ADAM SEBASTIAN Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman ako ganito noong ipinanganak si Reighn. Pero ngayon ay sobrang natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko na pinapakita lang sa akin ng asawa ko na malakas siya. Alam ko na nasasaktan siya at nahihirapan. “Mahal, relax ka lang kaya ko ito.” salitang sinabi niya bago kami pumasok sa loob ng delivery room. “Mahal na mahal kita at nasa tabi mo lang ako.” bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya noo. At sa araw na ito ay nasaksihan ko ang paghihirap ng asawa ko. Mas lalo ko siyang minahal dahil kitang-kita ko ang paghihirap niya para lang mailabas ng safe ang mga anak namin. At habang buhay kong alalahanin ang araw na ito. Nang mailabas niya ng safe ang anak namin ay nataranta ako dahil bigla na lang siyang pumikit. “Rel

