Third Person's POV
Naglalakad ngayon si Gweneivere papunta sa office ni Sir Aoi ang kanilang Bojutsu teacher, walang nagkalat na estudyante dahil nasa klase pa silang lahat
Walang katok katok niyang binuksan ang pintuan, pagkapasok niya ay nadatnan niyang nagbabasa si Sir Aoi
Matuto ka namang kumatok minsan, baka atakihin ako sa puso dahil sa biglaang pagbukas mo ng pinto – sabi ni Sir Aoi
Tss – sagot naman ni Gweneivere
So where have you been this past 2 months? – tanong ni Sir Aoi
Bahay – maiksing sabi ni Gweneivere
Anong nangyare? – tanong niya
Si Sir Aoi lang ang natatanging teacher nila na iginagalang ni Gweneivere, malaki ang respeto niya dito, dahil ito ang nagturo sa kanya kung paano maging malakas, hindi man siya gumamit ng honorifics tuwing kausap ito ay iginagalang niya pa rin ito sa pamamagitan ng pagsabi ng saloobin niya at pakikinig sa mga salita nito, madalang siyang pagsabihan nito kaya naman sa tuwing kinakausap siya nito ay talagang sinusunod niya ito..
I was kept in an empty room – sabi ni Gweneivere habang nakatingin sa kawalan
Nanatiling tahimik si Sir Aoi, bilang hudyat na ituloy niya lang ang pagsasalita
No windows.. no beds.. no tables.. no chairs..
My heart feels like burning.. It feels like it will explode..
My body feels weak outside but strong inside,
Those days I don't even know if I can handle it..
I am afraid.. what if it overcomes my whole body?
What if.. I become a monster? – sabi ni Gweneivere
But you succeeded – nakangiting sabi ni Sir Aoi
Napangisi naman si Gwseneivere
Because you teach me how to fight with it – nakangiting sabi ni Gweneivere
This is just the beginning gwen, you should prepare yourself everyday – sabi ni Sir Aoi
Do not let you guard down – sabay na sabi nila at saka sabay na natawa
So Miss Ivashkov, I heard that you cause trouble again – natatawang sabi ni Sir Aoi
Psh, she's annoying – nakasimangot na sabi ni Gweneivere
Please stop causing trouble Ivashkov – seryoso namang sabi ni Sir Aoi
I'll try! – sagot naman ni Gweneivere
Napailing na lang si Sir Aoi sa katigasan ng ulo nito
and please obey the school policy, wear your school uniform, stop wearing black jeans, black shirt and jacket – sabi ni Sir Aoi
oo na – sabi ni Gweneivere at naglakad na palabas ng office
Rocco's POV
Cooking class naman kami ngayon gustong gusto ko din to kasi pagkain haha mahilig kaming kumaen ni Drex eh, pastry na ang lesson ngayon, kaya naman napagisipan naming cake ang gawin
At kakaiba ang naisip naming ibake ngayon Avocado cake, by group din kami, kaming tatlo syempre ang magkagrupo sino pa ba? haha
Malapit na kaming matapos sa cake na ginagawa namin, natatakam na nga ako eh, nandito nga rin pala si Savannah, nanonood siya sa amin, muka ngang close sila ni Miss Maisie, kasi hinayaan niya lang si savannah at isa pa naguusap din sila minsan
Time's up! – sabi ni Miss Maisie, sakto naman ang tapos namin, maya maya biglang bumukas yung pinto nung cooking room, napatingin kami doon
Another troublemaker – bulong ni Drex
Omygosh she's here
Waah buti na lang
Oo nga may ginawa ako para sa kanya
Oh mukang bumalik ka na nga ah, welcome back – sabi ni Miss Maisie
Yeah – sabi ni Gweneivere at saka pumunta sa table kung saan nandon yung mga ginawa namin
Tagal mong tumakas ah – sabi ni Miss Maisie
Namiss niyo ko no – sabi ni Gweneivere habang tinitikman yung mga gawa namin, siya ba talaga taga tikim?
Hahaha, obviously medyo tahimik ang school which is weird – natatawang sabi ni Miss Maisie
I like this – sabi ni Gweneivere, sinilip ko yung tinutukoy niya, at natuwa ako dahil amin yon haha
Really? So please come forward yung mga nag gawa nito – sabi ni Miss Maisie
Nakita kong napangisi si Savannah, lumapit na kami sa unahan, napatingin naman si Gweneivere sa amin
You like it coz you love avocado – sabi ni Savannah
Bingo! – sabi naman ni Gweneivere na may pag turo pa kay savannah tas kumidat pa, na siyang inirapan lang ni Savannah
Omygosh same kami!
Oo nga!
Pre tandaan mo yun
Dahil nagustuhan ni Gwen ang inyo, kayo ang may highest grade and i-box niyo na yang cake niyo – sabi ni Miss Maisie
Hey Maisie gusto ko rin eto, eto, eto at eto – turo ni Gweneivere sa ibang gawa ng mga kaklase ko
You heard it – sabi ni Miss Maisie at saka naman nagmadali yung mga kaklase namin na ibalot ang mga gawa nila
Miss Maisie gusto rin naman naming tikman ang gawa namin – sabi ni Drex, na sinangayunan ko naman, tinignan ko si Ice pero mukhang ayaw niya naman
Oh – sabi ni Gweneivere at saka kinuha yung isang slice na may bawas na yun yung nakalagay sa table kanina
Ayaw namin ng tir–- hmpp – naputol ang sinasabi ni Drex nang isubo ni Gweneivere yung tinidor na puno nung Avocado Cake
Tikim lang ang sabi mo – sabi ni Gweneivere, kita ko naman ang masamang tingin ni Drex kay Gweneivere
Gweneivere eto na yung akin
Eto yung akin, tas ginawan din kita ng Crème Brulee
Gweneivere ginawan kita ng chocolates
Uhmm here's my strawberry crepe for you
Napatingin kami sa mga kaklase namin na may kung anu anong box na inaabot kay Gweneivere
Bring it to my room – sabi ni Gweneivere, dali dali namang nagsilabasan ang mga kaklase namin
Mukang balik sa dati ang cooking class ko ah – sabi ni Miss Maisie
Thanks for the food maisie! – sabi ni Gweneivere sabay agaw nung box na hawak ko huhu di ko manlang natikman, lumabas na sila ni Savannah sa room naiwan na lang kami
Bakit po hinahayaan niyo siyang tawagin kayo sa pangalan? – tanong ni Ice
She's not into honorifics, and one more thing masarap maging kaibigan ang dalawang yon – natatawang sabi ni Miss Maisie
Pero kahit na po you should be respected, teacher po kayo eh – sabi ni Ice, tumawa naman si Miss Maisie
Yes I know but those two are trouble makers the more you push them to do what they don't want to do, the more they will disobey you, and they do respect me in their own ways – nakangiting sabi ni Miss Maisie
Bakit po parang ang laki ng tiwala niyo sa kanila? – tanong ko
Because they're extraordinary – sabi ni Miss Maisie, napakunot ang noo naming tatlo, dahil naguguluhan na kami
They are one of the shield of this school, they protect us kahit na sakit sila sa ulo ng mga admin ng school – natatawang sabi ni Miss Maisie
Soon maiintindihan niyo din ako, bago pa lang kayo dito, kaya naman naguguluhan pa kayo, this school is not ordinary I know you know that – sabi ni Miss Maisie at saka tuluyan ng umalis
Litong lito kami sa mga sinabi ni Miss Maisie, pero I know soon maiintindihan din namin ang lahat
♡ ♡ ♡ ♡ ♡