Naunang rumehistro sa kamalayan ni Elise ang mga boses at ingay sa paligid. Ikinurap-kurap niya ang mga mata, hanggang sa unti-unting sumilip ang isang guhit ng malabong liwanag sa kanyang paningin. Nakakasilaw ang liwanag kung kaya inangat niya ang kanang braso para protektahan ang naniningkit na mga mata. Kasunod noon ay ang paglinaw ng mga boses at ingay sa pandinig niya.
“Hoy! Kanina pa ako nagsasalita dito, tinulugan mo na pala ako. Pambihira!”
Nanggagaling sa kaliwa niya ang boses kung kaya dahan-dahang napalingon si Elise. Nabungaran niya ang isang babaeng maliit, bilugan ang mga mata at maliit ang mukha. Kulay kayumanggi ang balat nito. The woman is frowning. Walang dudang kay Elise nakasentro ang simangot nito.
“Huh?”
“Huh? ‘Yan lang ang sasabihin mo? Pagkatapos kong matuyuan ng lalamunan kaka-update sa ‘yo tungkol sa favor na hiningi mo noong isang linggo? Magaling!” Pumalakpak pa ang babae, halatang gigil na kay Elise.
Ganoon pa man, walang maramdamang animosity si Elise mula sa babaeng nangsesermon sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero magaan ang loob niya dito. Kahit na nagsusungit na ito sa kawalan niya ng response, hindi magawang mainis ni Elise. Sa halip, may sumisilip na pagkaaliw sa dibdib niya sa mga sandaling ‘yon.
Sasagot na sana si Elise nang biglang may kung anong pumitik sa sentido niya. Kasabay ng pagpitik na ‘yon ay ang pagkalat ng sakit sa buong ulo. Bigla niyang nasapo ang sariling ulo at napayuko. The barrage of memories flooding her head made her dizzy; her vision blurred. Humina rin ang lahat ng tunog sa pandinig ni Elise.
Like a deck of cards shuffled in a dealer’s hands, Elise’s memories came back to her in a faster pace than a racecar rushing on the speedway. Sa lahat ng ‘yon, pikit ang mga mata ng dalaga habang paisa-isang bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari sa nakaraan. Nagtapos ang mga daluyong ng alaala sa pagbagsak ni Elise mula sa ikalabing-apat na palapag ng gusali ng C&A Industries.
“Okay ka lang? Elisandara Cazares, ano ba! Huwag mo nga akong tinatakot. Diyos kang babae ka. Huy!”
Pilit na niyuyugyog ng katabi si Elise.Sa wakas ay napawi ang sakit sa ulo ni Elise. Pagdilat niya ay muli niyang tinitigan ang katabing babae.
“B-Bianca?” puno ng pag-aalangan ang boses ni Elise.
“Oo, ako si Bianca. Ako lang naman ang nag-iisang kaibigan mo dito sa mundong ibabaw. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? For a moment, I thought you’ve gone cray cray,” sabi ni Bianca na sinabayan pa nito ng pag-ikot ng daliri sa tapat ng kaliwang sentido nito.
Tama ang babae. Ito lang ang nag-iisang kaibigan niya; tunay na kaibigan. Kung hindi siya nagkakamali, bumalik siya sa nakaraan. Kung pagbabasehan ni Elise ang lugar kung nasaan sila naroroon sa kasalukuyan, bumalik siya nakaraang sampung taon. Ito ang mga panahong nahuhumaling siya sa asawang si Paulo. Ginawa niya ang lahat para mapasakanya ang lalaki.
She did everything in her power to put Paulo in power. Ginamit niya ang impluwensya ng pamilya, lalo na ang pamilyang pinanggalingan ng sariling ina. Bilang lehitimong anak at tagapagmana ni Carlito Cazares, siya ang may pinakamalaking bagahi sa mamanahin mula sa ama.
Sa kanilang tatlo, si Elise ang inaasahang hahalili sa posisyong iiwan ng ama. Pero sa halip na palitan si Carlito nang magretiro ito, ang asawa niyang si Paulo ang inilagay ni Elise sa posisyon. And that is her biggest mistake. Hinintay lang ni Elise na maipasa sa kanya ng ama ang posisyon bago niya inilipat sa asawang si Paulo ang lahat, kasama na ang lahat ng karapatan sa mga negosyo, ari-arian at pamumuno sa pamilyang itinatag ng mga ninuno niya.
Her father, although he approved of her marriage with Paulo, has always been against the idea of putting someone without Cazares blood in the position as the family head. Iyon din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon nilang mag-ama. Hanggang sa mamatay si Carlito ay hindi sila nagkaayos ni Elise. That matter added to one of Elise’s regrets in life.
“Biyang!” Impit na tili ni Elise sabay sunggab sa babae at niyakap ito ng mahigpit.
Dahil hindi inaasahan, hindi nakapaghanda si Bianca sa higpit ng yakap ni Elise. Kandaubo ito habang yakap ng kaibigan. Hindi ito makapagsalita, tinapik-tapik na lang ni Bianca si Elise sa balikat para bitiwan siya ng babae.
“H-Hindi ako m-makahinga!” nagawang sabihin ni Bianca saka pilit na kinakalas ang pagkakayakap ni Elise.
“Sorry!”
Muling napaubo si Bianca. Hawak nito ang sariling leeg saka inirapan ang ngayon ay nakangiting si Elise.
“May sapi ka bang babae ka? Kanina lang parang wala ka sa sarili mo. Tapos ngayon, papatayin mo naman ako sa higpit ng yakap mo!”
Natawa si Elise. “Sorry na, nabigla lang. Nakatulog ako eh, saka ang sama ng panaginip ko.”
“Ano ba ang napanaginipan mo?” tanong ni Bianca sabay abot sa margarita na nakapatong sa mababang mesa sa kaliwa nito. “How bad is your dream to make you act like that?”
“Namatay raw ako. In that dream, everyone I thought who was my ally have betrayed me. I lost everyone I care about.” Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Elise nang maalala ang nakaraan.
“Kasama ba ako doon sa nagtraidor sa ‘yo?”
Umiling si Elise. “No. You died for my sake.”
Napapalatak si Bianca saka muling sumimsim ng margarita.
“Damn right. In every universe, real or not, I will always be your best friend. Given na ‘yon na mamamatay ako para sa ‘yo. We’re tight. You know that.” Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Bianca. “Ikaw rin, alam kong gagawin mo ang lahat para sa akin. So it makes sense.”
Sa narinig ay hindi maiwasan ni Elise ang pangingilid ng luha sa mga mata. Pero bago pa malaglag ang mga ‘yon, umiwas ng tingin si Elise at ibinaling sa pool ang tingin. In her past life, Bianca stayed loyal to her even until her death. Ito lang ang natitirang tao na naniwala at naging kakampi niya sa lahat. And Bianca’s death was machinated by her husband and her biological sister.