Third Person's POV
5:00 am in the morning nang umalis sila sa kanilang bahay para pumunta sa forbidden forest, no choice sila dahil drop na sila sa school nila
Nasan na ba tayo? – tanong ni Rocco
Tss malay ko – asar na sabi ni Drexel
Pinagpatuloy lang nila ang paglalakad, napatingin si Drexel sa wrist watch niya 5:59 am na pero hindi pa rin nila alam kung nasaan na sila, maya maya may narinig silang paparating
Choo Chooo!
Nakita nila ang papalapit na silver train napapikit sila ng tumama ang sinag ng araw sa train
Good morning Sir – bati ng lalaki pagkabukas ng pinto
Nagdadalawang isip sila kung sasakay ba sila o hindi, dahil hindi nila alam kung saan ba papunta ang train na to
Papunta kayong School of grizzle tama? – nakangiting sabi ng lalaki
Napatango naman ang dalawa at saka sumakay na sa train, nilibot nila ang paningin sa loob, at napagtanto nilang hindi lang sila ang nakasakay
Uhm new student din kayo? – tanong ng babae sa kanila
Ganda drex! – bulong ni Rocco
Shh – saway ni Drexel sabay siko ng mahina kay rocco habang nakatitig sa babae
Ah o-oo – sabi ni Drexel
Buti naisipan niyong mag enroll don, last year daw kasi konti lang ang nagenroll buti ngayon marami na tayo – nakangiting sabi niya
a-ah hehe oo – sabi na lang ni Drexel pero di niya inaalis ang tingin sa babae
By the way I'm Icelle, Ice na lang for short – sabi niya sabay lahad ng kamay
Drexel – sabi ni Drexel sabay tanggap ng kamay ni Ice
Rocco – sabi ni Rocco sabay kuha sa kaliwang kamay nito
Matapos nilang magpakilala sa isa't isa ay natahimik na sila, mga nakatingin sila sa labas, naramdaman din nilang lumamig ang temperatura
Ice bakit ka nagenroll sa School of Grizzle? – tanong ni Rocco
Galit ako sa vampires, hindi dapat nageexist ang mga kagaya nila – sabi niya
Bakit may nangyare ba? – takang tanong ni Rocco agad naman siyang siniko ni Drexel
Aw – daing niya
Ah ice pasensya ka na chismoso kasi tong si Rocco – sabi ni drex
a-ah okay lang – mahinhing sagot ni ice
habang tumatagal ay lalong lumalamig ang temperature, napansin naman ni drexel na napahawak na sa magkabilang braso si Ice
Nilalamig ka? – tanong ni Drexel di pa nakakasagot si Ice ay agad niya ng hinubad ang suot niyang jacket at saka ipinatong sa balikat ni ice
Damooooves – bulong ni Rocco, pasimple namang tinapakan ni Drexel ang paa ni Rocco
Awww – daing ulit niya
t-thankyou – sabi ni Ice
maya maya huminto na ang train na sinasakyan nila
Goodluck and enjoy your first day here at School of Grizzle! – rinig nila sa speaker
ROCCO's POV
Grabe feeling ko nabugbog ang katawan ko kakasiko at tapak sakin ni Drex! Damoves kasi eh haha! Nang bumukas na yung pinto ay agad akong lumabas at nanginig dahil sa sobrang lamig!
Grabe bakit feeling ko lungga to ng Vampires dahil sa sobrang lamig? Hinanap naman ng mata ko si Drex at ayon nakikipag landian hahaah! Bahala nga siya naglakad na ako papunta sa silver gate, nang makalapit kami ay kusa itong bumukas
Ang daming bulaklak nilapitan ko ang mga ito at napagtanto kong vervain ang mga to, mukang hindi ito lungga ng vampires, nilibot ko ang tingin sa buong paligid, di kalayuan nakita ko ang kakaibang entrance, puro glass siya tas parang patriangle yung itsura ang ganda tignan
WOAH!
ANG COOL!
OO NGA!
GANDA!!
MAY GANITO PALA DITO?
Rinig ko ang bulungan nila talaga namang mamamangha ka sa itsura nung school, pumasok na kami sa loob at halos manalamin ako sa mga gamit dahil silver silang lahat
Welcome Grizzleians! Before anything else please proceed to the deans office – bati sa amin ng lalaki na mukang nasa 40 na at saka naglakad agad naman kaming sumunod sa kanya
~Dean's Office
Here's the key to your room, after niyong ayusin ang ga--
BOOOGGSSHHH!!
Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay, may pumasok na magandang babae na kakaiba yung suot parang pang military na ewan at may hawak siyang babae
What is it this time Ms. Varn? – tanong ni Dean
Mukang wala ng pagasang magtino to Dean – sabi nung Varn tukoy doon sa hawak niyang babae na pilit nagpupumiglas
Tsk bitawan mo nga ako – asar na sabi naman nung isang babae sabay agaw ng braso niya, green ang buhok niya, kung titignan ang itsura niya muka siyang..
Such a troublemaker! – sabi nung Varn
Ayon sinabi na niya ang gusto kong sabihin
Sige na Ms. Varn iwan mo na siya dito – sabi ni Dean tas umalis na yung Varn, prof ba yon? Muka namang hindi
What did you do this time? – tanong ni Dean
Tss di ako bata – sabi niya naman at akmang aalis na
SAVANNAH! – sigaw ni Dean na maski kami ay nagulat
What? – asar na tanong nung savannah
Lagi mo na lang pinasasakit ang ulo ng lahat ng tao dito! Kailan ka ba magtitino ha? – galit na sabi ni Dean
Just don't mind me! Ano bang mahirap don? – sagot naman nung savannah
Don't mind you?! Paanong di ka papansin kung puro gulo ang ginagawa mo?! Nung isang lingo sinunog mo buhok ng kaklase mo, sumunod tinadyakan mo muka nung professor niyo, tapos yung isa hinulog mo sa hagdan yung representative ng Council, then kahapon muntik mo ng masunog ang buong school! – sunod sunod na sabi ni Dean
Napanganga naman kami talaga sa mga ginawa niya
Kaya nga wag niyo kong pakialaman para di ako gumawa ng gulo – sabi naman niya sabay alis na
Napaupo naman agad si Dean habang nakahawak sa sentido niya
Sorry about my daughter – sabi niya na ikinagulat namin
a-anak niyo? – gulat kong tanong
Haha yes that troublemaker is my daughter – napapailing na sabi niya
So back to our topic, after you fix your things you can have your tour here, and also your uniforms are located in your locker – sabi naman niya
Lumabas na kami para pumunta sa kawartong nakaassign sa amin, mamaya na namin kukunin yung uniform namin, habang naglalakad kami papunta sa dorm namin madami kaming nasasalubong na estudyante at ang masasabi ko lang kakaiba yung uniform ng school na to
Nakarating na kami sa room namin magkasama kami ni Drex sa isang room, malaki naman yung room maganda rin yung interior niya parang sa hotel ang dating
Drex! Ano sa tingin mo? – tanong ko kay drex
Weird! – sagot naman niya
Tss korni mo talaga – sabi ko
At yung uniform anong trip ng school na to para ganon ang itsura ng uniform? Ang init init – sabi niya
Naiinitan ka pa sa lagay na to? – gulat kong tanong eh parang nasa Antarctica nga kami sa sobrang lamig
Tss – sagot naman niya, psh alam ko na yan hahaah nagagandahan yan dito hahaahah!
Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto, may nakita akong kakaibang switch, ano naman kaya to?
Tick
BZZIINNNGGG!
UGHH!! f**k!! PATAYIN MO – sigaw ni Drex, ako naman para akong nabulag dahil hindi ko mapatay yung switch, kumapa kapa ako hanggang sa mapatay ko na
Ilang sandali bumalik na sa dati ang paningin ko, grabe sobrang liwanag! Akala ko mabubulag na ko! Mukang para sa mga vampires yung switch na to if ever na may makapasok
Sira ulo ka talaga akala ko mabubulag na ko – sabi ni drex
Sorry na po, akala ko kasi kung ano lang – sabi ko
Bukas na ang simula, ano nga kaya ang mangyayare? Excited na ko!!
♡ ♡ ♡ ♡ ♡