RACHEL Paglabas ko sa banyo ay nakaupo siya sa swivel chair niya at mukhang nagtatrabaho siya. Hindi na lang ako nagsalita at humiga na lang ako sa kama namin dahil inaantok na naman ako. Maaga pa namam kaya magpapahinga na muna ako. Hinayaan ko ang sarili ko na matulog dahil ang bigat na ng talukap ng mga mata ko. Nagising ako dahil kakain na kami. Tahimik ang lahat habang nasa hapag kami. Kahit pa natapos na kaming kumain ay tahimik pa rin kaming lahat. Nauna na lang akong umakyat sa silid namin. At habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. “I’m sorry, mahal.” Sabi niya sa akin. “Nasaktan ako, para bang bad influence ang tingin mo sa akin para kay Reighn.” “I’m sorry, nag-aalala lang ako. Marami lang akong problema ngayon. At alam ko na hindi

