RACHEL “Lagot na,” narinig ko na sabi ng kambal. Ako naman ay nakatingin sa asawa ko na halatang nagulat na makita ako. Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi siya tumawag sa akin. Kasama niya pala ang babaeng may lihim na pagnanasa sa asawa ko. “M–Mahal,” mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa labi pero hindi ko tinugon dahil naiinis ako sa kanya. “Daddy, dinalhan ka po namin ng lunch.” masaya na sambit ni Alliyah. “Thank you, sweetie.” malambing na sabi niya sa mga anak namin. “Hi, Miss pretty. What are you doing here?” nakangisi na tanong ni Adler sa babae. “Hi, nandito lang ako para magpasalamat. Nagdala rin ako ng lunch para kay gov, pasasalamat ko sa pagtulong at pagligtas niya sa akin.” sagot ng babae na nagpapa-bebe pa kahit sa anak ko. “Kids, umuwi na tayo

