Drexel's POV
Maganda naman yung uniform, pero kahapon may mga nakita ako na parang military ang suot, yung amin maayos naman, Oo nga pala hindi first day dito 3rd week na ngayong pasok namin, ibang iba talaga ang takbo ng school na to
Drex tara na – sabi naman ni Rocco na mukang excited na excited
Sumunod na ako sa kanya, tinignan ko naman ang schedule ko ngayon, wala kasi akong idea kung ano ang first subject namin, first subject ay.. history of vampires, Vampires?! Ano ba naman to?!
Drexel!
Agad akong napalingon sa likod at nakita si Ice ang ganda niya talaga, bagay sa kanya yung uniform
Sabay na ako sa inyo kung okay lang? – mahinhing sabi niya di kagaya nung snatcher na yon! Agad kong iniling ang ulo ko para maalis sa isip ko ang snatcher na yon kainis!
Sige sabay ka na – sabi ko naman, napatingin naman ako kay Rocco at muka siyang tanga tsk!
~ Room III – AA (Room 3 double A)
Nang nakarating kami sa room namin agad na natigilan ang mga tao doon, lahat sila nakatitig sa aming tatlo, at maya maya lang
ANG GWAPO NIYA!
OO NGA HE'S HOT!
I WANT HIM!
UGHH HALATANG MY ABS!
LOOK AT THE GIRL SHE LOOKS INNOCENT
INNOCENT NGA KAYA?
Yan lang naman ang bulungan nila, mas malala pa to kaysa sa school ko dati, sila harap harapan ang mga pinagsasasabi, natahimik naman sila bigla nang dumating ang lalaking mukang nasa edad 30's na
Aga aga ang iingay niyo – sabi naman niya
So good morning sa inyo, mind to introduce yourselves? – tanong niya
Hi I'm Icelle Lim, nice to meet you, please take care of me – sabi naman ni Ice
Take care of you?
Napatingin kami sa pinanggalingan nung boses, at nakita ko ulit ung babaeng may green ang buhok nasa may window siya, nakapatong yung dalawang siko niya sa may window, sliding kasi ang window namin kaya kita rin namin ang lahat ng dumadaan sa hallway, 4th floor nga pala ang room namin
Why would they take care of you? – nakangising tanong niya ulit
Ms. Slade this is not your room so you better go to your room now – sabi nung teacher namin, napatingin naman siya doon sa teacher namin
So? Na bother lang ako sa sinabi niya, why would her classmates need to take care of her? Is she sick? Is this a hospital? Is she.. a princess or is she a baby... who needs a nanny? – nakangising sabi niya at saka umalis na at pumasok sa room na katapat namin ang Room III – AAA
Napailing naman yung teacher namin, yung iba naman sa kaklase namin ay natawa yung iba napailing yung iba naman parang wala lang
Please continue your introduction, don't mind that trouble maker – sabi ni Sir
Hi girls! I'm Rocco Tizon, you can simply call my Rocco – nakangiting sabi ni Rocco, yung mga babae naman parang hihimatayin na sa kilig tss
Drexel Guiao – tipid kong sabi, na siyang kinatulala ng mga kababaihan tsk
Please proceed now to your chairs, I'm Alvin Olliston your History teacher – sabi niya
Umupo na kami sa vacant sit na nasa dulo, si Ice sa may harapan ko nakaupo si Rocco naman sa tabi ko
Sir! Wag na tayo magklase, memorize na po namin ang tungkol sa Vampires – sabi nung isa naming kaklase
Hahaha paano naman yung mga new students? – tanong ni Sir
Agad naman silang nagsilingon sa aming tatlo
Are you aware that Vampires are real? – tanong ni Sir pero sa akin siya nakatingin, nakipagtitigan din ako sa kanya habang nakakunot ang noo
Yes they're real, and we, Grizzleians, we are against them – sabi ni Sir
Pero sir meron akong tanong, noon pa to gumugulo sa isip ko eh, paano po nagsimula ang Vampire Clan? – tanong nung isa kong klase, na nakatawag ng interes ng lahat kahit na ako
Walang nakakaalam ng tunay na kwento kung paano nagsimula ang angkan ng mga Vampires, Pero ayon sa founder ng School of Grizzle, ang unang vampire ay nabuo dahil sa sumpa, the first vampire is a human, his name is Ciro, marami ang nahuhumaling sa kagwapuhan niya – kwento ni sir olliston
Si Ciro ay isang hunter, nanghuhuli siya ng mga mababangis na hayop sa gubat para ibenta ang mga ito sa malaking halaga, yon ang hanap buhay niya, wala na ang mga magulang niya ang kanyang ama ay namatay dahil sa ginawa ng kanyang ina, nagkaroon ito ng ibang lalaki, nang maghiwalay ang mga magulang niya nasira na ang buhay niya..
ang kanyang ama ay nagsimula ng saktan siya dahil lagi itong lasing, di rin naman nagtagal namatay ito dahil sa lungkot at sa pagka pabaya sa sarili, nabalitaan naman niya na namatay na rin ang kanyang ina dahil sa sakit, simula noon siya na ang bumuhay sa sarili niya marami ang babaeng nagtatapat ng pag-ibig sa kanya, pero lahat ng ito ay pinagsasalitaan niya ng masasakit na salita hindi niya maiwasang magalit sa babae dahil sa nangyare sa mga magulang niya – kwento ni sir
Naging mailap siya sa mga babae, pero may isang bukod tangi na hindi tinatablan ng kasungitan niya at pagiging matalas ng dila niya iyon ay si Akantha, araw araw siyang pinagsisilbihan nito at sinusundan, palagi itong nakadikit sa kanya kahit na sinusungitan niya ito, nagtapat na din ito ng pag-ibig sa kanya pero agad niyang tinanggihan ang pagibig nito, si Akantha ay isang witch, hindi alam ni Ciro ang tungkol doon – dugtong ni Sir olliston
Isang araw habang nangangaso siya ay may nakita siyang magandang babae, agad siyang nahumaling sa ganda nito, dali dali niyang nilapitan ang babae at nagpakilala, nalaman niya na ang pangalan ng babae ay Selene, simula nang magkakilala sila ay lagi na silang magkasama, nawala ang yelong nakapaligid sa puso niya ng makilala si Selene, at nagsimula ng mahulog ang loob nila sa isa't isa, Masaya silang nagmamahalan pero may isang tao na hindi masaya, si Akantha, napuno ng galit ang puso niya..
Selene, nagpapasalamat ako dahil nakilala kita, ikaw ang dahilan kung bakit nakita ko ang tunay na kulay ng mundo, mahal na mahal kita Selene, gusto kong makasama ka habang buhay – sabi ni Ciro
Mahal na mahal din kita Ciro – naluluhang sabi ni Selene
Magpakasal na tayo, selene, tatanggapin mo ba ang alok kong kasal? – tanong ni Ciro
Oo naman C--
Hindi ko hahayaang maging masaya kayo! – sigaw ni Akantha
Akantha?! – gulat na sigaw ni Ciro, agad niyang inilagay sa likod niya si Selene
Ciro anong meron ang babaeng yan na wala ako?! – sigaw ni Akantha
Mahal ko siya Akantha – sabi ni Ciro
Pero mahal din naman kita Ciro?! Bakit di mo ako magawang mahalin?! - sigaw ni Akantha
Akantha hindi natuturuan ang puso! – sigaw ni Ciro
Pwes hindi ko hahayaan na maging masaya kayo!! – sigaw ni akantha kasabay ng pagtaas ng kamay niya ay ang pagbuhos ng ulan at ang malalakas na kulog at kidlat
Agad na nanigas si Selene at tila hindi makahinga
c-ciro – nanghihinang sabi nito, agad na napatingin si Ciro kay Selene
S-selene?! Selene! Anong nangyayare sayo?! – sigaw ni Ciro, agad na bumagsak si Selene, buti at maagap si Ciro kaya nasalo niya si Selene
M-mahal n-na m-mahal k-kita C-ciro – nanghihinang sabi ni Selene at saka nito ipinikit ang mga mata nito at tuluyan ng nawalan ng buhay
AHAHAHAAHAHAH – malademonyong tawa ni Akantha
ANONG GINAWA MO SA KANYA?! – sigaw ni Ciro, nagulat siya ng makita ang itusra ni Akantha, mahaba ang kuko nito, may pulang mata at may mahabang buhok, napapalibutan din ito ng itim na kapangyarihan
DEMONYO KA! – sigaw ni Ciro
AHAHAHAHAAH! HINDI KA MAGIGING MASAYA CIRO! LAHAT NG MAMAHALIN MO MAMAMATAY! AHAHAHHAAHAH! – sigaw ni Akantha
WALANG HIYA KA! - Sigaw ni Ciro at akmang susugurin si Akantha pero naunahan siya nito, napahawak siya sa leeg niyang hawak ni Akantha, lumutang siya sa ere
Hindi ka mabubuhay ng normal! hindi ka na makakalabas ng may liwanag! dugo lang ang tanging bubuhay sayo! Habang buhay kang magiisa! Habang buhay kang mabubuhay! – sigaw ni Akantha
Magkakaroon ka ng kahinaan! Kapag nadikit sayo ang bagay na ito ay agad na masusunog ang balat mo! – sigaw ni Akantha at tuluyan na itong nawala ng parang bula
Ang cliché naman sir! – sigaw nung isa kong kaklase
Oo nga sir? Totoo ba yon? – sabi naman nung isa
Wag kayong maniwala dyan!
Agad kaming napalingon sa may hallway, may nakita akong lalaki na nakangiti, mukang military yung suot niya
Hahahaha! Muka ba akong sinungaling Val? – tawa tawang sabi ni Sir Olliston
Oh my gosh si Val!
Ang gwapo niya talaga!
Oo nga girl!
Pamatay ang smile!!
Rinig kong bulungan nung mga babae, tss mas gwapo pa ko dyan eh
Haha! Naman! – sabi nung val
Wala pa rin siya, di na pumapasok ang batang yon haha – sabi ni Sir, sino naman kaya ang tinutukoy nila?
Ganon ba? naku talaga ang isang yon! Sige Sir Al una na ko – sabi nung Val
Sige, kahit papaano tahimik ang school hahaah – natatawang sabi pa ni sir
Hahaha may punto kayo! Haha kaso kailangan niya ng pumasok – sabi nung val at saka tuluyan ng umalis
Sir! How to be you?! – sigaw nung isang babae, napakunot naman ang noo ni sir
Sir gusto rin naming makaclose si Vaaal – sabay sabay na sigaw nung mga babae, tss sino ba kasi yon tsk! Baka guard HAHAAH
KRIIINNGGGG KRINNG!
Hahah! Sige na class dismissed – sabi ni Sir sabay labas na sa room
Nagsilabasan na sila sa room, ganon din naman ang ginawa naming tatlo, ang hirap maniwala sa history na yon tsk!