang naihatid ng mga ito dahil sa skyway sila dumaan. Sa kanto na siya nagpababa dahil hindi naman makakapasok sa kanilang looban ang sasakyan, bukod sa masikip ang daan ay baka kuyugin pa ito dahil masyadong magara.
"Maraming, maraming salamat po sa paghatid mag iingat po kayo" paalam niya bago bumaba, tumango lang din at ngumiti sa kanya ang driver habang ang dalawa niyang katabi ay mukang tulog na yata. Nang makaalis ang mga ito ay lumakad narin siya pauwi, bigla niya naalala ang nangyari kanina sa unit ng binata, muli siya nakaramdam ng lungkot ano na kayang ginagawa nito ngayon kasama ang babaeng yun?, sayang at hindi niya makukwento dito ang nangyari sa kanya.
Agad niyang kinapa sa bulsa ang cellphone dahil baka may message o tawag na ito ngunit wala siyang nakapa sa bulsa, binuksan niya ang kanyang bag at hinalungkat ito habang nasa daan ngunit hindi niya makita ang cellphone, mukang naiwan niya pa ata ito sa Hospital, napabuntong hininga nalang siya. Dadaan nalang siya doon ng maaga para makuha ang cellphone niya.
Malapit na siya sa kanto nila ng may mapansin siyang lalaki na nakaupo sa tapat ng bahay nila, napakurap pa siya ng di niya masyado maaninag ang mukha nito. Ngunit habang papalapit siya dito ay bigla siyang kinabahan ng makita ang mukha ng binata habang nakatuon sa hawak nitong cellphone.
"S-Sir Diego???"
Agad naman itong napatayo at napatingin sa kanya, bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
"C-Clara",,
Halos mapanganga siya sa pagtataka kung bakit ito nandito sa kanila,
"Ano pong ginagawa niyo dito?"
"Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko? at bakit ngayon kalang nakauwi??," seryosong tanong naman nito
"Ah eh, ano po munang ginagawa niyo dito? pano niyo po nalaman itong bahay ko??"
"Sagutin mo muna ako bakit ngayon kalang nakauwi? maaga kang umalis ng unit ko diba??" sabay cross arms pa nito, bigla naman sulpot ng Mama niya sa gawi nila
"Oh anak nariyan kana pala bakit ngayon kalang??? kanina pa kami nag-aalala sayo ng papa mo",
"Mama", agad naman siyang nagmano sa Ina,,
"Naiwan ko po kase sa Hospital yung cellphone ko Ma,,"
"Ano? bakit??? anong ginawa mo sa Hospital??" gulat na tanong ng kanyang Ina,,
"Yung kaibigan ko po binisita ko doon, medyo natagalan po ang pag uusap namin kaya diko namalayan ang oras"
"Ganun ba, pinag-alala mo kami anak. Kanina kapa rin hinihintay ng bisita mo, tayo na sa loob handa na ang hapunan", anito at nauna ng pumasok sa loob, nagkatinginan naman silang dalawa
"Bakit mo ko hinihintay Sir? tsaka ang layo po ng narating niyo",
"Tsk, almost five hours mo kong pinaghintay Clara tapos yan lang ang sasabihin mo? , ano naman ginawa mo sa Hospital?"
"Eh ?? Five Hours??"
"Ate, kuyang pogi kakain naraw" singit ng bunso niyang kapatid,
"Halina kayo at kumain, pagpasensyahan mo na ang ulam namin Hijo, kumakain kaba ng adobong kangkong?", ani ng Mama niya
"Opo Mam, favorite ko po yan sa Chowking",
"Clara anak, ilapag mo na yung gamit mo ng makakain na tayo ng sabay sabay", wika naman ng Papa niya kaya sandali siyang nagtungo sa kwarto.
***
Palihim na sinundan niya ng tingin ang dalaga, nakahinga siya ng maluwag ng makita ito, sobra na siyang nag-alala kanina ng hindi ito sumasagot sa lahat ng message at tawag niya akala niya ay nagalit na ito sa kanya. Hindi siya mapakali simula ng umalis ito sa Unit niya kaya dali dali siyang bumiyahe para sundan ito, bumalik pa siyang office nila para hanapin ang exact address nito. Nakatulong naman ang pagtatanong tanong niya at nakarating siyang ligtas sa bahay nito,
Pritong galunggong at adobong kangkong ang hapunan nila, kahit simple lang ang pinagsasaluhan nilang magpamilya ay kumpleto naman sila at mukhang masaya. Natutuwa siyang pagmasdan ang maliit na kapatid nito na maganang kumakaen, napasulyap rin siya sa dalaga na agad kinuhanan ng basong tubig ang kapatid,, hinimayan niya rin ito ng laman ng isda upang hindi matinik, palihim na napangiti lang siya.
"Ate gusto ko rin ng ice cream," anito habang nginunguya ang dahon ng kangkong
"Sige pero isa lang hah? bukas naman ulit kase gabi na",
"Mauubos na nga niya kakakain yun eh" sabat naman ng isa nitong kapatid
"Bilhan mo pako ng marami nun hah ate", ngumiti naman dito ang dalaga sabay tango
"Oo naman, pag day off ni ate bibili tayo ng marami nun",
"Yey, penge na",
"Ako rin teh" saad naman ng isa na matanda onte sa bunso
"Magligpit ka muna, puro kayo kendi tapos pag sumakit ngipin iiyak", wika naman nung pangalawa na medyo may pagka strict,
"Pagpasensyahan mo na ang mga anak ko hijo, ganyan lang sila maglambingan", saad naman ng Ginang
"Nakakatuwa nga po sila pagmasdan eh,," nangingiting saad niya,
"Ako ng bahalang magligpit,"
"Ate yung Ice cream ko",
"Ako den te",
"Sige sandali kukunin ko", wika naman ng dalaga, agad naman siyang nagtaas ng kamay kaya napatingin sa kanya ang dalaga maging ang pangalawang kapatid nito
"Pwede rin ba makihingi ng Ice Cream?", aniya
"Eh??, seryoso kaba sir?",
Napatango lang siya,
"Chocolate o Ube?"
"Uhm Ube", sabay ngiti niya,
"Sige sabi mo eh"
"Ako ate chocolate tatlo"
"Ube rin sakin te tatlo",
"Okay sandali langg",
Napangiti lang siya, masarap palang makijoin ng pagkain sa mga bata, ilang sandali lang ay bumalik narin si Clara bitbit ang dalawang box. Una nitong nilapitan ang dalawang bata at inabutan ng candy na hugis ice cream,,
"Heto na ang Ice Cream, tatlong chocolate flavor kay bunso,"
"Yey!"
"Tatlong Ube kay kuya bunso",
"Yown",
"At sayo rin Sir", nakangising saad sakanya nito, natitigan niya ang sinasabi nitong Ice cream na flavor ube,,
"Ah hehe, ito pala yun,"
Natawa lang sakanya ito habang nagliligpit, buong akala niya ay yung totoong Ice creamngunit napangiti na lang din siya habang tinitignan ang maliit na kendi ,kinain niya narin ang Ube Ice cream na bigay nito, masarap naman sa panlasa kaya pala gustong gusto ito ng mga bata.
***
"Nagustuhan mo ba yung Ice cream Sir?", hindi parin mawala ang ngiti nito na may halong pang-aasar
"Naisahan mo lang ako, pero masarap siya ah?''
"Balang araw mabibilhan ko rin sila ng mas higit pa dun, kaya tiwala lang", nakangiting saad nito habang nasa labas sila at nagpapahangin,
"Nasisiguro kong magagawa mo nga yun Clara, hindi kalang mabuting anak, mabuting kapatid at higit sa lahat--"
"hep,, ano munang ginagawa mo talaga dito Sir? bakit bigla kang napadpad dito?"
"Tsk,, iniwan mo kase ko dun sa unit",
"Eh?, "
"Pasensya kana sa nangyari kanina, pero mali ang iniisip mo Clara,,,"
"Wala po yun Sir!, ako nga po ang nahihiya dahil naistorbo ko kayo eh,, "
"What naistorbo?? mali talaga ang iniisip mo",
"Wala po akong ibang iniisip, tsaka wala po kayong dapat ipaliwanag sakin Sir" , tarantang saad niya, sandali namang natigilan ito,,
"A-akala ko kase magagalit ka sakin dahil dun sa nangyari",
"Naku Sir hindi!, hindi ko po magagawang magalit sainyo, wala naman pong dahilan para magalit ako sainyo,," aniya
"Hindi kaba talaga nagagalit?"
"Hindi Sir",
"Ah maigi naman", mahinang saad nito, naguguluhan na siya sa sinasabi nito pero hindi naman talaga siya nagagalit dito hindi niya ata kayang magalit dito sa kabila ng kabutihan nito. Ilang sandali ay nagpaalam narin itong umuwi, matapos itong magpaalam sa kanyang mga magulang ay hinatid na niya ito kung saan nakapark ang sasakyan nito,
"Mag iingat ka sa byahe Sir,,"
Ngumiti lang ito at tumango, pero nabigla siya ng kunin nito ang isang kamay niya at ilagay sa palad niya ang susi.
"Huh?"
"Ikaw ang gusto kong humawak niyan at wala ng iba"
"P-pero sir",
"Don't worry about Nads, hindi kana ulit niya mapagsasalitaan, at hindi na siya makakapunta pa sa unit ko",
"Hah?"
"Goodnight Clara, magkita tayo bukas sa office okay?", nakangiting saad nito at sumakay na ito sa loob ng sasakyan, naiwan siyang nakatulala habang tinatanaw ang papalayong sasakyan nito. Muli siyang napatingin sa binigay nitong susi,
"Sana okay ka lang Sir,, at sana okay lang itong nararamdaman ko", pabulong niyang saad sa sarili.