RACHEL Hindi ako makatulog habang si Adam ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi talaga ako dalawin ng antok kahit pa anong gawin ko. Iniisip ko talaga kung sino ang nagpadala ng mga pictures kay Adam. At bakit kay Adam siya nagpadala? “Si Katherine kaya? Alam na kaya niya ang tungkol sa amin ni Adam?” tanong ko sa sarili ko. “O baka naman si Kate?” naguguluhan na ako at masakit na ang ulo ko sa kakaisip. Niyakap ko na si Adam at inamoy-amoy ko siya para naman dalawin na ako ng antok. Pero wala pa rin kaya naman dahan-dahan akong bumaba sa kama namin at naglakad ako papunta sa may balcony. Nagbrowse ako sa social media ko. Nainip naman ako kaya mas pinili ko na bumalik na lang ulit sa tabi ni Adam. “Mahal, hindi ako makatulog.” mahina na sabi ko sa kanya. “Hmm, why?” inaantok n

