RACHEL “You need to check Reighn from time to time. The last that we talked ay maayos siya. Masigla at madaldal but now tahimik na naman siya na para bang ang dami niyang iniisip. Hindi ko na lang muna siya pinilit na magkwento because she needs enough time.” sabi sa amin ng doktor. “Ginugulo kasi kami ng mommy niya kaya siguro ganito ang nangyayari sa kanya.” malungkot na sabi ni Adam. “Malalim ang iniwang trauma ni Katherine sa anak niya. At hindi ito agad mawawala. Hindi natin kaya ng months lang. Kailangan ni Reighn malampasan ang pagsubok na ito. At alam ko na kaya niya basta palagi kayong nasa tabi niya lalo kana Rachel. She needs you now.” “Po?” nagtataka na tanong ko sa doktor. “She likes you so much. She adores you, noong kinakausap ko siya ay ikaw ang role model niya. She s

