Ilang araw ang nakalipas ng maganap ang insidenteng yun, nakahinga siya ng maluwag na walang anino ng mga lalaki ang nakita niya sa labas. Dumadaan na lamang siya sa mga matataong lugar para madali siyang makahingi ng tulong. Pabalik na siya ng office ng nakasalubong niya ang binata, mukha pa silang nagkagulatan sa pasilyo,
"Clara!",
"Sir",
Napangiti siya ng makita ito, ilang araw sila nitong hindi nagkita at natutuwa siya na mukhang bumalik na ang dating sigla nito.
"Actually hinahanap talaga kita, sakto ang dating mo",
"Huh? bakit Sir may pag uutos po ba kayo?",
"Yep, let's go," anito at hinila ang kamay niya papasok ng elevator,
"Pero Sir hindi pako nakakapagpaalam kay Mam-"
"Pinaalam na kita kay Tita, don't worry. Kailangan ko kase talaga ngayon ng tulong mo eh",
"Ah, bakit ano po bang gagawin Sir?", nagtatakang tanong niya, sandaling nawala sa isip niya ang pag-aalala na muling makita ang mga salbaheng lalaki
"Sasamahan mo kong mag groceries", nakangiting saad nito, napa Ah lang siya, maigi narin at kasama niya ito at maigi na naisipan narin nitong magkaron ng supply ng pagkain.
"Nga pala,", sabay abot nito ng isang passbook na may atm,
"Papa-update Sir?", takang tanong niya,
"Nope, nag open ako ng savings account para dun ko direct ihuhulog ang sahod mo", napanganga naman siya sa sinabi nito,
"Oh?", nanlaki ang mata niya ng makita ang loob ng passbook, pangalan niya ang nandoon,
"Akin talaga toh Sir?, hala panong nangyari-"
"I have my ways", nangingiting saad lang nito, may laman na agad na 20k ang passbook niya, ang dami talagang pera nito mukhang naka advance na naman ang sahod niya.
"Salamat talaga Sir, sobrang laking tulong po talaga nito,"
"Hey Clara, pagtatrabahuan mo yan inadvance ko lang", sabay kindat pa nito at ngiti, pero nahihiya talaga siya,
"Salamat parin talaga Sir, sobra sobra",
"Alam mo, ayoko ng isipin yung malulungkot na bagay. Pwede bang samahan mo kong maging masaya? gawin yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa", malumanay na wika nito
"Eh?, gaya ng?",
"Gaya ng mag groceries?, magpuntang peryahan yung mga aliwan na nakakawala ng stress at problema", napangiwi naman siya, maisisingit niya paba yun?,
"balak kong magpuntang Enchanted at gusto kong isama ka,", nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito
"Wah? talaga Sir??, never pa ko nakakapunta dun at hindi ko alam ang papunta dun", aniya, natawa naman ito
"Don't worry alam ko ang papunta dun", nakangiting saad nito, napangiti lang din siya,, nais niya rin madala dito ang kanyang mga kapatid dahil iyon ang isa sa mga munting pangarap ng mga ito. Pag nakaluwang luwang lang talaga ang budget niya ang mga ito naman ang dadalhin niya doon.
Nabalik ang pag iisip niya ng marating nila ang hyper market, tag isa silang kumuha ng malaking cart at binilinan siya nitong siya na ang bahala kumuha ng mga kakailanganin nito. Isang oras din ang nakalipas at halos mapuno na ng mga groceries ang cart niya, habang ito naman ay puro chichirya at beer ang mga pinagkukuha. Napailing nalang siya ano naman ang magagawa niya eh ito ang amo niya, ngunit ng pagmasdan niya ito kakaibang saya ang nakita niya sa mukha nito na kinatuwa niya naman.
***
Pabalik na siya sa kanilang building galing bangko ng matanaw niya sa kabilang kalsada ang isang pamilyar na mukha ng lalaki, natulala siya kasabay ng pag ahon ng kaba sa kanyang dibdib. Napangisi naman ang lalaki matapos nitong maubos hithitin ang yosi na agad itinapon sa baba, gigil pa nitong inapakan iyon. Napakurap siya at mabilis ang kanyang mga paa na humakbang papasok sa entrance ng building, lumingon din ulit siya sa gawi ng lalaki na ngayon ay matamang naglalakad pasunod sa kanya.
Abot abot na ang kanyang kaba at lalo niya binilisan ang paglakad, alam niyang nakasunod ngayon ito sa kanya, sa tagal ng elevator ay hindi na niya hinintay na bumaba ito, gamit ang hagdan ay dali dali siyang pumanhik paitaas. Ngunit di kalayuan ay naririnig niya rin ang mga nagmamadaling yabag sa likuran niya, inatake na siya ng taranta, kilala niya ang lalaking iyon, iyon ang salbaheng lalaki na nais manakit sa kanila ng matanda.
Halos madapa siya sa pagmamadali at panay din ang sulyap niya sa kanyang likuran, nang makalampas siya sa Cr ng mga babae ay muntik pa siyang mapasigaw ng isang kamay ang humila sa kanya papasok sa isang pintuan, nanlaki ang mga mata niya ng bigla tinakpan ng malapad na kamay nito ang kanyang bibig ng akma siyang sisigaw, ...
Napangiti siya ng makita di kalayuan ang dalaga, aayain niya ito ngayon kumain sa labas dahil tinatamad siyang kumaen mag isa. Namiss niya rin bigla ang luto nito kaya naisipan niyang sabihan ito na ipagluto siya. Nasa lobby siya ng building ng mapansin ang pagmamadali nito matapos matingnan ang lalaki sa kabilang kalsada. Halos hindi siya napansin nito sa pagmamadali, napakunot noo din siya ng isang lalaki ang biglang nagmamadali na humabol dito, dali narin siyang sumunod, nakita niya pa ang pag liko ng dalaga kasunod nun ay ang lalaki na hindi niya kilala pero nararamdaman niya ang panganib dito, umikot siya sa kabilang hagdan at nagmamadali na hinabol ang dalaga, halos magkasabayan lang sila nito ng makarating sa 7th floor. Nang marinig niya ang yabag nito papaliko ay sandali siyang nagtago sa loob ng Electrical Room, alam niyang dito ito dadaan maging ang lalaki na humahabol dito, nang makita niya ito na humahangos ang pagtakbo habang nakatingin sa likuran ay dali dali niya itong hinila papasok sa loob.
Bakas sa mukha nito ang takot at gulat, nang akmang sisigaw ito ay agad niyang tinakpan ang bibig nito, halos masiksik ang katawan nila sa maliit na espasyo na kinalalagyan nila at ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.
"Sssshh", aniya dito,
"P*tangina , mahuhuli din kita Clara",
Pigil pigil niya ang paghinga ng marinig ang pagmumura ng lalaki mula sa labas, hindi siya sigurado kung sino itong lalaki na humila sa kanya pero ang amoy nito ay nakilala niya, ligtas na siya pero hanggang kelan?, Nang wala na ang lalaki sa labas ay marahan ng binitawan nito ang palad na nakatakip sa bibig niya,
"Okay ka lang ba?",
Humihikbi na napasubsob siya sa dibdib nito,
"Clara",
Dali dali din siyang nag angat ng mukha at nagpunas ng luha, sobrang init at naghahalo ang pawis niya at luha sa mukha, marahan naman nitong hinila palabas ng electricity room ang braso niya.
"Anong nangyari? Sino ang lalaking humahabol sayo ?", nag-aalalang saad nito, napailing lang siya at nanghihina na napaupo sa gilid nanginginig parin siya maging ang dalawang kamay niya. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang landas nila ng lalaking yon, kung nandirito ito ngayon sa paligid ay delikado ang buhay niya.
"Clara?", muling tawag sa kanya ng binata, nag aalala na ngayon ang mukha nito habang nakatunghay sa kanya.
"W-Wala yun Sir,, maraming salamat at nailigtas niyo ako", muling pumatak ang luha niya sa sobrang takot
"Sagutin mo ko Clara? sino ang lalaking yun? anong naging atraso mo sa kanya bakit hinahabol ka niya?",
Muli nag init ang sulok ng mga mata niya, hindi niya alam kung sasabihin niya dito ang nangyari, ayaw niyang madamay ito at ayaw niya rin mawalan ng trabaho kung sakali. Napamaang naman siya ng hilahin siya nito patungo sa taas ng rooftop.
"Alam ko natatakot ka, dito pwede mong sabihin sakin ang lahat", simula nito, malamig na hangin ang humahampas sa kanyang pisngi na lalong nagpapakaba sa kanya, wala siyang nagawa kundi ang sabihin dito ang nangyari ilang linggo ng nakakalipas.
"Kailangan natin magreport sa mga pulis, delikado ang lagay mo kung sakali lalo pa at araw araw kang lumalabas", saad nito matapos niyang mailahad dito ang nangyari. Hindi niya naman alam kung ano ang isasagot dahil natatakot din siya sa posibilidad kung sakaling magtagpo ulit ang landas nila nung lalaki.
"Sasamahan kitang magreport sa mga pulis",
Napaangat naman ang tingin niya dito, desidido ito kahit na tumanggi pa siya. Ang swerte niya at ang buti ng kalooban nito sa kanya, kahit pa Amo niya ito.
"Maraming Salamat Sir, pero ayokong madamay kayo sa gulong pinasok ko",
"And tingin mo hahayaan ko na mapahamak ka sa kamay ng lalaking yon?, gagawa tayo ng paraan para mahuli siya at maipakulong",
"Sir!!",
Nang mga sandali ding yun ay sinamahan siya nito sa Police Station, may record narin naman ang mga ito at nadagdagan naman ulit ngayon, para narin sa ikatatahimik ng kalooban niya ay pumayag narin siya. Hindi na siya sigurado sa kaligtasan niya kung sakali na nasa paligid lang ito, hindi naman pwede na umalis siya sa kanyang trabaho, pano na ang kanyang pamilya. Matapos nilang makapag file ng Report ay magkasama na silang bumalik sa building na pinapasukan niya. Uwian narin at kukunin niya nalang ang gamit niya sa kanilang office.
"Hihintayin kita dito sa 7 eleven, sasamahan na kita papunta sa sakayan mo pauwi", biglang saad ng binata ng nasa lobby na sila,
"Pero Sir,-"
"I want to make sure na ligtas kang makakauwi Clara,"
Seryosong saad nito, hindi na siya umimik pa at tumango nalang dito, agad na siyang umakyat sa taas para sa gamit niya. Ang alam ng boss niya ay may inutos sa kanya ang pamangkin nito, tahimik na siyang nag paalam at nag out ng time card niya. Alas sais pasado narin, pagbaba niya ay naroon parin ito sa labas ng 7 eleven, may bitbit narin itong supot.
"Let's go",
"Salamat ulit Sir", mahinang saad niya habang naglalakad sila,
"Hindi kita pwedeng pabayaan Clara, ikaw yata ang Assistant ko na magaling magluto at maglinis, ayaw kong mawalan ng P.A", birong saad nito, napangiti nalang siya dito pero naron parin ang agam agam sa kanyang puso, hindi niya alam kung ano pang sunod na mangyayari.
"Wag ka ng malungkot, hindi ko hahayaan na masaktan ka",
Nagtatakang napasulyap naman siya dito, bigla lang itong nag iwas ng tingin sabay abot sa kanya nung supot na bitbit nito.
"Oh heto, kainin mo habang nasa byahe. wag mong kakalimutan yung bilin ko na lage mo kong tatawagan kung nasang lugar ka",
Tumango lang siya at inabot ang supot nito.
"Ok na ko dito Sir, ayun na yung sakayan ng Van oh, kaya ko na",
"Sige na, mag iingat ka",
"Salamat Sir, mag iingat din po kayo" aniya at nginitian ito, mabilis na siyang lumakad papunta dun sa pila ng Van, nang lumingon siya at hindi parin ito umaalis sa pwesto nito, sumenyas lang ito na sumakay na siya. Nakahinga siya ng maluwag ng makasakay na siya ng Van, hindi parin maalis sa isip niya ang nangyari, kung hindi siya nailigtas ng binata ano na kayang nangyari ngayon sa kanya? Kung aalis naman siya sa trabaho mahihirapan na naman siyang mag aplay ng panibagong trabaho.
***
Hindi siya pumasok kinabukasan, nagdahilan siya sa kanyang amo na masama ang pakiramdam niya. Natatakot parin siyang pumasok at muling makita ang salbaheng lalaki, hindi niya pinaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari, ayaw niyang mag alala ang mga ito sa kanya. Maghapon lang siyang nagmukmok sa kanyang kwarto, bigla niya naalala ang matanda, kamusta na kaya ito ngayon?
Napasulyap siya sa kanyang cellphone ng bigla itong tumunog, number ng binata ang lumabas sa screen niya. Hindi nga pala siya nakapagsabi dito na hindi siya makakapasok,, sa sunod na araw nalang siya babawi linis sa unit nito, pero kaya naba niyang pumasok?,, Nakailang tunog ang cellhphone niya bago niya napagpasyahang sagutin,
C: Hello??
D: Hello Clara? okay ka lang ba??",
Nag aalalang tinig nito ang nabungaran niya,
C: Sir,, o-okay lang po,, baka bukas napo ko makakapasok",
D: Are you sure na okay kalang?, kung hindi mo pa kayang pumasok I can explain to tita and naisip ko rin sabihin sa kanila ang nangyari para makahingi tayo ng tulong
C: Hi-hindi na Sir,, wag na po,, okay napo yun,, ayokong makaabala kala Mam Sir,, please po .. Papasok napo talaga ako bukas, bye po,,
Agad niya inoof ang phone, hindi ito pwedeng malaman ng boss niya dahil nakakahiya. Isang abala pagnagkataon, makakaya niya narin naman siguro ang pumasok bukas, kailangan niya lang ng dobleng ingat. Tatakbo nalang ulit siya ng mabilis kung saka sakali.