RACHEL “Saan ba kasi tayo pupunta, mahal?” tanong ko sa kanya. “Malalaman mo rin, mahal ko.” malambing na sagot niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya kung saan ba kami pupunta. Pero alam na alam ko rin ang daan na tinatahak namin ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya hanggang sa nakarating na kaming dalawa sa bahay kubo namin. Ang lugar at nag-iisang paraiso para sa aming dalawa. Mabilis na nagbago ang mood ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Iba talaga ang binibigay na peace of mind ng lugar na ito. “Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya. “Nandito tayo kasi gusto kong ipapaalala sa ‘yo na walang ibang babae sa buhay ko kundi ikaw lang.” sabi niya sa akin kaya parang iiyak na naman ako. Kapag kaming dalawa lang kasi at lalo na kapag nandito kaming

