RACHEL “Mommy, are you okay?” Tanong sa akin ni Reighn na halatang nag-aalala siya sa akin. “Opo, okay lang ako.” Sagot ko sa kanya. “Huwag niyo na lang po pansinin si witch. Hindi po totoo ang mga sinasabi niya. She's a liar po at gusto lang niya na agawin sa ‘yo si daddy.” Sabi sa akin ni Reighn. “Baby, don't say that. Kahit pa ganun ang mommy mo ay mommy mo p rin siya.” Sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na ganito siya magsalita sa sarili niyang ina. “Opo, I’m sorry po.” “Alam ko na galit ka sa mommy mo. Pero mommy mo pa rin siya.” Sabi ko sa kanya. “Sana nga po ikaw na lang ang naging mommy ko.” Sabi niya sa akin. “Hindi man kita anak na tunay ay lagi mong tatandaan na mahal kita. 2in1 ang pagmamahal ko sa ‘yo. Ate at mommy mo.” Sabi ko sa kanya. “I love you, mommy.” “I love you

