~After 3 days
Third Person's POV
Excited silang pumasok ngayon dahil exciting ang subject nila bukod sa first subject nilang Mathematics, habang naghihintay sa teacher nila ay kanya kanyang kwentuhan sila, rinig na rinig ang ingay nila sa hallway
Drex dapat pala di na tayo pumasok ngayon – bored na sabi ni Rocco
Tss kaw nga dyan yung excited na excited tas ngayon bored ka – sabi ni Drex
eh kasi naman naexcite ako sa Hapkido, Fencing at Cooking class - sabi ni Rocco
Mamaya pa yon – sabi naman ni Drex
BLAAG
Napatingin sila sa pinto, at nakita ang babaeng may green na buhok na nagmamadaling pumasok, nilibot nito nag paningin sa buong paligid
Here comes the trouble maker – bulong ni Rocco at Drex
Naglakad ito papunta sa may likod, at lumapit sa lalaking nakaupo sa may bintana
Ganda niya talaga!
Oo nga parang model
Kaso pasaway!
Alis dyan – sabi niya, dali dali namang umalis ang lalaki, umupo siya doon at saka nilibot ang tingin
Wag niyo kong pansinin dito at huwag kayong maingay na nandito ako – sabi niya saka hinablot ang libro nung katabi niya at saka nagtago doon
Good morning everyone – bati ng babaeng kakapasok lang
Napakunot ang noo ng mga estudyante dahil ngayon lang nila ito nakita
I'm Lucy Guevara your temporary teacher in Math, Sir Flores has an important meeting kaya wala siya ngayon – mataray na sabi nito, magsisimula na sana ang klase nang bukas ang pinto
BLAG!
At saka pumasok ang blonde na babae
OMYGOSH!
She's here!
Am I Dreaming?!
What the f**k? – bulong ni Drexel
Excuse me? Don't you know how to knock? – masungit na sabi ng teacher, pero hindi ito pinansin ng babae nilibot niya ang tingin sa buong paligid, huminto ang mga mata niya sa isang direksyon, nagtama ang paningin nila, naglakad siya papalapit doon, hindi niya inaalis ang tingin sa taong iyon, ang taong iyon naman ay nakatingin na sa ibang direksyon
Have we met? – tanong niya
h-ha? New student lang ako dito, paano naman tayo magkikita? – sabi naman ng taong iyon na si Icelle, na nakaupo sa harap ni Drexel
napangisi naman ang blonde na babae
Malaki ang mundo Miss, hindi lang tayo dito pwedeng magkita – sabi naman niya
Ahm.. pero ngayon lang kita nakita – sabi naman ni Icelle
How ill-mannered you are young miss – singit ng teacher nila, napalingon naman yung blonde na babae sa kanya
And who are you? – sabi nito
You should know how to respect! I'm a teacher here! And you're not even wearing uniform! Are you a student here?! – sigaw nito
I don't care if you're a teacher here or the owner or whatsoever –sabi naman nito at saka binalik ang tingin kay Icelle
Really? Okay, siguro nga kamuka mo lang – sabi niya dito, agad naman niyang hinablot ang unang librong makita niya at saka ito hinagis patungo sa may bintana
Aww! – daing nung natamaan niya
Bilis talaga ng kamay ng snatcher..
Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses at napangisi ng makilala ito
It's him, the guy who has a fresh blood, kaya pala pamilyar ang amoy – sabi niya sa isip niya
Hoy babae stop hiding, mukha kang tanga – sabi naman ng babaeng Blonde
Tsk! – sabi ni Savannah ang babaeng may green na buhok, at saka padabog na tumayo, lalabas na sana sila ng magsalita si Ms. Lucy
I'm going to report you! – sigaw nito
Go on, gusto mo.. samahan pa kita? – sabi nung blonde girl at saka tuluyan ng lumabas sa room
Napuno ng bulungan ang room, yung iba mga nagtawanan pa dahil sa pagpapahiya sa teacher nila
BOOGGSSH!!
Natahimik ang lahat ng ibagsak ni Ms. Lucy ang mga libro sa table
What is the name of that girl? – galit na tanong ni Ms. Lucy
May mga ilang bulungan ang narinig kaya napuno ng ingay ang room
BOOGGSSHH!
Natahimik nanaman sila ng ihampas ni Ms. Lucy ang mga kamay niya sa table, si Drexel ay nakamasid lang sa mga nangyayare, nakikinig siyang maigi sa mga bulungan, may nagtutulak kasi sa kanya na makinig, at may part sa kanya na gusto niyang malaman ang pangalan nung blonde na babae
ANSWER ME! – sigaw ni Ms. Lucy
Matapos ang ilang saglit na katahimikan ay may naglakas loob ng nagsalita
Gweneivere Ivashkov – sabi ng isa sa estudyante niya
Yare!
Oo nga!
Hahaha! May mapagtitripan ata!
Napakunot ang noo ni Drexel sa mga narinig na bulungan..
Gweneivere? What a weird name, tss they know her, does it mean dito siya nag aaral? Tsk! Hindi na talaga magandang ideya ang paglipat ko dito, that snatcher! – sabi ni Drexel sa isip niya
Drexel's POV
Matapos niyang malaman ang pangalan nung snatcher na yon ay agad siyang lumabas ng room dala ang gamit niya
Tss tingin niya ba uubra siya doon? – rinig kong sabi nung isa kong kaklase, nacucurious ako sa kanya, gusto ko silang tanungin kung sino ba ung snatcher na yon pero ayoko! No way!
Pero bro! ang ganda niya talaga!! – rinig kong sabi nung isa, tss yon?! Maganda?! Bulag na ba sila!?
Oo nga pre! Grabe after 2 months ngayon ko na lang siya nakita! - sabi naman nung isa pa
Urghh!! Gusto ko na talagang magtanong! Akmang magtatanong na ko ng biglang magsalita si Rocco
Sino ba yung babaeng yon? – tanong ni rocco sa lalaking nakaupo sa harap niya, napangisi naman ako, minsan nakakatulong din pagiging chismoso nito eh
She's Gweneivere! Ang #1 crush ng campus! At siya din ang numero unong troublemaker! Pareho sila ni Savannah – sabi nung lalaki
Gusto kong masuka dahil sa narinig ko #1 crush ng campus?! Dafuq! Mas maganda pa si Icelle sa kanya eh! And obviously she's a troublemaker!
Ah best friends silang dalawa? – sabi ni rocco
Hindi ako sure bro, kasi rivals sila sa lahat ng bagay, pero lagi silang magkasama, parang best friends pero magkaaway – sabi naman nung isa pa
Di namin alam kung ano sila, basta lagi silang magkalaban pero lagi din namang magkasama, ang alam ko kasi marami silang similarities kaya magkasundo sila – sabi pa nung isa
KRRIINNG KRIIIING
Naputol ang pakikinig ko dahil nag time na, second subject na namin, Hapkido class, excited silang lahat sa subject na yon, kahit naman ako, mahilig ako sa martial arts
Nagpalit na kami ng damit namin, yung parang pang taekwondo, tapos dumeretso kami sa gym, habang papalapit kami sa gym may mga naririnig kaming ingay galing sa gym, parang tunog ng kahoy na sword tas may naglalaban may mga mahihinang sigaw din na parang sa karate, may mga kasabay pala kami, nagmadali naman yung mga kaklase ko na makapunta sa gym
TAK!
TAK!
HYAA!
Nang makarating kami sa gym nakita namin silang nag papractice, malawak ang gym kaya naman di kami mahihirapan, napatingin ako sa nagkakarate, konti lang sila at mukang mga 1st year highschool lang sila yung nasa bandang dulo ng gym, napatingin ako sa mga kaklase ko na biglang natahimik
TAK!
TAK!
TAK!
Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog na yon, ang klase nila ang pinakamalapit sa amin, lumapit naman ako sa mga kaklase ko na naglakad palapit doon, then umupo sila, nang makalapit ako nakita ko yung babaeng may green na buhok, nanatili akong nakatayo katabi ko si Ice na nakasunod pala sa akin , binalik ko ang tingin ko kay green haired girl naka suot siya nung kagaya sa amin pero all black ang kanila may hawak siyang Bamboo na nasa 6ft siguro ang taas , nakatutok yon sa kasparring niya na nakatalikod sa amin, yung mga kaklase naman nila nakaupo at naka pabilog tas sila yung nasa gitna
In 3..2..1 start! – sigaw nung teacher nila
Unang sumugod si green haired girl, pero madali iyong nablock nung kalaban niya, umikot sila at doon ko nakita ang kalaban niya, si snatcher
TAK!
TAK!
Pinanood ko lang sila, parehong mabibilis ang kilos nila pero obviously na mas mabilis si snatcher
TAK!
TAK!
Mabilis na sumugod si snatcher kay green haired girl, kita ko ang pagkataranta ni green haired girl kaya naman sa huling tira ni snatcher..
TAK!
TAK!
Crackk!
Ouch!
Napatingin ako kay Ice, may daplis siya sa pisngi, napakunot ang noo ko, agad kong kinuha yung panyo ko para ipangpunas sa dugong umagos sa pisngi niya
Tss ang lakas naman kasi ng tira mo! – rinig kong reklamo ni green haired girl, tas chineck niya yung dulo nung bamboo niya, nakita kong may basag na yon, mukang yun yung tumama kay Ice
You should give your hundred percent every training – rinig kong sabi ni snatcher
I know right! Kaya nga nagcrack tong Bo staff ko eh – sabi naman ni green haired
(A.N: Bo staff po ang tawag sa bamboo na hawak/gamit nila)
Okay stop it girls, keep it up, and you Gwen mukang nagimprove ka pa lalo ah? At hindi ka pa nakakaligtas sa pag takas mo – sabi nung teacher nila, napansin ko namang napasimangot si snatcher
Miss go to the clinic now, pasensya na at natamaan ka – sabi nung teacher nila kay Ice
O-okay lang po – sabi naman ni Ice
And next time don't come near the people who do Bojutsu, kung manunood naman kayo make sure to sit down kasi nga may time na minsan nabibitawan nila ang bo staff nila – dugtong nung teacher
I'm leaving – sabi ni snatcher, sabay hagis nung bo staff niya sa teacher nila, nasalo naman iyon nung teacher nila
Remember go to my office later, may teacher na nagreklamo nanaman sa akin about you – sabi nung teacher niya
Tss yeah right – bored naman niyang sabi tas naglakad na siya paalis, madadaanan niya kami kaya bago pa niya kami malagpasan nagsalita ako
Hindi ka manlang magsosorry? – sabi ko napahinto naman siya at napatingin sa akin
For what? – tanong niya
Seriously tinatanong mo yan? – sabi ko naman
Drex okay lang ako – sabi naman ni Ice at saka kumapit sa braso ko
She needs to apologize – sabi ko naman at saka ibinalik ang tingin kay snatcher, na siyang nakatitig kay ice
Apologize now – sabi ko at napatingin siya sa akin, nakipagtitigan lang din ako sa kanya, di ako papatalo sa babaeng to, tinitigan ko ang mata niya, at masasabi kong napakafearless ng mga tingin niya, bukod pa don wala na kong ibang mabasa, parang may kung anong nagtatago sa likod ng matatapang niyang tingin.. naputol ang pagiisip ko ng magsalita siya
Apologize my ass – sabi niya at saka tuluyan ng umalis
Sigh
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa ugali niya, such a brat
She would never apologize to someone like her
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon at nakita si green haired girl, napakunot ang noo ko sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin? Someone like her? Lahat ng tao may karapatan na makatanggap ng salitang sorry o kahit na ano pang magic words..
Gweneivere's POV
Apologize now – sabi nung kapre, na siyang nakatawag ng pansin ko,
nakipagtitigan lang ako sa kanya, pero bigla na lang akong nakaramdam ng awkwardness, gustong maglikot ng mata ko pero no! I shouldn't! kahit kailan di ako natalo sa ganito, they should fear my gaze pero bakit siya?!
Apologize my ass – sabi ko dahil talagang di ko na kaya ang mga tingin niya, sino ba kasi ang lalaking yon, he's annoying!
Dumeretso ako sa dorm para magpahinga, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko, matutulog na sana ako ng may sumira ng moment ko
Do you know her?
I think so – pabulong na sagot ko, nakita ko naman siyang pumunta sa kama niya
Hey sav – tawag ko sa kanya
Hmm – sagot niya
Who's that new student? – diretsong tanong ko,
Why? Siya na ba katapat mo? – tanong niya, ramdam ko ang ngisi niya kahit di ko siya tignan
As if naman – sabi ko
Eh bakit mo nga tinatanong? At bakit parang magkakilala kayo? – tanong niya
Kung magkakilala kami edi sana di na ko nagtatanong sayo – sabi ko, ramdam ko naman yung matalim niyang tingin sa akin
Nagkita na kami before – sabi ko
Paano? – mabilis niyang tanong
Nung pinagtripan ko sila tatang, nabangga ko siya ayon galit na galit ang kuya mo – natatawang sabi ko, kinuwento ko na din yung nangyare nung araw na yon
AHAHAH! Baliw ka talaga at napaka kuripot mo, sayo naman yung restaurant tas sila pa pinagbayad mo – sabi naman niya
At oo sa akin yung restaurant na yon, at di ako nanlilibre asa naman siya, di ko naman siya kilala eh
He's Drexel Guiao then yung kaibigan niyang mukang tuta ay si Rocco Tizon, then yung girl si Icelle Lim – dugtong niya
Guiao?
Aminin mo iba pakiramdam mo sa kanya no? and for the first time ikaw ang unang nagiwas ng tingin – sabi pa niya
Tss whatever – sabi ko at saka natulog na lang ang ingay niya na eh
♡ ♡ ♡ ♡ ♡