Seven

2078 Words
Kinabukasan maaga siyang gumising at nag asikaso para pumasok, tingin niya naman ay  kaya na niya.Hindi niya pinaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito, at tiyak papatigilin lang siya ng mga ito magtrabaho. Nakakapanghinayang rin kung sakali, medyo okay na ang kinikita niya at malapit na niyang mabilhan ng Laptop ang kanyang kapatid.  Habang nagsusuklay ay nagawi ang tingin niya sa itim na sumblero, bigla siya nakaisip ng ideya, napangiti nalang siya at kinuha ito. Pwede niya itong gamitin pag lalabas ng office para hindi siya makilala ng lalaking salbahe.  "Tama ang talino mo talaga Clara,,", nangingiting saad niya,  Paalis na siya ng hinabol siya ng kanyang Ina bitbit ang sling bag niya,  "Anak?, ang bag mo?", napalingon naman siya at agad kinuha dito ang sling bag niya, ngayon niya lang ulit gagamitin ito simula nung araw na mangyari ang insidenteng yun. "Salamat Ma, alis napo ako", aniya at isinabit na ang sling bag.  Nagdalawang isip pa siya kung dadalhin ba ito o hindi, sa huli bumalik siyang kwarto para isabit ulit sa kabinet niya baka kase mamukhaan pa siya ng humahabol sa kanya pag ginamit niya ito. Nagtaka pa siya ng tila may mabigat na bagay sa loob nito kaya agad niya binuksan. Isang itim na supot ang naroon na parang may bato sa loob. Agad niya naman ito binuksan, napaglaruan na naman siguro ng kapatid niya ang bag niya at nilagyan ng laruan, pero nagtaka siya ng malaglag sa palad niya ang kakaibang bato.  Nanlaki ang mata niya ng makita ang isang kumikinang na bagay sa palad niya, hindi ito bato kundi isang diamond. Agad niya ito itinago ng biglang sumulpot sa tabi niya ang kanyang Ina,  "Oh anak? akala ko ay nakaalis kana?baka mapag iwanan kana ng Bus" "Ah, opo Ma may nakalimutan lang ako", aniya at dali daling kinuha ang sling bag na nakasabit, madali niyang binalik sa loob ng bag ang hawak na diamond. Muli siyang binundol ng kaba, san galing ito? bat ito nandito sa loob ng bag niya??,, napailing nalang siya at nagmadali na dahil baka maiwan pa siya ng Bus.  Malakas ang kutob niya na ang nagmamay-ari ng diamond na ito ay ang matanda, mas lalo tuloy siyang kinakabahan na nasa kanyang mga kamay ang bagay na toh. Hindi kaya ito ang isa sa nais ng mga salbaheng lalaki na yun?,, Napabuntong hininga na lang siya, kailangan niyang maibalik ito sa matanda, baka ito rin marahil ang dahilan kung bakit siya hinahabol ng mga yun.  Sakto naman na may utos sa kanya kaya naisipan niyang bumalik sa Police Station, baka doon ay makakuha siya ng contact sa Ginang. Bitbit ang kanyang sling bag ay isinuot niya naman ang sumblero ng makalabas siya ng opisina, siguro naman hindi siya masyado makikilala tapos nakapuyod pa pataas ang buhok niya.  "Clara??"  Napaangat ang tingin niya ng may tumawag sa kanya, namamanghang mukha ng binata ang sumalubong sa kanya,  "Sir Diego,," "You're back!!, okay ka naba?", nangingiting saad nito, maging siya ay napangiti narin ng makita ito "Y-Yes sir, okay napo ko",  "Wow, ang ganda ng Cap mo ah? bagay sayo," "Ah eh," napahawak nalang siya sa Cap niya,  "Lalabas ka?" napatango naman siya   "Message niyo nalang po ako Sir kung may pag uutos po kayo", aniya  "Hmm, wala pa naman akong gagawin kaya sasamahan nalang siguro kita, tapos samahan mo narin akong mag Lunch" "Huh?",  "Let's go", anito sabay hila sa kanya ng magbukas ang elevator. Nagtataka nalang siya na sumulyap dito,  "Wait mo ko sa lobby may kukunin lang ako sa Car", wika nito ng makalabas sila ng elevator, tumango nalang siya, sandali lang siya ditong naghintay. Pagbalik nito ay nakasuot narin itong Cap at naka shade pa,  "Eh?, seryoso ka dyan Sir?" halos natatawang wika niya,  "Kala mo sayo lang bagay ah, tara na?" saad nito at nauna pa sa kanya lumakad, napangiti nalang siya dito habang napapailing,  "Here", sabay abot nito ng isang facemask "Huh?"  "Para effective yung pagdidisguise mo, alam kong may trauma kapa sa nangyari last time"  Napatango lang siya, hindi parin mawala sa kanya ang pag-aalala pero kailangan niyang magdoble ingat, kaya kinuha na niya rito ang facemask at agad isinuot,  sabagay tama ito hindi naman siguro siya makikilala kung sakali ng mga salbahe na humahabol sa kanya. "Ang bright mo talaga Sir, thank you!", natawa naman ito sa sinaad niya, una siyang nagpunta sa bangko para mag update ng passbook habang ito ay tahimik lang na naghihintay sa kanya.  "Okay san na tayo next?",  "Sa kabilang bangko pa Sir, sigurado po bang sasama pa kayo? mababagot lang kayo kakaantay",  "Hindi naman ako nababagot, I told you wala akong ibang gagawin kaya bubuntot nalang ako sayo,, ayaw mo nun may body guard ka tapos pogi pa", sabay pogi sign pa nito,  "Ang lakas mo rin pala magpahangin Sir sa katirikan ng araw" natatawang saad niya,  "Masyado kase mainit kaya kailangan magpahangin,, heto oh", sabay abot nito ng puting panyo, nagtataka namang napasulyap siya dito, "Huh?" "Pawisan kana, sobra kaseng init", anito, nagulat pa siya ng bigla nitong punasan ang gilid ng mukha niya, bigla tuloy siyang nataranta at agad kinuha dito ang panyo,, "Ahh, okay lang ako Sir!, sanay akong mapawisan ako na po" Matamis na ngumiti lang ito habang pinagmamasdan siya, umiwas naman siya ng tingin habang pinupunasan ang mukha niya, mas lalo tuloy siya nakaramdam ng init sa mukha habang ang mga kamay niya ay natataranta rin,,  "Ahaha, okay,,  tara na",  Napabuga siya ng hangin ng mauna itong lumakad paalis,  "Lalabhan ko nalang itong panyo mo Sir, nalagyan pa tuloy na pawis at dumi",  "Ano kaba okay lang, saiyo na ang panyo na yan",  "Ayoko po",  May pagtatakang napatingin naman ito sa kanya.  "Hindi ka pwedeng magbigay ng panyo, lalo na sa babae", aniya "Huh? bakit naman? malinis naman ang intensyon ng panyong yan", halos matawang saad nito,  "Basta Sir, ibabalik ko toh pag nalabhan ko na, ida-downy ko pa",  "Seriously? bakit?"  "Baka paiyakin niyo ko dahil sa panyong toh e, kasabihan po kase yun ng matatanda ayoko lang pong umiyak", kamot ulong paliwanag niya, di niya alam kung maniniwala ba ito pero yun kase ang pinaniniwalaan niya,, napakunot noo naman ito habang pinipigil ang pagtawa "Bat naman kita papaiyakin?, lumang kasabihan lang yun. Diko naman magagawang paiyakin ka. Baka isumbong mo pa ko kay tita at mawalan pako ng Assistant", nangingiting saad nito, sabi na niya eh hindi ito naniniwala,  "Kahit na Sir, basta po ibabalik ko ito sainyo" "Sige na nga ikaw ng bahala, hahaha",  Natawa na lamang siya habang pinagmamasdan ito, natutuwa siya at mukang hindi na ito malungkot. "Ok na Sir, makakabalik na tayong Office",  "Great, gutom na ko. Sabay na tayong mag Lunch",  "Huh?" "Don't worry nagpaalam nako kay Tita na magpapasama ako sayo after ng banking hours mo" "Po? bat san tayo pupunta Sir?",  Napangiti lang ito ng malapad at hinila na ang braso niya, "Let's go nagugutom na talaga ako",  Napamaang  siya ng dinala siya nito sa taas ng rooftop habang bitbit nila ang kanilang mga pagkain. "Wow, dito mo talaga gustong kumain Sir?", "Oo naman? why??, hindi ba maganda? tanaw natin ung mga naglalakihang building", nakangising saad nito,  "Hmm okay narin, first time kung sakali",  "Talaga?? maigi kung ganon, Let's eat", masiglang saad nito sabay latag ng bitbit nitong tela. Magana silang kumain habang magiliw naman itong nagkukwento, para silang magkasintahan na nagde date pero bigla siyang tumalima, masyado lang siyang natutuwa sa pagiging mabuti nito sa kanya at lubos siyang nagpapasalamat dito.  "Ah Sir? pwede bang dadaan muna akong Police Station?" aniya, napakunot noo naman ito,  "Why? may problema ba?",  "A-ano kase Sir", simula niya habang mataman itong naghihintay ng sasabihin niya, agad niya naman kinuha ang laman ng sling bag niya at pinakita dito ang kumikinang na Diamond, mabuti nalang at wala masyadong tao sa rooftop.  Napakurap naman ito habang nakatitig sa Diamond na nasa kamay niya,  "What's that?",  "Diamond??" alanganing saad niya "Yeah I know,, for real???" napailing naman siya, pero malakas ang kutob niya na totoo ito "Wait Clara, papanong,, tunay ba yan? san mo nakuha yan?" anito sabay kuha sa kamay niya ang Diamond "Nakita ko lang ito kanina sa sling bag ko, hindi ko alam Sir kung bat may ganyan pero kutob ko pag mamay ari yan ni Lola, kaya marahil ay hinahabol din ako ng mga salbaheng lalaki na yun",  "Kung totoo nga yan, sobrang delikado ng buhay mo", sandali siyang natigilan, at nakatitig lang dito, masusi naman nitong tinitigan ang bato kung tunay ba o hindi, sinubukan pa nitong kagatin iyon,  "Sa tingin ko totoo nga ito, pero to make it sure may kakilala ako na makakapag check kung tunay nga ito",  "Talaga Sir?"  "Pero anong plano mo kung sakaling tunay nga ito?" seryosong tanong nito "Ibabalik ko kay Lola, siya lang ang alam kong nagmamay-ari niyan. Nung araw na yun siya ang may bitbit ng bag ko. Iniabot niya lang ito sakin nung nagkahiwalay na kami sa Police Station",  "Malaking halaga ito kung sakali Clara, kaya nitong baguhin ang takbo ng buhay mo" biglang wika nito habang palipat lipat ang tingin sa kanya at dun sa Diamond, napailing naman siya "Hindi mababago niyan ang buhay ko Sir, dahil hindi ko yan pag mamay-ari",  "Seryoso kaba??" muling saad nito, sunod sunod naman ang pagtango niya, agad niya rin kinuha sa kamay nito ang Diamond.  "Tunay man to o hindi Sir kailangan ko itong maibalik sa nagmamay-ari", giit niya. Napangisi naman ito lalo sakanya "You're amazing Clara, kung ibang tao yan malabo ng ibalik yan sa may-ari" "Nakakatakot pong umangkin ng hindi mo pag mamay-ari at pinaghirapan Sir, pupunta nalang po ulit ako sa Police Station para makuha ang contact number ni Lola, nang sa ganon mawala na ang alalahanin ko sa bagay na toh", aniya  "Mas lalo mo kong pinahanga sa pagiging Honest mo. Tara sasamahan na kita isurrender yan",  "Talaga Sir?"  "Ou naman," Halos magningning ang mga mata niya, nawala na agam agam niya na baka muling mapahamak. Ngunit pagdating nila sa Police Station ay bigo silang makuha ang Address o contact number ng matanda, hindi sila pinayagan ng Head Officer na magbigay ng kahit anong impormasyon.  "Tingin ko ay hindi Ordinaryong Tao ang nagmamay-ari niyan" "Hah?, hindi tao?" takang saad niya "Hindi Ordinaryo, I mean masyado siguro silang bigatin kaya hindi sila basta basta nagbibigay ng impormasyon",  "Ganun ba, pero pano na?" problemadong saad niya "Baka para sayo talaga ang bagay na yan Clara, wag mo ko kakalimutang hindi ambunan ah" birong wika nito,  "Ano ng gagawin ko?" wala sa sariling saad niya habang papalabas sila ng Police Station,  "Kung tunay nga yan, dapat ngayon ay hinahanap kana nila. Malay mo fake pala yan kaya wala pang naghahanap sayo",  "Pero yung mga salbaheng lalaki?",  "Hmm, hindi naman siguro nila alam na nasaiyo ang bagay na yan, dahil ang talagang target nila is yung matanda",  "Pano kung hinde?"  "Wag kanang mag-alala, akong bahala. Hindi kana malalapitan ng ugok na yun", saad naman nito, pagod na naupo nalang siya sa isang tabi,  "Baka tuluyan nalang akong mag resigned para makaiwas sa panganib",  "Ano kaba Clara, edi mawawalan nako ng Assistant niyan na magaling magluto at maglinis",  "Lakas mo naman mag joke dyan Sir eh, problemado na nga ko sa buhay ko", aniya, mas lalo nadagdagan ang problema niya dahil sa bagay na nasa kanya. Natatakot tuloy siyang umuwi dahil baka masundan siya ng mga ito, naupo naman ito sa tabi niya at nabigla pa siya ng akbayan siya nito "Ano kaba, wala ka talagang tiwala sa sinasabi ko",  "Hahh?, a-ano po bang sinasabi niyo?" nauutal na saad niya "Hindi kita hahayaang mapahamak okay?, wag ka ng mag-alala ako ng bahala",  "Ehh?" napaangat ang tingin niya ng tumayo narin ito at nakapamulsa na humarap sa kanya "Common Clara cheer up, wag ka ng mag-alala okay ? paglutuan mo nalang ako ng masarap na adobo saka kita ihahatid sa terminal ng van",  Napatayo naman siya at humarap din ito, sa narinig na sinabi nito ay sandaling nawala ang kanyang pag-aalala,  "Sige na nga Sir, pero marami pong salamat",  Matamis na ngumiti lang ito habang nakatitig sa kanya, hindi niya alam pero nawiwili siyang tumitig dito sa tuwing ngumingiti ito,  "Let's go, habang hindi pa papalubog ang araw. Nagmessage na ko kay tita kaya don't worry na",  Napasunod nalang siya dito, hindi naman siya doon nag-aalala. Mas inaalala niya ngayon na baka maging ito ay madamay sa gulong pinasukan niya. At hindi niya un hahayaan,, 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD