RACHEL “Bakit? Bakit mo ba ako pinapahirapan?” tanong ko sa kawalan. Ini-iwas ko na nga ang sarili ko sa kanya pero gusto pa rin niya akong maging parte ng buhay at pamilya niya. Kahit pa gaano ito kaganda ay malungkot akong nakatingin sa gown na pinadala niya sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ba itong isuot. “Please come and wear this.” basa ko sa note na kasama sa gown. Inayos ko ang gown sa box niya. Humiga na ako dahil gusto ko ng matulog. Habang nakahiga ako ay nakatulala lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto o baka oras na siguro akong nakatulala dito. Pipikit na sana ako pero biglang umilaw ang phone ko. Kumunot ang noo ko dahil si ninong ang tumatawag sa akin ngayon. Ayaw ko sanang sagutin pero naka-tatlong tawag na siya. “Hello,” sagot ko sa tawag. “Hello po

