Chapter 3

1220 Words
She hadn’t meant to wake up. But the dream lingered—his voice, the rushing wind in her ears, the betrayal. Napaupo si Elise, malakas ang kabog ng dibdib saka inabot ang cellphone sa nightstand. Alas dos pa lang ng madaling araw. Outside, the wind whispered through the trees like a memory trying to return. Ipinilig ni Elise ang ulo, pilit na itinataboy ang mga alaala. It’s okay. You’re okay. You’re here, ten years back. Sa lagay niya ngayon, malabong makabalik siya sa mahimbing na pagtulog. Sa dami ng mga bagay na nakikipag-agawan sa atensyon niya nitong nakalipas na tatlong araw, palagi siyang hirap sa pagtulog. Pumintig ang sentido ni Elise. Walang magawa, tulungan na siyang bumangon sa kama at tinungo ang banyo. Medicine cabinet ang tinungo ng dalaga saka naghanap ng gamot para mabawasan man lang ang nararamdamang sakit sa ulo. Pagkasara ni Elise sa cabinet ay nahagip ng mga mata niya ang sariling repleksyon sa salamin. She inched closer to the life sized mirror mounted on one side of the bathroom wall. Napangiwi siya. She looked awful even in her own eyes. It wasn’t the crazy hair. It was her eyes. Nanlalalim ang magkaparehong mga mata ni Elise, nasisilip rin niya ang pagod sa mga iyon. And there’s one thing she noticed; the eyes looking back at her is not the eyes of a twenty-three-year-old woman in her prime. What she saw is older and solemn version of her. It makes sense. She is mentally thirty three. Marami na siyang karanasan at nalalaman tungkol sa paligid niya, sa mga taong nakapalibot sa kanya, at ang magiging kapalaran niya sa susunod na sampung taon. Baon niya ngayon ang mga nangyari sa kanya sa nakaraan, at iyon ang magiging sandata niya para baguhin ang buhay. With a glint in her eyes, her free hand closed into a tight fist on her side. Gagawin niya ang lahat para maiwasan ang naging kapalaran. With the knowledge of the future as her weapon, she will make sure to change the trajectory of her once tragic life. Or she will die trying. Pagkainom niya ng gamot ay inabot niya ang nakasarang laptop mula sa night stand. Tutal ay gising na rin naman siya, gamitin na lang niya ang pagkakataon para magtrabaho. Sa edad na beinte tres, hawak ni Elise ang responsibilidad sa isang maliit na sangay ng negosyong nasa ilalim ng C&A Industries. As a registered chemist, it is totally down her alley. Pagbukas ni Elise ng laptop ay tumambad sa kanya ang screen kung saan opisyal na logo ng EcoForm Technologies ang wallpaper niya. Nag-iisa lang ang icon na naroon sa buong desktop; isang folder. Pag-click ni Elise doon ay tumambad sa kanya ang mga listahan ng mga files na nakapaloob doon. She ignore everything except for the one labeled Project Vireon. Agad niyang binuksan ‘yon at nalantad ang kaisa-isang laman na file. The file is labeled as Strategic Analytics Division. Napangiti si Elise. Then she started working. Time flew fast without Elise noticing, until her phone buzzed in alarm. Doon pa lang itinigil ni Elise ang ginagawa. Alas sais na ng umaga. Halos tatlong oras din siyang hindi tumatayo sa ginagawa. She felt the aches on her shoulders but chose to ignore it. Sa dami ng nagawa niya sa loob ng tatlong oras ay kontento naman siya. By eight in the morning, nasa C&A Industries building na si Elise. Bitbit ang bag ay diretso ang dalaga sa elevator na sadyang para sa mga opisyal ng kompanya, kasama na ang mga sangay nito. Pero hindi lahat ng mga maliliit na sangay ng C&A Industries ay naroon sa building. Nagkataon lang na noong nakaraang buhay niya, pinili ni Elise na manatili ang operasyon ng EcoForm sa central headquarters ng C&A Industries. She was stupid. Ayaw niyang malayo kay Paulo noon. And look what it did to her? Palihim siyang napahugot ng isang malalim na paghinga habang hinihintay ang pagbubukas ng elevator. May mangilang-ngilan na rin siyang kasabayang mga opisyal na naghihintay. Sa loob ng higanteng C&A Industries, kakaunti lang ang nakakakilala sa kanya bilang anak ng presidente. Her last name, though Cazares, is attributed to her with just having the same family name with Cazares family. Walang kapangyarihan, maliban sa pagkakapareho lang ng apelyido sa pamilyang nagmamay-ari ng kompanya. Iyon ang nakalagay sa resume niya nang mag-apply siyang OJT noong kolehiyo sa C&A Industries. She had her father conceal her real identity for security purposes and to avoid attracting unnecessary attention. All she asked her father was to conceal her connection to the family and everyone who has knowledge about her real identity. Nakapasok siya sa kompanya nang walang sinasandalan kundi ang sariling kakayahan. Hindi rin iisa ang nagtanong sa kanya sa interview kung ano ang koneksyon niya sa mga Cazares. Sa tuwina, iisa rin ang isinasagot ni Elise. No connection. Hindi kagaya ng nakatatanda niyang kapatid na si Eliana. Ito lang ang lantad sa publikong anak nina Sandro at Claudia Cazares. To which ay ipinagpapasalamat ni Elise. Malaya siyang nakakakilos bagamat may mga lihim na nagbabantay. Kung kaya walang naiilang sa kanya na empleyado. Ang alam ng publiko, isa lang siyang batang namumuno sa EcoForm Technologies sa edad na beinte tres. She earned her position because of her intelligence and capability to lead. Sa wakas ay bumukas ang elevator. Pag-angat ng tingin ni Elise ay agad na tumambad sa kanya ang mukha ni Paulo, kasama ang executive assistant nitong si Matthew. Agad ang pagkabog ng dibdib ni Elise at hindi kaagad nakagalaw. Para siyang napako sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki. Hindi dahil nabighani siya sa tikas at kaguwapuhan ni Paulo, kundi parang rumaragasang baha na bumalik sa alaala ni Elise ang gabing itinulak siya ng lalaki sa kamatayan. Habang paulit-ulit na nagpi-play sa isip ng dalaga ang trahedyang sinapit ay unti-unting napapalitan ng pagkamuhi ang emosyong naunang namahay sa dibdib niya. Her hold on her hand bag tightened, turning her knuckles white. Huli na nang mapansin ni Elise na nakuha na pala niya ang atensyon ng lalaki. Nakita siya ni Paulo sa ganoong ayos at pati ito ay natigil rin sa gagawin sanang paghakbang palayo. Nakapasok na ang lahat ng kasabayan niyang naghihintay sa elevator at siya na lang pala ang naiwang nakatayo doon. “Miss Cazares, hindi ka ba sasabay?” Boses babae ang narinig ni Elise mula sa loob ng elevator. Nang ibaling ni Elise ang tingin sa nagsalita ay nakilala niya ito. Hindi niya kaagad mahagilap sa isip ang pangalan pero nakakasabay niya ito madalas sa cafeteria tuwing tanghalian. Hindi sila close pero nakakausap naman niya ito paminsan-minsan. They’re acquaintances at most. “S-Sasabay. Salamat!” Mabilis na kumilos si Elise at pumasok sa elevator. She avoided making another eye contact with Paulo. Masyado siyang naging abala sa muli niyang pagbabalik kung kaya nawala sa isip niya na maaari niyang makasalubong si Paulo sa headquarters isang araw. And when the elevator door is finally closing, it was then that Elise finally found the courage to look up. Sa pagitan ng paliit na paliit na siwang sa pinto, nahagip ng paningin ni Elise si Paulo na nakatayo pa rin kung saan ito natigil kanina. On his face was a puzzled look Elise never bothered to care about. Her vow resounded in her mind. Never again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD