Tahimik ang umaga sa San Juan warehouse. Sa command vault, gising na gising na si Bianca. Her fingers gliding across the console as she rerouted the Tier 3 protocols. The system pulsed with quiet urgency.
“Trace confirmed,” kompirma ng dalaga. “New warehouse, Quezon City. Abandoned but active. Carmela’s last known location.”
Tahimik na pumasok si Elise, suot pa rin ang jacket na bahagyang basa pa mula sa ulan kagabi. She didn’t speak. Hindi na kinakailangan pa.
Napasulyap si Bianca sa kaibigan. “Tier 3 is ready.”
Tumango si Elise. “Deploy.”
---
Magdamag na halos walang itinulog si Carmela. Pagkatapos ng pag-atake kagabi, kusa siyang lumipat ng lugar kaagad. Pinalitan na rin niya ang mga nasawing bantay niya. For now, she’s waiting for Eliana to come and save her. And the waiting is slowly killing her. Her eyes were bloodshot, her breathing shallow.
She closed her eyes but the memory persisted. Sa dingding ng silid, nanatili ang pulang mga salitang nakasulat—YOU WERE SPARED. Hindi niya alam kung sino ang sumulat, pero alam niyang hindi ‘yon hallucination.
She tried to stand, pero nanghihina ang mga tuhod niya. Her body remembered the restraints. Her mind remembered the silence. She reached for the broken burner device, hoping to find a signal.
Wala. Wala kahit ano.
Then the lights flickered.
---
Back in San Juan, William stood in the vault, arms crossed, eyes sharp. He wasn’t just observing anymore. He was calculating.
Though he had no hand in building Vireon Systems—the sandbox, Echo Layer, and vault were Bianca and Elise’s creation—he knew how to read their rhythm. Alam niya kung paano makinig sa mga bagay na hindi binabanggit o sinasabi ng bibig.
“Tier 3 is not just a protocol,” sabi ni William. “It’s a declaration.”
Nag-angat ng tingin si Bianca mula sa binabasang mga data. “You want to escalate?”
Tumango ang binata. “Ang tagal nating naging reactive. Mythos is writing the narrative. Kailangan nating bawiin ‘yon, kailangan nating mabawi ang kontrol na sa simula ay atin na talaga.”
Hindi natinag si Elise. “Tier 3 is surgical. You want precision, not noise.”
Humakbang papalapit sa dalaga si William, seryoso ang mga mata. He stopped within half a foot’s distance from the tips of Elise’s boots.
“I want control.”
Pero hindi sinabi ng binata kung anong uri ng kontrol ang gusto nito.
---
That afternoon, William left the warehouse without a word. Nasa rooftop na naman si Elise. Bianca was calibrating Tier 3. Walang nakapansin sa dalawang babae sa pag-alis ni William.
Sa isang private floor sa Makati, William entered a secured briefing room inside Kintara Dynamics HQ. The walls were lined with encrypted panels. No syndicate insignias. No traceable feeds.
Tatlong operatiba ang naghihintay sa lalaki—tahimik, tago ang mga mukha at lahat may hawak-hawak na tablet na naglalaman ng mga datos.
“Begin,” utos ni William.
The first operative projected a map of Mythos-related strikes. “Pattern is consistent. Lahat ng mga target ay may kaugnayan sa sindikato. Lahat ng trabaho ay sobrang linis, surgically precise and efficient. No collateral.”
The second operative spoke. “We’ve traced the Pasig warehouse breach. Walang digital entry. Wala ring thermal signature. Pero may isang anomalya—ang signal distortion ay tugmang-tugma sa frequency ng Tier 3.”
Gumalaw ang panga ni William sa narinig. “Kailanman ay hindi naisapubliko ang frequency na ‘yan.”
The third operative handed him a tablet. “Naniniwala kaming may access sila sa vault-level protocols.”
Hindi na nagulat si William. Nang marinig niya ang findings ng pangalawang operatiba, parang inasahan na niya ‘yon. “Then we rewrite the vault.”
He didn’t mention that the vault wasn’t his to rewrite.
---
Quezon City. Mythos moved again.
Walang ingay, walang pag-aatubili sa mga kilos.
Tatlong bagong guwardiya ang naka-assign sa perimeter. Isa sa harap, dalawa sa likod. They were armed, alert, and unaware. The first one turned toward the alley.
Isang dart ang tumama sa leeg nito. Kasabay ng pagsinghap ng guwardiya sa pagtatangka nitong sumigaw para balaan ang mga kasama ay bumagsak ito. Ganoon lang kabilis, wala na itong buhay.
Narinig ng pangalawang guwardiya ang tunog ng pagbagsak, kung kaya inabot nito ang radyo. A blade sliced through the air. Hindi na rin ito nagkaroon ng pagkakataon na tumawag ng back-up.
The third guard saw movement—just a flicker. Pagkatapos ay wala na.
---
Carmela heard the bodies fall. Literal na nanigas ang babae sa kinatatayuan. Sa pintuan, may aninong dumaan. Walang ingay ang mga yabag, walang boses ang may-ari. Just presence. Agad na umatras si Carmela sa isang sulok, nanginginig ang buong katawan habang mailap ang mga mata.
Then the door creaked open. A figure in black emerged. Faceless. Voiceless. Nameless.
Mythos.
Hindi sumigaw si Carmela. Hindi dahil sa ano pa man kundi dahil hindi niya magawa. Her throat closed up, refusing passage of her voice.
---
Elise stood alone, staring at the skyline. Sa kanyang kamay ay hawak ang niya ang pendant na ibinigay ng inang si Claudia—isang paalala ng katahimikan, ng kontrol, ng dugo.
William returned just before sundown, his expression unreadable. Doon na niya naabutan si Elise sa rooftop nang mapansing wala ito sa baba.
“You’re quiet,” sabi niya.
“I’m thinking,” sagot ni Elise.
William studied her. “You ever wonder what makes someone disappear so completely?”
Walang sagot o reaksyon galing kay Elise. Nanatili itong nagmamasid sa kalangitan, na para bang naroon ang lahat ng mga kasagutang hinahanap nito.
“Carmela’s new safehouse was hit again,” dagdag ni William. “Three more guards. No trace. Same signature.”
Humarap sa binata si Elise. “Mythos?”
William nodded. “Whoever they are, they’re not just skilled. They’re surgical. Sobrang pulido at linis ng trabaho.”
Kalmado ang boses ni Elise nang muling magsalita. “Then they’re dangerous.”
Pinakatitigan siya ni William, nang-aarok ang mga mata. “Hindi ka nagulat.”
“I’ve seen worse.”
---
When Eliana received the report, she didn’t flinch. Ipinagpatuloy lang ng babae ang ginagawang pagbabasa at pagpirma sa mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng executive table nito.
“Carmela’s compromised,” sabi ni Sally. “She’s no longer viable. Pero may utak din naman pala, she relocated herself.”
Eliana tapped her desk. “Then we cut her loose.”
“But Mythos—”
A smile bloomed on Eliana’s beautiful face. “Let Mythos keep winning. For now.”
---
That night, William returned to Kintara HQ. Nakatanggap siya ng tawag na may resulta na ang pinapagawa niya. His operatives had compiled a new report—anomalies in Elise’s movement logs, inconsistencies in vault access timestamps, and a blurred frame from the Pasig breach.
Titig na titig si William sa imaheng nasa monitor, para bang matutunaw ito sa sandaling hiwalayan niya ng tingin. Malabo ang imahe. But it was awfully familiar.
“Run a cross-check,” utos niya. “Compare Elise’s Tier 2 deployment window with Mythos’s strike timeline.”
Parehong nag-atubili ang mga operatiba.
William’s voice dropped. “Do it quietly.”
---
Sa vault, Bianca reviewed the Tier 3 footage. Blurred frames. Static. Walang mukha. Walang kasarian.
She turned to Elise. “Nagtatanong na sila.”
Balewalang itinuloy ni Elise ang ginagawang pagrereview sa dokumentong hawak niya. “Let them.”
Nang muling magsalita si Bianca, hindi maitago ang pag-aalala sa boses nito. “William’s digging.
Elise paused. Pinag-isipan niya nang ilang sandali ang isasagot sa kaibigan. Sa huli ay napabuntong-hininga ang dalaga. “He won’t find anything.”
---
Carmela was left alive again.
Walang salita.
No wounds.
Purong katahimikan lamang. At isang bagong mensaheng nakasulat sa pulang pintura:
YOU’RE NOT THE TARGET.
She collapsed.