bc

Switched Bride (Preview Only)

book_age16+
106
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
tragedy
assistant
like
intro-logo
Blurb

Bethany's heart rekindled when she saw William again—the man she had crushed on

since high school. However, she was about to marry a man she hadn't met yet because of their

company. She begged her twin sister Bridget to take her place as the bride because she was

against to it. But Bethany was surprised to see William at the altar on the wedding day. Bethany

was able to reclaim the agreement, but her life was drastically altered as a result of her sister

Bridget's strange behavior. Bridget became greedy for money and imprisoned her sister for

seven months in the basement. Bridget poses as Bethany and steals her sister's entire being.

Despite Bethany’s traumatic experience, she was determined to take revenge on her

sister. But then a great revelation occurs, making her want to punish her even more.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ITINALI ko ang lubid sa kahoy ng kisame at gumawa ng hugis bilog na kakasya sa ulo ko. Bago ko pa isuot ito ay napatingin ako sa salamin sa pader at nakita ko ang sunog na parte kong mukha.  Naluha ako nang hawakan ko ang mukha ko, at bigla ko na lang naalala ang ginawa ng kambal kong si Bridget. Tanaw ko sa salamin ang mukha niya sa TV. Masaya siyang nakikipag-usap sa reporter tungkol sa upcoming merger agreement between our company and my husband’s company. Nangangalit ang mga ngipin kong makitang nagtagumpay siya sa ginawa niya. Inagaw ni Bridget ang lahat— ang asawa ko, ang mga magulang ko, ang yaman na dapat sa akin at ang pagkatao ko. Gusto kong magpakamatay. Nawawalan na ako ng pag-asang mababawi ko pa ang buhay ko noon. Masyado ginalingan ni Bridget ang pagplanong pagdispatsya sa akin.  Napalunok ako at huminga ako nang malalim nang isuot ko na ang lubid sa leeg. Tumingala ako at hinila ko ang lubid para tiyakin matibay ito, pagkatapos ay pinahid ko ang mga luha ko. Ipapaubaya ko na sa langit ang paghihiganti ko sa kaniya.  This is my end. Bago ko pa patumbahin ang upuan ay biglang sumigaw si Nanay Mely na halatang kararating niya lang galing sakahan. Dinig kong nabitawan niya ang mga na-harvest niyang kamote. “Jusko, Bethany!”  Lumapit siya sa akin at niyakap ang mga binti ko para di ko mabitawan ang upuan. Nang dahil do’n ay bumuhos bigla ang mga luha ko. Sa sobrang bigat ng puso ko ay napahugulgol ako habang hawak ko pa ang lubid sa leeg. Sa totoo lang ay natatakot akong magbigti, natatakot ako na baka hindi ako ipaghiganti ng langit. Baka kapag nawala na ako ay pagsisihan ko ito dahil hindi ako kumilos at lumaban. “Pakiusap, hija, bumaba ka na d’yan,” mahinahong sabi niya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango ako at tinanggal ko ang lubid sa leeg ko. Inalalayan pa ako ni Nanay Mely na bumaba dahil nanghihina na ang katawan ko, nalipasan na rin kasi ako ng gutom. Pagkababa ko ay agad niya akong niyakap. “H’wag mo nang uulitin ‘yan, Bethany, ah? Hindi pa katapusan ng mundo para magpakamatay ka. Isipin mo ang pamilya mo at ang anak mo. Paano mo sila maproprotektahan kung wala ka na? Magpapatalo ka ba kay Bridget? Hahayaan mo na lang ba siya?” Kumawala ako ng yakap, muli akong huminga nang malalim at tiningnan ko ang mukha ni Bridget sa tv. Tila sumiklab ang galit ko sa puso kaya napakuyom ako ng kamay. “Tama ka, Nanay Mely. Pagbabayaran ni Bridget lahat nang ito. Sisiguraduhin kong hindi mauuwi sa wala ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ko.” Mas lalong uminit ang katawan ko dahil sa poot nang makitang hinalikan niya ang asawa ko sa harap ng mga media. Highschool pa lang kami ay alam ko nang may pagtingin siya kay William pero hindi ako magpapatalo. She started a war. I intend to finish it. *** BETHANY “I DON’T WANT TO GET MARRIED, DAD!” protesta ko nang marinig kong ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa kilala. Napatindig si Dad mula sa kaniyang kinauupan dahil sa sinabi ko. Sa lahat ng bagay na hiniling ko sa kanila, itong pagtutol ko sa kasal ang hindi nila ako kayang pagbigyan. Hindi ko alam pero may kung anong bigat akong naramdaman sa puso ko. Bakit ako? Bakit kailangan pilitin kong gawin ang gusto nila?  Di ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko dahil di na matutupad ang pangarap kong makasama habambuhay si William—ang lalaking ng laman puso ko since high school. “Mas mahalaga ba sa inyo ang kompany kaysa sa akin, Dad? Why can’t you consider my feelings? Anak niyo ako! Bakit ipamimigay niyo ako sa taong ni kailanman di ko pa nakita?” naiiyak kong wika sa kaniya. Malungkot na lumapit si dad sa akin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko.  “Bethany, hija. This is not only for the company, but this is also to save your future. Malapit nang bumagsak ang kompanya natin dahil sa isyu ni Erasto Perez. Ayokong magdusa at maghirap kayo ni Bridget kapag mawala ang kompanya. Saan na tayo kukuha ng pera kung sakaling magsara na ito? Please take this a consideration too. Naniniwala akong matututunan mong mahalin ang magiging asawa mo, hija.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dad.  “How dare you to say that, Dad? This is so unfair! Wala kang alam tungkol sa akin. Why? Dahil puro negosyo lang inaatupag niyo ni Mommy. Ultimo favorite food ko at mga allergies ko, hindi niyo alam? No’ng graduation namin ni Bridget, nasa’n kayo? Business trip? Meeting? Mas marami pa ngang alam si Yaya Darina tungkol sa amin kaysa sa inyo, e. Nasa’n na kami ni Bridget sa puso niyo, Dad? And now, gagamitin mo ako para masalba ang negosyo? Hell no! Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. May karapatan akong tumanggi!”  Huminga ako nang malalim saka dala ng galit. Inis na tumalikod ako at naglakad palabas ng opisina niya. I couldn't take it any longer and had to run until I reached my room while crying. Naramdaman kong sinundan ako ni Bridget sa loob ng kuwarto. “Bethany,” mahinahog pagtawag niya sa pangalan ko.  Tumabi siya sa akin at hinaplos ang palad niya sa likod ko habang tumatangis ako. Mabuti na lang talaga na may kapatid akong handang damayan ako. Bridget is my twin sister. Siya ang pinakamabait sa aming dalawa. Masunurin siyang anak at sobrang talino niya. Mas may future siya kung ikukumpara sa akin. Kaya na niyang maging independent dahil sa dami niyang alam sa buhay. Adventurous din siya, di kagaya ko na puro party at pagpapakasarap lang sa buhay ang alam. Yes, I admit. Nag-rebelde ako dahil walang time ang parents ko sa amin. Pero mabait akong kaibigan kung mabait ka rin. Kaya siguro ako ang pinili ni Dad na ikasal because I’m hopeless in regards to my future. But I won’t let him change my future. Kay William lang ako, wala nang iba. “Wala na ata akong magagawa, Bridget. Natatakot ako na matuloy na talaga ang kasal ko,” maluha-luha kong sabi sa kaniya. “What if. . . tumakas ako sa kasal?” dagdag kong sabi nang humarap ako kay Bridget. Napakunot-noo si Bridget saka umiling.  “No. Mapapahiya ka lang at ang pamilya natin. I understand kung bakit ayaw mo dahil may mahal kang iba. But I understand our parents’ side.” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. “Ano? Mas kakampihan mo pa sila kaysa sa akin? Bridget naman! Nakalimutan mo na ba ang ginawa nila sa atin? Parang hindi naman sila mga magulang natin for not sharing their time to us. Anak nila tayo and we need them to comfort us no’ng panahong kailangan natin sila.” Bumuntong-hininga si Bridget saka ay muli siyang nagsalita. “Our parents are doing their best to support us. Wala tayo dito sa mansyon kung hindi sila nagsikap. Hindi rin natin mabibili ang mga bagay na gusto natin kung wala ang kompanya. Think of it, Bethany.” Napatayo ako sa galit ko sa kaniya dahil mas pabor ni Bridget na ikasal ako sa iba.  “Bakit gano’n? I thought you’re on my side?” “Yes. I am on your side. But dad is also right.” “Pero desperada na ako na hindi matuloy ang kasal ko next week. What if ikaw na lang tumayo bilang bride? Hindi ba’t gusto mo yung mapapangasawa mo na mayaman? This is your chance now. Siguro naman guwapo ‘yung magiging groom mo. Hindi ba?” Nanlaki ang mata ni Bridget nang sabihin ko ‘yon sa kaniya kaya napatindig siya at nagsalita. “What are you talking about, Bethany? You want me to take your place?” kunot-noong tanong niya sa akin. “Yes. Please?” Lumapit ako sa kaniya at nagmakaawang hinawakan ko ang braso niya. “Bridget, look. I know it sounds crazy but, I really need your help. Kahit. . . kahit magpanggap ka lang na ako sa araw ng kasal ko? H-hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na ikakasal ako sa iba. Paano na si William? Paano na kami?” Tanaw kong humugot nang malalim na hininga si Bridget.  “Ni hindi mo nga masabi sa kaniya na mahal mo siya, Bethany. Paano mo masasabing may pagtingin din siya sa’yo kung hindi mo aaminin? I remember last month no’ng high school reunion natin, akala ko talaga inamin mo na sa kaniya ang lahat.” Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng pagbitaw ko ng braso niya. “Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa amin ni William no’ng araw na ‘yon, Bridget.” Napataas ng kilay si Bridget. “What do you mean?” “Inamin niyang mahal din niya ako at dahil do’n may nangyari sa amin no’ng gabing ‘yon.” Nanlaki ang mata niya kasabay ng paghigit ng kaniyang hininga dahil sa gulat. Nakita kong napangiti siya sa narinig niya pagkuwan ay bigla niya akong hinagkan. “I am so proud of you, Bethany.” Humiwalay siya ng pagyakap at tiningnan niya ako. “Payag na ako sa gusto mo. Pero sa araw lang ng kasal, ah?” Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Siguro nakatadhana na talaga sa akin ang buhay ko sa ibang tao. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook