Chapter 12

1588 Words
Sa command vault ng San Juan warehouse, Bianca was monitoring the Tier 3 deployment logs. Malinis ang system—walang anomalya, walang mga babala. Lahat ay nangyayari base sa disenyo ni Elise. “Nasa Quezon City pa rin siya,” pagbibigay-alam ni Bianca. “But she’s not trying to run anymore.” Balewalang tumango si Elise. “Naghihintay siya.” Nilingon ni Bianca ang kaibigan, nakakiling ang ulo sa kaliwa. “Or she’s unraveling.” Hindi sumagot si Elise. Nakatutok ang mga mata niya sa mapa habang tinutunton ng mga daliri sa kaliwang kamay ang mga ruta. The silence between them wasn’t cold—it was calibrated. Kilala ni Bianca ang kaibigan. Kapag ganitong parang wala sa sarili si Elise ay nag-o-overtime ang utak nito sa pag-iisip. She may look like she’s absent minded, but the truth is far different from what Elise’s letting on. For all Bianca know, sampu na ang naiisip nitong mga plano, counterattack and the likes. Kaya na lang ni Bianca ang kaibigan at hinarap ang patuloy na pagmomonitor sa Tier 3. Sa tagal ng pagsasama nila ni Elise, alam niyang ang kailangan ng kaibigan ngayon ay ang maasahang kakampi sa lahat ng labang kinakaharap nito. --- Sa loob ng facility sa Quezon City, Carmela sat in silence. Wala mang kagalaw-galaw ang katawan niya pero ang utak ng babae ay parang ipu-ipong umiikot. Samut saring palaisipan ang nag-aagawan sa isipan niya ngayon. She was spiraling down into madness. Hindi maalis-alis sa alaala niya ang mga nakasulat sa dingding. YOU’RE NOT THE TARGET. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy. Kung siya man ‘yon, that explains everything. But the big WHY remains unanswered. Hindi rin niya alam kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. It felt like a joke for Carmela. Para bang pinaglalaruan ng kung sino ang buhay niya. Nakadepende dito kung kailan siya mamamatay o hanggang kailan mananatiling buhay. She tried to recall the figure in black. Walang mukha. Walang kasarian. Walang ingay. Pero ramdam niya ang presensya—parang multo na may sariling bigat. Mythos. She whispered the name like a prayer. Or a curse. Renzo Valerio, the behavioral analyst assigned by Eliana, entered the room. Calm, clinical, and unreadable. “You’re safe now,” sabi ng lalaki sa kanya. Carmela didn’t respond. “You were spared twice,” pagpapatuloy ni Renzo. “That means something.” Basag ang boses nang sa wakas ay magsalita si Carmela. “Ibig sabihin lang noon ay pinaglalaruan nila ako.” Renzo leaned forward. “Or it means you’re useful.” Tumawa si Carmela—dry, broken. “Useful? I’m a liability.” Ni hindi man lang natinag si Renzo. Blangko pa rin ang mukha nito nang muling magbitiw ng salita. “Not to Mythos.” --- Back in Makati, William was in his Kintara Dynamics office, not the warehouse. He had meetings lined up—two with defense contractors, one with a cybersecurity firm in Tokyo. Pero wala doon ang isipan niya kundi nasa ibang lugar. He opened a secure channel. “Status,” utos niya. Sumagot ang lead analyst ni William. “Natapos na naming ang cross-checking. Elise’s Tier 2 deployment window overlaps with the Pasig breach by seven minutes.” Nangunot ang noo ni Willian sa narinig. Somehow, he expected that but at the same time, a part of him wishes he didn’t. “Any visual confirmation?” “Wala. Pero sobrang linis ng timing.” Napasandal si William sa kinauupuan. Saglit siyang natigilan, para bang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin. “Keep digging. Quietly.” He didn’t mention Elise’s name again. Not yet. He opened another file—one labeled Vault Echo Drift. Naglalaman ‘yon ng mga maanomalyang signal mula sa tatlong huling pag-atake ng Mythos. All of them matched Vireon’s Tier 3 frequency. Pero alam ni William ang katotohanan: wala siyang kinalaman sa Vireon Systems. The sandbox, Echo Layer, and vault were Bianca and Elise’s creation. Ang puwede lang niyang gawin ay magmasid pero hindi niya kailanman puwedeng palitan o baguhin ano man sa protocols nito. Unless he built something better. --- That evening, Elise returned to EcoForm TechnologiesHQ. May board meeting siya sa loob ng dalawampung minute. Medyo basa pa ang buhok niya mula sa anggi ng ulan, pero walang anomang mababakas sa mukha ng dalaga. Sinalubong siya ni Bianca sa elevator. “Nagtatanong ang mga investors tungkol sa expansion ng sandbox” Elise nodded. “Sabihin mo sa kanila na ahead tayo sa schedule.” “And the vault?” “It’s breathing,” mababa ang boses na sagot ni Elise. Mahirap na, maraming tainga ang nagkalat sa bawat sulok ng gusali. Masyadong maparaan ang kapatid niyang si Eliana, hindi makakasakit kung mag-iingat siya. They stepped into the boardroom together, masks on. Outside, Mythos was already moving. --- Sa loob ng Quezon City facility, Carmela received a new message. No device. No signal. Just a slip of paper under her pillow. You were spared twice. The third time, you won’t be. Sindak na napasigaw si Carmela. Kasunod noon ay humahangos na pumasok ang mga guwardiya, kasunod si Renzo. Pero wala man lang bakas kahit binalikan nila ang mga CCTV feeds sa nakalipas na twenty-four hours. Na para bang guni-guni lang lahat ni Carmela at hindi totoo ang mensaheng nakasulat sa papel. Wala silang nakita kahit ilang beses nilang ulit-ulitin ang naka-record na video. It was just Carmela. And the message. Renzo watched her collapse. “She’s nearing the edge,” bulong ng lalaki comms. Eliana’s voice replied, cold and clear. “Let her fall.” --- Later that night, Elise stood alone in the rooftop garden of Vireon. The city lights flickered below, blurred by mist. Sa kanyang dibdib, may gumagalaw—hindi takot, kundi pagod. Hindi galit, kundi lungkot. William arrived without warning. “You’re not at the warehouse.” Mas lamang ang statement kaysa sa puna sa boses ni William. “I have a company to run,” sagot ni Elise. Tinabihan si Elise ng binata sa pagkakatayo. “Ako rin naman.” Tahimik silang nagkatitigan. “You ever think about leaving all this?” tanong ni William. Hindi kaagad nakasagot si Elise. Makalipas ang ilang sandali na halos umabot na ring n ilang minute, sumagot ang dalaga. “I think about what it would cost.” William’s voice softened. “And what would it cost?” Tuluyang humarap si Elise sa binata. “Lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng mga inilibing ko na.” William’s gaze didn’t waver. Hindi siya nagbawi ng tingin o umiwas. Somehow, he wanted Elise to see that there is no pretense in his words. “Hindi mo kailangang ilibing ang lahat nang mag-isa.” Pero si Elise ang unang sumuko, iniwas ang tingin. There was a certain weight in William’s eyes that she couldn’t deal with. Not now. Ni hind nga niya masiguro kung handa ba siyang pagtuunan ‘yon ng pansin kahit mabigyan pa siya ng pagkakataon. She was given one chance to make everything right, and Elise would be a fool to waste it. “I’ve always done it alone.” Hindi na nakipagtalo sa dalaga si William. He just stood beside her, letting the silence speak. Then, Elise heard him as his voice softly travelled to her ears. “You’re not alone now.” Hindi sumagot si Elise. But she didn’t walk away either. --- Nang sumunod na araw sa sa Kintara HQ, nakatanggap ng report si William. Natunton ng mga operatiba niya ang signal distortion sa isang facility sa Quezon City—Tier 3 frequency na naman. He stared at the data. “Vault-level access,” sabi ng analyst. “But it’s not coming from Vireon.” William narrowed his eyes. “Then someone’s replicating Elise’s architecture.” Hindi man niya isinaboses pero alam niya: Hindi basta-basta nag-i-infiltrate si Mythos. Mythos was learning. Binuksan ng binata ang isang bagong directive: Kintara Echo Protocol. A shadow vault. Untraceable. Walang kinalaman o koneksyon sa Vireon. Built to listen, not to speak. --- Samantala sa command vault, muling pianood ni Bianca ang Tier 3 footage. Blurred frames. Static. Walang mukha. Walang kasarian. Nagsalubong ang mga tingin nila ni Elise. “Nagtatanong na sila.” Balewalang itinuloy ni Elise ang ginagawang pagrereview sa dokumentong hawak niya. “Let them.” Nang muling magsalita si Bianca, hindi maitago ang pag-aalala sa boses nito. “William’s digging.” Elise paused. Pinag-isipan niya nang ilang sandali ang isasagot sa kaibigan. Sa huli ay napabuntong-hininga ang dalaga. “He won’t find anything.” Bianca hesitated. “Unless he builds something of his own.” Nagkibit-balikat si Elise pero hindi itinigil ang pagbabasa sa hawak. “Then we listen.” --- Sa Quezon City, muling kumilos si Mythos. Walang ingay, walang pag-aalinlangan. Tatlong bagong guwardiya ang naka-assign sa perimeter. Isa sa harap, dalawa sa likod. They were armed, alert, and unaware. The first one turned toward the alley. A dart hit his neck. He dropped. Narinig ng pangalawang guwardiya ang tunog ng pagbagsak. Dahan-dahan nitong inabot ang radio na nakasukbit sa bandang dibdib nito. A blade sliced through the air. He didn’t get the chance. The third guard saw movement—just a flicker. Then nothing. Carmela heard the bodies fall. Natigilan siya. Sa pintuan, may aninong dumaan. Walang kaingay-ingay ang mga yabag. Just presence. Napaatras si Carmela sa isang sulok, nanginginig ang buong katawan. Then the door creaked open. May isang pigurang nababalot sa itim ang iniluwa ng pinto. Walang mukha, walang boses, walang pangalan. Mythos. Carmela didn’t scream. She couldn’t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD