Eight

2295 Words
Habang papasok siya sa loob ng Rcbc Plaza ay may dalawang lalaki na nakaitim na tuxedo ang kakaiba ang tingin sa kanya, salitan ang tingin na pinupukol nito sa kanya at sa hawak hawak nitong papel. Binundol na siya ng kaba at lalo binilisan ang paghakbang, nung nakaraang linggo lang ay ilang kalalakihan ang humabol sa kanya matapos niyang tulungan ang isang matanda, ganito naba ka delikado ang lugar na toh? Napansin nito ang pagmamadali niya at pagtakbo kaya napatakbo narin ang mga ito, halos mapaiyak naman siya sa takot ng hindi lang dalawa ang humahabol ngayon sa kanya kundi tatlo na. Isa dito ang isang mistisong binatilyo na naka coat pang itim, hindi siya makahingi ng saklolo sa mga guard kaya dali dali siyang pumasok sa building nila. Pinindot niya agad ang up button ng elevator, ngunit nasa third floor palang ito, abot abot na ang kaba niya "Bilis!!!,, bilisss!!!!", *Ting* Nakahinga siya ng maluwag ng magbukas ito, ngunit nanlaki ang mga mata niya ng nakapasok na ang mga ito sa loob ng building at pasunod na sa kanya, pwersahan niyang pinindot ang close button ngunit ng magsara ito ay biglang humarang ang braso ng isa sa mga humahabol sa kanya,, napasigaw siya , "Ahhh!!!!, wag po,, wag niyo kong sasaktan", nakapikit at naluluha niyang saad habang nakasiksik sa dulo ng elevator, nanginginig narin siya sa takot,, ngayon pa nangyari kung kelan hindi niya kasama si Sir Diego. Narinig niya naman ang hinahapong lalaki sa harapan niya at mataman lang nakatitig sa kanya, "Hey Miss, hindi kita sasaktan", hinihingal na wika nito, nagtatakang napasulyap naman siya dito sa kabila ng panginginig niya "P-Pero bakit hinahabol niyo ko?" garalgal niya paring saad, nang matitigan niya ito ay wala naman sa mukha nito na mamamatay tao sa halip nga ay ang amo pa ng itsura nito at mukang gwapo. "Matagal kana kase naming hinahanap, remember the old lady na tinulungan mo sa masasamang loob na guy?, she want to see you,, my granny want to see you", "Ah, hahh??", Tulala at nanghihinang  saad niya, saka niya naalala ang matanda nung nakaraang linggo na tinulungan niya sa mga tarantadong lalaki. "I'm Harry Steve, and my granny wanted to see you again,Clara right?? will you come with me?" may halong paki-usap ng tinig nito sabay abot ng palad nito, hindi niya agad tinanggap iyon dahil nabibigla padin siya sa pangyayari.  Nagtatalo parin ang isip niya kung pagkakatiwalaan niya ba ang isang ito sa kabila ng maganda nitong anyo. Muntikan pa siyang atakihin sa puso, "Don't worry nahuli na ang dalawang lalaki na humahabol sainyo noon",  "Huh??, ibig mong sabihin nakulong na sila?,, hindi na nila ko hahuntingin pa?", paninigurado niya, tumango tango naman ito,, sa narinig ay medyo nakahinga siya ng maluwag.  "Mapagkakatiwalaan mo ako Clara kaya wag kang mag-alala, gusto ko lang maibigay ang hiling ni Lola lalo ngayon na malala ang kalagayan niya", muling saad nito, naalala niya ang Diamond na nasa kanya, marahil kaya nais siya nitong makita ay dahil doon, maibabalik niya narin ito sa tunay na may ari at mawawalan na siya ng alalahanin.  "N-nasaan ngayon ang lola?",  "Naka confine siya ngayon sa Makati Med malapit lang dito, wala siyang ibang bukam bibig kundi ikaw. Nung una hindi ko pinansin dahil akala ko naaalala niya lang ang namayapa kong kong kapatid, hanggang sa iginiit niya ang araw na tinulungan mo siya sa masasamang lalaki", mahabang paliwanag nito hanggang sa nakarating na ang elevator sa pinakatuktok ng floor.  Muli naman nitong pinindot ang button pabalik ng UG,  "Sige po Sir, pagka out ko po ng 5 o'clock pupuntahan ko po siya, mayroon din po akong kailangang ibalik sa kanya",  "Aasahan kita Clara, patawad rin kung natakot kita", anito, tumango tango naman siya, medyo gumaan na ang pakiramdam niya na wala ng panganib sa kanyang buhay.  "Makakaasa po kayo Sir",  Nang bumukas ang elevator sa 16th floor ay bumaba na siya at nagpaalam dito. Mabilis siyang nagtungo pabalik ng opisina, di parin siya makapaniwala sa mga nangyari pero sa wakas magkikita na ulit sila ni Lola na matagal na niyang hinahanap.  "Clara, is that you?",  Tinig ng amo niya ng makapasok siya sa hallway ng office nila, agad naman siyang nagtungo sa cubicle nito,  "Yes po Mam",  "Nanggaling dito si Diego at hinahanap ka niya, may kailangan daw siyang ipakuha sayo, hindi kanaba busy?"  "Uhm, tatapusin ko lang po Mam ung report ko tapos aalis narin po ako",  "Okay,,",  Agad na siyang nagtungo sa table niya at niligpit ang ilang documento na nagkalat. Pagbukas niya ng kanyang phone ay may message ito, may pinapakuha nga itong mga libro ulit at ihahatid niya sa unit nito.  Matapos ng ilang oras ay nag-ayos na siya, sumubo lang siya sandali para hindi siya abutan ng gutom.  "Lagi na yata ang pag-utos sayo ni Sir Diego, hindi kaba niya pinapahirapan?", bungad na tanong sa kanya ni Mam Bebs niya, nangingiti na napailing lang siya, "Hindi naman po Mam Bebs, mabait naman po si Sir sakin",  "Mukang kakaiba ang ngiti ng yong mga mata," panunukso nito na kinalaki ng mata niya "Naku hindi po ah, sadyang mabait lang po si Sir,,"  "E bakit namumula ka?" nangingising tukso pa nito, lalo tuloy nag init ang pakiramdam niya sa mukha "Mam Bebs naman eh lakas mang-asar, amo ko po si Sir at malabo po na magkagusto ako dun",  "Ayiee, defensive naman ang bata", pinanlakihan niya lang ito ng mata dahil nagsisimula na siyang dagain sa sinasabi nito,  "Hindi naman kaya",  "Basta't ingatan ang puso, mahirap pag puso ang nasaktan", sabay kindat pa nito bago siya iniwan mag-isa. Malakas na kabog ng kanyang dibdib ang narinig niya, napabuntong hininga nalang siya saka uminom ng maraming tubig pampakalma.  Masyadong malabo ang sinasabi ng Ginang, alam niya ang pagitan nilang dalawa ng among binata. Oo humahanga siya sa dito, hindi lang ito gwapo kundi may mabuti ring puso. Sa kabila ng lahat laking pasasalamat niya na nakilala niya ito, malaking bagay rin ang naitulong nito sa kanya kaya hindi siya nagsisisi na pagsilbihan ito.  Bigla tuloy siyang nasabik na makita na ito, pero sandali rin siyang natigilan hindi dapat siya makaramdam ng kakaiba para dito. Isa lamang silang magkaibigan at higit sa lahat ito ang kanyang amo. Dali dali na siyang kumilos at nag ayos upang makaalis niya, sinigurado niya ring nasa kanyang bag ang pinaka importanteng bagay na kailangan niyang maibalik. Sabik narin siyang makita ang matanda, inaasam niya na sana'y okay lang ito.  ** Kanina pa siya nagchecheck ng phone niya kung may message na sa kanya si Clara, nababagot na siya kakaantay dito, hindi pa naman niya masyado kailangan yung mga libro na pinakuha niya. Wala lang siyang maisip na ibang dahilan para payagan ito ng tita niya.  "Hays," buntong hininga niya, nagdadalawang isip naman siya kung tatawagan ito o hindi, baka isipin nito masyado siyang atat makita ito este yung mga libro. Masyado pa namang makakapal iyon at mabigat, tiyak niya ay pawisan na naman un,  *tingnong* Nagitla siya ng marinig ang doorbell, agad siyang nagmadali patungo sa pintuan, masyado sigurong mabigat kaya hindi na nito nagawang gamitin ang duplicate key, sabik na binuksan niya ang pinto.  "Grabe kanina pa kita inaantay Cla-",  "Dieg!",  Natigilan siya ng bigla siyang salubungin ng yakap ng hindi niya inaasahang bisita.  "N-Nads?"  "I miss you so much babe, I can't believe na dito kana mag isang nakatira,, pwede naba kong pumasok? marami akong gustong ikwento sayo",  "Ahh, o-okay pasok ka",  Sinundan niya nalang ito ng tingin ng pumasok na ito sa loob, nang sumulyap siya sa labas ay wala parin  siyang nakikitang Clara na parating.  "Ano nga palang ginagawa mo dito Nads? look I'm busy right now", aniya ng makalapit sa sala kung saan naroon ang laptop niya at ilan niyang mga paper works. Tiningnan niya ang kabuuan nito, hindi parin ito nagbabago maganda parin, high class at walang lalaki ang hindi dito magkakagusto. Ilang buwan na silang walang koneksyon nito matapos nitong iwan siya para sa US mag patuloy ng pag-aaral. High School long time crush niya ito at hindi naman siya nabigong pasagutin ito, sa loob ng ilang taon nila sa high school ay naging sila ngunit ng tumuntong sila sa College ay dun na naging malabo ang relasyon nilang dalawa. Hanggang sa tuluyan na silang nawalan ng kumunikasyon.  Nabalitaan niya rin naman ang muling pagbabalik nito ngunit hindi na siya umasam pa na magkikita ulit sila nito.  "It looks like, na disappointed kang makita ako dito babe after a months na hindi natin pagkikita", malambing na saad nito, kung noon ay apektado siya sa paglalambing nito ay iba na ngayon. Nakakaramdam na siya ng pagkairita dito.  "Dapat nagsabi ka muna na pupunta ka dito sa unit ko",  "Why?? aren't you happy na makita ako?, akala ko pa naman matutuwa ka sa surprise ko,," nakangusong saad pa nito na may himig pagtatampo "I told you, marami akong ginagawa ngayon and wala akong time na makipag-" Natigil niya ang sasabihin ng lumapit ito sakanya at agad siyang niyakap.  "Alam kong masama parin ang loob mo sakin dahil sa ginawa kong pag-iwan sayo, hindi mo lang alam na sobrang lungkot ko sa lugar na un Dieg, sobra kitang namimiss",,  Hindi agad siya nakakilos sa pagkakayakap nito nang akmang gagalaw siya para lumayo dito ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.  "Please stay,, I miss you so much",  "Nads not now" mahinang bulong niya pero  bigla siyang kinabig ng braso nito upang maglapit at magdampi ang kanilang mga labi.  *** Isang oras ang nakalipas at bitbit na niya ang mga makakapal na libro na ihahatid niya sa unit nito. Inabot narin siya ng alas kwatro, hindi naman siguro siya magtatagal dito dahil nangako pa siyang dadaan sa hospital. Sana lang ay payagan agad siyang makaalis ng binata, siguro ay sasabihin niya nalang dito na natagpuan na niya ang matagal na nilang hinahanap.  Pagbaba niya ng taxi ay agad na siyang nagtungo sa loob ng lobby, halos kilala narin naman siya ng guard at receptionist ng building kaya hindi na siya hinahanapan ng I.d. Dali dali siyang sumakay ng elevator ng magbukas ito, mabuti nalang at wala siya masyadong kasabay, agad niya kinapa sa bulsa ang duplicate na susi na bigay sa kanyan ng Amo. Napangiti naman siya, labis talaga siyang pinagkakatiwalaan nito.  Nagpunas muna siya ng pawisang mukha dahil tagaktak na ang pawis niya, inamoy niya rin ang sarili dahil nakakahiya kung amoy araw siyang papasok sa loob. Habang papalapit sa floor nito ay mas lalo siyang kinakabahan, nagtataka siya sa sarili kung bakit dati naman ay relax lang ang pakiramdam niya pag pupunta dito.  *Ting* Pagbukas ng elevator ay agad na siyang lumabas, ano kaya ang ginagawa nito ngayon? excited na siyang ikwento dito ang nangyari kanina. Hindi narin siya makakaabala dito para samahan siya paglalabas siya ng office. Hindi na siya nagdoorbell pa dahil advise naman nito sa kanya dumiretso nalang at gamitin ang duplicate key.  Sabik na pumasok siya sa loob at nagdiretso sa sala, napangiti pa siya ng makita ito doon ngunit parang hindi ito nag iisa? paglapit niya sa kinaroroonan nito ay nawala ang ngiti niya at napalitan ng malakas na kaba.  Bigla niyang nabitawan ang bitbit na mga libro ng makita ang binata at isang babae na magkahalikan. Agad naghiwalay ang mga ito ng maramdaman ang presensya niya,  "C-Clara??"  "What??"  "Ahh,, so-sorry po!, sorry po talaga Sir!!", tarantang saad niya habang dinadampot ang mga librong nabitawan.  "Who are you? at paano ka nakapasok dito?" taas kilay na saad sa kanya ng mistisang babae, ngayon niya lang ito nakita dito.  "So-Sorry po, hindi ko po alam na-"  "Hey, that's okay. Kanina parin kita hinihintay Clara", wika naman ng binata na nakatuon ngayon ang tingin sa kanya, hindi niya alam pero nasasaktan siyang makita ito, agad niyang inayos ang mga libro at inilapag sa mesa, "Sorry Sir kung natagalan po. me-medyo traffic po kase,, p-pasensya narin po Mam", aniya sa babae "Sa susunod gumamit ka ng doorbell pag papasok ka, and wait bakit ka may hawak na susi?" giit pa nito sa kanya "Ahm ano po-" nagitla siya ng bigla nitong hablutin sa kamay niya ang hawak niyang susi,  "Stop it Nads!, binigay ko yan kay Clara", ani ng binata habang pigil pigil nito ang braso ng babae na matalim ang tingin sa kanya "What? sino ba ang babaeng toh? hindi naman siguro ito ang pinalit mo sakin diba? how cheep,," "Clara is my Personal Assistant, you don't have to insult her",  "Ow your PA," ulit nito sabay hagod sa kanya ng tingin, kinakabahan na napayuko na lang siya  "Pasensya napo talaga Mam, hindi napo mauulit", nakayukong saad niya,  "Maari ka ng umalis, and please locked the door", saad pa nito  "What? No hindi pa siya pwede umalis, may kailangan pakong ipagawa kay Clara", tutol naman ng binata dito, nagawi naman ang tingin niya sa babae na muling tumalim ang tingin sa kanya, nakuha niya ang nais nito na umalis siya.  "Ahm kwan, ano sir,, magpapaalam din po sana ako na maaga akong uuwi, m-may emergency po kase-" "Anong emergency? anong nangyari??"  "Makakaalis kana, sa ibang araw kana lang bumalik. Ako ng bahala kay Diego okay?"  "Yes Mam," aniya, napairap naman ito sa kanya.  "Mauna napo ako Sir, pasensya napo", saad niya bago tumalikod at nagmadaling humakbang paalis,  "Clara wait!",  Narinig niya pang habol nito pero mabilis na niyang isinara ang pinto, mabuti nalang at bumukas agad ang elevator kaya dali dali siyang sumakay sa loob. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng paghinga at may kung anong matalim na tumutusok sa dibdib niya, malungkot na lumabas siya ng elevator, nahihiya siya sa nangyari, nakakahiya na nadatnan niya pa ang mga ito sa ganoong sitwasyon.  "Hays,, wrong timing ka Clara",, malungkot na saad niya sa sarili habang nag aabang ng taxi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD