ADAM SEBASTIAN (PRESENT TIME) “Daddy, galit po yata si mommy.” nakangiti na sabi ng anak ko habnag nilalaro niya ang aso na binili ko para sa kanya. Naisip ko kasi na magiging masaya siya kapag may kasama siya palagi. Lalo na matagal na niyang gusto ng aso. “Mukha nga, sweetie.” sabi ko rin sa kanya. “Pero ang cute niyo pong dalawa. Bagay po pala talaga kayong dalawa.” tumatawa na siya ngayon. “Sweetie, okay kana ba? Sure ka ba na gusto mo ng pumasok tomorrow?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. “Opo, daddy sure na po ako. Ayaw ko na pong umabsent.” sabi niya sa akin. “I know that this is hard for you. But I promise you na hindi ko hahayaan na masaktan ka pa ulit ng mommy mo, sweetie.” “She’s not my mommy. Mas gusto ko pang maging mommy si ate Rachel.” umiiyak na sabi niya. “Hush, y

