THIRD PERSON POV Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat sa pagsasama ni Rachel at Adam. At ngayong araw ay ang race ni Rachel. Bago siya lalaban ay niyakap at hinalikan muna siya ni Adam. “I’m so proud of you.” bulong ni Adam sa kanya. “Wala pa nga, mahal.” natatawa na saad ni Rachel. “Advance lang ako, mahal.” sabi naman nito sa kanya. “Okay po, sige na punta na ako doon. Relax and enjoy lang kayo nila manang.” “Okay po,” sabi ni Adam at muling hinalikan ang labi ng kanyang kasintahan. Ito ang unang beses na may manunuod kay Rachel kaya medyo kabado siya. Ang totoo niyan ay pinadala pa niya galing sa US ang racing car niya. Dahil iyon ang sasakyan niya at kabisado na niya ito. Mas kumportable siyang gamitin ang sasakyan niya. Ang lagi niyang kasama noong lumalaban

