RACHEL “Hahaha, let me guess. Hindi pa noh, kasi ang totoo niyan ay—” “Shut up!” inis na sabi ko sa kanya. “Tama naman ako diba? Hindi pa siya nagsasabi ng I love you sa ‘yo. Niyaya kang magpakasal pero i love you lang hindi niya masabi sa ‘yo. Kaya sa tingin mo? Mahal ka ba talaga niya? Alam mo nakakatawa kayong dalawa.” natatawa na saad niya. Naikuyom ko ang palad ko dahil tama siya. Hindi ko pa talaga narinig na nagsabi sa akin si Adam ng I love you. Palagi niyang sinasabi sa akin na special ako at gusto niya ako. Tinatawag niya ako na mahal. Pero ang salitang mahal kita ay never ko pang narinig mula sa kanya. Kahit pa inaangkin niya ako lagi at lalo na noong nagpropose siya sa akin ay wala akong narinig mula sa kanya. “Alam mo, hindi mo pa kilala si Adam. Marami ka pang hindi alam

