RACHEL Napa-hinga ako ng malalim habang nakatambay dito sa likod ng building namin. Kakatapos lang ng class ko. At ayaw ko pang umuwi. Wala rin naman akong gagawin sa condo ko at tinatamad rin akong gumala sa labas. Kaya mas pinili ko na tumambay dito para pag-isipan ang gagawin ko sa birthday ni Reighn. “Ang lalim naman.” biglang sumulpot sa tabi ko si Lance ngumiti lang ako sa kanya. “Here, palamig ka muna.” sabi niya sa akin sabay abot ng binili niya na ice cream. “Lance, may tanong ako sa ‘yo.” “What is it?” tanong niya sa akin at umupo na siya sa tabi ko. “Kapag ba may mga occasion sa inyo ay pumupunta ka ba talaga?” tanong ko sa kanya. “Depende, pero madalas ay pumupunta ako kahit pa ayaw ko. Lalo na kung birthday ng mga pinsan ko. Ayaw sa akin ng isa sa parents nila pero mins

