RACHEL Nakangiti ako habang nakatingin sa mag-ama ko tuwing umaga ay hindi talaga pumapalya ang asawa ko na paarawan ang mga anak namin. Kahit pa gaano siya ka-busy ay talagang nag-lalaan siya ng oras para sa amin. Naging smooth ang lahat sa buhay namin. Mahirap para sa akin na first time mom pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko ay hindi ko ramdam ang pagod. Dahil sa mag-ama ko ay nababawasan ang lungkot ko. Ang lungkot na hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. Nang magpatingin ako sa doktor ay sinabi sila sa akin na nakakaranas ako ng postpartum. Nararanasan raw talaga ito ng mga babaeng katatapos lang manganak at nalaman ko rin ang isa sa mga kwento ng buhay ni mommy Carmela. Laking pasasalamat ko dahil hindi lumalala ang lahat sa akin. Nagpapasalamat ako dahil hindi pinaparamdam

