Chapter 2

1089 Words
BETHANY EXCITED na lumabas ako ng mansyon matapos akong tawagan ni William para sa date namin. Suot ko ang pulang off shoulder dress at naglagay ako ng kaunting make-up sa mukha. Pagdating ko sa labas ng mansyon ay bumungad sa akin ang Green Lamborghini car ni William. Bumaba siya ng sasakyan at masayang pinagbuksan niya ako ng pinto. “Wow! I didn’t expect that you have this latest model of Lamborghini Huracan!” manghang wika ko sa kaniya dahil sa pagkakaalam ko ay umaabot na halos labinglimang milyong piso ang halaga nito. “It was a gift from my father when I topped the board exam.” Sa University of Santo Tomas siya nagtapos ng kolehiyo as Summa Cumlaude at nag-top one siya sa board exam ng Civil Engineer. Wala na akong mahihiling pa sa galing ni William. Hindi lang siya guwapo kundi ang talino niya at very competent na tao. Ang swerte ng family niya dahil nandyan siya para i-take over ang Remington Corporation. Sigurado akong mas yayaman pa sila dahil sa husay niya. “Why are you so perfect, William?” pabiro kong wika sa kaniya saka siya marahang tumawa. My goodness! Parang mas gugustuhin ko na lang na mamatay ngayong gabi para hindi na matuloy ang kasal ko. At least namatay akong nakasama ko siya sa huling sandali ng buhay ko. Habang nasa byahe kami ay malungkot akong nakatitig sa dinadaanan namin. “What’s wrong, babe?” tanong niya saka niya hinawakan ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho siya. Pilit akong ngumiti saka ako nagsalita. “Nothing, babe. I am just happy na naging tayo. Kung hindi dahil sa reunion baka hindi mangyari ‘yong ganito.” Huminto ang sasakyan dahil sa red traffic light. Naramdaman kong mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at tahimik siyang nakatingin sa labas. “Oh? Bakit ikaw naman na tahimik d’yan?” pabirong tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o may bagay na bumabagabag sa isip niya. Lumingon siya sa akin saka nginitian niya ako. “I reserved a table at Manila's most popular and luxurious restaurant. I’ll take you there for our dinner, baka gutom lang ‘yan, babe.” Marahan siyang tumawa dahil successful ang pang-aasar niya sa’kin saka niya pinisil ang ilong ko. “Ang hilig mo talagang mang-asar, ‘no?” ngiting wika ko kaya sinubukan kong hawakan ang ilong niya ngunit agad niya itong nilayo. Nang mangyari ‘yon ay malakas na tawa narinig ko mula sa kaniya. “You’re so funny, babe! Bahala ka, baka magmukhang Pinocchio na ako nito pag humaba ilong ko.” Matapos namin magkulitan hanggang pagdating namin sa restaurant ay muling bumalot sa akin ang lungkot sa puso ko dahil kailangan ko nang sabihin sa kaniya na ikakasal na ako sa iba. Tahimik kaming kumain ng dinner hanggang sa nagsalita si William. “May sasabihin pala ako sa’yo, Bethany,” seryosong wika niya sa akin. Hindi ko alam pero may kaunting lamig akong naramdaman mula sa kaniya nang bigkasin niya ‘yon. Napataas ako ng kilay hudyat na inaabangan ko ang sunod niyang sasabihin. “I don’t think this relationship will work o kung magtatagal pa ‘to.” Parang tinurukan ako ng matalim na bagay sa puso ko nang paulit-ulit. Ano ang ibig niyang sabihin? May mahal na ba siyang iba? Ipagpapalit na niya ako? “What do you mean?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. “I’m marrying someone else, Bethany.” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Hindi ba dapat ako ang magsasabi no’n? “Arranged marriage dahil sa kompanya,” matamlay niyang dagdag na wika kaya napabuga ako ng hangin ay pilit na ngumiti sa harap niya kahit sobrang bigat na sa dibdib. “Akala ko sa palabas ko lang ‘to nangyayari, nangyayari din pala ‘to sa totoong buhay. Actually, ikakasal din ako sa iba, William. Ganito siguro ‘no kapag anak ka ng may-ari ng isang malaking kompanya. Arranged marriage ang kadalasan nangyayari to strengthen the company.” Tumindig ako kapagkuwan ay biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili kong hindi ipatak ‘yon dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa mata. Napalunok ako upang labanan ang sariling di ako humagulgol sa harapan niya. Dahil hindi ko na matiis ay tumindig ako’t tumalikod at mabilis na naglakad palayo hanggang sa tumakbo ako nang mabilis palabas ng restaurant habang umiiyak. “Bethany, wait!” sigaw niya ngunit di ko siya pinakinggan. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nagpara ako ng taxi. Pagpasok ko ay biglang kinatok ni William ang bintana ng sasakyan. “Bethany, please talk to me! Don’t leave me like this!” pagmamakaawa niya sa akin. Naiiyak ko siyang tiningnan sa mata, umiling ako at saka ako nagsalita kay manong driver. “Let’s go,” utos ko dito kaya pinaandar nito ang sasakyan. Wala na talaga akong magagawa kundi i-give up ko siya. Ayoko rin naman makasira ng reputasyon ng kompanya ng parents niya. Siguro hindi lang talaga kami ang para sa isa’t isa. Siguro may rason kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa amin. Sobrang sakit. Akala ko kasi ‘yon na ‘yon, e. After ilang years akong nag-antay na magkita kami, pero ito pala ang magiging kapalaran ng relasyon namin. Sana pala hindi na ako um-attend ng reunion kung alam ko lang na ito ang magiging kahihinatnan ko. Mugto ang mata ko pagpasok ko ng mansyon. Sinalubong ako ni Bridget at laking pag-aalala niya sa akin nang makita niya ang bigo kong mukha. “Bethany,” mahinanong usal niya sa pangalan ko pagkuwan ay hinagkan niya ako. Nang mangyari ‘yon ay biglang bumuhos ang luha ko. “I. . . Ikakasal din pala si William sa ibang babae, Bridget. I'd rather live a normal life like everyone else so I could freely love someone like him.” “But William is getting married soon, right? Even if you want a normal life, you won’t ignore the fact that he is going to marry someone else. You must accept your fate, Bethany. Move on ka na lang.” Humiwalay ako ng yakap sa kanya dahil hindi ko matanggap ang kapalaran ko ngayon. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ikasal sa ibang taong hindi ko naman mahal. Paano na ako mabubuhay ngayon? Paano na mga pangarap ko kay William? Pinaparusahan ba ako ng Diyos dahil sa pag-re-rebelde ko noon? I am willing to change myself para hindi na mangyari ito, pero mukhang malabo nang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD