Chapter 2

1283 Words
“Pera teka, bakit ba mga ganyan ang pinag-uusapan natin?” bawi ni Bianca, “Akala ko ba ‘yong favor na hinihingi mo ang pag-uusapan natin ngayon? Kinancel ko pa ang appointment ko sa salon para dito.” “Oo nga, bakit ba?” sang-ayon ni Elise. Umahon siya sa pagkakahiga sa longue chair at hinarap ang kaibigan. “Sige, update mo ako sa favor na hinihingi ko sa ‘yo. Napuyat ako sa pagbabasa kagabi kaya nakatulog ako habang nagsasalita ka.” Umingos si Bianca. “Babasahin mo na nga lang ‘yang file na binigay ko sa ‘yo, tinulugan mo pa.” “File?” takang tanong ni Elise. “Ayan,” itinuro ni Bianca ang sahig. Naroon ang nalaglag ang file na nakapaloob sa puting folder. Ilang pahina ng file ang bahagyang nakalabas. “Ito ba?” Pinulot ni Elise ang nasabing file. Mabilis niyang pinasadahan ng basa ang mga nilalaman nito. Ilang sandali pa ay isinara ng dalaga ang folder. Balewalang ipinatong niya sa tabi iyon at tinitigan ang kaibigan. “Hindi ko na pala kailangan ang mga impormasyong narito,” deklara ni Elise. Kunot-noong napatingin kay Elise si Bianca. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Noong isang linggo lang ay halos lumuhod ito sa pakikiusap sa kanya na gawan niya si Elise ng pabor. Isang pabor na ayaw sanang gawin ni Bianca pero wala siyang nagawa dahil importanteng kaibigan para sa kanya si Elise. Bagamat halos magkatulad ang background nina Elise at Bianca, ang mga kapatid ng huli ay eksperto sa pangangalap ng impormasyon. Sa mundong kinalakihan nilang magkaibigan, kapangyarihan ang kamtumbas ng impormasyon. Bianca hails from a family that specializes in information gathering and selling them for a high price. “Seryoso ka ba? Muntik na akong masapok ni Kuya Levi dahil sa pabor na hinihingi mo. Katulad ko, isang malaking pag-aaksaya ng panahon ang tingin niya sa pinagagawa mo. Kung hindi lang ako makulit, walang tatanggap sa trabahong inaalok mo,” sabi ni Bianca. “Kahit si Kuya Elroy, sinungitan lang ako nang ialok ko sa kanya.” Tumango si Elise. “Alam ko naman. Pero late na nang maisip ko. Now that I have seen that information in your report, I realized it’s useless. Still, I want you to continue. This time let’s shift the focus of the investigation elsewhere.” “Something else? What could it be?” “His business dealings. Sino-sino ang mga ka-meeting niya, mga ka-deal, anong mga projects ang prospects niya. Everything that involves his ambition to rise to power,” sabi ni Elise. Tinaasan siya ng kilay ni Bianca. “Eh, hindi ba ikaw ang pasimuno ng pagkilos para bumango si Paulo sa pang-amoy ng Daddy mo?” Wala sa loob na nahilot ni Elise ang noo. That was something she wanted to forget but she knew she couldn’t. Ang tanging magagawa na lang siguro niya sa pagkakataong ito ay ang tanggapin ang pagkakamali at ‘wag nang umulit. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng kapalaran at hindi niya dapat sayangin ‘yon. Not everyone is blessed with such opportunity to make up for all the mistakes in the past. “Hindi ko ide-deny ‘yan. But know this; I will no longer allow myself to get swept away by my stupidity. Gusto niyang marating ang tuktok? He should work hard to achieve it,” matigas ang boses na sambit ni Elise. Pumapalakpak si Bianca. “Wow! Nakatulog ka lang, nag-iba na ang ihip ng hangin. Posible ba ‘yon? O baka naman nananaginip ka pa rin? Kung nananaginip ka pa nga, mas gugustuhin kong ‘wag ka nang magising kung ganyan naman ang mindset mo.” Doon napangiti si Elise. “Siraulo ka talaga. Gising na gising ako, ‘no.” “Hindi nga? What changed? Hindi ko inaasahang maririnig ko sa ‘yo ‘yan isang araw. Though matagal ko nang ipinapanalangin na sana isang araw ay magising ka, I wasn’t ready for the change. Kurutin mo nga ako, baka ako pala itong tulog pala at nananaginip.” “Sabihin na lang natin na nanaginip ako at para bang ipinasilip sa akin kung ano ang kahihinatnan ko kung sakaling magtagumpay si Paulo,” mababa ang boses na usal ni Elise. “I have been telling you since day one, El. Mabigat talaga ang loob ko kay Paulo. There is a reason kung bakit hindi ko talaga siya bet. Kahit na ba puro magaganda ang ipinapakita ni Paulo sa akin. And you know what? That makes him more sus,” pag-amin ni Bianca. “Sorry kung matigas ang ulo ko noon.” Bianca flipped her shoulder-length hair. “Sorry is not necessary between us. We’re the best of friends. Regardless, you’re welcome. Tungkol doon sa favor na hinihingi mo.” Lumingon si Bianca sa likod at sinenyasan ang nakabantay na bodyguard. “My laptop please.” “Yes ma’am.” Saglit na nawala ang bodyguard at nang bumalik ay dala na nito ang hinihingi ni Bianca. “Let us get started,” Bianca winked at Elise. “His recent business dealings, you say?” Tumango si Elise. “Take note particularly what type of projects, please.” “Alright.” Mabilis na tumipa si Bianca sa keyboard ng laptop nito. Hindi rin naman nainip sa paghihintay si Elise dahil sa loob lang ng kulang-kulang limang minuto, tumigil si Bianca sa ginagawa at ipinasa sa kanya ang laptop. “Here.” Hindi inasahan ni Elise ang nabungaran. Pictures, profiles, agreements, surveillance videos, you name it all. Lahat ng ‘yon ay mayroon si Bianca. Sa dami ay hindi mapagdesisyonan ni Elise kung alin ang uunahin. Napahugot ng hininga si Elise at kunot-noong ibinalik kay Bianca ang laptop. “Uso ang mag-organize, Biyang. Nahihilo ako. Pakiaayos.” “Ay, sorry naman. Akina.” Mabilis na binawi ni Bianca ang laptop at inayos ang mga files. “O, siguro naman okay na ‘yan.” “Hmm. Much better.” Tuloy-tuloy ang pagbabasa ni Elise. Not until she came across a certain profile among the files. “What the eff you see kay!” Nabigla rin si Bianca. Napabangon ito mula sa pagkakasandal sa lounge chair. “What? Why?” Iniharap ni Elise ang laptop sa kaibigan sabay turo sa screen sa nanginginig na daliri. Nakabalandra doon ang isang litrato ni Paulo noong nag-aaral pa ito sa Amerika. But it wasn’t Paulo who was the subject of Elise’s disbelief. “What are the odds that Paulo and my sister has been quite close before I knew him?” “Ano?” Lumipat ng upo si Bianca sa tabi ni Elise. Tinitigan ng babae ang larawang tinutukoy ni Elise. “I don’t understand. Wala naman d’yan si Eliana?” Umiiling na itinuro ni Elise ang balikat ni Paulo. The image was cropped, but a female’s hand was on his shoulder. Elise zoomed the image and focused on the ring on the woman’s hand. “I have the same ring specially designed for us by Mommy given on our fifteenth birthday. Ang kaibahan lang, ‘yong birthstone. Ruby ‘yong sa kanya, turquoise ang akin. Remember the reason kung bakit nakipagsuntukan ako sa ex-gf ni Levi noong highschool? That girl stole my ring.” “Sigurado ka? Baka naman kapareho lang.” Umiling si Elise. “Clean the image then. Palinawin mo para mapatunayan ko sa ‘yo na hindi ako nagkakamali.” Ginawa nga ni Bianca ang sinabi ni Elise. Nang matapos ay muli nilang sinipat ang imahe. Pumitik sa hangin si Elise. “See? Four entwined twisted silver ropes, just like mine. Ganyan na ganyan ang band ng singsing ko, naalala mo?” “s**t. You’re right.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD