~After 1 week..
Drexel's POV
Hanggang ngayon nagiinit pa rin ang ulo ko dahil sa nangyare nung isang linggo, yung babaeng yon! Wag lang talaga magtagpo ang landas naming dalawa! At baka malimutan kong babae siya!
Chill ka lang drex kawawa na yung libro – rinig kong sabi ni Rocco kaya napatingin ako sa hawak kong libro halos sira na agad ko naman itong tinapon sa kung saan
Kainis! – asar kong bulong alam niyo kung ano ang kinabibwisit ko? Yung babaeng snatcher na yon!
Ang lakas ng loob niyang hatakin ako sa restaurant na yon tapos ako pala ang pagbabayarin niya?! Aish! Ano pa nga ba ang aasahan ko sa snatcher na yon
Uhm hi Drexel for you – napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yon, sino naman tong babaeng to? May hawak siyang box at kung ano man yon wala akong pakialam, di ko na siya pinansin
Thank you daw sabi ni Drex pasensya na pipi kasi siya –rinig kong sabi ni Rocco na siyang nakatawag na talaga ng pansin ko
ARAY! – isang malakas na batok ang natanggap niya mula sa akin
Sira ulo – sabi ko
Drex may sasabihin ako sayo – sabi ni rocco
Spill it – sabi ko naman, pero hindi pa rin siya nagsasalita, patingin tingin siya sa lapag tas sa akin tas sa lapag
The f**k is wrong with you? – kunot noo kong tanong sa kanya
k-kasi ano – sabi niya tas nilaro laro pa yung kamay niya, napailing na lang ako sa kinikilos niya
what? – inip kong tanong
kasinapaenrollakosaibangschool – mabilis niyang sabi
ha? – sabi ko napakamot naman siya sa ulo niya
n-napaenroll ako sa ibang school – nakayukong sabi niya
oh edi lumipat ka – bored kong sabi tsk kala ko naman kung ano
KASAMAKA! – mabilis niyang sigaw
Napatitig ako sa kanya at pilit na iniintindi ang sinabi niya, nang mapagtanto ko kung ano yon ay agad nanlaki ang mga mata ko at gulat siyang tinignan
ANO?!! – sigaw ko na nagpalingon sa mga kaklase ko, sinamaan ko sila ng tingin kaya naman nagsibalik sila sa mga ginagawa nila
HUHUHUH! Wag ka munang magalit please pakinggan mo muna ako – nagmamakaawa niyang sabi, kaya naman tumahimik muna ako at hinintay ang paliwanag niya, agad niya akong hinila papunta sa rooftop
Hindi ko naman kasi alam na totoo pala yon, tinry ko lang naman kasi sino ba namang maniniwala na kapag tinype mo yung pangalan mo don sa website eh kusa ka ng maeenroll at sa isang iglap may envelope na sa harap mo na nagsasabing enrolled ka na at drop ka na sa school mo – mahaba niya niyang paliwanag pero isa lang ang tumatak sa isip ko
Website? – taka kong tanong
O-oo nakita ko kasi yung link sa librong binabasa ko, actually hindi madaling makita yung link na yon – sabi naman niya
Ha? – sabi ko naman
a-ano pagka search ko nung link na yon bumungad sa akin yung black background na page na may touch of silver tapos sa gitna non may nakasulat Enroll here then tinype ko yung pangalan ko tapos yung sayo para may kasama ako kunyari – sabi niya
Sira ulo ka ba? hindi totoo yon – sabi ko
Yan din ang akala ko pero totoo eh – sabi niya at saka nilabas ang silver envelope
Kinuha ko yung dalawang envelope na hawak niya, binuksan ko yung envelope na may pangalan ko
Welcome Drexel Guaio!
You are now enrolled in School of Grizzles! Wait for your service the day after tomorrow 6:00 a.m in the middle of forbidden forest.
Yun ang nakasulat, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala dito kasi nakakagago ang pangyayare
Tsk di yan totoo – sabi ko sabay tapon nung envelope, tas lumabas na ako sa rooftop nakasunod naman siya sa akin
Tingin mo di tunay? – pangungulit niya sa akin, di ko na lang siya pinansin dahil baka magulpi ko siya
Habang naglalakad kami pabalik sa room may lalaking nerd na lumapit sa amin
Pinapatawag po kayo ng dean– sabi niya at saka tumakbo na paalis, nagkatinginan kami ni Rocco
~Dean'sOffice
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok
Have a seat Mr. Guiao and Mr. Tizon – sabi niya
Bakit niyo po kami pinatawag? – tanong ni Rocco
This is your last day here – sabi niya na siyang ikinagulat naming dalawa
Ha? – gulat kong tanong
Because you will be transferring to School of Grizzle, you enrolled there right? – sabi niya
Literal na napanganga ako sa sinabi niya
p-pero—
no more buts Mr. Guiao naitransfer na ang mga files niyo doon, you may now leave – sabi niya
lumabas kaming tulala doon sa office
PAK!
Aray! – daing niya ng batukan ko siya
Anong kagaguhan ba kasi yang pinaggagagawa mo?! At anong klaseng school yon? Saan mo napulot yung lintek na website na yon?! – sigaw ko sa kanya
d-dito – sabi niya sabay pakita nung libro sa akin
All about vampires
Napahampas ako sa noo ko, king ina! Ano nanaman ba tong pinasok namin? Pahamak talaga tong lalaking to
Anong klaseng school naman yon? – sabi ko
v-vampire slayers – sabi niya
hindi ko alam kung masisiraan ba ako ng bait sa mga pinagsasasabi sa akin ng lalaking to
paano naging school yon?! – asar kong sigaw
WAAAHHH DI KO ALAM HUHUHU! – sigaw niya tas naglupasay pa sa sahig
Lintek Vampire Slayers?! Ni hindi nga ako naniniwala sa Vampires!
Agad akong umuwi dahil nawala ako sa mood, nadatnan ko si dad na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo, tss old style
Aga mo ah? – sabi ni dad, umupo ako sa katapat niyang upuan
Oh bat ganyan itsura mo? – sabi niya
Tsk – yun lang ang tanging naisagot ko
Paano mo nalaman ang school na yon? – tanong niya habang di nakatingin sa akin, bahagya akong nagulat pero narealize ko na siguro tumawag na dito yung school na pinapasukan ko
Si Rocco ang may gawa, dinamay pa ko sa kalokohan niya tsk – asar kong sabi, rinig ko naman na natawa siya ng mahina
Talagang attach na attach siya sa Vampires ano? – sabi ni dad na siyang ikinalingon ko
Ewan ko ba don sa lalaking yon parang sabog lagi, ni hindi ko alam kung saan niya napulot yung librong yon – sabi ko
HAHAHA, sa akin ang librong yon – sabi ni dad na siyang ikinahinto ko
s-sayo? – paguulit ko, tumango naman siya and this time nakatingin na siya sa akin
alam kong marami ng katanungan diyan sa isip mo, at doon sa school na yon, doon lahat masasagot yan – sabi niya at saka umalis na
kay dad galing ang librong yon at mukang alam niya ang tungkol sa school na yon.. Does it mean totoo ang vampires?
♡ ♡ ♡ ♡ ♡