RACHEL “Happy birthday to you… Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday kambal..” Sabay-sabay kaming kumakanta. One year old birthday ng kambal ngayon. Ang bilis lang isang taon na pala sila ng hindi man lang namin namamalayan. Marami ang nagbago sa amin ni Adam. Naging mas matatag kaming dalawa ng asawa ko. Hindi naging madali ang mga buwan na dumaan sa buhay namin. Mahirap para sa amin lalo na kapag nagkakasakit ang kambal. Pero parte kasi ng paglaki nila ang pagkakasakit. Hindi ako pinabayaan ng asawa ko na mag-isa. Sa lahat ng pinagdadaanan namin ay palagi ko siyang kasama. May mga bagay man kami minsan na hindi napagkakasunduan pero naaayos rin naman agad namin. Hindi hinahayaan ng asawa ko na matulog kami na hindi okay. He’s very mature to handle things, to handle

